Hello, guest!

Not yet a member? Register here | SUBSCRIBE TO CANDY AND GET 15% OFF!

Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Avatars larger than 75x75 pixels will be deleted. Check out the Avatar&Signature. Rules.



Poll

boring na ba??

YUP!!!Ending na!!
Hindi pa naman..
NOOOO!!! MS.A!!! KA-ENJOY PA!!!
medyo?

Author Topic: [""CLASS 4-6"" ]CH74: BESTFRIEND FROM PAST [short update. mianhe]  (Read 180032 times)

tesmari

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 17
  • Karma: +1/-1
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3120 on: October 19, 2009, 08:15:19 pm »




nice update ;)





-janne-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1423
  • Karma: +143/-16
  • lady jolly.=)
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3121 on: October 19, 2009, 08:41:34 pm »
vince mukhang mahihirapan kang magexplain kay ciara ha hehe
goodluck hehe

ang cute talaga ni japs hehe kakaluka siya hehe
The greatest part of life is finding someone
who knows all your faults and weaknesses but still thinks you're amazing

grounded_gal

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1767
  • Karma: +192/-18
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3122 on: October 20, 2009, 12:41:04 am »
ainaku vince. ayusin mo yan..tsk tsk
kasi nmn, pingbigyan pa e nsa school k p mn din..
sna lng tlga pakinggan sya ni ciara..

haha, ntawa nmn aq kay japs, pgtapos mgkalat ni vince sya tga-ayos..
"sometimes love's just ain't enough"

acsehc enimsaj

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 72
  • Karma: +3/-1
  • Saranghae <3
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3123 on: October 20, 2009, 07:33:46 pm »
aww .. :'(. vince ang masasabi ko lang sa iyo is..BAKIT MO KASI SIYA PINAGBIGYAN! >:(
JAPS naman: oo nga naman..kung hindi lang kasi kalahatin TAN-G-A si vince!susginoo..haha  ;D
CIARA naman: CIARA!GIVE VINCE A CHANCE TO EXPLAIN NAMAN! ::)..oh well  :P.bahala ka  :P.haha..
MS.A: MS.A!!opo..new reader po ako ng iyong istoriiee..ANKYUT kasi!NAKAKAKILIG  :D!ngayon ko nga lang po nabsa itong update kasi andaming ginagawa tapos ayaw pa ni mama na mag-online ako kaya ayun..anyhoo, kelan po ang next update ms.a?bago ko po makalimutan..ginagamit mo pa po ba yung globe mo?kasi po nag-text po ako sa iyo eh..hihi  :)

MS. A

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1404
  • Karma: +35/-29
  • ms.a
    • CLASS 4-6
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3124 on: October 20, 2009, 08:30:11 pm »
acsehc enimsaj

sobrang natuwa naman po ako sa comment mo.ang haba kasi.. i love long comments.hahaha
anyway, sobrang negative na si Vince sa lahat ah??
buti naman po, napadaan ka dito sa story ko..
at nagustuhan mo po..hehehehe.
ayos lang po kung nalate ka po..hehehe.
uhm, un globe ko po? hehehe.nakasmart po ako ngayon, naka-off ang globe ko e.pasensya na po,ahaha,,,pm mo na lang po sa akin un number mo.hindi pa rin kasi ako makapagdecide kung anong number ggmitin ko..
thank you po. :)

grounded_gal

lagot ka Vince kay mareng ---uhmm.. anu po real name mo?hehehe
kawawang Japs, ang dakilang alalay ni Vince,.
kung may Nathan si Marion, may Japs si Vince.hahaha.

-janne-

wow naman, daming pogi points ngayon ni Japs ah.ahahaha
kahit ako, i love Japs.hahaha
tsktsktsk. goodluck na lang kay Vince..

tesmari

thank you po..
new reader po??hehehe

♥are youKPOP LOVER?♥ 
[please visit my friend's website]

MS. A

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1404
  • Karma: +35/-29
  • ms.a
    • CLASS 4-6
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3125 on: October 20, 2009, 08:41:23 pm »
CHAPTER 67: UMAMIN NA SI MARION




>> MARION’S ROOM <<

MARION: Carmela, ilan beses ko bang uulitin sayo. Wala akong gusto kanya.

CARMELA: Kuya naman, obvious na obvious ka na. SUPER!

MARION: Tigilan mo ko.

CARMELA: Eh anong tawag dun sa laro niyo kanina ni Kuya Nathan?

MARION: One-on-one.

CARMELA: Duh? Alam kong one-on-one un, pero alam ko ding one-on-one para kay Karissa.

MARION: Hindi nga eh!

NATHAN: Tama siya, Carmela. Hindi kami nag one-on-one para kay Karissa.

MARION/CARMELA: Kanina ka pa diyan?

NATHAN: Dahil hindi naman niya kailangan makipagkompetensya sa akin. Sa kanyang-kanya si Karissa. >:D

MARION: NATHAN  !!!

