This is Not a Love Story
For every story, there would always be this girl—the one whom you’d either like or hate.
But when this girl writes her own story which she would name ‘THIS IS NOT A LOVE STORY’…
Would you even bother reading it till the end?
CHAPTER 1
[Sarcastic]Ang saya saya mabuhay sa mundo… lalo na kung may boyfriend kang tulad ni Wayne. Hindi ba?
Papunta ako sa meeting place namin ni Wayne, sa malapit sa school. Isang tricycle na lang naman mula sa school. Ang ganda dun lalo na pag sunset, although papaligiran ka ng mga mushy na tao tulad namin.
Excited lang ako na makita siya!
Si Wayne, ang first ever boyfriend ko simula grade n (where n is a positive integer, secret ko na lang dahil hindi ako magandang ihemplo). Pero parang dati hindi pa kami seryoso. As in hatid hatid lang, libre libre… puppy love ba? Pero nagbago yun nung dumating ang high school. Naging mature kami kung mag-isip.
Napapangiti ako kapag naaalala ko yung araw na naglolokohan kami na kami na. Hindi ko naman alam na seseryosohin talaga namin. At oo, masaya ako sa kanya.
Nagkakaroon kami ng selosan at tampuhan, hindi naman maiiwasan yun. Pero kahit ganon, nagkakabati naman kami. Nakakatawa lang na kapag binibigyan niya ako ng teddy bear o manika, sinasabi niya anak daw namin yun. Tapos bigla kaming magpaplano ng future etc.
Nakasakay ako sa jeep, habang nakangiti. Kahit magfou-four years na kami next week, hindi parin ako nagsasawang kiligin kapag kasama ko siya. Yung feeling na safe ka? Yung feeling na parang… Parang pupuntahan mo yung kaluluwa mo as if humiwalay nga to sayo at excited kang makareunion ulit? Ewan. Para na ata akong baliw.
Halos isang linggo pa lang ang nakalilipas nung nagpasukan mula sa isang mahabang Christmas break. Ang saya ko lang dahil nagkatampuhan kami nung isang linggo dahil parang hindi niya ako gaano kinakausap. Siguro, ito na yung pambawi niya sa kin.
Umupo ako sa usual naming upuan, at siyempre, hinintay siyang dumating. Pag dating niya, naglabas ako ng isang ngiti.
“12 minutes late.”Ngumiti ako at hinintay ko siyang akbayan niya ako. Yun kasi yung usual niyang ginagawa…
Pero…
Hindi niya ginawa yun.“Ui, may problema ba?”“Wala naman.”Umupo siya sa tabi ko saka nagkalkal ng bag. Kinuha niya yung cellphone niya tapos tinago ulit. Mukhang nagtext muna siya.
“Bakit mo pala ako pinapunta dito?”Huminga siya ng malalim.
“Teka, gusto mo maglakad-lakad muna?”Tumayo kaming dalawa tapos naglakad muna. Nakalagay yung mga kamay niya sa bulsa, siyempre kinuha ko yung isa para hawakan ko.
“Kalma lang heart, ang laki ng problema mo. Andito naman ako eh.”Hinigpitan ko yung hawak ko pero hindi siya nagrespond. Siguro dahil malaki nga ang problema niya. Naiinis ako dahil ganon, pero kailangan ko siya intindihin. Baka nagkagulo sa bahay nila or something.
Tumamabay kami sa jollibee. Pinaupo niya ako tapos nagorder siya ng dalawang ice cream tapos burger steak meal. Kagulat lang nung binigay niya sa kin yung dalawang ice cream.
“O, bat di ka kakain ng ice cream?”“Para sayo talaga yan.”“Sweet naman ng heart ko.”Nagflying kiss ako kuno sa kanya, saka ngumiti. Ngumiti siya ng bahagya at nagumpisa na kami kumain. Nagkwento lang ako tungkol sa mga nangyare sa bahay. Nagdodorm kasi ako dahil nga malayo yung high school namin at minsan lang ako umuwi.
Pagkatapos namin kumain, uumpisahan ko na sana yung pagkain nung isang ice cream…
Tapos…
Saka niya hinawakan yung kamay ko.
Ngumiti ako, ulit. Hindi nawawala yung pagkakataon na kinikilig ako pag ginagawa niya to.
“May sasabihin ako.”“Ano yun?”Natahimik siya sandali…
Saka binuga ang salitang kahit kailan ay hindi ko ninais marinig…
“G—gusto ko na makipagbreak.”Parang gugunaw yung mundo ko.Automatic na nalaglag yung panga ko at napatulala na lang sa kanila. Sumikip yung dibdib ko. Tae dahil mukhang naparami yung mantikang ginamit sa pagluto ng burger steak kaya feeling ko hindi ako makahinga.
