Candy Feels

Candy Reader Poetry: Saan Ba Tayo Patungo?

Ang tayong dalawa ay walang kasiguraduhan.
PHOTO Sofia Andres | instagram.com/iamsofiaandres ART Clare Magno

Sana maaari pang maibalik ang lahat sa umpisa?
Noong hindi pa masyadong malawak ang mundo nating dalawa
Noong wala pang nakakaalam,
Noong wala pang may pakialam
At nakatago lamang sa mga lihim ang ating mga isipan.

Ngayo'y gulong gulo't hindi alam ang gagawin
Punung-puno ng katanungan ang aking isipan
Kung may patutunguhan ba ang kalokohang ito.
Ano nga ba ang meron tayo?
Ako lang ba ang umaasang may mararating ito?

Sana'y ipaliwanag sa naguguluhang isipan
Kung may pag-asa ba 'tong namumuong damdamin
Hindi 'yung puro katanungan lamang ang iniiwan hanggang sa aking paghimbing.

Kung maibabalik ko lamang sa simula,
Sana hindi hinayaang mag-umpisa ang walang kasiguraduhang tayong dalawa
May tayong dalawa ba talagA?
O ako lang itong si tangang umaasang totoo ito, totoo ka, totoo tayong dalawa?

Saan nga ba tayo patungo?
Saan nga ba ito patungo?
Parati na lang ba tayong hindi sigurado?

your REACTION
OMG

54

HEART

6

BOO

1

CUTE

0

EWW

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US