CARMELA:So Kuya Nathan, wala ka talaga gusto kay Karissa?

NATHAN: Oo naman. Wala akong balak na maging karibal ni Pardx saka malamang talo ako diyan.

MARION: Teka nga! Ano ba pinagsasabi niyo?! Ilan beses ko bang sasabihin na wala akong gusto kay Karissa?!

NATHAN/CARMELA: SINONG NILOKO MO?!

MARION: Urgh. Kayong dalawa! >:(

NATHAN: Hindi naman masamang magsabi ng totoo sa mahal mong bestfriend at kapatid mo.

MARION: Ano ba gusto niyo sabihin ko?

NATHAN/CARMELA: MAHAL MO SI KARISSA!

MARION: Hindi--

NATHAN: Hep!Hep! Pardx, sige nga. Kung hindi mo siya mahal. Ano un sinabi mo sa akin kanina?


*FLASHBACK*

MARION: Tandaan mo din, papatunayan ko sayo at lalo na sa kanya na DESERVING ako.
+++++++++++++++++++++++
MARION: Kilala mo ko Nathan, hindi ako agad sumusuko lalo na sa pagkakataon na toh. Hindi ko siya kayang i-give up ng basta basta lang.

*END OF FLASHBACK*



CARMELA: HAHAHAHA! ;D ;D ;D Ikaw Kuya ah, may mga linya ka pang ganyan ah.

MARION: Wag kang maniniwala kay Nathan. Sinungaling yan si Nathan.

CARMELA: Kailan naman natuto magsinungaling si Kuya Nathan?  ??? ???

MARION: Sinasabi mo bang sinungaling ako?

CARMELA: Ngayon lang Kuya, Masyado ka kasing DENIAL KING!

NATHAN/CARMELA: HAHAHAHAHAHAHA!!! ;D ;D :D :D

MARION: Wag niyo nga pagtulungan!

NATHAN: Ayaw mo ba talagang umamin?

MARION: Wala akong aaminin.

NATHAN: Sige, papatunayan ko talaga sayo na may feelings ka talaga kay Karissa kahit simula pa noon.

MARION: Huh?


*FLASHBACK*

>chapter 8<

Tsk.tsk.tsk.
Kawawa naman tong si Karissa,
Siya tuloy ang napagtripan ng mga classmate ko este namin..
Basang-basa tuloy siya..
Kukuha na sana ako ng towel sa bag kaso--
:o :o :o :o ::o
Wait, si Marion ba toh?
Binigyan niya ng towel si Karissa.
Well, in a rude way..pero kahit na ba?
Si Marion?? Sarili niyang towel?



KARISSA: Malaki na rin sapak ng ulo mo noh?!

MARION: Baka maging feeling ka dyan, hindi ako concern. Baka kasi wala kang dalang towel,magmuka kang basang sisiw diyan.


Pinigilan ko na lang tumawa.
Minsan talaga, disadvantage sa kanya na simula pagkabata magkaibigan na kami..
Dahil kilalang-kilala ko na siya.


*END OF FLASHBACK*



MARION: Sinabi ko naman nun kaya ko lang ginawa ko un dahil ayokong may nakikitang basang sisiw.

CARMELA: Sa pagkakakilala ko sayo Kuya. Hindi ka nagbibigay o nagpapahiram ng gamit sa ibang tao lalo na sa BABAE at BAGONG KILALA. Kahit maging basang inahin pa yan.

MARION: Bakit ba hindi kayo nakakaintindi?

CARMELA: Ikaw ang hindi nakakaintindi.

MARION: Tala---

NATHAN: Ok, kung hindi pa sapat sayo un, ito pa.


*FLASHBACK*

>CHAPTER 14<

DISMISSAL


VINCE: Oh? Saan tayo?

JAPS: Saan pa nga ba?

JIN: Edi, sa dati.

NATHAN: Sama ba tayo sa secret place?

MARION: Bahala kayo.

VINCE: Kumpleto pala lahat e.

JAPS: Si Karissa ba un?

VINCE: Un classmate natin?

NATHAN: Bakit naman kaya nag-iisa lang siya?

JAPS: Bakit kaya hindi pa siya umuuwi?

VINCE: Naghihintay siguro ng sundo?

MARION: Hindi pa ba tayo aalis? O papanoorin niyo pa umuwi yan?

JAPS: Highblood na naman toh. Halika na nga kayo mga tol.


Labo na rin itong si Pardx?
Minsan gusto ko din bawiin un iniisip kong baka may something ito kay Karissa..
Sumakay na kami sa mga kotse namin.
Wait.wait. nagtataka kayo siguro kung bakit may kotse na kami at kami pa nagmamaneho, kahit menor de edad pa lang.
Ganyan talaga, CLASS 4-6 nga kami di ba?
Napansin ko naman, huling sumakay ng kotse niya si Marion,
Actually, kapag magkakasama kami. Siya lang un hindi nagpapasakay sa kotse niya.
Ganyan siya ka-BAIT sa amin!
Hahayaan niya kaming magsiksikan sa mga kotse namin,
Basta WALANG puwedeng sumakay sa kotse niya!
Teka.teka. HULI KA!
Akala niya siguro, hindi ko nakita na sumilay muna siya kay Karissa bago siya umalis..


