Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length


Poll

Alin kaaa?

Silent Reader. Ill comment balang araw.::)
 9 (50%)
Loud Reader. Maingay ako eh, ano ba. :D
 9 (50%)

Total Members Voted: 18

Author Topic: Babaeng Tanga. -- HIATUS  (Read 5467 times)

m0chAccinoo_09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +16/-2
  • xoxoxoxo
    • Doodles&Art
Re: Babaeng Tanga.--UPDAAAATED Chapter Trez continuation! ^^
« Reply #60 on: October 29, 2009, 03:59:30 pm »
ooh. may bago..? :D
hahaha. nice uppie, sis!
If love is a game
I demand a rematch.

chiqua♥21

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 899
  • Karma: +37/-23
  • ♪yongseo♪ is ♥ Power of 9 is unbeatable!
    • please add me up in your friendster. :)
Re: Babaeng Tanga.--UPDAAAATED Chapter Trez continuation! ^^
« Reply #61 on: October 29, 2009, 11:04:06 pm »
omg~~~
gosh, rambulan na ata to!!! nyahah, kay casper ka na lang!!!
"My ideal guy is Vegeta." - SNSD's Kim TaeYeon

ONE YEAR LATER

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--UPDAAAATED Chapter Trez continuation! ^^
« Reply #62 on: October 30, 2009, 07:52:43 pm »
ooh. may bago..? :D
hahaha. nice uppie, sis!


Yep. hehe. Thanks! ^^
omg~~~
gosh, rambulan na ata to!!! nyahah, kay casper ka na lang!!!


Hahaha. Kung pwede lang. :D


IV. IKAAPAT na PAHINA
I got Dazzled

"Uy Tam! Okay ka lang? Kanina  ka pa tulala ah? Narinig mo lang yung 'D.' n sinasabi nung babae, parang ka ng zombie na naglalakad."

Grabe. Dumating na talaga si D. Nauna na kaming umalis ni Maggi sa school at sa back gate na kami dumaan dahil ayoko makita yung babaeng mahal ni Nick. Ugh.

"Kanina pa ako nagsasalita dito tapos wala palang nakikinig.."

Tapos gaganda na yung future na kababaihan? Mukha niyo! Ano siya, si Darna? Bwisit naman. Bakit ba ang malas malas ko ngay----

*BOOOG*

"Ay sorry!! Di ko sinasadya!" May nabunggo pa tuloy ako. Masyado kasing occupied yung pagiisip ko e. Nagsimula na ulit kaming maglakad ni Maggi. "Tammi?" Nung may tumawag sa name ko na galing sa likuran. Lumingon ako, si Casper pala.

"Oh Casper? Andito ka pala?"


Casper and Maggi : ??? ???

"Bakit ganyan itsuro niyo? Anong ginawa ko?"

"SiyaAko yung nabundol mo." Ha?        :o      Ano daw?!

"Huh? Ay sorry ha.." Nagayon baka iniisip niya talagang tanga nga ako. Tam naman kasi eh!? "Okay ka lang ba?"


Okay nga lang ba ako? Kasi naman e. Nabubulabog na yung pagiisip ko ng D. na yun eh. "Kanina pa nga yan e.. Narinig lang yung 'D.' naging zombie na. Hindi ng akao pinapansin eh!"

Hindi ko sila pinapansin habang naglalakad kami, nag-aya kasi si Casper na magMcdo, syempre bawal tanggihan ang grasya. :D

"Ahh okay. Gets ko na."

"Oh? bakit ba? Sino ba yung D?"

"Si D. as in Dishen Colonel. Siya yung so called leader ng mga girls sa Doofas [school nila ito], lahat nga gusto yun eh. Perpektong perpekto kasi e." Perpekto nga siya. Hinugot nga yata yun sa kahulihulihang parte ng katawan ni Adan e! O kaya naman balde ang dala nun nung nagpasabog si Lord ng biyaya. Hmp.

