Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Recent Posts

Pages: [1] 2 3 ... 10
1
Creative Corner / Re: THE ACADEMY::13.1 IS UPDATED!
« Last post by cherry_blaize on September 20, 2014, 04:54:05 PM »
hello po. pwede po mag ask? curious po kasi ako eh. how old are they po pala? sina Xandria, Kelly at ang Council?
2
Creative Corner / [Epilogue Pt. 2] No more goodbyes
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:43:47 PM »
"Maam, may nagpapabigay po." Sabi sa akin nung babaeng sumakay dito. Ganun parin, gold envelope. “Sino?” tanong ko sa kanya. Pero ngumiti lang siya sa akin at bumaba na sa 39th floor. Napabuga ako ng hangin. Naiinis na ako ah! Padabog kong binuksan yung envelope pero nagulat ako na may necklace na may padlock pendant ang nahulog. Pinulot ko ito at tinignan. Gold yung padlock at may heart ito sa gitna na may red gem. Binasa ko naman ako yung sulat at nagbabakasakali na nandun na ang sagot sa mga katanungan ko. At nakuha ko nga ang sagot.

Ito yung naging daan para sa atin diba? Ang sulat. Dito natin nasabi ang mga naramdaman natin. Ang sulat mo sa akin ay ang naging dahilan para hindi ako sumuko sa yo. Na patuloy kitang mamahalin habang buhay. Ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat ng mga ginagawa ko. Ikaw ang nandyan parati para sa akin tuwing kailangan ko ng makakapitan. At wala na akong hihilingin pang iba sa diyos simula ng ibigay ka niya sa akin.. Pero may isang tanong ako..

At dun natapos ang sulat. Tinignan ko ang likod ng papel pati ang envelope pero wala akong makita. Yun na eh! Paiyak na ako. Pinutol pa. Pero isa lang talaga ang pinagtataka ko. Anong kinalaman ni Youldin dito sa Persianne? Bakit may ganito? Maliban nalang kung isa siya sa mga may ari nito. Biglang nanlaki ang mata ko. Oh my god! Bakit hindi ko agad naisip yun?!

“Ngayon lang ba nagsink in lahat sayo Maam Meanne?” natatawang sabi ng secretary ko at eksakto naman na tumigil ang elevator sa 50th floor. Lumabas na ako at nagulat ako na may red carpet dito. May mga bulaklak din at mga lobo. Gumanda lalo ang mga ito dahil sa epekto ng ilaw. Para din kasing garden to. At ngayon ko lang napansin, rooftop pala to pero covered siya. Gets? Nang makarating ako sa gitna, bigla nalang may tumugtog na banda. At ang kumakanta? Walang iba kundi si Youldin Jarom Lim na hindi pa kumakanta sa harap ng iba.

 “ Hawakan mo ang kamay ko
Ng napakahigpit
Pakinggan mo ang tinig ko
‘Di mo ba pansin?
Ikaw at ako
Tayo’y pinagtagpo
Ikaw at ako
Di na muling magkakalayo”

Hindi na niya tinapos yung kanta at tanging instrumental nalang ang naririnig ko. Agad agad siyang lumapit sa akin. Natawa nalang ako sa suot niya ngayon. Nakasuit pa kasi siya ng pang opisina. “Ms. Gonzales.” Nakangiti siya sa akin ngayon ng nangaasar. “I heard that you want to talk with me,” nakangiti pa rin siya ngayon pero niliitan ko siya ng mata. “Bakit hindi mo sinabi na isa ka pala sa may ari nito? At hindi mo ba alam na B&S nalang ang pagasa namin para hindi malugi ang kompanya namin? Tapos kukunin mo pa,” napapout nalang ako sa inis. Hinalikan niya ng mabilis ang labi ko at tumawa ng parang siraulo. Buset!

“Hindi naman kayo malulugi kung tatanggapin mo ang offer ko,” nakangiti niyang sabi sa akin. Napataas ang kilay ko. “Teka lang, hindi ka man lang ba nasurprise?” tanong niya sa akin. “Hindi ako nasurprise sa pakulo mo. Mas nagulat ako ng malaman ko na isa ka pala sa may ari nito.” Umirap naman ako sa kanya. Natatawang niyakap niya ako. “Sorry babe. Hindi talaga namin sinabi ni Aris na isa kami sa may ari ng Persianne para dito.” Nahampas ko siya bigla. “Pati si Aris?!” tumango naman siya. Ghad! Ang galing nilang magtago!