>SECRET PLACE<

Pagkadating namin dito, nagkanya-kanya na sila ng trip..
Pero may bukod tanging, talagang napansin ko agad..
Si MARION?
Well, hindi naman ako nagugulat kong tahimik lang siya sa isang lugar..
Pero dahil labing-pitong taon na kami magbestfriend,
Kaya kilalang-kilala ko yan.
At ang nababasa ko sa kanya ngayon,
May iniisip siyang malalim, hindi ko alam kung ano un pero..
MALALIM NA TALAGA.
Hmmmmm??
Pinaglalaruan pa niya un phone niyang 15MILLION.
Un tipong, iniikot niya. Gets niyo?
Bigla siyang tumayo at inilagay sa bulsa un cellphone niya.
At parang aalis yata?



NATHAN: Pardx, aalis ka?

MARION: Uhm, may nakalimutan lang ako sa school.

NATHAN: Gusto mo samahan na kita?

MARION: Hindi, wag na. Walang magbabantay sa kanila.

VINCE: Hoy! Narinig ko un Marion!

JAPS: Bakit kailangan pa namin ng bantay? Ano kami, BATA?

MARION: Ayokong mabalikan itong sunog na.


Minsan talagang itong si pardx, ang rude pagdating sa kanila.
Pero kahit rude yan, it shows that he care for us.
Pero hindi talaga ako mapakali,
Kaya pagalis niya, umalis na rin ako..
Pero syemrpe bago un, tinadtadtad ko ng paalala un Class 4-6..
Syempre takot din akong mabalikan itong sunog na o giba na.
After nun, sinundan ko agad siya.



>>SCHOOL<<

Ang bilis talaga niya magpatakbo ng kotse..
Kaya hindi ko maabutan,
Pagpasok ko ng school. Nakita ko agad un kotse niya,
Pero wala na siya,
Itinigil ko un kotse ko sa isang madalim na lugar,
Pababa na sana ako, kaso may narinig akong mga boses,
Napatingin ako sa waiting area ng school namin,
Nakita ko un tinatawag nilang POPU Girls,
Binubully si KARISSA? :o
Pababa na talaga sana ako kaso biglang dumating sa eksena si Marion.
Si PARDX ba talaga un?
Parang alam ko na kung bakit bumalik siya.
KILALA KO SIYA


*END OF FLASHBACK*



MARION: So iniwan mo ang Class 4-6 nun that time?!

NATHAN: Hindi un ang point. Dahil dun, ipinakita mo sa akin na, you really care for her.

MARION: Hindi pa naman kasi ganun kasama ugali ko. Saka maswerte lang yan si Karissa dahil bumalik ako sa school.

NATHAN: Bumalik ka dahil may naiwan ka diba?

MARION: Oo nga.

NATHAN: Ano nga ulit un naiwan mo nun?

MARION: Uhm--- un--- cellphone ko.

NATHAN: HAHAHAHAHAHA

MARION: Anong tinatawa mo diyan?

NATHAN: You’re such a liar talaga, Pardx!

MARION: Huh?

NATHAN: Duh? Eh bago ka umalis, nakita pa kami hawak-hawak mo ung cellphone mo at pinaglalaruan mo pa. Tapos inilagay mo lang nun sa bulsa mo nun paalis ka na.

CARMELA: Kuya naman, talagang nagpapahuli ka noh?

MARION: NA---

NATHAN: Carmela, alam mo bang puwede magaudition yan Kuya sa panibagong super hero. Naku, kung ako si Karissa nun, kikiligin talaga ako nun. Si PAPAMARION ba naman ang nagligtas sa kanya.

CARMELA: Wow naman, to the next level na agad si Kuya.

NATHAN: At alam mo bang may backride pa yan nalalaman.

CARMELA: Talaga? Nakakatampo naman niyan. Kahit kailan hindi ako binigyan ng backride ni Kuya. Ang laging dahilan niya, baka sumakit un likod niya o mabigat daw ako.

NATHAN: Kawawa ka naman, dapat sinabi mo sa akin noon na gusto mo ng backride, edi sana binigyan kita. Kaso wag na ngayon ah? Mabigat ka na e.

CARMELA: Ang sama mo naman Kuya Nathan.

MARION: Puwede tumigil na kayo!?

NATHAN: Ay Carmela, alam mo bang the next day noon, naging SUPERMARION na itong Kuya mo.

CARMELA: Niligtas niya si Karissa?

NATHAN: Exactly, kasama umandar na naman kalokohan ng mga classmate ko. Ewan ko ba kung pumasok sa kokote ng mga un, binato ng bola ng basketball si Karissa. Pero dahil focus na focus un mga classmate ko doon sa bolang paparating kay Karissa, hindi nila napansin na nagtransform itong Marion sa SuperMarion at kumaripas ng takbo sa harap ni Karissa,

CARMELA: Edi siya un natamaan ng bola?

