Author: Here's the second one! Kasi siyempre! naguumpisa lang! 
Chapter II – Walang sikretong hindi nabubunyag“Oh?! Andito ka pala! Kamusta?” I can sense it galit na galit siya. Ikaw ba naman maging bestfriend niyan for 11 years! Gosh!
“ KAMUSTA? HA?! BUTI DUMATING KA PA!!” Ganun na ganun pa rin yung intensity ng boses niya. Kinuha niya yung isang papel na parchment ata o kung ano.
“O AYAN! SANA ON TIME KA SA KASAL KO MISMO!” Pambihira! Ganun na ganun pa rin yung intensity. Huwag kayong magtaka kung may kaunting problem ako sa pandinig ko.
Kinuha ko yung papel at pagtingin ko naman sa cover…
“HUH!?!?!?!?!?!?!?! Ano toh? Hello Kitty sa cover?” Pambihira! Kasal ba aattendan ko o children’s party!
“Ano ba toh Kim! Nung debut mo motif Hello Kitty! Pati ba naman sa kasal mo! Haayy.. Hindi talaga kita kukunin as organizer sa kasal ko!”“Huwag ka na magreklamo dyan! Pasalamat ka nga imbitado ka eh! So, mabalik ako! ANONG ORAS NA HA!!!” Akala ko naman huminahon na siya.
“It’s 10 in the morning. So what?” sabi ko habang nilalagay ko yung invitation sa bag ko.
“’So what?’ ka dyan! 8:30 ang praktis. You’re. One. Hour. And. A. Half. LATE!!!” Okay okay! I know!
“Alam ko! Don’t rub it in! Tara na nga! Libre nalang kita ng coffee!” I know her weakness. Iced-coffee! Haha!
“Dapat lang! Let’s go!” biglang kinuha yung wrist ko at hinila I mean kinaladkad ako palabas ng simbahan.
Habang palabas kami nakarinig kami ng malakas na bang ng pinto ng kotse at isang malakas na
“DAAAAAMMMMNNNNNNN!!!!!!” Oh my! Parang alam ko na kung bakit!
Huminto si Kim at tumingin sa likod.
“Ano yun?” Papunta na siya sa place ng biglang hinigit ko siya at siya naman ang kinaladkad ko sa coffe shop.
“Wala yun! Haha! Tara na! Baka naupog lang yung lalaki tapos yun naumpog. Haha! Yung parang BOG! Tapos yun! Tapos… uhm… Naumpog siya! Haha!” Pinapawisan pa ako! Pasaway!
“Ahh… Okay… Tara na!” haayy.. Saved!
After ng masinsinang pakikipagusap sakin ni Kim na importante ang paggiging on time sa coffee shop bumalik na ulit kami sa parking lot. I crossed my fingers hoping na sana nakaalis na yung CR-V na yun. And to my disappointment, nandun pa yung sasakyan complete with the scratches. I’m doomed! Nagsneak in nalang ako sa car ko at dahan-dahang umalis. Haayy… I can’t believe I’m doing this! I’m a criminal! Joke! I’m getting exag! Pleas bear with me!
“Hey you!” Oh my! Teka yung groom ko to ah! Este! Siya yung cute na may-ari nung sasakyan?
“Pasensya na! Gotta go!” sabi ko ng mahina. Then brroooommm! Umalis na ako. Kawawa naman yung cute guy! Haaayy… Tama yan makonsensya ka Katrin.
Haayy.. okay lang since hindi ko nanaman makikita yung lalaking yun. Good for me!

Bad for him though. :p Malaki yata yung scratch na nagawa ko sa auto niya. I felt sorry for him. Haayyy… Bye bye Mr. Cute…
At sa aking kagalakan, kinabukasan, nakatayo ako sa harap niya habang pinakikilala ako ni Jake, ang hubby to be ng aking bestfriend, sa kanya. Guess what? Best man lang naman siya sa kasal. Meant to be yata kami! Oh well?!?
“Have we met before” Yes! Oo naman ako lang naman yung nakagas-gas sa CRV mo!
