Candy Feels
Candy Reader Poetry: Magsisinungaling Ako
Ninais kong makita mo rin ako. Hindi bilang kaibigan mo?kung hindi bilang isang taong nagmamahal sa'yo.
GIF Star Cinema/Tumblr | aivzthegreat.tumblr.com

Magsisinungaling ako.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong 'di kita napansin noong unang araw ng eskwela
At kapag sinabi kong 'di ako nahumaling sa singkit ngunit malalalim mong mga mata
Na tila ba nagsasabing tayo ay para sa isa't isa.

Magsisinungaling ako.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong di ako na-like at first sight sa'yo
Kasi aaminin ko, 
Unang araw pa lang, alam kong magkakasundo talaga tayo.

Lumipas ang mga taon at marami na tayong napagdaanan
Hindi bilang magkasintahan ngunit bilang matalik na magkaibigan.

Magsisinungaling ako.
Magsisinungaling ako kapag sinabi kong 'di ako naging masaya sa mga text mula sa'yo
At kung sinabi kong 'di ako nakaramdam ng pait sa mga hugot
lines at drama na para naman sa kanya.

Magsisinungaling ako kapag sinabi kong 'di labag sa aking kalooban
Ang pagsabi ko sa'yo ng "Okay lang 'yan, marami ka pang babaeng makikilala."
Kasi sa totoo lang, nagsinungaling ako.

Nagsinungaling ako dahil 'di naman talaga ako okay kapag pinag-uusapan natin siya.

Nagsinungaling ako kasi 'di ko naman talaga nais na mapunta ka sa kanya o sa iba.

Nagsinungaling ako kasi ninais kong makita mo rin ako—
Hindi bilang kaibigan, kung hindi bilang babaeng nagmamahal sa'yo. 

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
 
x
Share
Skip a makeup step with these beauty goodies!
 
x
Share
Take pretty notes and study effectively with these tips!
 
x
Share
Wait for a love like this. A love that is good to you, for you.
 
x
Share
But I want you to know that I tried my best.
 
x
Share
The up-and-coming musicians and childhood friends talk about their music, creative process, and why it's important to be woke.
 
x
Share
Because when it comes to a great lip game, there's really no need to splurge!
 
x
Share
A different language sheds new light on everyday terms.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US