Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Poll

Maganda ba ang story?

YES! UPDATE KA NA AGAD!!!
 3 (100%)
Okay lang. Needs improvement.
 0 (0%)
Ayusin mo nga story mo!
 0 (0%)

Total Members Voted: 3

Author Topic: LAST ONE~ "He's always been the Last One to go." UPDATE!  (Read 1778 times)

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
LAST ONE~ "He's always been the Last One to go." UPDATE!
« on: October 07, 2009, 10:59:05 pm »
Prologue

Paano kung yung taong wala lang sa iyo noon eh magiging mundo mo pala ngayon?

Paano mo yayakapin ang taong mahal mo ngayon kung hindi mo mabitawan ang taong mahal mo noon?

Paano mo naman maipapakita ngayon sa taong importante sa iyo na mahal mo siya kung wala kang ginawa noon kung hindi paiyakin at saktan siya ng sobra-sobra?

Paano mo ililigtas ang sarili mo kung ang taong mahal mo mismo ang humihila pababa sa iyo?

Paano mo maipaglalaban ang pagmamahal na walang ibinigay sa iyo kung hindi puro kasinungalingan lang?

Paano mo sasabihin na mahal mo siya kung lalapit ka pa lang eh tinataboy ka na niya?


Minsan nagmamahal tayo ng wala sa plano. Hindi natin ginusto basta bigla na lang nangyari. Yung parang kausap mo lang siya tapos bigla kang natigilan kasi habang tinitignan mo siya eh narealize mo...."Shet... mahal ko na to."


Tapis yun na. Dun na nagsimula ang mga pagbabagong pilit mong pinipigilan dahil takot kang masaktan.


Eto ang kwento tungkol sa pamilyang mahal mo pero hindi ka naman tanggap.

Eto ang kwento sa mga nagmamahal pero nasasaktan.


Eto ang kwento ng mga dapat ipaglaban ang importante sakanila.

Mahal kita. Yun lang ang kailangan kong dahilan para gawin lahat ng mga ito.



Paano yun mahal ko na siya?


Bakit kaya ganun, nung una ang baba baba ng tingin ko sakanya. Parang wala lang, isa lang siyang varsity player na mahilig magparty at sumama sa mga gulo. Pumapasok lang para sa baon at para ipakita sa campus ang pagiging astig niya. Siya yung typical jock na walang pakialam kahit bumagsak siya, minsan nga naisip ko na wala atang balak grumaduate tong sira ulo na ito. Noon, ganun ang tingin ko talaga sakanya. Hindi ko gaano binigyang pansin yung existence niya kasi hindi naman kami friends at hindi rin kami magka-year level. Senior siya at junior naman ako. Isa pa, masasabi mong ako yung complete opposite niya.


Siya galing sa well-known and rich family, sikat sa school, maporma, mayabang at maraming kaibigan na nakapaligid parati sakanya.


Ako naman anak sa labas ng isang business tycoon, tahimik, few close friends at parating nasa library.

Nakakahiya mang sabihin, naging judgmental ako sakanya. Akala ko mababaw lang siyang tao na walang iniisip kundi puro good time. Isang rich spoiled brat na napakaselfish, walang galang at walang modo kahit na nag-aaral sa isang exclusive school. To think about it, wala akong karapatan para i-judge siya dahil hindi ko naman talaga siya kilala noon.


Pero kahit ganun, naiisip ko pa din na parang mas okay na yung dati. Na wala lang siya sa buhay ko. Na dinadaan daanan ko lang siya nun sa hallway na hindi man lang tumitingin sakanya. Na iniirapan ko lang noon yung mga kalokohan ng barkada niya. Kasi dati, nung hindi ko pa alam na mabait siya, na sobrang buti niyang kuya sa little sister niya, na sobrang lambing niya pala sa Lolo niya.... na mahilig pala siyang magluto at magbake... na loyal friend siya sa bestfriend niyang depressed.


At higit sa lahat sana hindi ko na lang nalaman na sobra pala siyang magmahal.


Kasi hanggang ngayon, kahit close na kami... kahit ako na yung parati niyang tinatakbuhan... mahal pa rin niya yung ex girlfriend niya.


Kaya minsan hindi ko maiwasan na hilingin na hindi na lang kami naging close. Kasi kahit nadiscover ko ang inner layers niya, na isa pa la siyang mabuting tao compared dun sa hambog na inaakala ko...



durog naman ang puso ko. Para ng pulboron sa kakapanggap ko na hindi ko siya mahal.
[/size]












"Ui. Si Marielle yun di ba, ano iboboto mo bang Vice President ng Student Council yan pare? Tignan mo oh, junior pa lang men... sexy na!Hoo!"


"Ano namang pakialam ko sa junior na yan?" Sino ba tong loko na ito? Classmate ko ata... feeling close naman. Yaan mo na, last year of highschool so pagbigyan.


Isa pa, I don't really give a damn about that student council. Mga bunch of stuck ups lang yang mga yan na feeling nila sila na ang mga pinakamagaling sa school.


Naglakad lakad muna ako sa corridor dun sa east wing kung saan nakalagay yung mga bulletin boards ng iba't ibang clubs. Kakaliwa na sana ako sa isang corner papunta sa CR ng may nakabangga sa kin.


Ayos yun ah. Tinignan lang ako nung bubwit at tinaasan ng kilay saka sabay yuko sa lapag para pulutin yung mga pael na nahulog niya. Hindi naman ako ganun kabastos at hahayaan ko lang siya na magmukhang baliw diyan sa lapag so tinulungan ko na din.


Tinignan ko yung isang papel na pinulot ko. Flyer para sa campaign ng student council election. May picture ng babae saka mga achievements sa ibaba nung picture niya.


"Akin yan!"

Okay fine. Saknaya na. Hinablot na niya. Hindi na nag-thank you ang sama pa ng tingin.


Teka. Siya yung nasa picture ah.

"Oh bakit mo tatapon yan?" Pinigilan ko siyang itapon yung mga flyers sa basurahan by taking hold of her ponytail ang pulling her away from the trash can by her hair.


"Aray. Bitaw nga!"

Ayos tong babaeng ito ah. Heh, junior lang pala ito eh, kulay yellow palang yung ID strap. Ayun, hinampas hanmpas ako ng mga flyers na hawak niya.

