*One*
The Beginning of Everything
[Anna jin’s pov]“anak, 6:30 na!! bangon na diyan!”“opo ma… five minutes na lang…”Shemay. Ansaya-saya matulog eh!
Binuksan ni mama yung pinto nung kuwarto namin ni bunso.
“AJ, bangon na! malelate ka na sa klase mo!”“opo…”“AJ!!”“mamaya na ma… sarap matulog eh…”“anna jin! Akala ko ba kelangan mo pumasok nang maaga?”Maaga? Wala naman akong gagawin ah.
“Mama naman eh…”*BEEP BEEEEEEEEEEEP*“ayan na nga ba sinasabi ko eh. AJ, bangon na! andyan na siya!”“eh.. yoku pa.. pakisabi mauna na siya..”“anna jin!!”“opo, opo, eto na…”Ganyan ang buhay ko araw-araw. Pag papasok ako, pahirapan sa paggising sakin. Buong bahay ayos na, ako maliligo pa lang. kaya madalas nasisigawan ako sa bahay eh.
“aj! Ang kupad mo! Bilis!!”“eto na pinakamabilis ko, ma..”Malamang nagtataka kayo bakit ganyan ang mama ko. Ang sumusundo kasi sakin eh si
Rei dela Fuente, yung ‘fiancé’ kong mayaman. Pero believe it or not, 15 lang din siya. We’re of the same age, pero hindi kami pareho ng pinapasukang school. Anak siya ng kumpare ng papa ko. Wala naman akong angal sa fixed marriage namin kasi wala namang nakakaalam. Isa pa, sooner or later, alam kong aalis din ng country ang pamilya ni rei. Sino nga ba ang baliw na maniniwalang gusto nga akong ipakasal ng mga magulang ni rei sa kanya?
“alis na po ‘ko ma…”“mag-iingat ka! Wag mo nang idedelay lakad niya ah!”“opo..”Sumakay ako sa kotse. Nasa harap yung ‘chauffeur’ niya habang siya nasa likod.
“good morning.”“hmmm.” sunget. may dalaw siguro to. ewan ko ba rito. may lahi atang bato to eh. ayaw patinag, parang baliw. buti nga binati pa siya eh! pa-important pa, kala mo naman kung sinong VIP. hindi naman ganun ka-guwapo..
we were silent for the rest of the trip. Pansin ko nga, laging malungkot ‘to eh. Parang may iniisip.
At last, dumating na rin kami sa school. Nag-aaral ako sa Valor academy, isang school na ewan ko kung maganda o hindi. Dito rin nag-aral si rei nung grade school siya, kaya dito rin nila ako pinag-aral. Di ko nga maintindihan bakit hindi siya rito nag-highschool eh. Ang mahal nung tuition dun, pero for some unknown reasons, sinagot ng pamilya ni rei ang pampaaral ko. Bakit nga kaya?
Tumingin ako sa kanya bago ko bumaba.
“thank you.”Tiningnan niya lang ‘ko and then they drove off. Grr. Buti nga nagpasalamat pa ‘ko! Suplado.
*krrring*.
Eto na nga ba sinasabi ko eh. Bell naaaaaaaaaaaaa!!!!
Madalas pag dumadating ako sa school ganto inaabutan ko. Sa sobrang laki nitong academy, anlawak pa nung tatakbuhin ko bago ‘ko makapunta sa front door. Required kasi ang lahat na dun dumaan pag umaga.
“manong!
” sabi ko sabay ngiti dun sa janitor na napadaan pagpasok ko.
“uyy! Ohayou!
” sabi niya at ngumiti rin.
“nice manong ah, alam niyo na rin yan! Morning din!”Ang nakakatuwa dito sa valor, walang mahilig manlait kahit na mayayaman sila. Hindi rin biased ang admin kaya pantay-pantay ang rights ng mga estudyante.
No special treatment kahit na anak ka pa ng pinakamayamang tao sa mundo.
“Jin.” lumingon ako at nakita ko si
Kara Yu, isa sa mga kapita-pitagang beauty queen ng school, muse ng klase namin at isa sa mga over-all honor students. Kilala siya kasi family niya ang may-ari ng sister school ng Valor academy na nag-ooperate abroad.
“uyy. Akala ko late na ‘ko! Bakit ka nandito sa hall?”Ngumiti siya.
“wala tayong teacher ngayon para sa morning shift. May emergency meeting daw eh.”Hmft. nasayang effort ko na gumising nang maaga.
“ahh. Eh yung iba, asan?”“yung class officers nasa room, nag-aayos na for the school fair. Yung iba nasa cafeteria.”Nakupo! School fair na pala! Every year kasi meron kaming school fair and talents fest sa academy. Bawat section ay inaasahan na magpakita ng talent, tapos may sari-sarili kaming racket na gagawin sa mga room namin. Parang entrepreneurship. Last year hindi kami nag-champion kasi ang gagaling nung mga seniors. Pero ngayon, babawi na kami.
“saan ka pupunta? Ayaw mo ba sa room?”“sa library. Magbabasa lang
”“ah sige, ingat ka.” Kahit na mabait siya, naiilang pa rin ako sa kanya. Hindi naman kasi kami ganun ka-close.
