Candy Feels

Candy Reader Poetry: Gusto Ko Sana

Paano nga ba kung wala ka na?
GIF Giphy/Technoir

Gusto ko sanang sabihing masaya ako para sa 'yo, pero gagawin ko lang sinungaling ang sarili ko.

Gusto ko sanang sabihing wala na akong paki sa 'yo pero hindi kakayanin ng puso ko.

Gusto ko sanang sabihing nalimot na kita kahit na masisiraan na ako ng ulo kakaisip sa 'yo.

Gusto ko sanang sabihin sa ibang naka-move on na ako sa 'yo kahit sa bawat araw, ikaw pa rin ang hinahanap-hanap ng mga mata ko.

Gusto ko sanang ibigay ang mga liham na sinulat ko para sa 'yo kahit na alam kong sa basurahan lang din naman ang bagsak ng mga ito.

Gusto ko sanang iparanas sa 'yo lahat ng sakit na naidulot mo pero alam kong hindi ko makakayang makita kang sinlugmok ko.

Gusto ko sanang lumapit at sabihing ikaw pa rin ang laman ng puso ko kahit na alam kong may iba ka nang gusto.

Gusto kong magmakaawang bumalik ka kahit alam kong ayaw mo na.

Gusto ko sanang tanungin kung okey ka lang ba kahit na alam kong hindi na ako ang sandalan ng iyong mga problema.

Gusto sana kitang kausapin tulad ng dati kahit na alam kong para sa 'yo, wala na akong silbi.

Gusto ko sanang tingnan muli ang iyong mga mata kahit parang hindi mo na ako kakilala.

Gusto ko sanang iparamdam sa 'yo na hinding-hindi kita iiwang mag-isa kahit na alam kong hindi mo na ako kakailanganin pa.

Gusto ko sanang mahalin ka pa kahit alam kong dumaan ka lang sa buhay ko nang pansamantala. 

Gustung-gusto kong ibalik ang nakaraan kung saan masaya pa tayong dalawa kahit na alam kong hindi na maaari pa. 

Gusto ko sana pero paano nga ba kung ang totoo, iniwan mo na akong nag-iisa?

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US