Candy Feels

Candy Reader Poetry: Huli Na Noong Minahal Kita

'Di nagtugma ang mga oras natin.
IMAGE Liza Soberano | instagram.com/lizasoberano ART Naomi Torrecampo

Pasensiya
Isang makapangyarihang salita
Madalas nasasabi pag huli na ang lahat
At ang nakaraan ay 'di na maibabalik pa

Pasensiya
Oo, pasensiya sa aking nagawa
Hindi na ako makakaulit pa
Sa akin, ika'y sumuko na

Pasensiya
Iyan ang salitang binigkas ko
Habang nagdarasal na ito'y dinggin mo
Sakit ay tinitiis, mata'y lumuluha

Sana
Sana pala
Sana pala hindi na nahulog pa
Mga rosas na ibinigay mo ay patay na

Sabi ko, sa emosyon ay 'wag magpapadala
Pagmamahal madalas ay walang naidudulot na maganda
Dalawa lang iyan
Ikaw ang magpapaluha o ikaw ang luhaan

Takot
Oo, nabalot ako ng takot
Takot na mahulog pang muli
Dahil noong nahulog ako, sumaya lang akong sandali

Huwag na, ayoko na
Hindi na ako papayag na malinis kong papel
ay malagyan pa ng luha
Luha na hindi ko inakalang ikaw ang dahilan
Ang taong nangako sa akin na kailanma'y hindi ako uuwing luhaan

Pero ayos na
Tapos na
Wala na
Ayoko na

Ayoko nang umiyak
Pagod na ang mga mata ko sa kakaiyak
Katapusan ay di ako nakatitiyak
At hanggang ngayon, oo, puso ko'y patuloy pa din na nabibiyak

Kahit ilang beses ko pang bigyang diin
Na wala na talaga
Kung tayo'y muling magkita gusto kong malaman mong
Nangulila ako sa'yo

Bumalik ka na
Sana bumalik ka pa

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US