Candy Feels
Candy Reader Poetry: Para Sa Dalawang Taong Naghihintayan
Hanggang kailan balak itago ang nararamdaman?
PHOTO tvN

Mapagpanggap ako.
Mapagpanggap na hindi pa rin nahuhulog para sa'yo.
Kaibigan lang dapat kasi kita.
At kaibigan mo lang rin dapat ako.
Ilang taon na ang nakalipas,
Magmula nang tayo'y unang magkabunggo at magkakilala.
Simula noon ay walang ibang naging pangarap,
Kundi mahawakan ang iyong mga kamay.

Paggising at pagmulat ng mata sa umaga,
ikaw agad ang gustong makausap.
Ang mukhang gustong pinagmamasdan,
at ang boses na gustong pinapakinggan.
Tawanan, kulitan, at mahabang kwentuhan,
ang palaging takbo ng ating araw.
Kaya naman tayo'y tuluyang nagkamabutihan
at ako'y nahulog ng hindi namamalayan.

Sa'yong mga pinapakita,
puso'y di maiwasang hindi umasa.
Sapagkat ang iyong kilos at mga galaw,
tila ang sigaw "mahal kita, hindi mo lang alam".
Isipan ngayon ay litung-lito,
dahil marahil gusto ko lang paniwalain ang sarili kong
Mahal mo rin siguro ako,
gaya ng matagal ko nang pagmamahal ng patago sa'yo.

Sa dami ng sikretong inamin,
ito ang lihim na 'di magawang sambitin ng labi.
Emosyong mas piniling itago't ikubli,
huwag lamang mapalayo sa iyong piling at tabi.
Hindi ko ata kakayanin,
na ipagtapat itong damdaming nagsisidhi
At mapagtanto na umasa lang pala ako sa huli,
dahil kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin.

Sa kabila ng lahat ng pagtatagong ginagawa,
umaasa pa rin ako, aking mahal.
Sana mawala ang mga duda't pangamba,
at manaig ang tunay na nararamdaman sa isa't isa.
Sa ngayon ay pipiliin ko munang makuntento,
sa kung anumang relasyon ang meron tayo.
Ngunit ang alab ng puso huwag sanang maglaho,
paglipasan man ito ng mahabang panahon.

Marahil hindi na uusad ang ating kwento,
o marahil hindi lang din ito ang tamang pagkakataon
Upang ipagtapat ang pag-ibig na nagsusumamo,
na tila ngayon ay isa pa ring malaking hamon.
Kay daming bagay ang gustong itanong sa 'yo,
ngunit pag nariyan ka na'y lagi na lang umuurong.
Kaya sana balang araw ay makahanap na ng sagot,
nang sa gayon ay matahimik na ang aking puso.

your REACTION
HEART

596

OMG

57

CUTE

29

YAY

8

BOO

5

EWW

4

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US