Candy Feels

Candy Reader Poetry: Bigla Ka Na Lang Bumitaw

When healing was indeed excruciating. #SakitBES
GIF Giphy

Ako'y iniwan
Hindi maisip kung bakit ako'y nilisan,
Tayo'y biglang hindi nag-usap.
Sa bawat araw na dumaan ika'y hinihintay,
Subalit sa bawat ikot ng mundo,
Ang isipan mo pala'y nagbago na,

Ako'y iniwan, sakit at hapdi ay kasama ko na,
hindi ko alam kung sa'n ako nagkulang,
Hindi matanggap sa una,
Na ako'y pinagpalit na muna.

Sabi nga nila
'Pag mahal mo'y iyong ipaglaban,
'Pag mahal mo'y hindi mo sasaktan
Pero hanggang salita lang pala.

Ang mga pangarap natin para sa isa't isa,
Ay nawala nang parang bula,
Tinawag ka ba ng iba,
Sinayang ang taong pinagsamahan,
Ako'y umasang magkaayos pa,
Pero hindi na pala. 

Ang sakit na naidulot,
Hindi ko malimot,
Iiyak ba ako?
Ang bigat sa puso ay nadarama,
Parang hinampas ng bagyong kay lakas,
Ang luha ay isasabay sa agos ng baha,
Gusto kong sumigaw sa ng tala,
Kupas na ba ang pag-ibig,
Pagod ka na, pagod na din ako,
Ang pag-ibig nating dalawa'y tila malabo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi talaga tayo para sa isa't isa,
Hindi ko kayang makita ka,
Bumitaw ka at ako'y nakakapit pa,
Darating ang panahon,
Na ang tadhana ang aalis na kalungkutang nadarama,
Mahal kita pero tama na!

your REACTION
OMG

184

HEART

59

CUTE

9

BOO

8

EWW

5

YAY

4

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
We got to talk to Jordan Fisher about his role in the 'To All The Boys' series!
 
x
Share
Coffee is life, pero minsan, kailangan talagang mag tipid-tpid 'pag may time.
 
x
Share
Aside from electricity and water, here are some essential subscription services you can divide among you and your dormmates.
LOAD MORE ARTICLES