Candy Feels
From Our Readers: Sa Ngayon
Sa ngayon, paalam muna.
GIF Viva Films, Tumblr (jadinenetwork)

Babalikan ko lang 'yung mga araw na ikaw at ako
Mga araw na sinasabi mong habang buhay tayo
Babalikan ko lang 'yung mga araw na dalawa pa tayo
Mga araw na pinapadama mong ikaw ay akin at ako'y sa 'yo

Kay tagal kitang hinintay at nang dumating ka
Lahat ng bagay sa aking mundo'y nagkaroon ng kulay
Ikaw ang nagpinta sa buhay kong malamya
Ikaw ang obra maestra ng aking buhay

Ako'y sobrang naging masaya,
Nagkaroon ng pag-asa
Binigay mo ang lahat kahit ito'y mahirap
Sino ba ako para mahalin mo?

Araw at buwan na ang lumipas,
Maraming katangian ang iyong naipamalas,
Nagkaroon ako ng maraming tanong
Sa loob lamang iyon ng ilang taon 

Sino ako para mahalin mo?
Ikaw na binigay lahat ng makakaya mo
Inalay lahat ng maaring ialay
At ako? Wala man lang maibigay

Nasa isip ko ang maraming tanong tulad ng:
"Bakit ako? Bakit hindi siya?"
Oo, ako’y negatibo
Masisisi mo ba ako? 

Wala akong ginawa para pahalagahan ka,
Pero eto ka patuloy na kumakatok sa puso ko
Patuloy na nagmamakaawang ibalik ang dating tayo
Kaso sarado na ang isip ko, umalis ka na sa piling ko 

Ipinagtulakan kita, sinira kita
Wala kang kasalanan, lahat ito'y aking kagagawan
Inapak-apakan at tinuring na basura
Oo, ako na iyong minahal ang may kasalanan

Lumipas ang panahon at napagtanto kong ikaw talaga ay para sa akin
Dumating na ang panahon kung kelan may lakas ng loob na akong ipaglaban ka
Ngunit mali ako, nagkamali na naman ako ang inaakala kong tamang panahon,
Ay panahon pala kung kailan nakita mo na ang taong nagpapahalaga sayo

Nakita ko kayo isang araw masayang naglalakad,
Magkahawak kamay at nagtatawanan
Ang sakit makitang ang dating akin ay kanya na ngayon
Ang kislap nang mata na noon ay ako lang nakikita, ngayon pati siya'y nasisilayan na.

Tamang panahon, meron ba noon?
Bakit kung kelan sapat na ang lakas na meron ako, saka ka nawala?
Napagod ka na ba?
Pasensya na, bobo ako e

Nasa akin na, binitawan ko pa
Hawak ko na, pinakawalan ko pa
M
ahal na mahal ako, itinaboy ko pa
Sinaktan ko na, winasak ko pa

Napakalaki kong tanga,
Maraming naghahangad ng pagmamahal na kaya mong ibigay
Ngunit sinayang ko lamang
Si
nira ko ang taong tanging nagparamdam akin kung gaano ako kaimportante sa mundong ito

Nagkita tayo, akala ko'y walang nagbago
Ikaw pa rin yun, sigurado ako
Ngunit nang sinabi ko ang mga katagang "Balikan mo na ako"
Ngumiti ka lang at sinabing "Iba na ang mahal ko." 

Nakakainis namang tamang panahon 'yan
Wala palang katotohanan.
Ang kaguluhan ng isip ko at ang pagmamahal kong hindi sigurado
Itong dalawang bagay ang sumira sa binubuo nating "ikaw at ako"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero pangako, babalik ulit ako
Babalik ulit ang taong minahal mo,
Mas mamamahalin ka at aalagaan ka na
Ito lang ang masisiguro ko.

Paalam muna sa ngayon,
Sa ngayon sa kanya ka muna
Sa ngayon sana'y pahalagahan niya
Dahil bukas o sa makalawa, sigurado akong sa akin ka na

Sa ngayon, ikaw ay sa kanya
Sa ngayon, malaya ka
Sa ngayon, bubuin ko ang sarili ko
Sa ngayon, mahal, paalam na muna.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US