"Pano pag ayoko?" Ayun hinila hila ko pa yung buhok niya, pero hindi ko naman sina bunutan eh. Pang-asar lang. "Ikaw, tatakbo kang Vice Pres di ba? Eh pano ka iboboto ng mga tao kung hindi ka man lang nila kilala? So hindi mo dapat to tinatapon tong mga flyers na to hah, Junior."

Tumalikod lang ako at pumunta dun sa bulletin reserved for announcements at dinikit yung mga flyers. Wala akong pakialam kahit na matakpan ko yung mga ibang candidates. Kahit na yung poster pa ni Jeric Cyrus Abellarno yung natakpan ko, yung pinakamayamang estudyante dito sa school. Tsk. Kapal ng apog nun eh.


"Huwag diyan! Huwag sa mukha niya...!"


"Heh. Bakit crush mo to?" Hawak hawak niya ng mahigpit yung kamay ko. Liit ng kamay ah.


Tapos may dumaang mga freshmen na babae tapos biglang nagbulungan nung nakita kami. Binitawan niya yung kamay ko tapos tumalikod.



"Hindi.Mahal ko siya."


Ui. Natigilan ako dun ah. Pwedeng pangblackmail. Tapos ayun umalis na siya. MAhal?


Ano bang maganda sa pagmamahal? Tsk. Tumingin ako ulit dun sa bulletin board nat dun ko lang napansin yung poster nung junior na mas malaki pa sa bulletin board namin. Pero hindi naman yung size ang nakapagpatingin sa kin dun. Kasi, nakasulat sa mukha mismo nung Junior na yun ang salitang....





"DAUGHTER OF A SLUT"



« Last Edit: December 07, 2009, 10:25:08 pm by iloveapplejuice »
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

chinchin12

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 682
  • Karma: +32/-3
  • i know right.
Re: Last One
« Reply #1 on: October 07, 2009, 11:01:22 pm »
sis :) ang hirap basahin.  :o :o:D ;D ;D
SAMPUNG ARAW
Hanggang Kailan Ka Lalaban?

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One
« Reply #2 on: October 07, 2009, 11:06:57 pm »
oo nga noh! haha.. thanks! sige ayusin ko.  :D
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One
« Reply #3 on: October 08, 2009, 11:59:37 pm »
Chapter 1
"Hindi naman ako hangin na dinadaan-daanan mo lang...."







Paano ka ba ngumiti kapag kasama mo ang pamilya mo?



Akin kasi, yung ngiti ko, pilit. 'Yung tipong kahit masakit na yung panga ko nakangiti pa rin. Para kunwari hindi ako nasasaktan.


Anak lang kasi ako sa labas. 'Yung mama ko patay na. Sabi nila. Kaya yung kinagisnan kong mother figure ay 'yung babaeng sinasabi nilang "biktima". Kumbaga sa teleserye, siya 'yung kinawawa ng nanay kong malandi. Sabi nila.





"Let's have a family picture!" Sabi ng Ate Julia ko. Siya yung panganay sa amin. Pupunta na siya bukas ng France to study Law. Matalino at maganda. Pride ng family yang ate ko. Bilib ako dyan, yan kasi ang idol ko. The best.


Birthday party din ngayon ni Kuya Jeric. Pinagsabay na lang yung despidida at birthday celebration nila ni Ate Julia.

Ngumiti lang ako habang umupo sila sa isang side ng mesa habang tumayo naman ako sa gilid katabi nila Manang Grace para hindi makaharang.


Nung una pinanood ko pa silang magpictorial. Merong formal, at sangkatutak na whacky shots. Tawa sila ng tawa habang nakangiti lang ako dun sa gilid at pinapanood sila. Hindi naman nila ako pinapansin. Masyado lang siguro silang nag-eenjoy. Pinanood ko lang sila hanggang sa magkatinginan kami ng kuya ko. As usual, he glared at me and I just smiled at him. Hehe, nainis kaya inirapan. Pasalamat siya at kuya ko siya kung hindi tinarayan ko din siya.


Naisip ko ang ganda nila tignan.




Hindi ako bagay.






Tapos tumayo si Daddy at tumingin kung nasaan ako.


Nagulat ako. Tapos ngumiti siya at sinabing,



"Oh, bakit ka nakatayo diyan? Sama ka sa amin...










....Manang Grace."


Pakiramdam ko tumalon talon yung puso ko tapos biglang nalaglag pagkatapos. Pero nakangiti pa rin. Sanay na ko. Kaya lang....


... ang sakit pa din. Kahit na dito ako lumaki at sila ang pamilya ko, kahit kailan siguro hindi pa rin nila matatanggap na magkaroon ng isang kapamilya na isang resulta ng isang pagkakamali. Pero kahit ganun hindi ko pa rin maiwasan na hilingin araw-araw na sana mahalin din nila ako.



Tinignan ako ni Manang Grace na para bang may gusto siya sabihin. Nginitian ko na lang siya at pinapunta dun kina daddy para makasama sa picture. Yan talagang si Manang ang baet. Siya yung nagpalaki sa akin. Sobrang baet niyan. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala siya.

Umalis na ko nung sumama si Manang kasi alam ko magi-guilty pa yun pag nanuod pa ko kasi iisipin niya na dapat ako yung sinama at hindi siya. Hehe, akala ko nga ako yung tinawag ni Daddy eh. Pero ano pa ba ang i-eexpect ko di ba? Hindi nga niya binigay apelyido niya sa akin, tapos gusto niya kasama ako sa family picture nila? Asa pa... Isang kahibangan lang yun.


"Marielle..."


Si Kuya Jeric.


Nahuli tuloy akong umiiyak.


Nakaupo ako sa may garden, dun sa swing.



"Nililigawan ka ba ni Eric Madrigal?"


Huh? Sino yun?

"Ah kuya... walang nanliligaw sa akin. Saka sino ba yun?"


"Talaga lang ah... nakita kaya kayo ng buong student body sa may east wing. Tinutulungan ka pang magpost ng flyers mo. As if naman na mananalo ka sa election..."


Halatang-halata na mainit ang ulo niya. May inilabas siya sa bulsa niya at tinapon sa akin.

"Hindi ko kailangan ng basura."

Basura pala. So parehas lang pala ang tingin niya sa akin at sa birthday gift ko sakanya.



