hindi rin dapat natin malimutan bigyan ng sapat na suporta ang mga lokal na manininda

Ito si Rosalinda De Guzman, isa sa mga lokal na manininda na nakunan ng litrato noong nagsisimula pa lamang magkaroon ng lockdown ang ating bansa. Isa ito sa mga naipinta ko gamit ang watercolor dahil sa panahon ngayon, hindi rin dapat natin malimutan bigyan ng sapat na suporta ang mga lokal na manininda at mga taong kabilang sa impormal na ekonomiya. Sila rin ay dapat kilalanin bilang aktibong miyembro ng ating lipunan, pangalagaan ang kanilang kalusugan at protektahan ang kanilang kabuhayan.