“Paano nga pala yung kompanya namin? Inagaw mo kasi!” nanggagalaiting sabi ko sa kanya. Pinaghirapan ko naman kasi yung kompanya ko ng 3 taon tapos biglang sisingit tong mokong na boyfriend ko. “Isa lang ang paraan diyan.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko at may nilabas na pulang box.

“Let me marry you, Meanne. Nang sa ganun, hindi na mamomroblema ang kompanya niyo. Pwede nating ipagsama ang mga companies natin. Pero hindi ayun ang dahilan kung bakit kita gustong pakasalan. Mahal kita, Meanne. Mahal na mahal. Hindi ko alam kung makakayanan ko pang mawala ka sa tabi ko. Gusto kitang makasama habang buhay. Gusto kong ikaw ang maging ina ng mga anak ko. At gusto ko na ikaw ang kasama ko sa pagtanda. Now Meanne Agoncillio Gonzales soon to be Lim, will you accept my offer & spend your forever with me?”

Tumango ako habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Naluluha na rin ako sa sobrang saya. Ni hindi ko magawang makapagsalita dahil nagulat talaga ako. Nilagay naman niya ang singsing sa kamay ko at tumayo. Niyakap niya ako ng sobrang higpit at narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Nakita ko na nandun ang pamilya ni You at pamilya ko, ang mga kaibigan naming dalawa at si Aris. Nandun din sina Raizelle at ang dalawa pang may ari ng Persianne.

 “Ikaw at ako
Tayo’y pinagtagpo
Ikaw at ako
‘Di na muling magkakalayo”
*
“I, Meanne Gonzales, take you Youldin Jarom Lim, to be my husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health. I promise to be your loving wife and loving mother of your children. I will love you till the end of forever, no matter what happens, and I promise that there will be no more goodbyes.” Napaiyak ako sa vow ko. Hindi ako prepared kaya konti lang ang nasabi ko. Hanggang ngayon kasi hindi parin ako makapaniwala. Nakita ko naman na nangingintab na ang mata ni You.

Nakasuot ako ng belo ngayon pero hindi ako nakagown. Pagkatapos kasi ng proposal, dumiretso na kami sa simbahan. Nandito lahat, simula sa mga ninang at ninong o ano pa. Ang ganda rin ng pagkakaayos ng simbahan. Lahat prepared ako lang ang hindi. Nagsimula naman ng magsabi ng vow si You. “I already love you before you know me. Alam kong alam mo na yun. Nung una, natatakot pa akong umamin sayo dahil baka mareject ako. Naduwag ako. Pero nung nalaman ko na mahal mo din ako, hindi na ako nagdalawang isip pa. Hinanap kita at sinundan. At tuwang tuwa ako ng malaman ko na hindi ka pa pala sumusuko sa akin.” Pinunasan niya ang mga luha ko.

“Marami tayong pinagdaanan sa loob ng walong taon. Pero kahit minsan, hindi ko naisip na sukuan ka. I cannot picture my life without you, babe. Kaya kahit na anong mangyari, kahit ano mang delubyo ang dumating sa buhay natin. Hinding hindi kita bibitawan. Sasama ako sayo kahit saan, at kahit kalian. Mahal na mahal kita.” Tumulo narin ang luha niya. Narinig ko din ang mga iyak ng mga tao.

“I, Youldin Jarom Lim, take you, Meanne Gonzales, to be my beloved wife. I promise to love you till the end of forever. I’ll be your ever loving husband and I promise to be a good father to your children. I gave you the lock to my heart and there will be no keys to escape. I love you so much Meanne Gonzales Lim, we will be forever and there will be no more goodbyes.” Naiyak ako pagkatapos niyang sabihin ang vow niya.

“I now declare you Man and Wife. You may now kiss the bride.” Tinaas naman niya ang belo ko at siniil ng halik. Nagpalakpakan naman ng sobrang lakas ang mga tao. Pagkatapos ng halik ay nagkatinginan kami sa mata at nagngitian. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong buhatin at itakbo palabas ng simbahan. “Hihiramin ko lang po muna ang anak niyo!” pasigaw niyang sabi sa mga magulang ko. “Kahit wag mo ng ibalik!” nagulat ako sa sinigaw ng tatay ko. Hay nako! Tatay ko talaga.