NATHAN: Exactly! Nagulat na lang un mga classmate ko dahil nandun si Marion. At ang nakakatawa niyang dahilan sa lahat kung bakit nandun siya dahil DUMAAN lang daw siya.hahaha

CARMELA: Kuya Marion you’re so corny na! HAHAHAHA

MARION: Hindi ba talaga kayo titigil?

NATHAN: Umamin ka na kasi.

MARION: Wala akong aaminin.

NATHAN: Ayaw mo talaga? Carmela, meron pa.


*FLASHBACK*

>CHAPTER 23<


Himala ah? Maagang pumasok ngayon ang Class 4-6,
At take note: pati si MR. MARION GATCHECO
Masyado silang excited para sa audition.
Kaso bakit hanggang ngayon wala pa din si Karissa



VINCE: Pumunta na tayo sa court.

JAPS: Paano si Karissa?

VINCE: Baka naman nasa court na.

TIM: Oo nga. Siguro naman hindi niya makakalimutan ang ganitong event.


At napagdesisyon nila na pumunta sa court.
Pero sa pagkakilala ko kay Karissa,
Maaari din niyang makalimutan un ganitong bagay..
Halos lahat na kami, paalis na ng classroom,
Pero may bukod tanging nakaupo pa rin



JIN: Marion, hindi ka ba sasama?

MARION: Ano naman mapapala ko diyan?

VINCE: Natatakot lang yan na makita tayong matalo.

MARION: Vince, hindi niyo pa din ako madadaan sa ganyan.


Hindi na rin nila pinilit si Marion..
Dahil alam nilang pag sinabi niyang AYAW, ayaw talaga. HINDI, hindi talaga..
Wala talaga makakapilit sa kanya.
Ganyan katigas na bato si Marion..
Pero feeling ko, may ibang dahilan yan.


COURT

Sabi ko na nga ba,
Late na naman si Karissa at nakalimtan niyang may audtion siya ngayon..
And speaking of her,,
Papasok na siya ng court at hingal na hingal pa at---
Higit-higit niya pa niya si Marion..
Aba parang alam ko na talaga kung bakit nagpaiwan si Marion..


*END OF FLASHBACK*



MARION: Hindi niyo ba alam un word na “HINIGIT”?

CARMELA: Ikaw pa, Kuya,. Hindi ka basta-basta nagpapahigit.

MARION: Kasalanan ko bang amazona itong si Isaw?

CARMELA: Isaw?

NATHAN: Wag ka naman ganya sa soon-to-be ---

CARMELA: Soon-to-be?

NATHAN: Soon-to-be-my-bestfriend’s girlfriend.

CARMELA: Ah, akala your soon to be girlfriend.

NATHAN: Syempre, hindi ko kakalabanin yan si Marion.

MARION: Para naman mangyayari un.

NATHAN: Mangyayari talaga un!

MARION: Patunayan mo nga.

NATHAN: Kanina ko pa nga pinapatunayan. Ito may isa pa.


*FLASHBACK*

>CHAPTER 30<


MARION: Oh? See? Hindi naman pala niya ko kailangan.


Haynaku, nagsimula na naman maging dramatic itong si Marion..
Nagsipaglabasan na silang lahat,
At ako dahil sa naamaze ako sa kadramahan ni Marion, ako ang huling lumabas..
Kaso may biglang nagtap ng balikat ko.



MARION: Pardx, ikaw na bahala kay Karissa. Tawagan mo ko agad kapag may nangyari. Huwag ka na magtanong pa.


Syempre, hindi na ko nagtanong..
Kahit dinumog un utak ko ng maraming katanungan..
Gusto ko pa mabuhay,
HUWAG KUNG HUWAG


>court<

LORAINE: How dare you to talk to her like that?!!

MARION:Hindi ba kayo titigil kakasigaw diyan?! Saka puwede ba, huwag nga kayo English ng english diyan, para naman bagay sa inyo. Akala ko pa naman cheering practice un mapapanood ko dito, cheerdancers bull fighting pala.

NATHAN: Akala ko ba, hindi ka manonood dito? Wala ka bang tiwala sa akin?


Minsan talaga itong si Marion, kahit matagal na kaming magbestfriend,
Hindi ko pa din maspell mood nito..
Hindi rin pala siya makakatiis kay Karissa..

« Last Edit: October 20, 2009, 10:23:33 pm by MS. A »

♥are youKPOP LOVER?♥ 
[please visit my friend's website]

MS. A

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1404
  • Karma: +35/-29
  • ms.a
    • CLASS 4-6
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH66= THE PLAYBOY GETS HURT!] sembreak na!!bawi na ko!
« Reply #3126 on: October 20, 2009, 08:42:22 pm »
>CHAPTER 33<

*CALL*

NATHAN: *yawn* Saan ka ngayon?

