Candy Bulletin

TIME WILL COME: SIMULA

Teen fiction written in tagalog-english. Enjoy reading!

Hi. If you happen to read this, I hope I get to put a smile on your face. It's actually my dream to inspire people through my works. Hindi pa ako ganoon kagaling but I'm really trying my best.. so please bear with me.

'Time Will Come' is a teen fiction written in tagalog-english. Enjoy reading!

TIME WILL COME: SIMULA

Kapag bata ka pa wala ka talagang choice kung isama ka na lang basta ng magulang mo sa mga biglaang lakad. Kahit na mas gusto mong manuod ng favorite mong anime na paulit ulit ng napalabas sa telebisyon wala kang magagawa oras na kumuha na ng sinturon. Mayayamot ka, mag-iinarte at buong araw ng sira ang araw mo. My elementary days weren’t the best. Bibihira ang nakikipagkaibigan sa akin sa school. Hindi ko alam kung ano ba ang problema pero hindi talaga ako lapitin ng mga kapwa ko bata. Minsan nga pinagpipilitan ko na lang sumama sa pagbili sa canteen para lang may makausap. Madalas inaaway rin ako. Kaya siguro habang lumalaki ginusto ko na lang mag-isa. Walang hassle. Nagpalinga linga ako at pilit inaaninag kung nariyan ba siya. O kahit ang anino man lang. hindi kasi ako mapakali.

“Erian, mano sa Tita Dina mo.” Natauhan ako sa sinabi ni Mama. Inabot ko ang kamay ng tinukoy niya. Bumisita kami ngayon sa mga Gonzalvo.. na family friend.

“Ang taas na ni Erian,” ngumiti si Tita. Sumimangot ako. Nagkatinginan kami ni mama at mapangsindak ang titig niya. Nakakainis kasing iyon lagi ang sinasabi sa akin. Tuwing nakikita ng kakilala sasabihing ‘ang taas mo na’ o kaya ‘laking bata’. Matangkad si Papa at si Mama ay gano’n rin, kaya hindi naman nakapagtatakang higante rin ang size ko. Nakakakulili lang sa tenga dahil paulit ulit ko ng naririnig. Obvious na nga, pinapamukha pa. Minsan talaga hindi biyaya ang maging matangkad.

“Ilang taon pa at dalaga na ito. Kung sana ay nagkaroon rin ako ng babaeng anak.” “Matigas naman ang ulo. Kung di ko pa takutin ay hindi sasama.” Tumawa si Tita. “Ganiyan talaga ‘pag lumalaki.” Pinagsalin ako ni Tita ng juice. Walang imik ko iyong ininom habang nakikinig sa rants ni Mama. Kung pwede ko lang pigilan ang bibig niya ay ginawa ko na. Tsismis pa! Sa di kalayuan ay naroon sina Papa at Tito Marcel, na asawa ni Tita Dina. Hinihimas nito ang manok na dal naming pagpunta rito. May kaya ang pamilya nila at isa lang ang anak, si Dench George Gonzalvo. Ang masungit na pangit na iyon. Ha! Buti at wala rito. “Pinaligo ko muna, baka pababa na rin si Dench.”

Naitikom ko ang bibig sa sinabi ni Tita. Hindi ko alam kung bakit bigla naman akong kinabahan. Ang pinakarason kung bakit ayaw kong sumama ay ayoko siyang makita. “Andito na ang bigboy ko.”

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pumasok si Dench. Bagong ligo nga at malinis tignan. Amoy baby siya dahil inubos ata ang laman ng johnson’s. Ng magtama ang mata naming ay nag-iwas agada ko ng tingin.

“Hi, Tita Charmaine. Ang ganda niyo po lalo ngayon!” uto niya kay Mama. Tumawa ang huli at yinakap siya. “Ang gwapo mo na, dami mo na sigurong chix, ano?” “Haha. Tama lang, Tita.” Nanliit ang mata ko. Tama lang? Kung tamaan ka rin ng kamao ko. Pareho lang kaming Grade 5 pero malandi na siya. Unacceptable! Pero ang tanong bakit ako galit? Ano bang pake ko? Hindi niya ako kapatid, lalong hindi niya ako nanay. Bumaling ako kay Tita Dina. Parang hindi naman siya galit na ganon ang sagot ng unico hijo niya. Halata pa nga ang saya sa mata niya. Dapat hindi ganiyan tita.. “Bakit nakasimangot ka naman Erian?” si Dench. Ang tingin ng tatlo ay nasa akin. Nasamid ako ng sariling laway. “Ayaw kasing sumama rito,”si Mama ang sumagot. “Talaga? Bakit naman? Ayaw mo ba akong makita?” Ang puso ko. Ang lakas ng tibok. Parang makakawala na sa ribcage ko. “Ayaw mo akong makita?” I blink. Nakalapit ang mukha niya sa akin ngayon. At kung pwede lang mamelt ng nag-iinit kong pang-upo ang monoblock baka butas na ito ngayon. “H-Hindi ah,” utal ko. “Ba’t parang totoo.. nauutal ka nga.”

Matalim kong tinitigan si Dench. Ayaw ko kasing pinagpipilitan sa akin ang bagay na ni-deny ko na, nakakairita! Isa pa pakiramdam ko ay hinuhuli niya ako. “Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin.” “Okay. So wala kang pakialam kung iisipin ko ngayong crush mo ako?” ngiting aniya. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Crush? Alam ko ‘yon. Ibig sabihin ay humahanga ako sa kanya. “Yuck! Crush? Ako? Sa’yo? Bakit naman?” dire diretso kong tanong. “Bakit hindi?” Inirapan ko siya. “Asa ka pa. Naiinis kaya ako sa’yo.”

Nagbago ang reaksyon ng mukha niya. “Hindi kita inaway. Bakit ka naiinis sa’kin?” Natigilan ako. “Siguro naiinis ka sakin dahil alam mong di kita ika-crush kahit kailan,” halakhak niya. Sa araw na iyon dalawang bagay ang naunawaan ko. Una, tama siya. Pangalawa, nilalabanan ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Kung bata ka normal ang magkacrush, di ba? At kung alam mong crush mo siya, pwede kang magpacute.. pwede ring umiwas. Kapag nabuko ka niya, mas madali atang piliin ang huli.

your REACTION
HEART

4

CUTE

2

YAY

1

OMG

0

/////////////////////////////
COMMENTS. JOIN THE DISCUSSION BELOW!
Comments
VIEW more ARTICLES ABOUT
Recommended Videos

Create your content

Photo
Video
SoundCloud
Hi, you!
Title
Body Text
*1st 15 seconds will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)
*File size limit (up to 60MB)
or
Upload Video
*For the direct video upload option, only the first 15 seconds of the video will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)

By submitting your post, you agree to Candymag's Terms of Use and Privacy Policy.

Thank you for submitting your post.
You will be notified via email once your entry has been approved by the Candy team.

Submitted posts will be subject to the approval of the Candy Team.

A few reminders:

  1. Candy Bulletin is an online platform where users can upload original work, personal passion projects, and other forms of self-expression, for the purpose of sharing with the community.
  2. You can upload photos of your curated OOTDs, 15-second videos, essays, poems, and more, as long as the submitted work is original, follows copyright laws, and free of any nudity, pornography, or profanity.
  3. You are encouraged to comment on one another's posts, as long as everyone remains respectful.
Submit Another Post View More Posts
your REACTION
Pick a sticker to view stories by reaction!
/////////////////////////////
CONNECT WITH US