“Saan tayo pupunta?” tanong ko ng isakay niya ako sa sasakyan. “Ano ba ang mangyayari after ng kasal?” nangaasar na sabi niya sa akin. “Reception?” sabi ko naman. Umiling siya at nasa labi parin niya ang mga ngisi. “Na-ah. We’re going to have our honeymoon.” Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Honeymoon agad?! Gutom kaya ako! “Hoy---“ hindi naman na ako nakasigaw dahil siniil niya ang labi ko ng halik. “There’s no escape, babe.” Kumindat naman siya at pinaandar ang sasakyan. Hindi naman na ako nakapalag.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari sa akin. Alam kong paulit ulit ko na yang sinasabi. Pero totoo, parang kalian lang, magkaibigan lang kami. Nagaasaran, nagtatawanan, naglolokohan. Hanggang sa unti unti akong nahulog sa kanya. Nasaktan ako kasi akala ko, wala na talagang pagasa. Lumayo, pinilit makalimot. Pero hinabol niya ako. Nagkaroon kami ng pagasa, nagmahalan kami, at pagkatapos naikasal na kami. Parang ang bilis ng panahon, lalo na pag kasama mo yung taong mahal mo. Hindi rin pala masama kung magtatake ka ng risk, kasi may kapalit naman pala itong maganda. Nung una man, naisipan kong sumuko, hindi ako nagsisisi. Dahil kung hindi ko yun ginawa, siguro wala ako ngayon dito. Siguro iba ang kasama ngayon. Siguro hindi ako masaya ngayon. Ngayon kuntento na ako sa ano mang mero ako, and I swear, there will no more goodbyes again. Ever. :)
3
Creative Corner / [Epilogue] No more goodbyes
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:40:23 PM »
Epilogue

After 8 years…

“Kamusta na yung stocks?” tanong ko sa sekretarya ko.

“Nadeliver na po dito kaninang 7 am yung mga bottles. Okay na din po yung sa marketing. Pati po yung mga fragrant na bago nasabi na din po. Ginagawa na nila ngayon. Kaso lang po Maam Meanne, may isang problema.” Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko na may problema. “What is it?” nakakunot noo kong tanong sa kanya. “Eh Maam, inurong po ng B&S Fragrance yung pagtanggap dun sa proposal.” lalong napakunot ang noo ko. "What?! Eh akala ko ba tinanggap na nila? Bakit pa nila binawi?" ang B&S Fragrance kasi ang kailangan namin para tumaas pa lalo ang sales ng kompanya namin. Ako ngayon ang nagmamanage ng isa sa pinakasikat na perfume company dito sa Pilipinas.

Nahilot ko ang sentido ko habang nakaupo sa swivel chair ko. "May nagalok daw sa kanila na mas magandang offer Maam." simple niyang sagot. Napabuntong hininga nalang ako. "Sige, ako na bahalang kumausap sa kanila. Pwede ka ng lumabas." tumango naman ang secretary ko at lumabas na. Napapamura nalang ako sa isip ko. Ilang buwan ang ginugol namin para maayos ang proposal namin tapos babawiin lang nila yun?

Walong taon na ang nagdaan. Tatlong taon na akong namamahala sa kompanya na pinamana sa akin ng mga magulang ko. At sa loob ng tatlong taon, naging maayos ang pamamalakad ko dito. Walang tumatanggi sa mga proposals na ginagawa namin. Kaya sobrang namomroblema ako ngayon. Bakit ba kasi kailangan bawiin? Kinuha ko ang telepono ko at tinawagan ang sekretarya ko. "Raizelle, alam mo ba kung ano ang kompanya na kinampihan ng B&S?" tanong ko.

"Yes Maam. Persianne Perfume po ang pangalan ng company nila." napatahimik ako sandali. That company sounds familiar. "Persianne Perfume? Di ba bago lang yun?" paninigurado kong tanong sa kanya. "Opo maam. Pero ayon po sa balita, bago pa lang daw to pero malaki na po ang naipundar nila." Napakunot ang noo ko. May bago nanamang kumakalaban sa amin. Hindi pwedeng mapunta sa kanila ang shares ng B&S! Dahil kung saka sakali, babagsak ang company ko. "Research everything about that Persianne Perfume. Everything. Send me the outputs later." utos ko sa kanya. "Yes Maam."

