Candy Reader Poetry: Ang Huling Sulyap Ko Sa'yo

Hindi na. Tama na. Ayoko na.
Hindi na ako aasa na ika'y babalik pa
Sapat na sa aking may iniwang magandang alaala.
Ang hiling ko lamang,
Sana masaya ka
Dahil ako, heto, muling binubuo ang sarili pagkatapos mawala ka.
Wala sa panig natin ang tadhana
Siguro nga ay hindi tayo para sa isa't isa
Tanggapin na lang natin na bago pa tayo may masimulan pa ay agad na tinapos na
}
Upang hindi mas malalim ang sakit na tatagos sa ating mga puso, sinta
Mahal, ito na ang huling pagsulyap ko sa mga masasayang alaala
Hayaan na lang nating si Bathala ang magdesisyon sa ating tadhana
Lagi mong tatandaang nakatatak sa aking memorya ang masasayang alaala
Atin na lang ituloy ng 'di magkasama ang mga plano nating puno ng saya
Pangako, ito'y huling iyak ko na
Muling bibigyan ng saya at sigla ang buhay ko kahit na mag-isa