Candy Reader Poetry: Ikaw Pa Rin

Hanggang sa huli.
by Cm Muego   |  Feb 28, 2017
PHOTO Pexels
Share This!

Mag-iisang taon na ngunit, mahal,
Ikaw pa rin. 

Ikaw pa rin sa kabila ng lahat.
Sa kabila ng sugat at sakit.
Sa kabila ng poot at galit.
Sa kabila ng pagbabago at panloloko,
Panloloko sa sariling wala na, ayaw ko na, tama na.
Mahal, ikaw pa rin. 

Ikaw pa rin kahit marami nang nangyari.
Kahit na sinasabi na nilang awat na,
Kahit na alam ko na ring hindi na pwede pa.
Kahit na ramdam nating mahal pa rin natin ang isa't isa
Kaya ka nga bumalik, hindi ba?
Mahal, ikaw pa rin talaga. 

Ikaw pa rin ngunit hindi ganoon kadali ang lahat.
Hindi sapat ang pagmamahal
Hindi na rin tayo ayon sa Maykapal.
Hindi na maibabalik ang nakaraan
Noong wala tayong ginawa kundi ang magmahalan.
Ikaw pa rin ngunit wala na tayong babalikan.
Pero, mahal, ikaw pa rin.

Kaya sa bawat taon na lilipas at hindi ka kasama,
Sa bawat taong makikilala na para bang kapalit mo
Sa bawat lugar na pupuntahan para makalimutan ka
Sa bawat pangarap na matutupad na sabay sanang aabutin
Mahal, gusto kong malaman mong ikaw pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ikaw pa rin.
Hanggang sa huli.

REAX!
How do you feel about this article?
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
The Latest
She talked about how it's more important to pay attention to the "voices that need to be heard" at the moment.
Here are 10 things you probably didn't know about PNoy.
Even stars have their fair share of acne problems.
It was clear to anyone that Noynoy and Josh were the best buddies.
As someone who actually works in that field (and topped the boards, for that matter!), Architect Oliver's POV is one you can trust.
LOAD MORE ARTICLES
CONNECT WITH US