MARION: Kakapasok lang ng subdivision namin.

NATHAN: Hindi mo ba nakita si Karissa?

MARION: Hindi. Bakit naman?

NATHAN: Inaantok pa ko. *yawn*

MARION: NATHAN! Bakit ka ba tumawag?!

NATHAN: Nasa panganib si Karissa!

MARION: ANO?!!!!

NATHAN:Ano ka ba?! Hindi mo kailangan sumigaw!

MARION: !@#$! Saan siya ngayon?!!!!

NATHAN: Nasa Vicente St. niyo! *yawn*

*tot*tot*tot*


Bastos talaga itong si Pardx..
Bigla-bigla na lang nangbabagsak ng tawag..
Bakit ba parang napaparanoid itong si Pardx?
Para lang naman nasa panganib si Karissa..
May Karissa lang narinig---
Teka, LOADING…...
Nasa panganib si Karissa!
NAMAN!!
Sorry naman..
Dalawa kasi ang weakest ko,
Syempre una na dun si Marion at,
Ang pangalawa, kapag bagong gising ako..
HINDI niyo talaga ako makakausap ng maayos.
As in, BRAIN DAMAGE talaga!


>KARISSA CRIME SCENE<

KARISSA: MARION!!!


Kahit si Marion un tinawag ni Karissa,
Syempre sumugod na ako agad dahil nakikita kong busy makipagaway itong si Marion..
Pero paghawak ko kay Karissa,
Nagulat na lang ako dahil hawak-hawak na rin ni Marion un kabilang kamay ni Karissa..
At nagkaeye-to-eye pa kami,
GRABE! NAIINLOVE AKO SA KAGWAPUHAN NIYA,
Hindi. Joke lang.
Para akong nadudurog sa tingin niya.
So I’m sure na talaga, may something na talaga sa kanya!


*END OF FLASHBACK*


CARMELA: Grabe ka talaga Kuya, eh ibang level na un ah! Pero teka, so it means, ka-SUBDIVISION namin si KARISSA?!

NATHAN:EXACTLY!

CARMELA: Ang galing-galing naman. Minsan nga dalawin ko siya sa bahay or imbitahan ko siya dito.

MARION: Don’t you ever do that CARMELA GATCHECO-GOTIANGCO
 
CARMELA: Whooo—I’m scared. :(

NATHAN: HAHAHAHA! Kasi naman Carmela, baka naman gusto ni Pardx, siya mismo magdadala kay Karissa dito sa bahay niyo.

MARION: NATHANIEL HIZON JAVIER?

NATHAN: Opps.Itutuloy ko na nga un story-telling ko. Alam mo ba, Carmela. Un ung araw na sinakay ni Marion si Karissa sa kotse.

CARMELA: OMGEE~ Ito na talaga uin gusto kong kwento. Paano ba nangyari un?

NATHAN: Kais nga ihahatid na namin si Karissa pauwi nun. Kaso nagiisip kami dahil kung sino un maghahatid sa kanya. Dapat nga ako na un magvovolunteer eh. Kaso biglang nagsalita itong si Marion. SIYA na daw ang maghahatid!

CARMELA: TALAGA?! OMGEE! I’m so kilig!

NATHAN: Hindi pa tapos un, dahil nga nagulat kaming lahat hindi makapaniwala. Inoffer ko sa kanya un kotse kasi baka napipiliitan lang siya. Pero hindi niya tinanggap!

MARION: Hindi lang ako sanay sa kotse mo.

NATHAN: HAHA. Nandiyan ka pa pala?

MARION: SHUT UP!

CARMELA: I’m so inggit na talaga!

MARION: Nagiging maarte ka na Carmela ah.

NATHAN: Tapos pagbalik na after million years, may nakakatuwa pa nangyari.

CARMELA: You mean na, matagal niyang hinatid si Karissa?

NATHAN: Yup. Hindi ko alam kung may ginawa pa ba sila at ang tagal nila.

MARION: TU---

CARMELA: Kuya Nathan, ano un nakakatuwang nangyari?

NATHAN: After nun mala-BOYFRIEND niyang pag-uutos sa amin para kay Karissa, bago kami umalis nakapagusap kami ng sandali lang. Sinabihan ko siya nun na “Pardx, alam mong hindi ako tumatalo ng Kaibigan”. HAHAHA. Kakatuwa talaga un expression niya nun. Pinigilan ko lang talaga un tawa ko nun. Ayaw ko kasi masira un moment na un. Ang ganda eh!

CARMELA: ANo ba un expression niya nun?

NATHAN: Hindi ko nga alam e. pero parang naguluhan pa siya nun sinabi ko un. Masyado kasing matalino itong kapatid mo eh. Ni-reverse psychology ba naman un sinabi ko. Eh parang ibig sabihin ko lang nun, na wag niya akong pagisipan na kung ano or what. O kaya naman pagselosan kay Karissa.

