Candy Feels

Candy Reader Poetry: Sa Iyong Pag-Iisa

May mga kaibigang mawawala, ngunit mayroon ring darating.
PHOTO Julia Barretto | instagram.com/juliabarretto ART Naomi Torrecampo

Sa iyong pag-iisa,
Mararamdaman mo ang tunay na ligaya.
'Yung tipong ang iisipin mo lang ay sarili mo at wala ng iba.

Maaaring isang palaisipan sa iba kung bakit ayaw mo ng kasama.
'Di lang nila alam, iyon ang paraan ng iyong paglaya
Mula sa pait, hapdi, at masasakit na alaala't mga salitang idinulot nila.

Ika'y naging mag-isa, simula noong mawala sila,
Mga kaibigan mo, ngunit mali pala,
Kapag nangangailangan lamang sila tumatawag.

Ngunit ganoon man ang naging takbo ng istorya,
'Wag mo sanang isipin na ang libro'y natapos na,
Nang dahil lamang sa mga karakter na tila pansamantala. 

Isipin mo na lang na habang ika'y nag-iisa, mas hindi ka nagmumukhang katawa-tawa.
Hindi mo na kinakailangang pilitin ang sarili mo'ng maging masaya.
Kung sa piling lang naman nila, pakiramdam mo'y para kang nasa hawla.

At ngayong ika'y nag-iisa na,
'Wag kang malungkot o lumuha pa,
Dahil may makikilala ka pang iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas makikilala mo siya,
Siya na dadamayan ka sa iyong pag-iisa.
At pag nagkatao'y matutulala na lamang sila,
Dahil may kasama kang muli upang abutin ang mga tala.

At ngayong natuto ka na,
Napagtanto mo na hindi mo na kailangan pang dumipende sa iba
Para lang masabing ika'y masaya.

Tingnan mo, ang mabuting naidulot ng pag-iisa.
Nakuha mo nang tumawa at higit pa roon,
Nakuha mo na ring tawanan ang nakaraan.

At minsan, maaalala mo na lang na
'Yung taong minsang inikutan ng mundo mo, naging tao na lamang na dumaan sa buhay mo.
Ni walang lingon-lingon sa pag-iwan nila sa'yo.

Ngayon alaala na lang rin pala
Pati puso at kaluluwa mo'y iniwan nilang sira.
Masakit ba? Oo, sa sobrang sakit ay natuto kang tumayo at lumakad mag-isa. 

Hindi sa lahat ng oras, kinakailangan mo ng kasama.
Minsan, kailangan mo lang mapag-isa.
Tahakin ang buhay na may tamang pagpapasya at na may kasamang ligaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sayang papawi ng lungkot,
Lungkot na dinulot ng iba.

Ngayon, sana,
Ngayong natagpuan mo na, ang dati'y tinutukoy ko lamang na "siya",
Iyo sanang pahalagahan at wag mo sana siyang pakawalan pa.

‘Wag mong pakawalan kung ang kasiyahan mo ay siya na at hindi na sila.
At kung mapagod ka man, parang awa mo na, magpahinga ka lang.
Pero sana huwag na huwag mo siyang susukuan tulad ng naranasan mo sa iba.

Ipakita mo sa kanila, sa iba, na kaya mong lumaban.
Para maramdaman niyang s'ya karapatdapat ipaglaban
Iyon ang magpapatibay sa inyong samahan,
Samahang itinaga ninyo sa bato, walang iwanan hanggang katapusan, kaibigan.

Ngayon, lahat ng iyan ay dulot ng iyong pag-iisa.
Pag-iisang nagdulot ng paglaya.
Paglaya na naging dahilan sa paglimot mo sa kanila at dahil doon, natagpuan mo siya.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Knowing what acne on different parts of our faces mean might help us get to the root of the skin issue better.
 
x
Share
Spending an extra year in college shouldn't feel like the end of the world.
 
x
Share
This year's Shell National Students Arts Competition (NSAC) theme is "ImagineNation."
 
x
Share
By 2020, aspiring shoemakers will be able to take TESDA-certified training programs in shoe technology!
 
x
Share
 
x
Share
Put these movies on, catch these inspiring quotes, and remind yourself that you deserve to be loved and to grow, with or without your S.O.
 
x
Share
For instance, UP MBS welcomes students from any university, college graduates, and even professionals!
 
x
Share
From the master crammer to the sleeping beauty.
 
x
Share
Do you thrive on working late nights and dread waking up early to get to school?
 
x
Share
The student-artist talks about how he got started on portraiture and food art, his most memorable piece, and his advice to fellow student-artists.
 
x
Share
 
x
Share
For the third time, University of Sto. Tomas ranked first in an independent survey on the best psychology schools in the country.
LOAD MORE ARTICLES