Candy Feels

Candy Reader Poetry: Habang Wala Pa Sila

Alam kong wala nang tayo ngunit, mahal, habang wala pa sila, ako na lang ulit.
PHOTO Viva Films ART Clare Magno

This is a poem inspired by Juan Miguel Severo's works.

Habang wala pa sila, mag-usap tayo.
Hindi na natin kailangan magkunwari pa, magpanggap.
Magpanggap na tila hindi tayo magkakilala.
Habang wala pa sila, hayaan mo akong sabihin
Ang mga salitang gustong gusto na kumawala,
Gustong gusto nang umamin.
Tama na. Hindi na natin kailangan pang hindi na magpansinan.
Alam na natin sa isa't isa ang bawat pasikot-sikot
ng ating mga katawan at bawat sikretong ikinikimkim natin.
Nahukay na natin ang ating kwento
lalo na ang mga pagkukulang natin
Mahal, pakinggan mo ako, habang wala pa sila.
(Mahal parin kita.)

Habang wala pa sila, tumingin ka sa aking mga mata
Baka sakaling makita mo,
At nang hindi ko na sayangin pa ang aking laway.
Mahal, hayaan mo akong pagmasdan ang mga
bituwin sa 'yong mga mata,
Mga matang napakaganda.
Siyang tahanan ng mga bituwing hindi kayang
magtago ng mga kasinungalingan.
Mga bituwing nagsabi sa akin ng iyong pagmamahal.
Naaalala mo pa ba?
Ang mga titig natin sa isa't isa? Kung paano
maglandian ang ating mga tingin.
Kung paano natin nakita ang koneksyon
Mahal, tignan mo ako sa mata, habang wala pa sila.
(Mahal mo pa ba ako?)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Habang wala pa sila, hawakan mo ang aking mga kamay,
Mga kamay na humaplos sa 'yong mga pisngi,
pinupunasan ang mga luhang pumapatak.
Tayo'y maglakbay muli
Sa mga lugar na siyang napuntahan na natin,
Mga lugar na iniwanan natin ng ating mga alaala,
Mga lugar kung saan narinig ang ating mga tawa,
Mga lugar na nakakita ng ating kasiyahan,
Mga lugar na tintado ng ating pagsasama.
Mahal, kumapit ka sa akin.
At tayo'y maglakbay.
Puntahan natin ang mga lugar na hindi napuntahan
Dahil sa wala ng oras, kulang na ang pagmamahal.
Ipaalala natin sa mundo kung gaano
Kaganda ang ating pagmamahalan.
Ipakita ang mga ngiting kay tamis.
Mga matang busilak ng tunay na pagmamahalan.
Mahal, hawakan mong muli ang aking kamay, habang wala pa sila.
(Pwede pa ba?)

CONTINUE READING BELOW
Recommended Videos

Habang wala pa sila, hayaan mo ang aking mga braso
na salubungin kang muli.
Hayaan mo akong yakapin ka sa huling pagkakataon.
Hindi na ako hihingi ng halik,
ngunit hiling kong yakapin ka
At ipaalala sa iyong ika'y karapat dapat mahalin ng lubusan
Ika'y dapat mahalin ng walang pag-aalinlangan.
Walang pangamba, pagdududa.
Hayaan mong iparamdam ko ito sayo gamit ang aking yakap.
Hayaan mong punan ko ang aking pagkukulang.
Alam kong huli na ang lahat.
Huli na ang yakap na ito,
Ang yakap na matagal mo nang hinihintay sa akin.
Mahal, patawad. Hindi kita naalagaan
Nakalimutan kong mas nangangailangan ka ng aking mga yakap.
Mahal, patawad.
Pawad. Patawarin mo akong muli.
Dahil hindi ko mapatawad ang aking sarili.
Lalo na't hinayaan kitang mawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mahal, kinakausap ko ang Diyos.
Kinamusta kita sa Kanya. Ikaw ang siyang aking bukang bibig.
(Mamahalin kita.)

Dumating man sila.
Siya.

your REACTION
CUTE

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments

Create your content

Photo
Video
SoundCloud
Hi, you!
Title
Body Text
*1st 15 seconds will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)
*File size limit (up to 60MB)
or
Upload Video
*For the direct video upload option, only the first 15 seconds of the video will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)

By submitting your post, you agree to Candymag's Terms of Use and Privacy Policy.

Thank you for submitting your post.
You will be notified via email once your entry has been approved by the Candy team.

Submitted posts will be subject to the approval of the Candy Team.

A few reminders:

  1. Candy Bulletin is an online platform where users can upload original work, personal passion projects, and other forms of self-expression, for the purpose of sharing with the community.
  2. You can upload photos of your curated OOTDs, 15-second videos, essays, poems, and more, as long as the submitted work is original, follows copyright laws, and free of any nudity, pornography, or profanity.
  3. You are encouraged to comment on one another's posts, as long as everyone remains respectful.
Submit Another Post View More Posts
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Aside from the overall rankings, THE also provides rankings by subject.
 
x
Share
 
x
Share
Here are eight things to know about the former PBB Teen housemate.
 
x
Share
Find one that can suit your *existing* room aesthetic.
 
x
Share
According to Inka, their business burned down so she had to drop out of high school and start working early.
 
x
Share
She had to learn to be more resourceful to get by.
 
x
Share
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US