CARMELA: Nakakatuwa ka talaga Kuya! Yan ang mahirap sa matalino e! dapat kasi Kuya Nathan, direct to the point, yan tuloy kung anu-ano iniisip ng Kuya ko.

MARION: AY---

CARMELA: Kuya Nathan, may kwento ka pa?

NATHAN: Oo naman. Hindi pa natatapos un love story nila Marion at Karissa. Ito un nahulog si Karissa nun sa pyramid. Nagppractice kasi sila Karissa nun ng cheering nila. Tapos may kausap si Marion nun sa cellphone niya. Tapos nagulat na lang ako nun bigla siyang sumigaw, tapos hinagis niya un cellphone niya. Nagmadali naman akong saluhin un. And to think of it, kaya pala hinagis niya un dahil nahuhulog na pala si Karissa.

CARMELA: Un 15 MILLION NIYANG CELLPHONE!?!!

NATHAN: Un nga un!

CARMELA: Teka, asan na ba un? Eh parang bagong phone na un nakikita kong gamit niya.

NATHAN: Nagpalit na siya. Un pa ang nakakatuwa, kasi nun day na un nalaman ng mga tao sa court na mamahalin pala un mga cellphone nila. Then that night, nagulat na lang ako bigla tumawag sa akin si Auntie K. Akala ko nga may nangyari kay Marion, un pala nagpapabili siya ng cellphone. Actually, si Auntie K un inutusan niya, wala naman alam si Auntie K pagdating sa ganyan. At kinagulat ko pa, dalawang phone ang pinapabili niya! Panglalaki at pangbabae pa!! Gusto ko sana magtanong kay Marion kaso sekreto namin ni Auntie K un, edi syempre naghanap ako nun ng cellphone. Tapos may promo pa nun, bagong COUPLES CELLPHONE. Naging interesado ako tapos sakto pang panglalakli at pangbabae un pinapabili niya.

CARMELA: So? Binili mo? HAHAHA. Akala ko couples tshirt lang uso ngayon, meron pa lang cellphone!

NATHAN: Hindi pa tapos un, inutos pa sa akin ni Auntie K na ipadala ko daw sa ibibigay niyang address un cellphone na pangbabae. Kaya sinunod ko naman, and dahil doon, nalaman kong kay KARISSA pala un address na un!

CARMELA: HAHAHA. Nakakatuwa naman, un ginagamit nilang cellphone ngayon, couples cellphone pala!

NATHAN: Kaya nga nun ipinakita nila un cellphone nila sa amin, hindi ko mapigilan tumawa tapos un mga reaction pa ng mga kaschoolmate halatang gulat na gulat pa sila. Hindi nga lang nila nagawang magreact kasi natakot na sila ni Marion.

MARION: So ibig sabihin, Sayo binigay ni Auntie K un utos ko?

NATHAN: Yah-yah.

MARION: AUNT-----

CARMELA: Hoy! Tumahimik ka nga Kuya, wag mo na idamay si Auntie K dito. Hay naku, wala talagang sikretong hindi mabubunyag.

NATHAN: Actually, hindi pa ako ganun convince na mahal niya si Karissa, pero nun dumating un araw na naaksidente siya at nahospital. Doon ko talaga nasabi, MAHAL NA NIYA SI KARISSA!

CARMELA: Yah, I know it. Nun nakausap ko siya nun sa cellphone. I know that there’s something special on that girl.

NATHAN: Kaya nga gumawa na ko moves para lalo kong mapatunayan na totoo itong naiisip ko.

CARMELA: Moves? Like what?

NATHAN: Lahat ng moves na ginawa ko kay Karissa.

CARMELA: You mean, pinagselos mo si Kuya Marion?

NATHAN: EXACTLY!HAHA

CARMELA: Edi ibig sabihin, alam na rin ni Karissa ito?

NATHAN: Nope. Buti na lang kakaiba si Karissa. Manhid na ewan.hahaha. Saka magaling din magtago ng selos itong si Marion. Syempre sa akin, hindi tatalab yan.

CARMELA: HAHAHA! Marunong din palang magselos si Kuya!!

NATHAN: Isipin mo un, si MARION GATCHECO!

MARION: HINDI BA TALAGA KAYO TITIGIL?!!!!!

NATHAN/CARMELA: HINDI!!!!!

NATHAN: Hindi mo ba talaga siya mahal?

MARION: Hi~hindi nga.

NATHAN: Ok. Good.

MARION/CARMELA: HUH?

NATHAN: Edi, itutuloy ko na manligaw kay Karissa.

MARION/CARMELA: :o :o :o :o :o


Ito na talaga ang last chance ko.
Magwawalk-out na rin ako.



MARION: Nagjojoke lang ako. Pardx, mahal ko na yata siya. Wag mo na ituloy. Puwede?


Nagkatinginan kami ni Carmela,
At biglang NAGTAWANAN.
Hindi lang tawanan, HALAKHAK pa!



MARION: Anong nakakatuwa? ???

