Candy Reader Poetry: Para Sa Lahat ng Takot Umibig

Ano ba tayo? Medyo magulo. Dapat bang bigyan ng kahulugan o ano?
by Patricia Luna   |  Feb 15, 2017
PHOTO ABS-CBN ART Clare Magno
Share This!

Ano ba tayo? Medyo magulo,
dapat bang bigyan ng kahulugan o ano?

Sa ating dalawa sino ang may kasalanan,
simula na ba ito ng walang hanggan?

Sabihin mo naman sa akin para alam ko,
kung okey lang ba na ako'y mahulog. Baka kasi walang sasalo.

Matagal nang kinikimkim ang nararamdaman,
hindi mo man lang ba napapansin? Makiramdam ka naman.

Ano na ba ang gagawin?
Iiwasan na lang ba ang pamatay mong tingin?

Paano na nga ba?
Parang nahuhulog na.

Ayos lang ba?
O 'wag na lang ako umasa?

Binuksan ang isip at mga mata,
hindi ko gawain pero sarili ko sayo'y pinakita.

Sabihin mo sa akin, may pag-asa ba?
Dahil pagod na akong umasa at masaktan pa.

Kasalukuyan ay tatapusin,
pero hindi palalampasin.

Hanggang dito na lang muna.
Hanggang sa muling paglilitis, sinta.

REAX!
How do you feel about this article?
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
CONNECT WITH US