Candy Feels

Candy Reader Poetry: Sa Pangatlong Pagkakataon

Sa pangatlong pagkakataon ay iniwan mo akong muli.
PHOTO Lily Collins | instagram.com/lilyjcollins ART Clare Magno

Sa pangatlong pagkakataon, hinawakan mo ang kamay ko at sinayaw mo akong parang walang tao sa paligid natin.

Sa pangatlong pagkakataon, kinausap mo ako na para bang walang nangyari sa atin, kinausap mo 'kong para bang ito ang unang beses na nagkausap tayo.

Sa pangatlong pagkakataon, niyakap mo ako nang mahigpit na para bang nagkahiwalay tayo ng matagal na panahon at nanabik tayo sa isa't isa.

Sa pangatlong pagkakataon, sinabi mong mukha akong prinsesa pero ang totoo ay ako ang dati mong prinsesa.

Sa pangatlong pagkakataon, binigyan kitang muli ng pagkakataon upang baguhin at itama ang mga mali natin noon at ipagpatuloy ang naudlot nating pagmamahalan.

Sa pangatlong pagkakataon, ako na lang ulit ang umaasa na maayos pa natin ang ating relasyon.

Sa pangatlong pagkakataon, ako na lang ulit ang lumalaban sa relasyon natin na wala namang pagtutunguhan.

Sa pangatlong pagkakataon ay sumuko ka nang muli at iniwan ako.

Sa pangatlong pagkakataon, makalipas ang apat na taon, ay ikaw pa rin ang mahal ko.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US