NATHAN: Ayun un e! Takot din pala.

CARMELA: HAHAHA! Nice one Kuya Nathan. Akala ko hindi eepekto un.

NATHAN: Akala ko nga din e. Pardx, iba na tama mo kaya Karissa.

MARION: L*tche! Kayong dalawa talaga.

CARMELA: So, umamin na sa atin si Kuya! Wala na tayong problema.

NATHAN: Anong wala? Madami pa. Hindi pa siya nagcoconfess kay Karissa, at tandaan niyo may kapatid pa kayong Chloe.

CARMELA: Oo nga pala. Paano na yan? Paano sasabihin ni Kuya na mahal niya si Karissa.

MARION: May sinabi ba kong sasabihin ko sa kanya?

NATHAN: Teka, teka, wala kang balak?!

MARION: MALAMANG! Marion Gatcheco nga ko diba?

CARMELA: Kuya naman! You’re so worst na!

MARION: Hindi ko nga alam kung may gusto nga un sa akin e. Syempre, ayokong mabasted.

NATHAN: Bawas-bawasan mo kasi yang pride mo!

MARION: Halata naman na ikaw ang gusto nun.

NATHAN: HUH?! AKO?! Hindi noh.

CARMELA: Hay naku, Kuya Marion, alam kong ikaw un gusto ni Karissa. Babae din ako noh.

MARION: Kung wala siyang gusto kay Nathan, bakit siya nag-I love you, too noon kay Nathan?

NATHAN: HUH? HUH? HUH? Ano ba yan pinagsasabi mo?

MARION: Hindi ko alam kung part ba un ng plan mo or what, pero naiintindihan ko na un ngayon. Pero si Karissa, hindi ko siya maintindihan. Nag-I love you, too pa siya sayo. At sa harapan ko pa.

NATHAN: Teka nga, saan at kailan naman nangyari nun?!

MARION: Nun first time niyong mag-usap sa cellphone. Nun ibaba niyo na un tawag niyo, narinig kong nag-I love you, too si Karissa sayo. Edi malamang nag-I love you ka sa kanya.

NATHAN: Excuse me? Alam ko wala akong memory gap, pero wala akong sinabing ganun kay Karissa! At malamang wala din akong narinig na I love you, too galing kay Karissa.

MARION: ANONG~

CARMELA: HAHAHA! Pati si Karissa, ginamit din si Nathan para pagselosin ka Kuya.

NATHAN: I get it. Ibang klase din itong si Karissa.

MARION: ANAK NG! AT THE WHOLE TIME, NANIWALA AKO SA GANUN!

NATHAN: Hindi ka kasi marunong magtanong.

MARION: Itatanong ko na sana sayo, kaso dumating naman itong dalawa.

CARMELA: Ay ganun, kami pa sinisisi. Balik na nga lang ako sa Amerika!

MARION: Hoy! Ikaw babae ka! Ginagawa mo lang dahilan ito para balikan mo un boyfriend mo dun!

NATHAN: May boyfriend ka na Carmela?! Sino?!

MARION: Si DINOSAUR!

CARMELA: It’s DINO nga! Ano ba?! Hindi ko nga boyfriend! He’s my BESTFRIEND!

NATHAN: Grabe ka naman talaga Pardx, un bestfriend ginawa mong boyfriend.

MARION: Teka nga, Bakit ka nga pumunta dito NATHAN?

NATHAN: Ay oo nga pala! Ano ba yan, napakwento ako ng napakahaba. Nakalimutan ko tuloy un pinunta ko dito. Itatanong ko sana kung bakit nagpapatawag ka ng Student Council Meeting bukas?

CARMELA: Aba, buhay pa pala un.

MARION: Bukas mo na malalaman.

CARMELA: This is it!

NATHAN: Ano un?

CARMELA: Nagsisimula na siyang magbago para kay Karissa.

NATHAN: HAHAHA! Iba talaga tama mo kay Karissa!


Bigla akong ni-wrestling ni Marion.
Wag na kayong magulat, ganyan talaga kami bonding.
NAGPAPATAYAN!
Habang nasa kalagitnaan kami ng patayan,
Naramdaman kong natanggal un necklace ko



NATHAN: Teka lang, Pardx. Un necklace ko nahulog. Sh*t ka naman e.


Pinulot ko na un necklace ko..
At sinuot ko ulit..
Halata sa mukha nila Marion at Carmela un pagtataka at pagkagulat



NATHAN: O sige na. Uuwi na ko.


Ewan ko lang, bigla lang akong nawalan ng mood.
Dahil siguro napansin ko tong necklace ko.
Napansin kong suot-suot ka pa din ito.
Napansin kong---



MARION: Mahal mo pa din siya?


Paalis na sana ako pero,
I was stunned on what Marion’s question.



NATHAN: Oo, PArdx. Mahal ko pa din siya. Hindi nagbago un.