Ang kwento na nagumpisa sa dulo.
Ito na ata ang pinakakasuklam-suklam na kwento.“T—teka. Kung dahil sa last week na nagalit ako, okay naman na tayo diba? S—sorry kung—”“Hindi. Hindi dahil dun Cj.”“Please, call me heart.”Ang pathetic lang nung sinabi kong tawagin niya akong ‘heart’ kesa sa pangalan ko. Ayoko… PLEASE.
“Sorry.”“CR lang ako.”Pumunta ako ng CR, para… Para ano pa ba? Para umiyak. Ayoko. Sana paglabas ko may surprise siya sa kin at sasabihin niyang, ‘sorry, alam mo namang hindi kita kaya iwan’ or something like that.
Feeling ko daig pa ng end of the world prediction ni Nostradamus ang nangyare. Parang mamamatay na ata ako.
Paglabas ko, walang balloons, walang flowers… Wala. Gusto ko ulit bumalik ng CR at baka sakaling panaginip lang to—bangungot to be specific. Pero hindi…
Tae.
Totoo lahat to.Umupo ulit ako sa harap niya, sinubukan kong kalmahin ang sarili ko at pakinggan yung mga sasabihin niya.
“Baka matunaw.”Sabay turo sa ice cream na kakainin ko dapat. Pero, tingin ko, mamaya ko na kakainin. Kakailanganin ko to pag uwi ko ng bahay.
“Kaya pala dalawa yung binili mo saking ice cream.”“Sorry…”“Sige. Explain mo sa kin.”Huminga siya ng malalim.
“Si… Si Cara.”Sumikip yung dibdib ko. Mali ba? Mali ba na nagluwag ako sa kanya?
Tinitigan ko lang siya. Mukhang naghihintay lang siya ng mga sasabihin ko. Naalala ko dati, nung first year high school kami, sobrang nagselos ako sa isa naming batchmate, si Yanyan, na bff ko na ngayon. Pero sabi niya, wag daw akong magalala… Dahil ako lang daw ang mamahalin niya habang buhay…
Pero…
Na saan na ang habang buhay?Kaya naman simula noon pinagkatiwalaan ko siya. Nagseselos ako, pero sinasabi ko paulit-ulit sa sarili ko na ako lang ang mahal ng nilalang na to.
Matagal na sinasabi sa kin ni Yanyan at ni Luis (Luisa sa gabi) na parang may something sila ni Cara. Pero pag tinatanong ko naman siya, sabi niya magkaibigan lang daw sila.
At dahil sabi ni Wayne, alam kong totoo yun…
Ang tanga ko talaga.Pinigilan ko ang maghimutok kahit gustung gusto ko na. Ang tanging alam ko lang, magkasama sila nung review center nila at naging magkaklase sila ngayong fourth year. Sila lang naman yung Isagani at Paulita ng section nila sa magaganap na El Fili sa March. Pero lahat yun binalewala ko lang dahil sabi nga niya…
Ako lang ang mahal niya.
Huminga ako ng malalim sabay tumulo ang luha ko.
“K—kailan pa?”“H—hindi pa kami. Hinihingi… Hinihingi ko pa ang permiso mo…”PERMISO?
Gusto ko itapon yung yelo na nasa softdrinks ko sa kanya.
PERMISO? ANO AKO, NANAY MO?!“Hindi mo sinagot yung tanong ko.”“Nung… Nung Christmas vacation… Inamin niya sa kin.”“Tapos?”“T—tapos… Ayon. Narealize ko na lang na—”“Pagkabreak mo sa kin, kayo na?”“H—hindi naman.”Lumunok ako ng laway at pumikit.
Sa totoo lang, gusto kong tawaging ahas si Cara. Pero, pero anong karapatan ko diba? Ayoko maging tulad nung mga kontrabida sa mga telenobela… Yung mga “second girl”. Usually, kapag ganito yung plot, yung mga tulad ko yung sisira sa love team ng bida—yung accidentally na nag-fall with each other…
Wala silang kasalanan… Diba?“Mapipigilan ba kita?”Nanginginig yung mga labi ko habang sinasabi yun. Hindi ko maimagine na hindi na siya sa kin bukas… Hindi na siya sa kin sa susunod na linggo… Hindi na siya sa kin sa susunod na buwan…
Hindi na siya sa kin simula ngayon.Huminga ako ng malalim. Pagkaexhale ko, naramdaman ko yung kirot sa puso ko. Taeng kwento to.
Kahit sa paghinga ko ng malalim, andun parin yung mga nanginginig kong labi.
Ngumiti ako.