"O tapos? don't tell me insecure si Tammi kay D.? :o"

"Hindi ako insecure noh!" Hindi nga ba? ::)

"Mahal kasi ni Nick si D. tapos naging sila pa bago lumipat ng school si Dish." Ano ba talaga nickname nun? D. o Dish? pwede Dish nalang? :D

"Ahhh okay! Kaya naman pala eh. Inggit yung iba jan! ;D"

*PLOK

Binatukan ko nga si Maggi. Inggit daw ako? bakit naman ako maiingit? Truck yata dala ko nung nagpasabog si Lord na biyaya, kaya lang naubusan ako ng wisdom. :D ::)

Nakarating na rin kami sa Mcdo, walking distance lang naman `to from the school eh. Habang kumakain kami may tumawag kay Casper.

"Hello? ... Yeah.. Okay.. Basta wag gagabihin ha? Sige, I will. Kaw din Ingat. Love you too." Akala ko kaibigan niya lang yung tumawag pero dahil sa last niyang sinabi, malamang GF niya yun. "GF mo?"

:o Siniko ko si Maggi, Chsimosa `to!

"Hahahaha!" Oh problem nito? Tatawa tawa siya? "Kapatid ko lang yun!" AHHH. Yun naman pala e.

"Ahh. Heheh." napakamot lang kami sa batok ni Maggi.

"Wala naman akong girlfriend eh. May inaantay ako." Nagkatinginan kami ni Casper, titigan pala. EEEEEK. Para akong nakuryenteng ewan. Naramdaman ko yung tingin ni Maggi samin, yung sulyap sulyap. Una akong umiwas tapos kumagat na ako sa burger ko.

Afetr namin magMcdo, uwian na. Syempre naglakad nalang ako, malapit lang naman bahay ko eh.



"Kumain ka ng mabuti Tammi ah. Baka ako mapagalitan ni Dad paguwi niya kapag pumayat ka." Oo nga pala, 1 week nalang at uuwi na si Dad, YAAAAY. Business Trip kasi siya e. Si Mom naman, wala na, sumakanilang BAHAY e. Ewan ko ba dun, gwapo gwapo ng tatay ko e iniwan niya. Amp. >:(

*Ring Ring*

Tumayo ako para sagutin yung phone.

"Hello pwede kay Tam?" Babae yung tumawag pero di ko kilala kung sino.
"Sinong Tam? Tammi o Tamara?" Pareho kasi kaming Tam ni Kuya e. ;D
"Ah, si Tamara, pakisabi si Kristy to." Ah okay para pala kay Kuya.

"Kuuuuya! Phone para seo! Kristy daw!" Sigaw ko sa kanya, mejo malayo kasi sa dining yung phone eh. Pagkasagot niya sumenyas naman ako ng una na akong pumasok sa school baka malate pa ako e.

At hindi lang pala BAKA dahil late ako--na naman.

"Ano ba naman Miss Gomez! Late ka na nga kahapon late ka pa ulit ngayon? Ilang taon ba ang byahe galing sa inyo ha?" PATAY. Si Ma'am Sanya na naman. Bakit ba magkasunod na araw na siya yung first subject teacher ko? Hmp. "Eh kasi po.. ano.. ano.." Anong ano? Bakit nga ba ako late? Grrr.

"Save it for next time. Tsk, tsk." Next Time daw oh? "So pwede ulit ako malate? :D"


"ABA. Tammi Gomez, umupo ka na kung ayaw mong makakain ng chalk at eraser!" Agad naman akong umupo bago niya pa nga totohaning pakainin ako nun, busog pa naman ako sa breakfast ko. :D

"Okay, Sige Paalam class. Btw, Miss Gomez, dahil late ka for 2 consecutive days kelangan mong magprepare ng short presentation next meeting, bahala ka kung gusto mong solo o may kasama."  ANG LAKAS MANTRIP.

:o   Holy Cow! May stage fright akoooo! AYOKO. Tae. para naman akong may choice. Huuuuwaaa.

"MAGGI! Ayoko!!" Humarap ako kagad kay Maggi at hinawakan ko yung braso niya na parang nagmamakaawa. "Ano naman magagawa ko? Late ka kasi ng late eh, yan tuloy na pala mo!"


"Teka! You're supposed to say It's going to be fine!" Hindi man lang ako cinomfort? >:P

"Good Morning!!" Lahat kami napalingon sa may door. Sino yun? Tumahimik lahat parang pino process ang nakita.

"DEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!"

Si Nick na kanina nagtetext napatigil tapos napatayo, talagang slow motion pa ah. >:( Tama. Si D. nga.

Late daw siya kasi di pa siya sanay sa time zone ng pinas. ASUS. Nagibang bansa lang ang yabang na e. Hmp. Pero.. pero..

bakit lalo siyang gumanda? akala ko wala na siyang igaganda pa, nyeta! meron pa pala! Yung dating black long hair naging brown layered hair na mas nagpaganda sa deep brown eyes niya. Tapos yung skin niya lalong pumuti-- ganun nalang ba talaga ang tubig sa England at nagpapaputi ng tao?-- nagglow pa! Mas lalo pa siyang sumexy.. parang di na siya totoo sa kagandahan niya eee!

"Oh okay ka lang? kumukunot na yang noo mo." bulong ni Maggi sakin habang ang lahat ay busy kay D. maging si Nick natulala sa kanya habang pinaglalaruan ang ballpen niya. Pasulyap sulyap naman si D. kay Nick, flirt!

"Kasi naman eh, patweetums pa `tong dalawang `to." Wala akong pakielam kung nalakasan ko boses ko, gusto ko naman talaga marinig ni Nick yun eh pero di niya ata narinig.

Grabe D.! Ano bang sekreto mo? lalo kang gumaganda! Gr. 6 pa lang tayo pamatay ka na e!" Tumawa lang si D. ng pacute tapos sulyap ulit kay Nick. "Not Really. I wasn't that beautiful back in England. Hehe." Ang yabang! Marunong naman magtagalog tapos nageenglish pa siya! Palibhasa yung accent niya malaharry potter na e. Amp.

Natapos na rin ang class namin. Buti nalang. Hindi ko na rin kakayanin na kaklase ko pa talaga si D. Ugh. "Maggi bilisan mo tara!" Atat na ako masyadong lumabas ng room, break time na kasi. "Teka lang naman. Kukunin ko lang wallet ko." Kinuha niya yung wallet niya at hinatak ko na siya palabas ng room papuntang cafeteria.

"Ikaw! umiiral na naman yang jealousy mo!" Muntik ko ng maibuga yung ice tea ko kay Maggi, ang lakas ng boses eh! Kahit naman alam na nilang lahat na crush ko si Nick nahihiya pa rin ako noh!

"Huwag ka namang maingay.." tapos nilagay ko yung index finger ko sa lips ko then she gave me an apologetic smile.

Dumating sa cafeteria si Nick at talagang kasama niya na si D. ha?! ANG BILIS NAMAN YATA. Ganun nalang ba yun? Hmp! Kainis. Kagigil. Grrr.

"Tignan mo nga yang dalawang yan! Halatang di na makapagpigil eh!" Habang ang mga tao sa paligid eh kilig na kilig parang si Edward at Bella kamo ang pinapanuod. Amfufu. :|

"Chill ka lang jan. Hehe." Hindi na ako umimik sa sobrang inis na sa table pa sa harap namin sila umupo. Syete ha?
Nagulat nalang ako nung napatingin sakin si Nick. Kyaa. Nahuli tuloy ako. Binaling ko yung tingin ko kay Maggi na nasa harap ko.

Ganito kasi yan, nasa harap ko si Maggi tapos nasa likod niya si D. na katapat ni Nick. Get's niyo ba? Kaya kita ko talaga yung mukha ni Nick. Sweeeet.





Ngumiti si NICK. NGUMIT SIYA NG NAKAKALOKO. Ano kaya yun? Nangaasar?! OO NA. SELOS NA AKO. Leche. Pinagsalubong ko lang yung kilay ko.

Pero every minute chinecheck ko siya at putek bakit siya nakatingin?! Tapos yung tingin niya nakakatunaw! Sinasadya niya ba `to! Naiinis na kasi ako e!

"Maggi. Tara na please." Mahina ko na sinabi dahil naaasar na talaga ako. May pasubo subo pang nalalaman, Hmp. Bahala kayo sa buhay niyo.



