Candy Feels
Candy Reader Poetry: Ang Kuwento Nating Dalawa
Balang araw sasabihin ko rin sa kanila na mahal pa rin kita. Kahit wala ka na. Kahit hindi na ako at ikaw.
PHOTO Elisse Joson | instagram.com/elissejoson ART Clare Magno

Balang araw ipagsisigawan rin kita,
Sasabihin ko sa kanila
'Yung tungkol sa ating dalawa.
Ikukuwento ko rin yung tungkol sa'kin at sa'yo,
Ikaw at ako,
Tama, ikaw at ako lang.
Kasi 'di ba, wala namang tayo?
Halos tayo, 'yun nga, halos tayo.

'Yung nandoon na sana, kinapos pa.
'Yung iyon na sana, naudlot pa.
Masasabi ko rin sa kanila na ikaw,
Oo, ikaw, 'yung pag-ibig na muntik na.
'Yung ikaw na sana, kaso hindi pala.
'Yung ikaw, ako, tayo. Sana.

Balang araw ipagsisigawan ko rin na oo, siya nga.
'Yung panandaliang ngiti sa aking mga labi,
Ang dahilan sa inyong mga "uy, ang ganda mo"
Noong mga panahong alanganin ang mundo,
Ang naging yakap sa panandaliang malalamig na panahon,
Ang naging inspirasyon sa halos maraming pagkakataon.

Balang araw ipagsisigawan rin kita
Sasabihin ko sa kanilang siya 'yung tamang tao,
Tamang tao sa 'di tamang panahon,
Tamang tao sa maling pagkakataon.
Siya na sana kaso baka napaaga 'yung dating n'ya.

O baka ako 'yung nahuli,
Kasi may mahal na siya.
Ang sakit 'di ba? May mahal na siya,
May mahal na siya agad
Kahit kailan lang naman natapos 'yung sa'tin?

Pero mali, mali 'yung tayo
Dalang wala nga palang tayo.
'Yung ikaw at ako,
'Yung sa'ting dalawa? 
Kailan lang naman 'di ba?
Bakit naman kasi agad-agad?
Bakit 'di mo hinintay na damdamin ko man lang ay masagad?
'Yung tipong wala na. 
'Yung ubos na. 
'Yung tapos na.

Balang araw ipagsisigawan ko rin
Na ikaw na nga,
Na kaya ko na. 
Heto na, kaya ko na nga.
Pero teka, asa'n ka na?
Bakit di mo nahintay 'tong araw na kaya ko nang ipagsigawan ka?
Bakit bigla na lamang bumitaw ka?
Bakit ka sumuko?  Bakit ka lumayo?
Bakit ka nagtago? Bakit ka umatras?
Bakit ka umiwas? Bakit ka bumitaw?

Balang araw sasabihin ko rin sa kanilang mahal pa rin kita.
Kahit wala ka na.
Kahit hindi na ako at ikaw.
Ipagsisigawan rin kita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balang araw isisigaw ko rin ang kuwento nating dalawa.
Na sana, hindi na lang ikaw.

your REACTION
BOO

0

CUTE

0

EWW

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US