“Uhmm… Ewan ko??” sabay pakita ng aking pangcommercial na ngiti
“Sa tingin mo?? Haha!” Sige Katrin tawa lang!
“Sa tingin ko oo. Saan nga ba yun??” bigla naming sumabat si Raymond sa usapan. Haayy… Dakilang sabatero. Diyan nga niya nakilala si Kim eh. Si Kim kasi mahilig makipagusap siya naman mahilig manabat. Ayun nagclick sila bigla. Buhay nga naman…
“Alam mo pare, hindi mo pa siguro nakikilala yan. Kasi laging tago yan.” Yup! That’s so true! Lagi akong nasa pad ko! Nagkataon lang na lumabas ako kahapon. Tee’hee! :p
“Alam mo yun! Ganun talaga ang nature ng hamsters!” Tama! Ang gal—HAMSTERS?!
Tumawa naman si -- ano ngang pangalan nun? Kakapakilala lang samin ha?! Oh well...
“Sige lang. Makikidnap tong bride mo sa araw ng kasal niyo!” tinakot ko siya. Alam kong walang kwenta yung joke ko kaya cheer me up guys!
“Eto naman o! Hindi na mabiro! Haha!” Tawa ka dyan! Putulin ko dila mo eh!
“Siguro nga… Oh well…” habang kinakamot yung ulo niya. Ang cute niya talaga. Parang bata. Tinotopak nanaman ako! Haaayyy… Asan na ba yung same spot na pinaguntugan ko sa sarili ko kahapon? HA?! NASAN?!?!
“Tara na Jayce (pronounced as JC)
! Magagalit na yung taga rito sa simbahan ang tagal nating magstart. May sunod pang magpapraktis!” sabi ni Raymond sabay tapik sa balikat ni… uhm… Jayce? Tama naman di ba?
“Tara na rin Kat!” sabi ni Kim habang hirap na hirap maglakad sa aisle.
“Ui! Okay ka lang?” tanong ko kay Kim. Marunong naman siguro siya maglakad di ba? Lagi kasi siyang natutumba eh.
“Okay lang… may… MAY PAKO LANG SA TAKONG KO?!?!” sigaw naman niya. Ayan nanaman yang 1800 decibels niyang boses!
Bigla naming may sumigaw sa likod ng,
“Hon! Joke lang!” Pambihirang prank yan oo! Ang pangit! Hindi man lang pinagisipan. Negative 2 claps for him! Pambihira!
“IKAW?!?! HALIKA DITO!!!” At tumakbo siya with matching dapa effect pa nung papunta siya kay Raymond. Pambihira! LQ habang nagpapractice ng kasal nila! Wag nalang kaya nila ituloy?
“Alam ko na! I know who you are! Huli ka!” sabay tingin sa akin ni Jayce. Pambihira! Nandyan ka pa pala?
At ang tanging nasagot ko lang ay
“ha?” Naaalala niya na ako! Patay! Curse me now!
“Kilala kita! Naaalala kita! Yung kahapon di ba?” Tumaas naman yung balahibo ko. Inatake naman ako ng nerbyos at bigla nalang kung anu-ano yung lumabas sa aking madaldal na bunganga! Pambihira!
“Uhmm.. Sorry talaga! Hindi ko naman sinasadya eh! SORRY TALAGA! I’ll pay all the repair bills! Lahat! Huwag mo lang ako ipakulong! I mean, sorry for scratching your car yesterday! Hindi ko talaga sinasadya. And the part na I ran away from you, sorry talaga! Inatake naman ako ng konsensya eh! Don’t worry! SORRY!” sabi ko sabay yuko at hinihintay ko nalang yung sigaw niya para sa ginawa ko.
Pero nagulat ako nung sinabi niya
“O? Ikaw ba yun?”“Anong ako ba yun?” Okay I’m lost!
“Ikaw yung naka-gasgas ng kotse ko!” Okay he’s definitely raising his tone! Waaahh!! I wanna get out of here!
“I was meant to say na naaalala kita dahil you’re the girl na sinabi kong bride to be ko kahapon!”Ahh… Talaga??
I am so doomed! I wanna zip my mouth now! Zipper please! Badly needed!