Candy Reader Poetry: Tadhana'y Sadyang Mapaglaro

Salamat at ako'y natuto.
by Alyanna Kiara Sarinas   |  Nov 20, 2016
PHOTO Alyanna Kiara Sarinas
Share This!

Isang araw ako'y iyong nilapitan
At sinabing gusto mo nang lumisan
Ako'y tila natulala
'Di napigilang mga mata'y lumuha

Sinimulan mong sambitin
Ang mga salitang nais mong sabihin
Ito'y nagsilbing huling habilin
Pangako, ito'y aking diringgin

Unti-unti mong binitawan ang aking palad
At ika'y tumalikod, lumakad
Palayo sa akin at tuluyang lumisan
Salamat sa pagmamahal na pilit mong pinunan

Hindi ko alam saan ako nagkulang?
Ang panahon ba'y tila nasayang?
Mga alaala ng nakaraa'y nagbabadya
Hindi ko na alam ano ang tama?

Oo, mahal mo pa ako kahapon
Ngunit hindi na ngayon
Sa nangyari ako'y nalungkot
Ang sakit sa aki'y bumalot

Para tayong araw at buwan
Na pilit pinaglalayo
Sabi mo walang hanggan
Pero mahal, bakit tayo ngayo'y tila nasa dulo?

Tuluyan ka na atang naglaho
Sa aking paggising maraming nabago
Tinatanong sa sarili kung ika'y nasa'n
Ngunit pagod na pagod na 'kong makipaghabulan

Puso'y patuloy ang pagtibok
Pero isipa'y binubugbog
Naglalaban kung mahal ka pa
Pero sabi ko'y tama na

Sinabi ko sa kanila,
Noo'y pinangarap na mahalin ka
Kahapon ay minamahal ka pa
Ngunit ngayo'y minahal na lang kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tadhana'y sadyang mapaglaro
Hindi alam kung ako'y binibiro
Sana'y sa huling pagkakataon marinig mo pa ito
Mahal, salamat sa iyo at ako'y natuto.

REAX!
How do you feel about this article?
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
CONNECT WITH US