Candy Feels
From Our Readers: Akala Ko Pwede Maging Tayo
Pinakilig at pinaiyak mo ako noong mga panahong inakala kong pwedeng maging tayo.
PHOTO Julia Barretto | instagram.com/juliabarretto ART Clare Magno

Sisimulan ko ito mula sa simula. Simula doon sa unang araw na ika'y aking nasilayan. Simula doon sa unang araw na tumibok ang puso ko. Simula doon sa panahong inakala kong pwedeng maging tayo.

Aaminin ko. Balewala ka sa akin noon. Hindi ko iniisip na magkakaraon ng pagkakataon na baka naman pwedeng maging tayo.

Nagbago ang lahat noong pinakilig mo ako.

Pinakilig mo ako gamit ang iyong mga mata na kapag tumitig ay nakakatunaw. Pinakilig mo ako gamit ang ngiti mong abot hanggang tenga. Pinakilig mo ako gamit ang mga kamay mong kasing lambot ng mga ulap. Pinakilig mo ako gamit ang mga simpleng salitang mas nagpatibok pa ng aking puso. Pinakilig mo ako noong mga panahong hindi ko inaakala.

Naglaho ang lahat nang kilig na naramdaman ko noong pinaiyak mo ako. 

Pinaiyak mo ako nang malaman kong hindi mo ako mahal. Pinaiyak mo ako ng malaman kong iba ang gusto mo. Pinaiyak mo ako nang makita kong katabi mo ang taong mahal mo. Pinaiyak mo ako nang malaman kong mahal ninyo ang isa't-isa. Pinaiyak mo ako noong mga panahong inakala kong pwedeng maging tayo.

Mula sa pagpapakilig sa akin hanggang sa pagpapaiyak sa akin, maraming salamat. Pinakilig mo ako noong mga panahong durog na durog ako. Pinaiyak mo ako noong mga panahong tuwang-tuwa ang puso ko. Masakit mang isipin na hindi tayo pwede, tandaan mong hindi mo iyon kasalanan. Hindi mo kasalanan na nasaktan mo ako. Hindi mo kasalanan na umibig ka sa iba. Kasalanan kong umasa akong mababaling ang atensyon mo sa akin. Kasalanan kong nagkagusto ako sa'yo. Kasalanan ko na inakala kong pwedeng maging tayo.

Tatapusin ko ito nang walang sakit na nararamdaman. Tatapusin ko ito nang walang halong galit sa aking puso. Tatapusin ko ito nang masaya ang aking puso.  Tatapusin ko ito sa pagtanggap hindi pala pwedeng maging tayo. Tatapusin ko ito gamit ang tuldok. Tutuldukan ko na rin ang pag-aakala kong pwedeng maging tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US