Candy Reader Poetry: Nakalimutan Na Kita

Sana'y maintindihan mong kahit ika'y nagbalik, hindi na maaari pang ibalik ang dati dahil maraming nagbago nang ika'y lumayo.
by Aersxxx   |  Feb 1, 2017
PHOTO Star Cinema
Share This!

Sana naisip mo nung nagpasya kang lumayong 
Pinilit ko ring gawin ito dahil sa sakit na iniwan mo
Sana naisip mo nang humanap ka ng ibang
Naghanap rin ako ng pagbabalingan ng pansin
Sana naisip mong noong umalis ka'y
Pinilit kong limutin ka.

Sana naisip mong nalunod ako sa kalungkutan noong mga panahong iyon
Ngunit pinilit kong makaahon at sumabay sa alon
Hanggang sa ang ihip ng hangin ay magbago 
Natuto akong tumayo at ipanalo ang mga pagsubok

Sana naisip mong noong umalis kang
Hindi mo na kontrolado ang lahat
At sa oras na gustuhin mong bumalik
Ay pwedeng wala nang naghihintay sa'yo

Kaya ngayong nagpaparamdam ka at bumabalik ay sarado na ang pinto
Ang mga nadarama ay matagal nang nahinto
Patawad, ngunit masaya akong malaya na ako

Sana pinag-isipan mong mabuti ang pinili mong paglayo
Dahil ngayon ay wala na ang dapat na tayo

Hindi na kita mahal.

Hindi na.

Hindi.

REAX!
How do you feel about this article?
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
Time to break out the highlighter and channel your inner sun goddess.
"It's gonna be high maintenance but I don't mind maintaining her."
Venice reportedly told her mom, "Give [him] my number, Mommy. I'm old enough."
Her timeless pieces deserve a spot in your closet.
LOAD MORE ARTICLES
CONNECT WITH US