Candy Feels
Candy Reader Poetry: Maling Akala
Akala ko, ang mundo ay perpekto. Ngunit nagkamali ako ng akala.
PHOTO ABS-CBN ART Clare Magno

Akala ko, bilog ang mundo.
Akala ko, ang mundo ay perpekto.
Ngunit nagkamali ako.

Noon, maliit ang mundo ko.
Halos lahat ay perpekto.
Alam ng lahat ang aking bawat galaw.
Kilala bilang mabait at matalinong estudyante.
Tinitingala ng nakababata.
Alagang-alaga ng magulang. 

Ngunit naging biktima ng kasamaan.
Naasar. Nadapa. Nasugatan. Nasaktan.
Umiyak ng maraming beses.
Nawalan ng tiwala sa sarili.
Nagtago sa likod ng tanghalan.
Naiwang mag-isa.

Umiiyak ako, pinagtitignan ng maraming tao.
Umiiyak ako, sa kwarto.
Hindi ko nagawa ang isang gawaing-bahay.
Pinagsabihan niya ako; sinagot ko sya.

Gustong-gusto ko silang labanan.
Gustong-gusto ko silang banatan.
Gustong-gusto kong sabihin, "Pwede ba, lubayan n'yo ako!"
Ngunit hindi ko magawa.

Gusto kong magalit at sumigaw.
Gusto kong umalis at mapag-isa.
Gusto ko nang tapusin ang lahat ng problema ko.
Ngunit hindi ko magawa. 

Akala ko, wala nang kwenta ang buhay ko.
Akala ko, wala na itong katapusan.
Ngunit isang araw, isang pagkakataon ang ibinigay sa akin,
na takasan na ang lahat ng ito.
Kinuha ko ito.

Ngayon, mas malaki at mas kumplikado na ang mundo ko.
Maraming nagbago.
Hindi na ako ganoon kabait.
Ngunit nadagdaan ang aking mga talento.
Nagbago ang pananaw ko sa buhay.
Marami akong natutunan.
Mas nakilala ko ang aking sarili.
Nagkaroon ng mga kaibigan.
Naintindian ang pasakit ng mga magulang.

Nalaman ko, ok lang palang bumagsak.
Nalaman ko, ok lang palang matalo.
Nalaman ko, ok lang palang masaktan.
Nalaman ko, ok lang palang mawalan ng lakas ng loob.

Ngayon, babawi ako.
Ngayon, sisikapin kong manalo.
Ngayon, lalaban ako.
Ngayon, magiging matapang ako.
Ngayon. 

Patuloy akong lalaban at magsisikap.
Patuloy kong aabutin ang aking mga pangarap.
Ipapakita ko sa mundo,
sa lahat ng taong nanakit sakin,
sa lahat ng taong nagmamahal sakin,
na magagawa ko ang lahat ng kaya kong gawin.
Bilang ako. At ako lang.
At walang makakapagpabago ng aking katauhan.
Buti na lang at nagkamali ako ng akala.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US