Kakatapos lang ng basketball game namin at as usual panalo nanaman ang team namin. Ayos. Heh, kaya etong si Clark eh nagyayaya ng inuman. Pinagbigyan ko naman, total in a good mood naman siya at mas maganda kung kasama niya ko in case na makipag-away nanaman siya. Haayyy... mahirap mag-alaga ng bestfriend na heartbroken.

"Pare ko! Balita namin eh birthday daw ng Prinsipe  ng Kayabangan! Magpapainom daw sa batchmates natin, kaya lang bakit kaya ganun? We weren't invited."

"Are you crazy? Why would that stuck up freak invite us? Eh alam mo naman ang laki ng galit nun sa ating mga varsity players..."


"Kevin,yun nga yung maganda eh. What better way to !@#$ him off than to crash his birthday party?"

Eto nanaman tayo. Grade school pa lang wala ng ibang gawin to si Clark kundi makipagbanggaan diyan sa Abellarno na yan. Nagkatinginan lang nung grade five kami eh nagsuntukan na. Sabagay mukha namang bading yang si Jeric kaya sinapak ni Clark. Pagkatapos nung incident na yun mortal enemies na sila. Syempre damay kaming tropa niya.

"Clark... huwag ngayon okay. Baka masuspended ka nanaman. Under probation ka kaya huwag ka munang gumawa ng kalokohan. Lie low muna."



"Boooo!!! You're no fun! come on dude, this is the best night to get even with that bastard. Ano, who's with me?"


Hay naku. Eh ano pa nga ba magagawa ko di ba? Kahit anong saway ko diyan hindi rin naman mapipigilan kapag nagdesisyon na. Tigas ng ulo. Katulad ko.


Sayang. Magpapahinga pa naman sana ako ngayon at babawi ng tulog. Ilang araw din kasi akong gumigising ng madaling araw para sa morning training at gabi na kung umuwi dahil sa pagbe-babysit ko dito sa damulag na Clark na ito. Hayaan mo na, kailangan andun ako for damage control.


"Fine. I'm in." I sighed and Clark whooped loudly taking high fives from the other varsity members who were also coming. "Pero Cinderella time ka 'tol." Nag smirk na lang ako ng napamura si Clark habang pinagtawanan siya ng mga tropa namin.








Sana lang huwag gaano patulan ni Jeric si Clark ngayon. Feeling ko kasi masyado ng matagal yang awayan namin. Seniors na kami kya it's kind of getting old and tiresome to still fight about a grudge that originated from elementary days.



Nagkita-kita kami sa Club/Bar na venue ng birthday bash nitong si Jeric.


I have to say na medyo nakakabilib talaga ang magagawa ng yaman. Reserved yung buong place para sa party nitong si Abellarno.

Pag pasok pa lang namin ang dami ng sumalubong and congratulated us for our winning streak. Medyo naahinga lang ako ng maluwag kasi hindi pa rin namin nakakasalubong o nakikita man lang itong si Jeric. So I suggested to the guys to enjoy the party before anything happens. Ayun, yung iba pumunta agad sa dance floor yung iba naman kumuha ng table tapos umupo at nag-invite ng girls.





"Pare, please lang. Huwag mong sabihin na magmumokmok ka dito."



"Hoy Kevin, hindi porket tahimik ang isang tao eh nagmumokmok na siya." Loko talaga to. Pero naiintindihan ko naman na nag-aalala lang siya dahil sa laki ng pinagbago ko simula ng umalis si Dianne. Siguro umasim yung mukha ko nung naisip ko yung ex ko kasi napailing lang si Kevin at tumayo na para lapitan yung girlfriend niya.


Tumingin-tingin ako sa loob ng Club para maghanap ng kausap para naman mapatunayan ko kay Kevin na hindi na ako nagpapaka-emo pero wala ni isa sa mga sumubok na kumausap sa akin ang nakakuha ng full attention ko.


So lumabas muna ako sa parking lot para magpahangin. Dami kasing naninigarilyo sa loob. Mausok na ang baho pa.


Tapos ayun, dun sa isang black Ford na pick up truck nakaupo sa llikod nito. May pinaglalaruan na baller. Heh. Si Miss Junior.

Medyo malamok dito sa labas kaya hinubad ko yung varsity jacket koat pinatong sa lap niya para naman macover yung legs niya at hindi kagatin ng lamok. Isa pa, masyadong nakakadistract yung legs nitong junior na ito.

"Ano, hindi ka pinapasok sa loob?" Umupo ako sa tabi niya at kinuha yung baller na pinaglalaruan niya. Ayos ah.. eto yung nagustuhan ko dati sa mall.


Tahimik lang siya at tinitigan yung baller na pinaglalaruan ko. Hehe. Napikon nanaman ata.

"Alam mo, kung ako sa iyo maghahanap na lang ako ng ibang lalaki. Ang dami naman diyan tapos yung pinakamasungit pa yung pinili mo." Hmmm... ang daldal ko ata ngayon.



Hindi pa rin siya sumagot.


"Akin na lang ito ah. Bagay sa akin oh.." Sinuot ko yung baller at pinakita sakanya. Kinagat niya ko.



"ARAYYY!" Hinila ko yung kamay ko tapos tinignan siya ng masama. Weirdo na amazona pa pala.



"Sa iyo na yan. Basura lang naman yan eh."

Tumalon siya pababa ng truck at nagsimulang maglakad papaalis

 "Oi junior!"Tumalon din ako pababa at sinundan siya ng may narinig kaming tumawag sakanya.



"Marielle..."


Si Jeric. Tinignan ko si Junior na dali-daling lumapit kay Jeric para alalayan ito. Tsk. Lasing.


Inakbayan siya nito at napatingin ako sa iba. Sila ba?


Eh ano naman ngayon?

"Huwag na huwag kang lalapit sakanya kung hindi..."


Napatingin ulit ako sakanya at nakita kong hinawakan ni Jeric yung mukha nitong si Junior. Hmm, sila nga ata.


It feels weird to see them like this. But I still stared. What will happen next?


Jeric rested his forehead on hers and said the words that I would never ever forget.


"...huwag ka didikit sakanya kahit kailan... huwag ka ma-iinlove sakanya... kung hindi... mamatay ako."





So sila nga.


