Candy Feels

Candy Reader Poetry: Sana Sa Huling Pahina

Mabago man ang ikot ng mundo, ako'y babalik at babalik pa rin sa'yo.
PHOTO Media Quest

Heto na naman tayo sa umpisa ng kuwento.
Nanditong muli sa alanganing ayaw at gusto.
Sa istoryang unang natapos sa "Halos Tayo",
Sa pagitan ng Hindi at Oo, Ikaw at Ako.

Heto tayong muling magtatagpo sa umpisa,
Susubuking marating ang 'di naabot noong una.
Sa kabanatang ito, ngalan mo'y muling imamarka,
Ang wangis mo'y muling iguguhit sa'king gunita.

Muling susubukin ang landas na walang hanggan,
Na kahit alangan, pipilitin muling lumaban.
Isusulat muli ang kuwento mo at kuwento ko,
Aasa't magbabakasakaling mabago ang dulo.

Dahil oo, alam ko, at sigurado ako.
Na kahit hanggang sa huling segundo,
O kahit sa huling pahina ng kuwentong ito,
Ikaw at ako ay 'di lang basta pinagtagpo.

Mabago man ang ikot ng mundo
Ako'y babalik at babalik pa rin sa'yo.
Ikaw ang pinakamahalagang tauhan ng aking kuwento,
Ikaw ang para sa'kin bukod tanging simula at dulo.

Na kahit ano pa man ang kahinatnan
Nitong kuwento nating alangan,
Saan man ang ating mapuntahan,
Ikaw at ikaw pa rin ang tanging babalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marating man natin ang sukdulan,
Matapos man ang kuwentong sa ati'y inilaan...
Puso ko'y ikaw ang tinuring na tahanan,
'Di kaliligtaan hanggang sa hangganan.

Sana sa huling pahina ng kuwentong ito,
Ang kuwento tungkol sa akin at sa'yo,
Ipabatid man ng tadhanang para sayo'y hindi ako...
Kailanma'y di mo kaliligtaan itong ating kuwento.

your REACTION
HEART

54

CUTE

6

BOO

1

EWW

1

OMG

1

YAY

1

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Many of our favorite K-drama actors right now actually started out as idols!
 
x
Share
Sometimes, no matter how hard you try, some people just won't vibe with you, and that's totally fine.
 
x
Share
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US