- Arurot - pangngalan
- sapilitang pagbibigay
- Ayoko ng atensyong arurot. - Asahar - pangngalan
- puting bulaklak na nakakatulad ng bulaklak ng dalandan na inilalagay sa ulo ng babaing ikakasal, ng batang babaing nagpiprimero komunyon, atbp. Ito ay karaniwang artipisyal.
- Pakiayos ang asahar ni Ann. - Asbad - pangngalan
- pahagupit na palo
-Mahilig siyang mang-asbad. - Botyok - pang-uri
- mataba at mabilog, karaniwang ikinakapit sa mga sanggol at bata
- Ang botyok naman ng pamangkin mo! - Brebe - pang-uri
- biglaan o dali-dali
- Brebe siya kung sumagot. - Buyon - pang-uri
- malaki ang tiyan; bundat
- Ang hirap humanap ng damit lalo na't buyon ako. - Karangkang - pangngalan
- paghahambog o kahambugan
- pagkakalat ng anumang balita, tsismis, atbp.
- Madadali din siya sa karangkangan niya. - Darag - pangngalan
- malakas na padyak ng paa na sadyang ginagawa nang biglaan at ginagamit na panakot o pagpapahiwatig ng pagtatampo o pagtutol
- Halatang galit si Mark dahil sa darag niya. - Daskol - pang-uri
- mabilis at walang ingat sa paggawa ng isang bagay o sa pagsasalita ng anuman
- Padaskul-daskol ka kasi kaya ka napagalitan. - Dason o dasun-dason - pang-abay
- sunud-sunod; abut-abot
- Hindi ko na kaya, dasun-dason ang requirements natin! - Dili-dili - pangngalan
- pag-iisip na mabuti; nilay-nilay; muni-muni
- Tama na ang pagdidili-dili mo; ipasa mo na yang exam kung wala ka nang masagot. - Enamorada - pangngalan
- nobya, kasintahan, katipan; kasundo, katrato
- Sabi ng mama ko, bawal pa akong magkaroon ng enamorada dahil bata pa ako. - Gatil - pang-uri
- makunat o matigas pa (kung sa karne)
- Pinabalik ko yung ulam dahil gatil pa ‘to. - Gatod - pang-uri
- malandi, malantod, makiri
- Naiinis ako kay Angie dahil gatod siya! - Gawak - pangngalan
- malaking sira ng damit, tela, atbp
- Wala akong mahanap na solusyon sa gawak na ito. - Hamaka - pangngalan
- higaang nakasabit na yari sa lambat na lubid na gamit ng mga marinero o magdaragat kung sila ay nasa bapor
- makikita rin ito sa mga bakuran at itinatali sa pagitan ng dalawang malaking puno
- Masarap matulog sa hamaka namin. - Hambag - pangngalan
- bitbiting-sisidlan ng mga abubot ng mga babae sa paglalakad
- Madaming mura pero magandang hambag sa Divisoria. - Hambugero - pangngalan
- taong mayabang o kaya ay sinungaling
- Hinding-hindi ko siya sasagutin dahil hambugero siya. - Handalapak - pangngalan
- tsismosa, daldalera, sitsitera
- Bagay silang dalawa: isang hambugero at isang handalapak. - Huyong - pang-uri
- gutom; nagugutom
- Kailan ba tayo kakain? Huyong na ako! - Iukilkil - pandiwa
- ipilit, igiit, ikulit
- Huwag mo nang iukilkil ang party na yan; tinatamad ako. - Iuktaba - pandiwa
- ipagpaibang araw; ipagpaliban
- Ang sarap iuktaba ng homework natin! - Iwa - pangngalan
- sugat ng damdamin
- Malalim ang iwa na dinulot ni Mike sa kanya. - Lapyak - pangngalan
- matinis na tawa
- Gusto kong magtakip ng tenga sa tuwing nakakarinig ako ng lapyak. - Lapurit - pang-uri
- lukot; gusot (dahil sa pagkakabasa o sa labis na pagkakahipo)
- Pinagalitan ako ni Ma'am dahil lapurit na ang uniform ko. - Laris - pangngalan
- kasutilan; katigasan ng ulo
- 'Wag kang laris; babagsak ka niyan. - Limpiyesahin - pandiwa
- linisin
- Eto na po, lilimpiyesahin ko na ang kwarto ko. - Malakuko - pang-uri
- bahagyang init ng tubig
- Masarap maligo sa pool dahil malakuko ang tubig. - Malagrasyado - pang-uri
- hindi marunong kumilala ng utang na loob, walang utang na loob
- Ayoko sa kanya; hambugero na, malagrasyado pa. - Ngalumata - pangngalan
- panlalalim ng mata dahil sa sakit o sa pagkapuyat
- Nag-cram ka no? Halatang-halata sa pangangalumata mo. - Panagko - pangngalan
- ang pagkakataon para maghiganti
- Heto na, malapit na ang aking panagko. - Rayama - pangngalan
- pakikipagkapwa na may uri o kalagayang matapat at matalik
- Magkarayama kami ni Anna. - Reberebe - pandiwa
- dali-daliin ang trabaho
- Hindi pwedeng reberebehin ang final project natin. - Sintir - pangngalan
- hinanakit, sama ng loob
- Hindi niya lang alam pero may sintir ako sa kanya. - Sintura - pangngalan
- sukat ng baywang
- Ang laki ng sintura ko! - Sumaluno - pandiwa
- sumalubong sa pagdating ng sinuman
- Samahan mo akong sumaluno sa mga bisita. - Upaw - pang-uri
- Walang buhok ang ulo; kalbo
- Madali lang siyang makita; hanapin mo lang ang upaw diyan. - Uyot - pangngalan
- kabiguan, pagkabigo
- Hindi siya makaahon sa uyot na dinaranas niya ngayon. - Utay-utay - pang-abay
- dahan-dahan, hinay-hinay, unti-unti
- Utay-utay lang; baka manloloko din yan. - Wisit - pang-uri
- mapalad; masuwerte
- Sadyang wisit si Bella.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
CONTINUE READING BELOW