Eh ano naman kung may D. ka? Marami namang iba jan, anjan naman si Casper e, mas crush material pa! >:( :P
« Last Edit: January 27, 2010, 03:39:58 pm by herbiepaige »
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

chiqua♥21

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 899
  • Karma: +37/-23
  • ♪yongseo♪ is ♥ Power of 9 is unbeatable!
    • please add me up in your friendster. :)
Re: Babaeng Tanga.--CHAPTER QUATRO na! ^^
« Reply #63 on: October 30, 2009, 08:04:44 pm »
sweet naman ni casper sa kapatid. selos tuloy ako wala akong kuya!! :))
aish, naku, ano naman kaya meron kay nick? nagpapaselos ba sya or may something????
"My ideal guy is Vegeta." - SNSD's Kim TaeYeon

ONE YEAR LATER

smileyangel

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 77
  • Karma: +9/-0
  • TeenTalker
Re: Babaeng Tanga.--CHAPTER QUATRO na! ^^
« Reply #64 on: October 30, 2009, 08:54:47 pm »
hello poh :)

excite na q dun sa presentation ni tam..(cute ng name nya)

bkit b tingin2x yan c Nick kay Tam, ggrrr
prang may hidden agenda..
 
well, can't w8 sa susunod..hehhe
For you I will...

m0chAccinoo_09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +16/-2
  • xoxoxoxo
    • Doodles&Art
Re: Babaeng Tanga.--CHAPTER QUATRO na! ^^
« Reply #65 on: October 31, 2009, 04:03:48 pm »
Oo nga! Andyan si Casper. Siguro pinagseselos kalang ni Nick!  :D
Hahaha.
If love is a game
I demand a rematch.

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--CHAPTER QUATRO na! ^^
« Reply #66 on: October 31, 2009, 11:54:32 pm »
sweet naman ni casper sa kapatid. selos tuloy ako wala akong kuya!! :))
aish, naku, ano naman kaya meron kay nick? nagpapaselos ba sya or may something????


Aww. Masarap magkakuya pero minsan nakakainis. :D
Hehe. Thanks ^^

hello poh :)

excite na q dun sa presentation ni tam..(cute ng name nya)

bkit b tingin2x yan c Nick kay Tam, ggrrr
prang may hidden agenda..
 
well, can't w8 sa susunod..hehhe


Yung presentation niya sa susunod na chap pa. XD hehe.

Thanks! ^^

Next na! 'Kay, masyadong excited lang. :D



Teka lang, popost ko muna. :D hehe

Oo nga! Andyan si Casper. Siguro pinagseselos kalang ni Nick!  :D
Hahaha.


Hahaha. Baka nga. ::)


V. IKALAMNG PAHINA
Kuya, may dalaw ka ba?

Sabado ngayon. Ibig sabihin lang naman nun, hindi ko makikita si Nick! Naman! :"> pero wait, Eh ano naman kung di ko siya makita? mas okay na yun keysa kadikit niya naman si D. Amp. Tsk, diba diba diba?

Mabobore lang ako dito. Hmp. Taga sagot na naman ako ng phone na para naman kay Kuya. Bakit ba wala akong manliligaw?! ::)

*BEEP

Tumunog yung phone ko, may nagtext.

Casper:
Hey, Tam. Gud AM. :) -Cas

si Casper pala. Nagexchange na kasi kami ng number nun sa Mcdo kaya text mates na kami. :P

Me:
Uy. Morning din^^


*kRing kRing

amfufu. Sabi ko na nga ba e, sigurado ako para kay Kuya na naman ito, puro babae nalang inaatupag e. Dinampot ko yung phone bago pa siya magingay ulit..

"Hello? Sino po `to?" Kahit naman sawang sawa na akong tagasagot may manners pa rin ako noh. ::)

"Hello, Tam. Si Casper `to."

CASPER? Isa lang naman ang kilala kong Casper e! Katext ko lang `to ah?

"Napatawag ka?" wala naman akong naaalalang binigay ko yung landline ko sa kanya ah?

