Welcome to the Candy Bulletin Community!
What're you up to today? Submit your OOTD, fanfic, essay, school project, org event, a pic of your latest hobby, or anything you want to be posted on the #CanBPH page!

EXT. TRAIN STATION – NIGHT

Bettina at Pierre
by Shaina Jovell Santos   |  May 1, 2020
Share This!

EXT. TRAIN STATION – NIGHT

Naka-upo si Bettina katabi ang isang matandang babae sa isang pahabang upuan kung saan pwede kang maghintay ng mga paparating na tren, habang siya’y naghihintay, naka-tuon ang kanyang paningin sa kaniyang cellphone at nakasapak ang earphones sa kaniyang tenga, nakikinig ng malungkot na kanta. May biglang lamig na naramdaman si Bettina. May lalaki na naupo sa tabi niya. Kaya naman umusod ang matandang babae. Hindi kaagad nilingon ni Bettina kung sino ang tumabi sa kanya. Ngunit naramdaman niya na ang pakiramdam na matagal niya nang napigil. Pero patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Nanahimik sandali ang paligid. ‘Di kalaunan ay umalis ang matandang babae. Natira na lamang silang dalawa. Tahimik pa rin. Tanging tunog lang ng mga tao at ang ingay ng tren ang tangi mong maririnig.

PIERRE (huminga ng malalim) Kumusta ka? Tinanggal ni Bettina ang nakasapak na earphones.

BETTINA I’m doing fine. Ikaw?

PIERRE Ganoon pa rin. Walang pinagbago. I heard, Film Student ka na ngayon. Buti tinupad mo ‘yung pangarap mo. Buti naman at tinupad mo pa rin ang usapan natin na mag-aaral ka pa rin ng mabuti, kahit na alam mo na… kung ano ang nangyari sa atin. Ngumiti ng parang aso si Bettina. Hindi makapaniwala sa mga binibitawan na salita ni Pierre.

BETTINA Kahit naman ‘di mo sabihin mag-aaral talaga ako ng mabuti.

PIERRE Sorry. Sa pagkakataon na ‘yon, hindi na napagilan ni Bettina ang mapalingon sa dating kasintahan. Hindi mapigilan ni Bettina ang matawa sa mahinang tunog dahil sa sinabi ni Pierre.

BETTINA Seriously? Ngayon mo pa talagang nai- sipan na humingi ng tawad? It’s been 2 freaking years, Pierre. Ngayon ka pa lang hihingi ng sorry. Ni hindi mo nga nasabi ang tunay na dahilan kung bakit ka umayaw bigla. Kahit na ramdam ko naman na talaga ‘yung tunay na dahilan. Bigla kang nawala na parang bula. Tapos, ngayon hihi- ngi ka ng sorry? Bigla kang magpa- pakita sa harapan ko na parang hindi mo ako iniwan sa ere? Ayos ka ha. Ang funny mo.

PIERRE Sorry. I just had to let this out From my chest. Bettina, pasensya ka na kung sinabi kong napagod na ako. Iyon na lang ang tanging paraan para hindi ka na lalo pang masaktan. I don’t want to hurt you, pero nagawa ko na. Siguro nga, alam mo na ang tunay na da- hilan. Nagkaroon ng iba. Hindi ko alam. Bigla ko lang naramdaman ‘to kahit mali. Alam ko naman ‘di pwedeng maging kami. Pero mas pinili ko pa rin siya. Kasi sa kanya ako mas sumaya. I’m sorry. Gusto ko lang magkaroon tayo ng maayos na usap- an. Para hindi ka na umasa pa.

BETTINA Ayos! Sa dulo ako na naman ang mukhang tanga. Ako na naman ang mukhang naghabol. Ako na la- ng parati ‘yung kawawa. Alam mo, hindi mo na dapat ako kinausap at ginambala kung wala ka namang balak makipagbalikan. Because, I’ll be honest. Noong nakita kita ngayon, bumalik sa isang iglap ‘yung nararamdaman kong matagal ko nang pinatahimik. Pero, na-realize ko just n- ow. As in right at this moment. ‘Yung nagmahal pala sa’yo ay ‘yung bata kong puso. Pero, kah- it kailanman, hinding-hindi ka na mamahalin ng puso kong natuto. Tumayo na si Bettina, umalis na sa kanyang kinauupuan at hindi na kailanman nilingon ang dahilan ng kanyang pagkakalunod at hindi pag-usad sa mapait na nakaraan.

REAX!
How do you feel about this article?
Featured Video

Create your content

Photo
Video
SoundCloud
Hi, you!
Title
Body Text
*1st 15 seconds will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)
*File size limit (up to 60MB)
or
Upload Video
*For the direct video upload option, only the first 15 seconds of the video will be uploaded
*File size limit (up to 60MB)

By submitting your post, you agree to Candymag's Terms of Use and Privacy Policy.

Thank you for submitting your post.
You will be notified via email once your entry has been approved by the Candy team.

Submitted posts will be subject to the approval of the Candy Team.

A few reminders:

  1. Candy Bulletin is an online platform where users can upload original work, personal passion projects, and other forms of self-expression, for the purpose of sharing with the community.
  2. You can upload photos of your curated OOTDs, 15-second videos, essays, poems, and more, as long as the submitted work is original, follows copyright laws, and free of any nudity, pornography, or profanity.
  3. You are encouraged to comment on one another's posts, as long as everyone remains respectful.
Submit Another Post View More Posts
How do you feel?
Click on your mood to read related stories
CONNECT WITH US