Pagkatapos nun, hinimatay ang loko. Natawa lang ako sa itsura ni Junior na nakatayo lang dun habang nakalumpasay sa lapag ang boyfriend niya.
« Last Edit: December 07, 2009, 09:42:13 pm by iloveapplejuice »
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

Reckless Love

  • jellybean
  • **
  • Posts: 285
  • Karma: +15/-3
  • TeenTalker
Re: Last One
« Reply #4 on: October 09, 2009, 12:09:26 am »
"Hindi naman ako hangin na dinadaan-daanan mo lang...."

ang kyoot! :D Ang sad naman nung buhay ni Marielle. tama di ba? hahaha. first! ::)

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One
« Reply #5 on: October 09, 2009, 12:17:31 am »
"Hindi naman ako hangin na dinadaan-daanan mo lang...."

ang kyoot! :D Ang sad naman nung buhay ni Marielle. tama di ba? hahaha. first! ::)



hehe. yup si Marielle nga. Hahaha.. ang drama noh. Madrama din kasi ang buhay ko ngayon kaya nagre-reflect sa mga isinusulat. Thanks for the comment. :) ;)
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

fatimamolina

  • jellybean
  • **
  • Posts: 214
  • Karma: +19/-5
  • chase me!!
Re: Last One~ Prologue and Chap 1 available
« Reply #6 on: October 09, 2009, 01:22:11 am »
huhuhu

next na sis

tim nga pala
(Un)Arranged Marriege
Forced Love?

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Re: Last One~ Prologue and Chap 1 available
« Reply #7 on: October 10, 2009, 12:11:39 am »
Chapter 2[/b]
"Ako ang nasa tabi mo pero sa iba ka naman nakatingin..."








Naglalakad ako papasok ng gym para sa afternoon practice namin. Iniisip ko pa kung paano ko sasabihn kay erpats na delikado ako sa Trigo. Pasang awa lang ako nung first quarter at ngayong malapit na kaming magsecond quarter exams eh kinakabahan ako. Ayoko namang magpaturo kay Eric kasi alam kong masyado ng stress tong pare ko. Ang laki kasi ng problem niya eh.


Isang napakalaking problema.



AKO.  ;D

Naaawa na nga ako sa pare ko eh. Hindi naman niya ko responsibilidad pero hindi pa rin ako pinapabayaan. Kaya mahal na mahal ko yan eh. Yan ang best friend ko. YUCK! Ang lagkit! Masyado atang sweet... Nyay. Speaking of the demonyo. Hehe, maibulgar nga sakanya na nakita ko na kung sino yung girlfriend nitong si Kevin. Pumasok kasi ako sa Science Building at nakitang suot-suot nung girl yung varsity jacket ni Kevin. Kitang-kita in bold letters yung apelyido nung mokong pagtalikod nung babae. GOMEZ :D

May tradition kasi dito sa school na kapag suot ng babae ang varsity jacket ng isang member ng team, ibig sabihin kayo na.


"Oi pare ko! Alam mo ba na umamin na itong si Kevin sa wakas na sila na ni..." Aba tulala ang pare ko. Nilapag ko yung gym bag ko at kinawaykaway yung kamay ko saharap ng mukha niya. Aba... ang tibay! Ayaw man lang mag-blink. Hehe, sige ka uututan kita.


Tinabihan ko siya at nagbuntung hininga. Tinignan ko siya pero nakapalumbaba pa rin. Yes, Ninoy my friend!!! Hehe, mapagdiskitahan nga.


"Pare ko..." YOWN! Dramatic moment. "... nababading ako sa iyo." Sabay kuha sa mukha niya. "Pakiss nga!"


Mooch.


Mmm. Sarap!


"Ungas!"

"Ikaw kasi eh hindi mo ko pinapansin, ayun na-hurt tuloy feelings ko!" Haha... ganyan lang talaga ako mahilig pagtripan yang si Eric. Masyado kasing serious. Parating mahaba ang mukha na para bang ang laki laki ng problema. Madalang mo lang makitang nakangiti pwera na lang kung kasama niya Lolo at utol niya. Pero kahit ganun tahimik yan parati. Marami nga talagang nagtataka kung paano kami naging magbestfriend. Ako din dati nagtataka. Pero ngayon sigurado na ko kung bakit.


Kasi type niya ko!  :D ;D


"Okay serious na ko pare. Ano problema mo at mas tahimik ka pa sa usual mo."



"Wala."

Ay sus. Sino ba yung depress at nagpapacounsel sa amin. Di ba ako? Eh bakit mas emo pa siya kaysa sa akin?


"Pare ko... kahit ganito ako. Sana huwag mo kalimutan na kahit ano pa man yan kahit anong mangyari tutulungan pa din kita." Hindi ko siya tinignan habang sinasabi ko yun. Ang corny at parang hindi bagay pero seryoso talaga ako kasi gusto ko din naman magkaroon ng silbi sa pare ko.


Ginulogulo niya yung buhok ko at nagtawanan lang kami. Alam kong naappreciate niya yung concern ko pero alam ko din na kung gusto niya sabihin eh lalapit at lalapit din yan sa akin.


"Oo nga pala! Si Kevin-tot natin girlfriend na si..."


"Si Faith. Oo, ikaw na lang kaya ang hindi alam. Matagal na yan. huli ka na sa balita pare."

Ano?!! Shumai naman!! Late nanaman ako sa balita? Ano bang meron at pagdating sa mga ganyan eh ako ang huling nakakaalam. Duga. Piangkakaisahan ako.


Tumayo na si pare ko at kumuha ng bola sa rack. Ui, ganda ng suot niyang baller ah. Saan kaya niya nakuha yon? Nagdribble siya at saka nagshoot ng three points. YES! Haha, pasok. Ang linis nung gawa. Okay. Game on! Practice nanaman!


"ASSEMBLE!"



"Mga walang modo! Mayayaman nga pero akala mo squatter!"

Hay naku. Ang tapang talaga nitong si Marie. Tinatanggal kasi namin yung mga flyers na nagkalat sa campus. Yung flyers ko pare sa campaign. Okay sana para sa publicity kaya lang may problema. Maraming nagspray paint sa mukha ko ng salitang SLUT kaya eto tinatanggal namin.


"Em" Hinawakan ko siya sa braso para pigilan sa pagsunggab sa mga sophomores na dumaan at paubong sinabi na whore[i/]. "Huwag mo na pansinin. Away lang ang patutunguhan niyan. Sige ka, baka ma-office ka pa niyan at matanggalan ka ng scholarship." Oo nga pala, itong si besty ko eh isang dakilang scholar. Siya ang parating nagta-top sa batch namin.


