Candy Feels
Candy Reader Poetry: Kapag Nawala Na ang Lahat
Kapag nawala na ang lahat, nandito lang ako.
PHOTO ABS-CBN ART Clare Magno

Kapag nawala na ang lahat, gusto kong malaman mong nandito lang ako.
Iintindihin kita kahit na sobrang gulo,
Yayakapin kita kahit ayaw mo,
At ibibigay ko sa iyo ang panahon para mahilom ang sarili mo.

Kapag nawala na ang lahat, huwag mo sanang sisihin ang sarili mo.
May dahilan kung bakit sila nawala sa'yo.
Kapag nalaman mo ang lahat ng iyon, sana buksan mo ang isip at puso mo,
Para maging malaya ka na at mapatawad mo na ang sarili mo.

Kapag nawala na ang lahat, sana alam mong pwede kang magsimula ulit.
Magsimula ng panibagong buhay na puno ng pag-asa.

Alam kong mahirap bumangon,
Pero alam mo at alam kong kaya mo 'yan. Kakayanin mo 'yan.

Kapag nawala na ang lahat, sana maging sapat lahat ng sinabi ko para mapagaan ang loob mo.
Kaibigan mo ako. Kagaya nga ng sinabi ko, nandito lang ako.
Hindi mo man ako maintindihan ngayon, alam kong darating ang panahong babasahin mo ulit ito,
At sana mapagaan ko ang dinadala mo kahit sa pinakasimpleng paraang nagawa ko.

At kapag bumalik na ang lahat, huwag mo sana akong kalimutan,
Kasi ikaw, hindi ka mawawala sa puso ko. 
Magiging parte ka na ng buhay ko
Kahit hindi natin lubusang kilala ang isa't isa.

your REACTION
HEART

104

BOO

7

CUTE

3

YAY

3

EWW

0

OMG

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US