Hmm, makapunta na nga lang sa room. Dito sa school, hindi uso ang airconditioned rooms kasi ayaw ng admin. Ecological ang environment ng academy. Para ngang garden yung school eh. Pero ang Masaya, fresh lagi yung hangin na nalalanghap mo. Isa pa, may veranda yung bawat room kaya tanaw mo ang buong school.
Binuksan ko yung pinto nung room.
"good morning!!"Hwow. Bakit parang ang sisigla nitong mga ‘to?
“morning..
”“oh bakit parang di masaya si miss treasurer?
” tinapik ako sa balikat ni
Hana Alcantara, secretary ng IV-A.
“may problema ka ‘no?” si Hana ang comforter ng lahat. Pag may problema ka, sakanya ka dapat lumapit. Makakaasa kang di niya sasabihin kahit kanino lahat ng sikreto mo. Diary nga siya ng lahat eh, bukod lang ata sa ‘kin.
“inaantok ako nu. Ginising kasi ako ni mama ng maaga tapos ala rin pala klase”“owss. Di nga?!” nilapit ni
Ken Pascual mukha niya sa ‘kin. Siya ang escort namin. He’s known to be the most handsome man sa school, at wala pang pumapalit sa puwesto niya since nung nakilala ko siya three years ago. Masyadong masaya sa buhay si Ken eh, para ngang alang dinanas na problema sa buhay.
“oo nga, kulit nitong si Ken.”“since mukhang okay ka naman, kakamustahin ko na kung magkano na yung funds.” Humarap sa ‘kin si
Alvin Menguez, president ng IV-A. candidate siya for valedictorian at na-chismis na ring dine-date si Kara, pero hindi naman ata naging sila. Kilala rin siya dahil family naman niya ang may-ari ng largest operating five-star hotel in the country.
“funds? Hmm. Actually, parang kulang pa yung budget natin ngayon. Napunta ata lahat sa decorations.”“ibig mong sabihin ang mamahal nitong pinaglalagay namin sa room?!” mukha namang nagimbal si Adrian Acosta, ang escort namin. Siya ang pinakalapitin ng girls kasi bukod sa guwapo, maalaga pa saka maunawain. Pag nakita ka niyang naglalakad mag-isa sa kalsada, bababa siya sa kotse niya tapos sasabayan ka. He’s very down-to-earth. He’s rich but he doesn’t act like one.
Ngumiti ako.
“hindi naman. Kulang lang talaga yung funds.
”“so we need more?”“yep.
”“eh kung mag-book drive na lang kaya uli tayo?”“no, hindi puwede. Sa IV-B na yun eh.”“eh anong puwede?”“alam ko na!
” ngumisi si hana.
“ano?”“ukay-ukaaaay!!!!”Ano? Teka nga, ano na naman pinagsasabi nitong si Hana?
“ukay-ukay? Di ba yun yung ano… informal shopping ng mga commoners?”Pinalo siya ni Adrian sa likod.
“ikaw naman Justin. Not exactly commoners. Alam mo kasi, yung auntie ko, mahilig sa mga ganun.”“hindi naman kaya unsanitary yun? I mean, di ba gamit na yung mga damit dun?”“hindi ah. I assure you, safe naman. Never been used ang mga binebenta sa mga ganun kaya ayos lang.”“so pano? Lets’ go for my idea?”“okay.
”“approved!!!
”Saka ko lang napansin na kulang kami.
“teka, wala si Kara..”“oo nga no. dapat approved sa ating lahat ‘to.”“I’m here.
”And sure enough, andun yung stunningly beautiful muse namin. May hawak siyang libro saka notebook in one hand; a pencil in the other. Halatang-halata na mahilig siya mag-aral. Nakakapagtaka nga kung bakit hindi siya ang naging secretary namin eh.
“alam mo na ba yung gagawin?”“yes. Narinig ko lahat.”“so approved?”“oo.”“yeahhh!! Ngayon kailangan na lang natin kumuha ng mga dapat i-sell. San kaya?
”“masyado ka namang excited, hana! Energized ka masyado ah!”“siyempre! Ako pa!
” “waha! Hoy adrian, wag nating pahahawakin ng pera tong si Hana ah. Baka mamiligro tayo!”“aba, ansama mo ah! Parang ikaw hindi magastos ah!”“ibahin mo ko sayo.
”“adrian ohh!!!!”adrian:

Hay. Sa unang tingin hindi mo aakalaing nasa IV-A ka.
Pag tumingin ka sa paligid, makikita mong nagbabasa si Kara, si Adrian naman ginawang sine sila Ken at Hana, tapos si Alvin nasa veranda, nagpapahangin. Ang gara nga eh. Parang walang thrill mga buhay namin.
“uhmmm… IV-A ‘to di ba?” ginulantang ako nung lalaki na nasa pinto.
“yes, bakit po?”“pinapatawag kayo ng principal sa office niya.”
“ngayon na po?”“yes.”
Tumingin ako sa paligid ko. Ano kayang kailangan ng admin sa amin?

hay na-ipost din! whew