Binaba ko na ang telepono at tinignan na agad ang mga papel na hawak ko. Last 5 months, okay pa ang sales namin. Pumapangalawa kami sa pinakamataas at una naman ang B&S. Nasa pangatlong pwesto naman ang Persianne Perfume na last year lang nagbukas. Pero dahil sa partnership ng B&S at Persianne, maaaring bumaba ang sales namin at hindi pwede yun. 20 years na inalagaan ng mga magulang ko ang kompanyang ito kaya hindi pwedeng basta basta nalang na babagsak to.

Tinignan ko ang cellphone ko. Wala man lang text galing kay You. Aish! Isang linggo na akong iniiwasan nung mokong na yun ah! Oo, kaming dalawa pa rin. Pagkatapos ko siyang sagutin 8 years ago, nagshift siya sa course ko kaya para na kami ng trabaho ngayon. Nagtratrabaho naman siya sa kompanya ng mga magulang niya pero hindi siya ang CEO dahil nandun pa ang kuya niya. At sa ganitong sitwasyon, alam kong si You lang ang makakatulong sa akin. Kaso nga lang MIA yung mokong na yun ng isang linggo! Monthsary pa naman namin ngayon.

May kumatok sa pinto ko. "Maam Meanne?" narinig kong tawag ni Raizelle sa akin. "Come in." niligpit ko muna ang ibang papeles na nakalagay sa mesa ko at kinuha ang folder na hawak ni Raizelle. "Maam, eto na po lahat ng pinaresearch niyo. Mula history, owners, partnerships at lahat nandiyan na po." binasa ko naman ito. Nalaman ko na pinamumunuan pala ito ng tatlong businessmen at isang businesswoman. Pero ang nakakapagtaka, yung dalawang owner nito ay walang pangalang nakalagay. Masyado atang pribado to.

"Si Alexander Villegas po ay apo ng may ari ng Inreal Corp. 27 pa lang siya pero isa na siya sa pinakasuccessful na businessman. Kasama din po niya sa company ang kapatid niya na si Aldrich Villegas. 25 years old may ari rin po siya ng isang sikat na bakeshop worldwide dahil passion niya ang baking." napatingin ako kay Raizelle at nakikita ko siyang namumula. "Kilala mo?" tanong ko sa kanya. "Boyfriend ko po." sabi niya at lalo naman siyang namula. Napangiti nalang ako.

"What about the other two?" tanong ko sa kanya. "That Maam.. Uhm. Wala po kasi talagang nakakakilala sa kanila. Mas pinili nilang dalawa na maging pribado ang katauhan nila. Pero balibalita po na itong dalawa ang pinakapowerful sa Persianne." sabi niya. Nakakapagtaka talaga na pribado ang katauhan nila. Pero kailangan ko silang makaharap. Kailangan kong bawiin ang kinuha nila sa amin. "Cancel all my meetings now. Pupuntahan ko ang Persianne. Isasama kita." sabi ko sa kanya.

"Talaga Maam?!" excited na pahayag ni Raizelle. Tumango naman ako. Halata naman kasing gusto niyang makita boyfriend niya. Aba, jackpot tong isang to ah. Kaso lang baka makaaway ko boyfriend niya kung hindi nila binalik yung kinuha nila sa kompanya ko. Naglalakad na kami palabas ng building at nakita ko si Razielle na hawak ang cellphone niya at nagtetext. Tinetext siguro yung boyfriend niya.

"Bye po Maam. Congrats." nagtataka akong tumango nung may bumati sa akin na isang empleyado dito. Congrats? Eh hindi ko pa nga nakukuha yung kailangan kong kunin bakit nila ako kinocongratulate? Narinig ko naman ang ang pagring ng cellphone ko. Tinignan ko ito at nakita ko na tumatawag si Aris.

"Hello Aris?"
"Girl! Nasan ka?" pasigaw na sabi ni Aris.
"Papuntang Persianne. Bakit?"

"Good-- Este.. Okay. Sige bye na. Goodluck and future congrats! Hihi. Tata!" sabi niya at binabaan na ako. Napatingin ako sa cellphone. Bakit ba ang weird ng mga tao? Ano nanalo ba ako sa lotto ng hindi ko alam? On the other hand, hindi naman pala ako tumataya sa lotto so hindi ayun ang dahilan. Pero bakit? Ay ewan talaga.

