Candy Reader Poetry: Magkaibigan Nga Lang Pala Tayo

Tayo ay magkaibigan lang.
by Phatty Patty   |  Dec 11, 2016
PHOTO Sofia Andres | instagram.com/iamsofiaandres ART Naomi Torrecampo
Share This!

Pag-ibig nanaman
Ano ba ang nangyayari sa akin
Siya nanaman
Talagang gusto ko siya

Iniisip siya
Kahit saan man ako pumupunta
Ngiti niya lagi
Ang nagpapatibok ng puso ko

Ngunit
Kaibigan lang ang turing niya
Ba't pa ba ako umaasa?
Kaibigan lang ako sa kanya
Lagi siyang patay malisya

Ayoko na ng ganito, lagi lang tinatago
Sana nama'y malaman mo
Ang nilalaman ng puso ko
Ang kaso, magkaibigan lang tayo

Kung sabihin ko sa'yo
Na ikaw ang mahal ko
Sana nama'y masuklian
Ang pag-ibig kong ito

Akala ko kasi
Magiging tayo sa huli
Pero saan pupunta kung ikaw ay may iba
Kasi nga,
Kaibigan lang ang turing niya

Ba't pa ba ako umaasa?
Kaibigan lang ako sa kanya
Lagi siyang patay malisya

Ayoko na ng ganito lagi lang tinatago
Sana nama'y malaman mo
Ang nilalaman ng puso ko
Ang kaso, magkaibigan lang tayo

Bakit pa ba kita kaibigan? 
Ba't 'di na lang maging tayo?
Nandito lang ako
Laging nasa tabi mo

Ang sakit kasi
Lagi lang nasa tabi
Pero 'di pinapansin 
Kasi nga nakatingin sa mga mata niya
Oo na, siya na talaga ang para sa kanya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero alam mo bang
Mahal na mahal kita
'Di sinasadya
Pero 'wag mag alala
Ako na ay susuporta
Kasi nga, kaibigan lang ang turing mo

Sayang naman pero papayag na ako
Kaibigan lang ako sa iyo
Ititigil ko na 'to
Sana naman ay masaya ka
Ako na kasi ang nagparaya
Lagi mo lang tatandaan
Na ako ay iyong kaibigan
At tayo ay magkaibigan lang.

CONTINUE READING BELOW
Featured Video

This is from a song I wrote called "Bestfriends Lang."

REAX!
How do you feel about this article?
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
The Latest
At 19, she became a part of TIME magazine's 25 Most Influential Teens Of 2018.
LOAD MORE ARTICLES
CONNECT WITH US