Candy Reader Poetry: Ang Nawasak Mong Puso

Sinabi sa akin ng aking nanay noong bata pa ako
Kailangan ko matutong magbigay sa iba
Noong mayroon akong laruan
Sabi ng nanay ko ibigay ko daw sa mahirap
Noong nakabili ako ng pagkain
Sabi ng nanay ko ibigay ko daw kay ate
Pero habang ako'y tumatanda, mas nahihirapan na akong magbigay
Dahil hindi ko alam kung sino at kung ano ang dapat kong ibigay
Kung sino ang bibigyan ko ng pagkain kapag siya'y nagugutom
at ng tubig kapag siya'y nauuhaw
Pero noong nakilala kita, aking naalala,
Naalala ko noong sabi ni nanay na minsan,
kailangan ko ipagkait ang aking kasiyahan at magbigay upang sumaya ang iba
Naalala ko noong sabi ni nanay na kahit minsan,
kailangan kong matutong ibigay ang lahat ng mayroon ako
Ako naman si tanga, binigay ang puso ko
Binigay ko sa'yo ang tanging biyaya ko at ang pakiusap ko lamang ay iyong alagaan
Mahalin mo sana ang puso ko dahil nag-iisa lang ito at sana'y wag mo itong saktan
Pero noong tumagal, ito'y iyong pinagsawaan
Napagod ka nang alagaan ang aking puso
Kaya ika'y naghanap na ng iba
Hindi mo naisip na may babalikan ka pang puso
Hindi mo naisip na may naghihintay sa iyo
Binalewale, isinawalangbahala, inapak-apakan ang aking puso
Binigay ko naman lahat pero hindi pa ata sapat
Sana nama'y bumalik ka at ayusin ang pusong iyong sinira
Ngunit wala na, sira na
Wala nang magagawa pa