"Em naman kasi eh... masyado ka na ngang martyr sa bahay ninyo tapos gusto mo dito wala ka pa ding imik. Hindi na uso yan Em!"

Yun nga pala ang tawagan namin sa isa't-isa. Em. Kasi parehas kaming letter 'M' ang simula ng name. Marielle at Marie. Tapos seatmates pa kami kaya naging m&m's ang asar sa amin. Ayun, naging Em.


"Ano ka ba... ayoko lang patulan yang mga yan. Wala lang magawa sa buhay nila dahil sa sobrang dami ng panahon at pera sa kamay nila."


Pumunta ako dun sa kabilang bulletin board kung saan tatanggalin ko sana yung malaki kong poster katabi nung poster ni Kuya Jeric pero pagtingin ko eh wala na dun. Siguro sinunog ng mga maarte na yun. Haayyy. Pabayaan na lang.



"Em, may dala ka bang payong? Umuulan na kasi eh..."


Lagot. Wala akong dala.

"Kung wala share na lang tayo tapos hatid na lang kita sa sakyan ng bus. Ano Em?"


Ah, may jacket pala akong dala. Kaya lang... ibabalik ko na sana kasi baka magka-issue pa pag nakita ng mga tao na nasa akin yun. Captain pa naman siya kaya nakaburda sa likod nun yung word na yun pati yung maganda niyang apelyido. Lakaing gulo nun kapag may nakakita talaga sa akin. Pero siguro naman hindi siya magagalit kung gagamitin ko muna iyon at saka ko na lang ibabalik. Wala namang game ngayong week kaya hindi naman niya siguro kailangan iyon. Saka kanina pa naman yung dismissal kaya wala na sigurong estudyante dito kaya walang makakakita sa akin.

"Em, meron ako. Sige na mauna ka na hanggat hindi pa malakas yung ulan. Itatapon ko lang ito."


Naghug na kami ni besty at nauna na siya para umuwi. Kinuha ko na din yung bag ko after kong tinapon yung mga flyers. tumingin ako sa bintana at nakitang lumakas pa lalo yung ulan. Buti na lang naka-dorm itong si Em kung hindi lagot na.


Inilabas ko na yung jacket at parang kinabahan ako nung nakita ko yung pangalan niya sa likod.


MADRIGAL
Captain


Ang weird nung lalaking yun. Medyo pakialamero pero with good intention naman. I traced his name with my fingers. Hmm... sa ngayon mabait naman ang impression ko sakanya pero totoo kaya iyon? Baka naman wala lang magawa kaya pinagtritripan lang ako. Di ba maloko barkada nun?


Bumaba na ko ng lobby at nakitang mas lumakas pa yung ulan. Dumaan muna ako dun sa covered walk at nakarating sa gym. Aba, nagprapractice pa pala yung varsity.

Naku, baka andito pa sa gym yun. May payong kaya siya? Dala ba niya kotse niya? Paano siya makakauwi? Hala, baka he needs this jacket...


So ano na? Ano gagawin mo Marielle?


Hawak-hawak ko pa din yung jacket habang nakatayo sa may entrance ng gym.


Decide na...


Ibalik ko na nga lang.


One step. Two steps.

Ay huwag na lang. Nakakahiya.


Turns around.



"Junior?"


Letse!


"Uhmm... jacket mo. Salamat." Sabay hagis sakanya nung jacket at lumayo na.



"Wait... umuulan ah. Do you have an umbrella? Susunduin ka ba?"


Napangiti ako sa concern niya. Hay naku Eric Madrigal, sadya ka ba talagang mabait o pinapasakay mo lang ako?


Sasagot na sana ako ng oo para naman hindi ako magmukhang kawawa ng lumapit siya sa akin at sinuot talaga niya yung jacket sa akin. Natawa nga ako kasi ang laki sa akin, para akong nilamon nung jacket.


"Uhm..."



"Looks good. Ganda ng jacket mo." Sabi niya habang inayos yung buhok ko para ilagay sa likod ng tenga ko. Ui, kuryente? Malamig lang siguro. Ummulan eh.

Kinuha ko yung kamay niya. "Ganda din ng baller mo ah."


Nagtinginan kami. Nngumiti ako kasi yung mata niya parang sincere. Tse, sanay yan manloko.


"PARE KOY! TIGNAN MO ITONG SI KEVIN ANG LANDI OH!!! MAY PA-LABSHOO-LABSHOO TEDDY BEAR PANG NALALAMAN! DALI PARE KOY HAHAHAHAhaha... ha?"

Matatawa sana ako sa itsura nung sumisigaw kung hindi ko lang suot yung varsity jacket ni Eric Madrigal at hindi din sumulpot yung buong varsity players sa may entrance at hindi din dumating galing covered walk ang Kuya Jeric ko kasama ang buong student council.


Hindi rin sana ako kakabahan kung hindi ko lang hawak hawak ang kamay ni Eric.

LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

lyn22_luvs_YOU

  • Guest
grabe! nakakaawa si marielle.
support ko 'to sis! nahuhurt ako sa buhay ni marielle.
paiyakin mo ako! haha. matagal na kasi akong hindi umiyak sa pagbabasa ng story dito sa CC eh.
good luck dito! next na!
btw, lyn here  :)

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
thanks lyn! haha, nung sinulat ko kasi yun eh malungkot ako... huwag ka mag-alala, marami pang drama ang darating sa buhay ni marielle. hehe... keep on reading ah. malapit na lumabas yung update and ire-revise ko din yung prologue. may bago na kasi akong naisulat na para bang preview sa mga mangyayari in the coming chapters... :D ;D :) ;)
LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

fatimamolina

  • jellybean
  • **
  • Posts: 214
  • Karma: +19/-5
  • chase me!!
WAIT!

basa muna ako,

7years na kasi ako di dumadaan

INGATS
(Un)Arranged Marriege
Forced Love?

