Candy Bulletin

WHO ARE YOU: CHAPTER 1 Abigail's PoV

Again, this is a tagalog-english teenfiction story entitled "Who Are You" and this is the chapter 1.

Hi! Please read WHO ARE YOU Prelude before this so you can't miss the introduction of my story. Again, this is a tagalog-english teenfiction story entitled "Who Are You" and this is the chapter 1. Please be reminded that the schools mentioned here are purely fictional, fruit of my wide imagination. Enjoy reading!

WHO ARE YOU: CHAPTER 1 Abigail's PoV

___________________________________

Cambridge Park High School What a wonderful school name. Pangmayaman ang epek. Pero... Uwahhhh. Is dis ril? Nandito ako sa dream school ko? At ang malupet ay makakapagpogi gazing ako dito dahil hindi lang sikat ang school na toh dahil sa mayayamang estudyante kung hindi dahil na rin sa mga pogi at magaganda nitong students! Yehey. Kaso lang hindi epektib ang pagpopogi gazing ko kung mag isa lang ako. Tama, mag isa lang ako dahil transferee ako. Sinipa ako palabas ng school namin kaya ito ako, no choice ang magulang kong paaralin ako dito dahil kung hindi maglalayas ako sa bahay hihihi, joke lang.

Naglakad lakad na ako hanggang sa makarating ako sa harapan ng Auditorium ng Campus. Gahd! Ang laki ng school. Yung oval ng campus sobrang lawak daig pa edsa. Kaya ito ako parang ewan na humahangos ng dahil sa pagod. Pero oks lang dahil sa gitna ng paglalakad ko ay marami akong gwapong nadadaanan kaya sulit ang prusisyon ng lola mo hahaha. Nagpatuloy na ako sa paglalakad kaso lang ay may nabangga akong babae. At ang agad kong napansin ay ang dark violet niyang buhok na medyo black na ewan or baka color blind lang talaga ako. Pero hindi eh, dark violet ang buhok niya at may salamin siya. Nakajacket siya ng light light light na very light violet na mapagkakamalan mo ng puti kasi light, na may pink na damit sa loob. At nakaskirt na violet. Wala naman atang galit toh si ateng si violet noh?

"Ah s-sorry" mahinang sabi niya. "Ah hinde okay lang" sabi ko at tinulungan siyang tumayo. "Bago ka lang ba dito? Kasi hindi ka nakauniform" tanong ko. "Ahh oo eh. Ikaw?" "Hmm. So pareho pala tayo. I'm assuming na papunta ka rin sa Auditorium?" patanong kong sabi sa kanya. "Ahh oo. Wala kasi akong kilala dito kaya nakatulala ako habang naglalakad, yan tuloy nabangga kita" sabi niya. "Kaloka. Ako pa tong inisip mo eh ikaw nga tong natumba. Sabay na lang tayo at hindi ako sanay ng hindi dumadaldal" tinanguan niya naman ako at naglakad na kami. "Ah eh..." nagaalangan niyang sambit. "Ah oo nga pala. Ako nga pala si Abigail Santos. Abi for short and Abigail for long. Hehe" napakamot naman siya sa ulo niya. At doon ko nanaman nakita ang dark violet niyang buhok. "Ah Yvonne... Lacey Yvonne Garcia... nice meeting you" at tinggap ang kamay kong kanina pa naghihintay na makashake hands siya.

"Since kilala na natin ang isa't isa. To be honest kasi... kanina pang kating kati yung dila kong tanungin ka tungkol dyan sa buhok mo. Tsaka may grado ba yang salamin mo?" nakangiwi kong sambit. Napahawak naman siya sa buhok niya. "Ah ganon ba? Yung buhok ko kasi eh pinakulayan ko nung humaba. Trip ko lang talaga yan kaya wag mo ng pansinin. Tsaka totoong may grado yung salamin ko" nagkakamot sa ulo niyang sabi. "Ahh curiosity kills the cat kasi ako. Tsaka masanay ka na. Madaldal talaga ako tsaka mabunganga pero slight lang" bahagya naman siyang natawa. "Pansin ko nga. San ka nga pala galing na school?" tanong niya. "Ahhhh sa Courtney High. Sinipa ako eh. Kaya yon dito ang bagsak ko. Ikaw? San ka galing?" "Sa Trinity Inc." simple niyang sagot.

"S-seryoso? Ano nangayari? Nakick out ka rin?" tanong ko. "Hinde. Hindi ko lang talaga trip yung school kaya dito ako lumipat" nanlaki naman ang mata ko. "Anong hindi trip? Alam mo bang pangalawa ang Trinity Inc. sa listahan ng magagandang eskwelahan? At una ang CAM? Ha? Ha? Alam mo ba yon?" "Hindi" "Ha!?" grabe nato. Grabe. As in G.R.A.B.E. "Actually sa ibang bansa ako galing one year ago tapos dumiretso ako sa Trinity then dito" paglilinaw niya "Lupet mo eh noh?" nilingon niya naman ako at bahagyang nginitian. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan at madaldal rin pala ang isang toh. "Nandito na tayo" at napalingon naman ako sa kinatatayuan ko. Nasa tapat na kami ng glass door ng hall kaya pumasok na kami.

At ang sosyal doon kasi may binigay sa aming I.D. na may number at may pangalan namin. At may nakasulat sa likod na CAMBRIDGE PARK HIGH SCHOOL official new student. Pumunta na kami sa mga upuan namin at kasunod noon ay ang paglabas sa backstage ng isang magandang babae na dumiretso sa gitna ng stage sa tapat ng mic. "Good Morning Everyone. Ladies and Gentlemen. Welcome to Cambridge Park High School" To be continue....

your REACTION
CUTE

0

HEART

0

OMG

0

YAY

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos

Create your content

Photo
Video
SoundCloud
Hi, you!
Title
Body Text
*1st 15 seconds will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)
*File size limit (up to 60MB)
or
Upload Video
*For the direct video upload option, only the first 15 seconds of the video will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)

By submitting your post, you agree to Candymag's Terms of Use and Privacy Policy.

Thank you for submitting your post.
You will be notified via email once your entry has been approved by the Candy team.

Submitted posts will be subject to the approval of the Candy Team.

A few reminders:

  1. Candy Bulletin is an online platform where users can upload original work, personal passion projects, and other forms of self-expression, for the purpose of sharing with the community.
  2. You can upload photos of your curated OOTDs, 15-second videos, essays, poems, and more, as long as the submitted work is original, follows copyright laws, and free of any nudity, pornography, or profanity.
  3. You are encouraged to comment on one another's posts, as long as everyone remains respectful.
Submit Another Post View More Posts
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US