“Okay. Uhm… Gusto ko lang sabihin na, minahal kita, at… mahal pa rin kita.”“S—sana wag kang ganon umiwas.”“Tao ako ano ka ba, hindi ko kayang hindi gawin yun.”“Gusto ko bumalik tayo sa pagiging… Magkaibigan.”“Hindi ganon kadali yun, heart—este Wayne.”MASOKISTA. SADISTA. WHATEVER.
Tumayo ako at kinuha yung ice cream, ang huling bigay sa kin ni Wayne. Sa loob ng tatlong taon, minahal ko siya. Siya lang talaga. Pero… Napalitan lang ako ng isang babaeng ngayon lang niya naging kaklase…
Fuchsiang mundo naman to.
“S—sige. Kita kits na lang tayo sa Monday?”“Hatid na kita.”“Ano ka ba. Ex na kita no.”Nagbigay ako ng isang ngiti na may kumikintab na mata. Nginitian niya ako, at napayakap siya sa kin. Sandali lang naman yung yakap na yun.
“Salamat. Salamat at naintindihan mo kami.”Ang dali lang magpanggap.“Onaman. Hindi kasalanan ang magmahal.”Sumakay ako ng tricycle. Sa hi-way na lang siguro ako sasakay. Or better kung dumaan muna ako ng school?
Umiiyak ako pagkasakay ko sa tricycle. Fuchsia. Fuchsia talaga. Ang sakit sakit sa pakiramdam. Sana pala ako yung unang nakipagbreak. Would it make any difference? Maraming beses na ako nakipagcool-off, pero sa isang suyo lang balik na agad.
Masunog na lahat ng love story sa mundo.
Nakakatawa lang dahil sinusulat ko yung love story namin. Kung paano kami nagkakilala etcetera. Sabi niya eh. Sabi niya isulat ko daw. Pero… Pero mukhang back to square one ako.
Ayoko na tapusin yung kwentong sinimulan ko.
Pumunta ako sa room namin para kumuha ng gamit sa locker. Habang kumukha ng gamit umiiyak parin ako. Paano, pagbukas ng locker ko may nakalagay na picture naming dalawa.
Tinanggal ko. Balak ko punitin, pero parang hindi ko kaya.
“Cj?”Nagulat ako, to the point na lumundag talaga ako dahil sa gulat.
“Ui, ayos ka lang?”Ang nasa harap ko ay walang iba kundi yung isa sa mga kabarkada ni Wayne, si Jappa. Jappa dahil James Patrick. Basta yun. Tahimik siya in general, pero maingay siya pag kasama niya sina Wayne. Hindi talaga kami close nito. Never nga kami naging magkaklase…
Pero sa lahat naman ng makakakita sa akin na umiiyak…
Bakit siya pa?I mean, pwede naman si manong guard. Pwede naman si ate Lea na tagabantay ng dorm. Bakit kailangan kabarkada pa ni Wayne? At sa lahat—yung hindi ko pa kaclose?
Pinunasan ko yung luha ko.
“O, Jappa. Anong ginagawa mo dito?“Pinakuha lang sa kin ni Wayne yung gitara niya. Ayos ka lang?”“Ayos lang ako.”“Sigurado ka?”Isa pa tong papatayin ko eh.
“Yep.”“Eto. Panyo.”“Para san?”“Wag mo nga akong gawing sira ulo.”Lumapit siya sa kin sabay kuha nung picture na gusto kong punitin.
“Sinabi na niya?”So alam pala niya.“Ako na lang ba ang huling nakakaalam?”“Siguro.”“F***.”Nagulat ako nung pinunit niya yung picture.
“Sorry, napunit.”“TAE KA!”Kinuha ko yung nahating picture namin. Anong gusto niyang palabasin?!
“Hindi ko talaga sinasadya.”Hinga ng malalim…
“Akin na.”Kinuha ko yung picture at tinago sa bag ko. Kailangan kong kumalma. Mag gagabi na din at kailangan ko na umuwi. Gusto ko na mag fast forward.
“Ano palang ginagawa mo dito?”“Pinapakuha nga ni Wayne yung gitara niya sa loob ng room. Halatang sabaw ka. Tinanong mo na sa kin yun kanina. Ikaw?”“Wag mo na itanong.”Natawa ako ng pakunwari habang kinukuha ko yung gamit sa loob ng locker.
“Sige. Bye.”“Bye.”Umalis siya kasama nung gitara ni Wayne. Kahit parehas kami ng sasakyan, mas pinili parin niya ang hindi ako sabayan. Papatulan ko na kahit sino basta may makausap ako at makalimutan lahat ng nangyare. Kaso, hindi eh. Kahit magkakilala kami, at kahit konektado kami in a way, para siyang isang total stranger sa kin—isang estrangherong alam ko ang pangalan.
Huminga ako ng malalim… At pumikit… Saka inalala lahat ng nangyare.
Worst chapter 1 ever.