Candy Feels

Candy Reader Poetry: Bakit Sa'yo Pa Ako Nagpakatanga?

Sa libu-libong taong nakasalamuha ko, bakit nga ikaw pa?
PHOTO ABS-CBN ART Clare Magno

Ewan ko ba kung bakit,
Sa dinami-dami ng tao sa mundong
Mas hihigit pa sa'yo,
S
a'yo pa ako nagpaloko.

Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng bituin sa langit, 
Ngiti mo lamang ang gustong masungkit,
Mga ngiting tuwing aking nakikita,
Mga paruparo sa aking tiya'y nagliliparan.

Ewan ko rin kung bakit,
Napakarami naman sanang nakatagong makikislap na diyamante sa aming aparador,
Bakit ningning ng iyong mata ang lagi kong hinahanap at laging gustong makita?
Kung tutuusin nga ay mas madaling mag hanap ng pagkaliit-liit na perlas sa malaking aparador kesa hanapin ko ang lugar ko sa buhay mo.

Kung tutuusin nga ay mas madaling mag hanap ng pagkaliit-liit na perlas sa malaking aparador kesa hanapin ko ang lugar ko sa buhay mo.

Na kahit ang liit liit ng parteng hinihingi ko ay hindi mo maibigay—
Hindi mo maibigay dahil hindi nga naman ito nakalaan para sa akin.

Bakit sa dami ng tugtog na nauuso,
Punung-puno ng mga kakaibang tunog at madamdaming liriko,
Sa dinami-dami ng ibong humuhuni,
Ang iyong tinig lamang ang nais kong himig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bakit nga ba?
Hindi ko rin kasi alam,
Hindi ko alam kung bakit sa dami ng tao sa mundo,
Sa dami ng pwede kong ipalit sa iyo,
Ikaw at ikaw lamang ang ninananais ng puso ko.

your REACTION
HEART

98

YAY

9

CUTE

8

BOO

5

EWW

5

OMG

2

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Recommended Videos
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
Knowing what acne on different parts of our faces mean might help us get to the root of the skin issue better.
 
x
Share
Spending an extra year in college shouldn't feel like the end of the world.
 
x
Share
This year's Shell National Students Arts Competition (NSAC) theme is "ImagineNation."
 
x
Share
By 2020, aspiring shoemakers will be able to take TESDA-certified training programs in shoe technology!
 
x
Share
LOAD MORE ARTICLES