Candy Feels

Candy Reader Poetry: Dahil Iniwan Mo Ako

Akala mo nandiyan pa siya, iniwan ka na pala.
PHOTO Viva Films ART Clare Magno

Marami nang gumawa nito 
Marami nang nagpahiwatig,
Nagpahayag at humugot gamit ito
Pero ito, ito ang ibabahagi ko

Ako? Bakit mag-isa na lang ako
Ako? Iisa na lang ako
Akong iniwan mo
Ako.

Akong hinihintay ang pagbabalik mo
Ako, bakit ako na lang ang nandito?
Nasaan ang kamay mo?
Nasaan ka?

Hindi ba't sinabi mong dito ka lang
Na hindi ka aalis
Na hindi mo ako iiwanan. 
Pero iniwan mo ako

Iniwan mo akong mag-isa sa mundong hindi ko kabisa
Hindi ko alam kung paano na ngayong wala ka
Paano? Paano na ang araw ko na walang magandang umaga mula sa'yo?
Paano? Paano ang mga gabing nalulumbay ako at iisa lang ang gusto ko?

Ang mahagkan mo
Pero nasaan ka?
Oo nga pala, wala ka na.
Oo nga pala, ako'y iniwan mo na.

Iniwan mo akong parang wala lang
Wala? Wala na nga palang tayo
Dahil ako'y nilisan mo na.

Ikaw ang dahilan kung bakit ko ito nasasabi
Ikaw ang tinutukoy ko
Ikaw ang taong higit kong minahal

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit ikaw, ikaw rin ang taong nagpahirap sa'kin na kaytagal 
Tagal? Gaano nga ba katagal mula noong iniwan mo ako?
Gaano katagal mula noong muli kitang mayakap?
Gaano katagal mula nang huli kong makita ang iyong mga mata at nang huli kong mahawakan ang iyong mga kamay?

Pero ang tanong ko sa ngayon ay kailan nga ba kita malilimutan
Malimutan, 'yan na lamang ang aking tanging hiling
Na ika'y malimot ko na dahil ayoko na.

Pagod na akong malungkot dahil sa'yo
Dahil sa'yo kaya ako ganito
Dahil sa'yo nasaktan ako
Dahil iniwan mo ako.

your REACTION
HEART

32

CUTE

6

BOO

3

YAY

3

EWW

1

OMG

1

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Jocel Ninobla, Aidaine Laxa, and Darius Venerable took home gold and silver medals for the country.
 
x
Share
Jihyo, Nayeon, and Jeongyeon dropped hints of a Manila fan meet.
 
x
Share
Sixteen exam takers from UST also made it in the Top 10 topnotchers.
 
x
Share
 
x
Share
Know that there's a huge difference between being assertive and being bossy.
 
x
Share
It's going to suck, but you'll be okay.
 
x
Share
The popular Korean girl group joins fellow Korean stars Park Shin Hye, Ji Chang Wook, and Park Seo Joon as the brand's Global Benchsetters.
 
x
Share
Carlos Yulo, Filipino gymnastics superstar, comes from humble beginnings.
LOAD MORE ARTICLES