"Wala lang, busy ka ba?" Kung considered na busy ang tagasagot ng telepono na di naman para sakin, aba'y oo.  Wala naman si Kuya at yung katulong namin, may date kasi ang dalawa.







Oh Joke lang! Naniwala ka noh? :D :D
Nagrocery lang sila dahil nga sa Tuesday na ang uwi ni Dad at hindi pwede walang laman ang ref kundi nako, sasabihin na naman nun kay kuya, 'hindi mo inaalagan yung prinsesa ko ah?' syempre, daddy's girl yata ako. ::)

"Hello? Anjan ka pa ba?" Oooops, napahaba ata ang pagiisip ko. :D

"Ah oo-- I mean, andito pa ako pero hindi ako busy. hehe." Napakamot ako sa batok ko na para namang makikita niya. XD

"Ah ganun ba. Um sige, text nalang tayo." Ayoko naman magtanong kung ang tinawag niya lang eh tanongin kung busy ba ako ??? kasi baka isipin nun FC (feeling close) ako sa kanya.

"Ah okay, sige bye."

Hindi ko pa rin binababa, inaantay ko kasi na mauna siya pero mukhang inaantay niya din ako kaya nauna na akong ibaba kundi baka abutin pa kami ng siyam siyam!

Kumuha ako ng mapapanuod na DVD sa rack, hmm. Ano bang pwede? Ah alam ko na!--- yung pinahiram sakin ni Maggi! Kelangan ko raw panuorin yun dahil mahuhuli na ako sa 'in'. Ano nga ba yun.. 1 litre of tears ata, eto nga.

Pinlay ko na at pinanuod, di na kelangan ng popcorn di naman ako mahilig dun eh. :)





*sniff* Syete. hindi ko akalaing kakailanganin ko ng tissue. Parang ayoko ng ituloy! *sniff* Hindi naman kasi sinabi ni Maggi na nakakaiyak pala `to! Ayoko pa naman ng ganun! *sniff*

"Hoy ano ba yan, bakit mo iniiyakan yang TV??" Muntik na akong napalundag sa sofa! Si Kuya pala nakarating na. "Kuya! Ano ka ba? May lahi ka bang kabuti o pusa at bakit di kita narinig?!"



"Ulol ka ba? Edi kung may lahi akong ganun, ikaw din meron! Baka nakakalimutan mo kapatid kita? HAHAHAHHA! Tuwang tuwa naman siya eh no? "Speaking of which, wala akong lahing kabuti o pusa. Ang sagot lang naman jan eh HINDI KA KASI NAGLOCK!" eto na naman. Kanina tumatawa tapos ngayon nagagalit. Amp. Stinop ko muna yung DVD, papanuorin ko nalang sa susunod yung kalahati.

"Whaaatever." Palusot niya lang yun na hindi ako naglock. ;D "Ano gusto mo sapak? Aba kung manakawan tayo dito may magagawa ka ba ha? Busyng busy ka sa kakanuod niyang ewan ko na yan tapos iniiyakan mo pa! Hindi mo man lang naisipan maglock pagkatapos mo lumabas! Napakaengot mo kahit kelan ang sarap mong kutusan kung di lang kita kapatid e! Baka iniisip mo sinesermonan kita kasi trip ko lang pero mali ka, concern lang ako sa`yo kasi babae ka. Naiintindihan mo ba ako ha?" La---La---La-- may narinig kayo?...este nabasa? ::)



"Kuya may dalaw ka ba?" Talo pa niya ang babaeng may dalaw eh kung makasermon! Tsk. Nagamba siya na babatuhin niya ako ng zonrox (?) na hinugot niya sa platic. Toink.

"Oh magaaway na naman kayo! Isusumbong ko kaya sa dady niyo sige?" Si ate Tessa yun, yung kasambahay namin na kadate ni kuya kanina sa grocery :D. "Kase ate si kuya eh, di lang niya nakausap yung mga girlfriends niya eh sinumpong na and FYI, kanina pa sila nambubulabog sa maganda mong kapatid!" Tumayo ako para kumuha ng tubig, nailuha ko yata kasi lahat kanina e :))

"Batukan kita jan e. Inggit ka lang, wala ka kasing boyfriend." Hay nako, pinagdudutdutan niya pa na wala akong boypren. ::) "Kuya. Alam mo, *lapit kay kuya* yang pagbabatok.. *tap sa balikat niya* ginagawa yan hindi sinasabi! *sinapak si Kuya sa noo* Tama! Ako ang bumanat! >:D

"Humanda ka dito TAAAAAMMI!" tumakbo na ako sa kwarto ko bago pa lumanding yung kamay niya sa aking oh-so-precious batok. bleh bleh bleh.

