Candy Feels

Candy Reader Poetry: Kapag Bumalik Ka

Umasa ako sa isang bagay na hindi naman pala mangyayari.
PHOTO Pexels

Hindi ko alam ang gagawin kapag babalik ka
Hindi ko alam ang gagawin kapag tinanong mo ako kung may pag-asa pa

Pag-asa?
Salitang nais ko sanang marining noon
Ngunit nang umalis ka, ayoko nang mangyari ngayon

Umasa ako.
Umasa ako sa isang bagay na hindi naman pala mangyayari
Umasa ako sa isang taong mananatili lang ng ilang sandali.

Kapag bumalik ka,
Hihilingin kong magmahal ka na lamang ng iba
Hihilingin kong ako'y magbago na

'Yung ako na hindi na aasa pang muli
'Yung ako na hindi na magmamahal muli
Ng isang katulad mo

Dahil pagod na ako.
Pagod na ako sa lahat ng pangakong
Hindi natupad dahil pinaasa mo ako. 

Kaya sana sa pagbalik mo,
Masaya na tayong dalawa
Malaya na tayo sa isa't isa
At ipapangako kong magkikita tayong muli
Pero sa ibang mundo na
Kung saan hindi mo na ako makikilala.

your REACTION
HEART

25

YAY

7

OMG

6

BOO

0

CUTE

0

EWW

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Aside from IU, heavyweight groups like BTS, BLACKPINK, TWICE, and BIGBANG are also on the list!
 
x
Share
 
x
Share
There are also useful tips for showering your cat and cutting their nails. #NEED
 
x
Share
Here's a little guide to get you ready for post-college life.
 
x
Share
 
x
Share
You might be rekindling an old relationship, but you also wouldn't want to cut ties with other people in the process.
LOAD MORE ARTICLES