Ito ang topic na ayaw na ayaw kong pagusapan.
Umalis na lang ako dahil hindi ko pa kaya.
Bahala na sila kung anu gusto nilang isipin.


Umalis na si Nathan, madaya din talaga ito.
Pagkatapos alamin un akin, pagdating nun sa kanya, iniwasan niya.
Pero mahal pa din pala niya.
MALAMANG!
OPPPPSS! Nakalimutan ko, andito ang kapatid ko.



MARION: Opps. I’m sorry.

CARMELA: Huh? Bakit ka naman nagsosorry?

MARION: Wag mo na itago. Kapatid mo ko.

CARMELA: Hay naku, Kuya. Tigilan mo ko. Ang intindihin mo na lang ay si KARISSA MO!


At sabay alis ng kwarto,.
Bakit ba nga daya nila?!
Noon ako na ang magtatanong sa kanila, iniiwasan nila ko.
ASAR! At mas nakakaasar! Umamin ako ng wala sa oras!


MAHAL PA DIN NIYA?
Hindi nagbago?
Bakit ang SAKIT?!
SOBRA na eh.
Bakit hanggang ngayon talunan pa rin ako?



+++++++++++++++++++++

ANG SAYA!!

EXACTLY 100 NA READERS KO! :)
« Last Edit: October 20, 2009, 10:26:09 pm by MS. A »

♥are youKPOP LOVER?♥ 
[please visit my friend's website]

alyloony

  • taffy
  • ***
  • Posts: 431
  • Karma: +19/-4
  • ♥♥♥
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3127 on: October 20, 2009, 08:55:40 pm »
first!! :D basa muna

edited: sino naman kaya yung love ni nathan? aba aba si nathan may love life na.. baka ako yun :D

umamin narin ang in denial king!! wohoooo ligawan na yan!! :D :D
« Last Edit: October 20, 2009, 09:21:49 pm by alyloony »
"A woman's heart should be so hidden in Christ that a man would have to seek Him to find her.♥"

MY PRINCE

burn_eya

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4547
  • Karma: +174/-20
  • burn_eya is also andrea53
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3128 on: October 20, 2009, 09:10:15 pm »
aww.
sino yung mahal pa din ni nathan?
tss
wawa naman si carmela
haaaai
:((
yeees/
go marion.
hahahah

grounded_gal

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1767
  • Karma: +192/-18
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3129 on: October 20, 2009, 09:47:58 pm »
ang haba..hehe..
hay salamat nmn at umamin n tong si marion..
hmm, sino kya ung "mahal pa din" ni nathan
kwawa nmn si carmela..

i'm mae, ms a..hehe
« Last Edit: October 20, 2009, 09:52:45 pm by grounded_gal »
"sometimes love's just ain't enough"

deynyel08

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 738
  • Karma: +128/-26
  • .143.BenteTrexx.
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3130 on: October 20, 2009, 10:42:53 pm »
Ayiieee... ::)
Umamin na si Marion..ayiiiee ::)
Good Job Nathan!!.. ;)
Wait lang sino ba yun mahal ni Nathan? ???
BenteTrexx

-janne-

  • cotton candy
  • *****
  • Posts: 1423
  • Karma: +143/-16
  • lady jolly.=)
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3131 on: October 20, 2009, 10:45:12 pm »
nice update sis ehhe
haba nun ah ehhe

sino ung mahal pa ni nathan? hmmm kakaintriga naman
hahha galing ni carmrla at nathan sa pagbuking kay marion ehhe
The greatest part of life is finding someone
who knows all your faults and weaknesses but still thinks you're amazing

lovingyou

  • jellybean
  • **
  • Posts: 278
  • Karma: +32/-2
  • kissing under the mistletoe...
    • multiply
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3132 on: October 20, 2009, 10:48:16 pm »
i so love the long update:))
pero bitin pa din ms. A:(
hehehe
cant wait for next..

omg marion.. umamin ka din
so what is your next move?
leaf departure is because of wind pursuit or the tree didn't ask her to stay but leaf never knew that wind will leave her too..

Sachiko

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 627
  • Karma: +44/-11
  • Even in a pinch, I'm always Happy
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3133 on: October 20, 2009, 11:07:19 pm »
love the up, sulit na sulit haba haba hehehe sa wakas umamin na si Marion. At sino kaya yung love pa din ni Nathan?  ???

music_lover06

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 654
  • Karma: +163/-4
  • TeenTalker
Re: [""CLASS 4-6"" ] [CH67= UMAMIN NA SI MARION] ang ultimate na pangbawi ko! :)
« Reply #3134 on: October 21, 2009, 08:42:22 am »
Weee!

CHAPTER 65


Tsk.Tsk.Tsk!

Kasalanan mo yan Vince!

Ano na kaya mangyayari sa kanila?


walang 66?

ahahaha..

CHAPTER 67

Ang talino mo talaga Nathan!!!

ahahaha...

Yan!

Aamin ka din pala Marion eh!

Nice Update MS. A!

Next na po!

 ;D :)

 

Advertisement