Tinignan ko kagad yung phone ko. May 4 messages ako. 2 galing kay Maggi. 1 galing kay Casper. 1 galing sa unknown number.

Maggi@10:22am:
Buseeet. Katamad pagsabadooo.


Maggi@10:43am:
Uy repz ka nmn jan Tam.


Casper@11:01am
Pst. Busy pa rin u? :>


Unknown@11:10am
Tam, pls bring d scrapbook n arts on day 1. -Nic


OH-EM-GEE. Nalaglag ang bench underwear ko sa last text na natanggap ko!! Si Nickkkkk. Omo! Siya muna ang una kong nreplyan.

Me-- Nick:
Ah ok. Np, un lng ba? ^^


10 mins.


20 mins.


30 mins.


40 mins.

"OOOOOI! Tammi! BABA NA! KAKAIN NAA!"



Maglulunch na kami wala pa rin siyang reply. Bakit ba kasi ako nagexpect na meron pang iba? Kala ko ba asar ako dun? Taeeee.
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

m0chAccinoo_09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +16/-2
  • xoxoxoxo
    • Doodles&Art
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #67 on: November 01, 2009, 10:15:27 am »
Yii, nagpaparamdam si Casperr.  :D
If love is a game
I demand a rematch.

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #68 on: November 01, 2009, 10:20:07 pm »
Yii, nagpaparamdam si Casperr.  :D


More Tam-Casper moments naman diyan! ;D

Waaa. mas gusto  niyo si Casper? :D :D ahah.
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #69 on: November 02, 2009, 02:31:46 am »
Ay, oo naman! :D Siguro ngayon. ;D

 

ganun? hehe. Sige, sige. :D You're wish is my command. :D
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

m0chAccinoo_09

  • jellybean
  • **
  • Posts: 136
  • Karma: +16/-2
  • xoxoxoxo
    • Doodles&Art
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #70 on: November 02, 2009, 03:33:36 pm »
YEYY~!! TAM-CASPER~!!! BWAHAHAHA
Sige-sige! More Tammi-Casper moments!!
If love is a game
I demand a rematch.

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #71 on: November 02, 2009, 03:56:46 pm »
YEYY~!! TAM-CASPER~!!! BWAHAHAHA
Sige-sige! More Tammi-Casper moments!!


Gagawan ko pa ng udte to eh. XD Hihi. Inuupdate ko pa kasi yung 1st story ko.  :-X pasensya na pero, TAM-CASPER moments it is!
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

chinchin12

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 682
  • Karma: +32/-3
  • i know right.
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #72 on: November 02, 2009, 04:51:24 pm »
more more more tam-casper moments :p ;D ;D
SAMPUNG ARAW
Hanggang Kailan Ka Lalaban?

herbiepaige

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 655
  • Karma: +48/-7
  • I`ll walk with you even on a fire. ;)
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #73 on: November 02, 2009, 04:59:25 pm »
more more more tam-casper moments :p ;D ;D


Waa, gusto na ata ng lahat si Casper para kay Tam ah? Pano na si Nick niyan? :D
Bad Love! 2
If you need space, Join NASA baby. ;)
ASK ME!

chiqua♥21

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 899
  • Karma: +37/-23
  • ♪yongseo♪ is ♥ Power of 9 is unbeatable!
    • please add me up in your friendster. :)
Re: Babaeng Tanga.--SINCO!
« Reply #74 on: November 02, 2009, 05:06:39 pm »
naks naman!!
haha, kung kay casper ka lang eh di sana...
okay, no comment!!!
"My ideal guy is Vegeta." - SNSD's Kim TaeYeon

ONE YEAR LATER

 

Advertisement