Candy Feels
Candy Reader Poetry: Sa Iyong Pagbabalik
Sasalubungin kita ng halik.
PHOTO Instagram | www.instagram.com/iamsofianadres ART Naomi Torrecampo

Isa. Dalawa. Tatlo.
Maraming taon na ang nakalipas mula noong tayo'y nagkalayo.

Apat. Lima. Anim.
Hindi na mabilang kung ilang buwang itinago ang aking lihim.

Pito. Walo. Siyam.
Nagbibilang ng araw dahil ang 'yong pagbabalik ang pinakaaasam-asam.

Sampu. Labing-isa. Labing...
tumigil nang magbilang. Ngunit puso'y patuloy pang lumalaban.

Lumalaban kahit walang mahagilap na dahilan.
Kumakapit kahit walang pinanghahawakan.
Umaasa kahit na sa paglimot ay marami sanang paraan.
Dahil nananalig ako na ika'y aking muling masilayan.

Mahal ko, pakatatandaan mo...
Aabangan ko ang iyong pagdating kahit dumaan pa ang maraming pasko.
Hihintayin kita mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw.
At sa gabing maginaw, hinhintayin ko ang iyong pagbabalik habang nakatitig sa mga tala.

Tumigil akong magbilang ngunit hindi ako tumigil na umasa.
Maghihintay at maghihintay pa rin ako kahit abutin pa tayo ng katapusan ng mundo.
Patuloy akong maghihiintay at aasa hangga't ikaw mismo ang magsabing “tama na”.

 

your REACTION
OMG

19

HEART

7

BOO

2

YAY

1

CUTE

0

EWW

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US