Candy Feels

Candy Reader Poetry: Ikaw Na Nagmahal Sa Akin No'ng Hindi Ako Kamahal-Mahal

Lahat ng ito'y dahil sa'yo.
PHOTO Viva Films ART Clare Magno

Natatandaan ko pa.
Natatandaan ko pa noong hawak mo ang aking kamay
Habang nakasakay sa jeep.
Sabay sa tirik ng liwanag, at mga bulong mo sa tenga,
Na makakauwi rin tayo,
Makakauwi kung saan man tayo patungo.

Gunitang-gunita ko pa.
Gunitang-gunita ko pa noong ayaw na ayaw mo akong bitawan.
Sa kalagitnaan ng sigaw at iyak ko habang hawak ang kutsilyo.
Gunita ko pa lahat ng pinagsasabi mo,
Na kahit anong hirap ang abutin ko dito,
Sasabayan mo pa rin ako.

Naaalala ko pa.
Naaalala ko pa kung anong saya ang pinaranas mo sa akin.
Mga halakhak habang sinasalubong ang sikat ng araw,
Mga lihim na tanging tayo lamang ang may alam.
Magdamagang nagkwekwentuhan,
Mawala lang sa isip ko ang dapat kong isipin.



Nakakalimutan ko na.
Nakakalimutan ko nang alalahanin ang mga ito;
Ang bawat rason kung bakit gusto kong iwan ang buhay na mayroon ako.
Ang sakit na nadarama ko, sa bawat tingin ng tao.
Ang mga salitang binitawan ng ama't ina ko.
Nakakalimutan ko na, at salamat.

Nawawalan na ako.
Nawawalan na ako ng rason kung bakit ko pa ihihinto ang buhay na ito.
Nawawala na lahat ng bahid ng sakit, luha at dugo.
Nawawala na sa isip ko, pati ang mga pinagsasabi ng mga tao.
Nawawala na ang mga dapat mawala,
At hindi ko inakala, na isa ka pala doon. 

Napagtanto ko na.
Napagtanto ko nang napapagod ka rin kakabuhat ng problema na hindi naman sa'yo.
Na hindi lang naman ako ang may problema sa mundo,
Na pati pala ikaw, dumaranas nito.
Na nakalimutan ko na tao ka rin pala,
Nasasaktan ka rin pala, kahit papa'no.

Pagpasensyahan mo na.
Pagpasensyahan mo na ako sa lahat ng pagkukulang ko, alam kong marami ang mga ito.
Pasensya na sa mga halakhak na hindi ko maisukli sa'yo.
Pasensya sa pag-aalagang hindi ko naman maibigay sa'yo.
Pasensya sa pagiging pabigat ko, na dapat pampagaan naman ako.
Pasensya na, at nagsisisi ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagsisisi na ako.
Nagsisisi ako na hindi kita nabigyan ng pagmamahal na dapat lang naman ibinigay ko.
Nagsisisi ako sa bawat halik, lambing, at yakap na kahit kailan di mo na matitikman.
Nagsisisi ako dahil hindi kita minahal, tulad ng pagmahal mo sa akin.
Nagsisisi ako sapagkat hindi ko nakita ang halaga mo.
Nagsisisi ako, na kung kailan huli na, nakikita ko palang ito.

Nagpapasalamat ako.
Nagpapasalamat ako sa lahat ng sinakripisyo mo.
Sa lahat ng binitawan mong salita, at sa pagtupad mo nito.
Nagpapasalamat ako't inintindi mo ako, kahit hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
At sa bagong buhay na unti-unti mong ipinakilala sa akin,
Lalong-lalo na sa paghatid, upang malaman ko kung paano maglakbay na wala ka na.

Nagpapaalam na ako.
Nagpapaalam sa dating buhay na mayroon ako, at sa mga alaalang puro lang mukha mo.
Paalam sa pagsisisi, pagsasakitan, at pagmamahal na halos walang silbi.
Paalam na sa'yo, at sa napakaraming bagay na natutunan ko dahil sa'yo.
Paalam sa dating ako, na ikaw mismo ang nagpabago.
Paalam at salamat, dahil minahal mo pa rin ako, kahit hindi ko kinayang mahalin ang sarili kong ito.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US