Natatakot din naman ako
Natatakot ako sa mga sagot na walang kasiguraduhan
Natatakot ako sa mga umagang ikaw na ang hahanap-hanapin ko
Natatakot din akong sumugal na hindi pa buo at tama ang mga baraha ko
Natatakot din ako na balang araw maulit ang nakaraan,
Maulit kung paanong nagsimula ang away at bati,
Maulit ang mga gabing puno ng hikbi
Kaya kung natatakot ka, mas natatakot ako
Mas natatakot ako dahil alam kong nakikita mo sya sa katauhan ko.