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Chapter 3
"Pagod na kong ipagsiksikan ang sarili ko sa mundo mo"




"Paano ka niya magugustuhan kung wala kang alam ibang gawin kung hindi paiyakin siya? Parati kang nakasimangot pag nagkakasalubong kayo. Galit ka kapag kinakausap mo siya. So ano pa bang ie-expect mo kung hindi matakot siya sa iyo di ba? Para ka kayang dragon kulang na lang bumuga ka ng apoy tuwing papagalitan mo siya." [/i] :D

Paulit-ulit kong naririnig yung sinermon sa akin ni Mao, yung alumni ng school namin. Siya yung former student council Pres namin at ako naman yung Vice niya. Kaya ayun, nabuko ako. Malakas kasing makaamoy yan ng mga lihim na pag-ibig. Kaya ayun, nung mga bandang March na, inisip ko graduate na si Mao so inamin ko na lahat. Naintindihan naman niya ko. Sabi niya walang pinipiling lugar at panahon kapag tinamaan ka. Lalong-lalo na walang sinasanto ang puso kapag na-inlove ka talaga. So eto, pauwi na kami ni Marielle galing sa school. Nakakunot nanaman ang noo ko sa kakaisip kung ano ba dapat kong gawin.

"Kuya... pwede pakibagalan sa pagdrive. Umuulan pa naman."

"Hn." Binagalan ko. Hindi ko siya tinitignan kasi kapag ginawa ko iyon baka mapikon nanaman ako.


Bakit kasi parati silang magkasama nung Eric na iyon?

"Bagay dun sa Madrigal na yun yung baller na binigay mo sa kin. Parehas silang basura." Tinignan ko siya sandali pero sapat na yun para makita kong nasaktan ko nanaman siya. Why do I keep doing this?

Sabi nila mas madaling saktan yung taong mahal mo kaysa sa taong wala lang sa iyo.


Sana hindi na lang siya ang minahal ko para hindi niya ngayon nilugay yung buhok niya para itago yung mukha niya. Kasi ayaw niyang ipakitang umiiyak siya.


Gusto kong magsabi ng "I'm so sorry" o di kaya nga, "Tanga ako, hindi talaga yun ang gusto kong sabihin sa iyo." pero parang nanigas yung dila ko.


Marami akong dapat i-explain sakanya. Katulad ng ampon lang ako at mas may karapatan siya sa pagdadala ng pangalang Abellarno kaysa sa akin. Na kaya ako ganito dahil galit ako sa sarili ko kasi wala akong ibang alam kung hindi tratuhin siya ng masama dahil kapag pinabayaan kong maging mabait sakanya eh baka hindi ko kayaning pigilan na yung nararamdaman ko.


"Kapag ikaw naunahan, siguraduhin mong hindi mo na aaminin sakanya dahil siguradong masasaktan lang siya kasi yung puso niyang hinihingi mo eh naibigay na niya sa iba. Lakas ng guilt trip nun pare."

Mukhang kailangan ko ng umamin. Kasi nasasaktan ako ng sobra sobra tuwing nakikita ko sila ni Madrigal na magkasama. Alam mo ba yung pakiramdam na kapag nakikita ko sila eh parang bumabaliktad tiyan ko dahil sa tingin pa lang... ramdam na ramdam ko na na mayroon silang "something". Kumbaga hindi magtatagal magiging sila na kung magpapaka-!@#$ pa ako.

"Marielle..." Pinara ko yung sasakyan sa may gilid. "...'yung nangyari dun sa party. Ah...sa may parking lot." Nagkamot ako ng ulo. Lintek. Ngayon pa ko nawalan ng tapang. "Kasi..." Tinitigan ko siya habang nagpupunas siya ng mukha.

Hindi ko maiwasang maisip kung ilang beses ko na kaya siya pinaiyak.

Time na para baguhin lahat.



Be strong and tell the truth.


Kahit na maghintay pa para sa sagot niya.


"Kuya..." Nanginginig yung boses niya like she's struggling to stop herself from crying again. I'm a jerk."... alam mo, kung ano man yun. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita. Sobra. Kahit hindi mo maintindihan."Tinakpan niya yung mukha niya at parang umiiyak nanaman siya.


Hanggang kailan ba kita papahirapan?


Parati na lang ba ganito?


Pero sabi mo mahal mo ko. Yun ba yung mahal na ako lang talaga o mahal na katulad ng sa iba?


I was about to move the hair that curtained around her face, my hands already outstretched when she said the words that broke my heart.


"Alam ko na tingin mo sa akin... basura. Pero kuya, kung pwede lang sana tanggapin mo naman na magkapatid tayo. Mahalaga ka sa akin. Nasasaktan ako kasi kahit anong gawin ko ayaw mo pa rin akong tratuhin bilang kapatid mo? Ano ba dapat kong gawin? Ha kuya? I'm sorry kung sinira ng nanay ko ang pamilya ninyo. I'm so sorry pero sana maisip mo man lang na sobrang sakit para sa akin na ganito tayo. Hanggang dito na lang na parang hindi mo ko pwedeng mahalin."






Nung nagsalita na siya, I just leaned back on my seat and stared at the roof of the car, clenching my fists.


basura...





...magkapatid tayo....




...sobrang sakit sa akin na ganito tayo


Hanggang dito na lang na parang....




.... hindi mo ko pwedeng mahalin...




Umiiyak siya at parang hirap huminga. Nakatakip yung mukha niya.



Umuulan.



Umiiyak siya.



Malakas ang ulan. Nakakabingi. But I could still hear her sobbing.



I just stared at the roof and bit my lip hard so I wouldn't make any sound while I cried with her.



Tama ba ito? Itago ko na lang talaga?



Katabi ko lang naman siya pero parang ilang mundo ang layo niya sa akin. Hindi ko kayang abutin.


Dito lang ako.



Kasi bawal.




Mahal ko siya pero mas maganda na yung ganito.






Bakit ako andito? Sobrang bad trip.


Pero kailangan magpakabaet. Kawawa naman si pare ko kapag nagwala nanaman ako. Sabi niya makipagbati.... so equivalent nun sa akin ay huwag pansinin ang hari ng kayabangan.



"Don't slouch Clark. You look stupid."


Eh di huwag. Pero akala ko ba tanga na talaga ako, so bakit kailangan ko pang iwasan na magmukhang tanga kung yun naman talaga ako. Sus, si dad talaga o pinapahirapan pa ko.


Andito kami ngayon sa bahay ng mga Abellarno. Parang isang casual dinner para sa deal na gagawin ng companies nila dad at ng Abellarno Corporation.




Kaya eto, malas ko lang at pagmumukha ni Jeric Cyrus Abellarno ang nasa tapat ko.


"Excuse me, I'll just go to the bathroom."




Pumunta ako dun sa kusina at ginulo ang buhok ko. Napaupo sa lapag at nagtanggal ng neck tie.


