Candy Feels

Candy Reader Poetry: Ako Lamang ang Nagmahal ng Totoo

Minahal kita, minahal mo ako, ngunit ako lamang ang nagmahal ng totoo.
PHOTO Star Cinema ART Clare Magno

Sa kawalan, ako ay naiwan
Litung-lito sa kinahinatnan.
Inaalala ko ang mga araw na lumipas
Noong ikaw pa ang aking tagapagligtas.

Pasikreto akong napapangiti
Sa pakiramdam nang pagdampi ng iyong mga labi.
Tila naririnig ko pa ang iyong tinig
Nagsusumamo, nanunumpa ng pag-ibig.

Ramdam ang init ng iyong palad sa aking braso
Habang pinipigilan ang pag-alis sa gitna ng pagtatalo.
Ang lambot ng iyong mga daliri
Na humahaplos sa aking pisngi.

Ngunit alaala na lamang ang lahat ng iyan.
Ngayon ay wala ka na, ako ay tuluyan mo nang iniwan.
Ano nga ba ang nangyari?
Hindi ko talaga mawari.

Minahal kita
Minahal mo ako.
Pero tila ako lamang ang nagmahal ng totoo.

your REACTION
OMG

14

HEART

8

YAY

5

BOO

0

CUTE

0

EWW

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
latest on CandyMag.com
 
x
Share
How to be good to your skin AND your beauty routine!
 
x
Share
 
x
Share
Before the season 2 premiere of Stranger Things, we got to hang with some of the old gang and a pair of brand new strangers making their debut soon. Read all about it here!
 
x
Share
Score great hair from Monday to Friday next week.
 
x
Share
Hindi sa lahat ng oras matapang ako.
LOAD MORE ARTICLES
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
Cutiepedia
CONNECT WITH US