Nakakasakal grabe!



"Ang tanga-tanga mo! Bakit mo binasag yan?!"

Napatingin ako dun sa may pintuan na siguro papunang dirty kitchen. Teka, ano nangyayari? Tumayo ako lumapit ng dahan dahan.


"Tanga ka talaga! You're such a nuisance!" Hinampas hampas pa niya si Marielle.

At yun.



Nakita ko na sinasabunatan ni Mrs. Abellarno si Marielle Soriano.



Nagkatinginan kami ni Marielle. At pakiramdam ko nun sasabog puso ko. Sa galit? Sa gulat?


Basta ang alam ko lang na sumunod na nagyari eh nasa lapag na si Mrs. Abellarno at sinisigawan niya ko habang hila hila ko itong si Marielle palabas ng kusina at dumaan pa kami sa may dining area kung saan biglang napatayo si Jeric ng bigla kaya nalaglag upuan niya. Tapos lumabas kami ng bahay at itinulak ko siya papasok ng kotse ko.


Tapos pagkita ko nasa EDSA na kami...



At galit na galit ako.



"Bakit..." I grinded out. Almost a whisper compared to her soft crying.



"BAKIT???"


Bakit hinayaan mong ganunin ka nila?



Kumaripas ako ng takbo sa EDSA hanggang dumating kami sa bahay ng taong alam kong hinding-hindi ako tatalikuran. Nag-park ako at huminga ng malalim. Sinuntok yung manibela.


I have to calm down.




Pero sa tingin ko mas sumakit yung puso ko nung sinagot niya yung tanong ko.



"Di ba pag nagmamahal ka kahit na sobrang nasasaktan ka na... kahit na lam mong agrabyado ka na... okay lang kasi mahal mo siya eh. Sa sitwasyon ko ganun. Mahirap mag-explain kasi..., kahit na sabihin ko pa wala ka namang magagawa. Basta mahal ko lang sila. Yun na yun."







Pu-ta. Wala nanaman ba akong silbi?





Eto nanaman ako... walang magawa.



Lumabas kako ng kotse at pinalabas ko din siya. Nagdoorbell kami at pinapasok ng madi sa loob.




Dun sa may hagdanan pababa ang taong wala akong ginawa kung hindi bigyan ng problema.



"Pare koy..."








LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

anisxha

  • taffy
  • ***
  • Posts: 436
  • Karma: +21/-1
  • `. never been single since he make me His forever.
hello poh. anganda ng story m. support qh to.. update na poh sna.

bitter.sunshine

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 23
  • Karma: +0/-0
BOOKMARK BOOKMARK! YAY!

Rina here! Suportahan ko to!  ;D Bihira lang makakita ng leading man na hindi jerk o isnabero o mapanlait!

UPDATEEEE!

P.S. Naeenjoy ko si Clark! Sana magkaron siya ng sarili niyang lovelineee!   ;)
S H A D O W     R E V E R S A L
Oh how painful it must be, to love someone who used to love you.

iloveapplejuice

  • jellybean
  • **
  • Posts: 124
  • Karma: +5/-0
  • Where are you? Are you looking for me too?
Chapter 4
"Pag sinabi ko bang mahal kita sasabihin mo bang mahal mo din ako?"





”Woi! Ano ulit? Ano??Ha?”

Tinanggal ko yung magazine na nakapatong sa mukha ko para kunwari natutulog ako pero sa totoo lang nakikinig ako sakanilang dalawa. Eh hindi ko na matiis.

Ayun si Clark inaasar si junior. I just shook my head and went back to my pretend sleep.

Ay naku ito talaga si Clark oh mahilig mang-trip. Na-gets na nga eh nangungulit pa. Ayan tuloy binato ng bagong tasang monggol pencil number two ni junior ang pare ko. Nako Clark… baka mabugbog ka ng di oras nitong si junior.



”Uy, naman ‘Elle walang ganyanan!” Napaupo ako sa pagkakahiga ko sa sofa, nasamid pa ata ako. Ehem. ELLE? Wow ah, close pala itong dalawa hindi ko alam. Tsk. Daming karibal ah. “Paano pag tinamaan mo yung kayamanan ko eh di wala ng Clark the second! It’s a tragedy!”


Hehe, nice. Flying Trigo textbook. Sapul! Sakto sa mukha ni Clarkito. Buti nga sa iyo mokong ka. Ayos pala itong si Marielle ah pwedeng-pwedeng makapartner pag naglaro sa Timezone ng basketball. I slid down the sofa and plopped on the floor right next to her. Suot-suot niya yung Batman t-shirt ko na hindi na kasya sa akin kasi grade six pa ata ako nun nung binili yun ni mama. Pero sakanya kasyang-kasya. Pati yung shorts ko pangbasketball nung nasa grade school varsity pa ko eh kasya din.


Pag lingon ko kay Clark aba ang ganda ng tingin. Loko to ah. Nang-aasar pa. Hui pare, crush lang ito! Crush lang!


Haha, shet in denial pa ba?


“Saan ka pa ba nahihirapan ah Clarkito? Dalian mo ng matapos na tayo dito para makauwi na itong si junior. Ten na oh, baka umiiyak na mama mo sa kakahanap sa iyo. Tapos baka yung papa mo tumawag na ng pulis, aba hindi magandang tignan na pareho kaming lalaki kasama mo.”



Pagtungo ko nakita ko silang nagtititigan. Mukhang galit si Clark. Ano ba kasing meron? Gusto ko ng malaman kung bakit sila magkasama pumunta dito eh sa pagkakaalam ko hindi naman talaga sila magkakilala ng pormal. Tapos darating sila, si Clark ang higpit ng hawak sa kamay ni Marielle?










Tapos Elle? ELLE? Ano yun?? Ha???











Nag-ring yung phone ko. I answered it with a sigh.

“Hello?”








“Asan siya?”




Huh? Ano problema nito sinisigawan ako.. Nilayo ko yung tenga ko at tinignan kung sino ba yung caller. Number lang yung nakalagay eh…






“Uh… hello?”






”Hello? Hello?”





”Hello, hello!? Hello?” Takte, mukhang tanga! Ano ba!! Tumawa si Clark tapos itong si Marielle nakangisi na din.






”Haha pare koy ayan nakahanap ka na ng mas malakas ang tulo sa utak kaysa sa akin!” Nakipaghigh-five pa kay junior.





“Look Madrigal. I don’t have time for this nonsense. This is Jeric Abellarno. Alam kong andyan si Clark Sanchez at kasama niya si Marielle. I’m picking her up. Nandito na ko outside your village and I’ll be at your gate in less than two minutes.”




CLICK.





“Hay.” Buntong hininga sabay tingin kay junior. Nakangiti siya. Tumayo ako at binuksan yung pinto. “Darating boyfriend mo.” Sakto bumusina yung kotse niya.


“Oi pare koy wala akong boyfriend ah! Hehe… pero kung gusto mo magpapakabading ako para sa’yo. Yiheee!”


“Ungas!”

”Kinilig ka naman!” Tumayo siya at hinatak din si Marielle papalapit sa kin. Lumabas kami ng bahay at binuksan yung gate. Hindi pa nila napapansin yung kotseng nakaparada sa tapat. Naglolokohan pa yung dalawa.


“Seryoso ba ‘yun ha, Superman?” Superman? Ano ba  yan… Ano yun kasi siya si Clark o kasi superhero siya ng buhay niya ganun?


Nginitian lang ako ni Clark at hinampas ako sa likod.  Siya yung unang lumabas ng gate at sumunod kami.


Dapat hindi ko pinabayaang maunang lumabas si Clark.


Si Jeric kasi ayun, asta pa lang sa pagkakatayo ang yabang na. Hinawakan ko agad sa braso si Clark at hinila siya papunta sa side ni Marielle. “Dyan ka lang. Let me handle this.” Tumayo ako sa harapan nilang dalawa para kung may susunggab man, si Jeric man o si Clark eh ako yung nasa gitna. Pipigilan ko sila.


“Marielle… gusto mo bang sumama sa boyfriend mo?” I heard Clark’s sharp intake of breath but I didn’t mind it. Isang maling pagkakamali







PAK!






“Tama na! Clark! Jeric!”


“Clark! Pare!” Tinulak ko si Jeric habang hinigpitan ko yung hawak ko kay Clark. Nilayo ko si pare ko habang pinigilan naman ni Marielle si Jeric na gumanti. Niyakap niya ng mahigpit. Napatigil si Jeric sa pagpipiglas. Parang nanghina yata ako kaya muntik ng makawala si Clark. “Tol! Tama na!”







“Eh gag0 ka pala ha Abellarno! GAG0!”







“Tol, ano ba problema ha… Huy!” Nagpupumiglas pa itong si Clark at nahihirapan na kong pigilan siya. Gusto talagang sunggaban itong si Jeric.





“Anong problema ko ha? Yang gag0ng yan!” Nagkatinginan lang kaming tatlo habang umiiyak si Marielle, nakayakap pa din kay Jeric. Binitawan ko na si Clark pero tumayo ako sa harap niya at hinawakan yung balikat.






“Wala akong ginagawa sa iyo! What’s up with you?”





“Hoy ikaw… huwag kang magmaang-maangan diyan ah. Ginulo ni Clark buhok niya, a sign of his frustration. Ano kasing meron?




“You f*cking don’t deserve her! Hindi mo siya kayang protektahan sa nanay mong neurotic!!! HINAYAAN MO LANG NA HAMPAS-HAMPASIN AT SABUNUTAN ANG GIRLFRIEND MO!”





“WTF? WTF are you talking about? Marielle…”





Para akong sinuntok sa tiyan. Oxygen was taken away from me. Siya lang yung nakikita ko, umiiyak.



“That’s not it! You don’t understand… hindi ganun kasimple yun…”


Alam mo yung umiiyak na hirap na hirap huminga na may kasama pang sinok. Ganun siya. Gaano ka ba dapat masaktan para umiyak ng ganyan?


Si Jeric parang naging statwa habang umupo sa sidewalk namin si Clark.



I could almost feel my heart trying to free itself from my chest.


dug.dug.dug.dug dug dug dug dug.dug.dug.dug…


I took a few steps so I could stand directly in front of her while she clung desperately to him. My fists were clenched and she saw it and held him tighter making her body be the shield as if she was expecting me to tackle him. I unclenched my hands and brought it to her arms turning her to face me.

Pinunasan niya yung mukha niya and tried to push me away only to bump into Jeric. She was trapped between us. 


Nagkatinginan kami ni Jeric and I think he understood what I wanted to do because he gave me a nod and placed both of his hands on her elbows. 


“Don’t move.” Jeric whispered to her.


I touched her face, wiping the tears away as I searched for something. Anything to prove what Clark said. One, two, three… I gritted my teeth my heart beating angrily… four, five, six…. I touched her head and passed my fingers through his hair. One big bump. She cringed when I pressed on it lightly. I moved down to her neck and pushed her hair away… seven, eight, nine… Damn it. Nine scratches.

She took my hand and tried to move it away but I just brought it down to her shoulder and raised the sleeve of my shirt that she was currently wearing.

Langhiya.


The most tangible evidence was there on her arm.







A handprint bruising already.









Jeric just groaned when he saw it and encircled his arms around her waist resting his head on her shoulder while crying softly.



“I’m so sorry… Oh god. So sorry… I’m so sorry. Hindi ko alam. I swear…”


My hand held her face again, my thumb softly caressing her cheek.


I looked towards Clark and saw him still sitting on the sidewalk his head lowered on his knees hands clasped together.


Kaya pala… parang rewind lang ito para kay Clark. Isang nightmare that is haunting him once again. The feeling of helplessness.


Ito rin kasi ang kaso sa pinsan niya. Si Dianne. Ex girlfriend ko.




I bent my head towards hers, our foreheads touching. I closed my eyes, her tears passing through my hands.


“Please. Let me help you.”  I whispered.



And then I felt her nodding.







That night when I laid in bed still wide awake, I thought about how strong a heart can be. Despite all the hardships and hurt it goes through it still beats for you. Keeping you alive. Even if it’s broken into a thousand pieces.



“Hindi ko maiwasang umasa na mamahalin din nila ako. Pamilya ko sila. Ang hirap hindi pakawalan yung thought na kapag nakangiti sila, na kapag lumingon sila sa akin eh yung ngiting iyon hindi mawawala. That, that smile would be mine.”


How I wish that you’ll smile because of me.


And I dreamt about her.









LAST ONE
How do you love when you can't find your heart?

 

Advertisement