"Ingat po sa biyahe Maam. And congrats." nakangiting sabi sa akin ng guwardiya. Tumango nalang ako sa kanya kahit naguguluhan talaga ako. "Bakit kinocongratulate ako ng lahat? Weird people." mahinang sabi ko at umiling iling. "Chill Maam. You'll know later." sabi ni Raizelle sa akin at kumindat pa.

Ay ewan. Nagkibit balikat na lang ako at instart na yung makina ng sasakyan. Tinuro naman sa akin ni Raizelle ang daan kaya hindi naman kami naligaw. Nung nakarating na kami, tinignan ko ang labas ng building ng Persianne. May nakalagay na Persianne Perfume sa taas at parang may buntot ng pusa na nakailalim sa pangalan. Napangisi ako. Creative.

Papasok na kami sa building nila ng hinarangan kami ng guard nila. "Bawal pong pumasok kung walang kailangang importante." napataas ang kilay ko. Hindi ba niya ako nakikilala? "Excuse lang po manong, she's Meanne Gonzales po. Owner of MYG Scents." nakangiting pahayag ni Raizelle kay manong guard. Nanlaki naman ang mata nung guard. "Ay nako, pasensya na po Maam. Pasok po kayo." nakita ko na namumutla siya. Nginitian ko lang siya at tumango. "That's okay." pumasok na kami sa loob. 

“Tsk tsk. Paktay sa boss.” Mahinang sabi ni Raizelle. “Bakit?” tanong ko naman sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at umiling iling. “Ah kase.. Ano po.. Uhm.. Ano.. Kasi hindi niya kayo kilala! Syempre mapapagalitan siya ng boss niya kasi dapat kilala niya future este lahat ng pwedeng makalaban ng kompanyang pinagtratrabahuhan niya. Tama.. Ayun po. Hehe.” Napakamot siya ng ulo at umiwas ng tingin. Konti nalang talaga maaasar na ako. Ano ba talaga meron sa mga tao ngayon?!

“Meanne Gonzales of MYG. I need to talk to your boss. Kahit sino sa kanila.” Sabi ko dun sa babae na nasa lobby. Tumango naman at ngumiti yung babae sa lobby. “50th floor po.” Tumango naman ako sa kanya. “Okay. Salamat.” Sabi ko sa kanya pero nagtaka ako nung tinawag ako ulit nung babae. “Kailangan niyo po itong mabasa. Dalhin niyo na din po.” Sabi niya sa akin ng nakangiti. Kinuha ko naman ang gold envelope kahit wala talaga akong idea kung anong meron dito. “Tara na po Maam.” Nakangiting sabi sa akin ni Raizelle. Tumango lang ako pero nakatuon ang tingin ko sa envelope na binigay sa akin.

Binuksan ko ito at may nakita akong pink na papel. Kinuha ko ang pink na papel at binasa ang nakalagay dito.

I love you. Don’t be nervous okay? :)

Printed ito kaya hindi ko malaman kung kanino galing. Kay Youldin kaya? Pero imposible. Ano namang gagawin niya dito sa Persianne diba? Sasakay na dapat ako sa kakabukas pa lang na elevator ng hilahin ako ni Raizelle papasok sa isang vacant elevator. “Oy bakit---“ hindi na ako nakapalag dahil isinara na ni Raizelle ang elevator. Pagkasara naman ng elevator ay may nakita kong papel na nakadikit sa pinto ng elevator. Katulad ng kanina, gold envelope at may nakalagay na: For Meanne Agoncillio Gonzales, Owner of MYG & my heart.

Nakataas ang isang kilay na kinuha ko ang letter. Tinignan ko naman si Raizelle na kilig na kilig. “Do you know anything about this Raizelle?” umiling naman si Raizelle at nagiwas ng tingin. “Nothing Maam Meanne.” Binuksan ko ang envelope at blue na papel naman ngayon ang nakalagay dito.

 I know you’re wondering now kung ano ang nangyayari ngayon sayo. Just keep calm okay? I love you. Can't wait to see you.

Biglang tumigil ang elevator sa 10th floor at may pumasok na babaeng empleyado yata dito. Napangiti ako. Eto kasi ang monthsary namin ni You. Napahawak ako sa necklace na binigay sa akin ni You last anniversary namin. Namimiss ko na talaga yung mokong na yun. Kahit walong taon na kaming magkasama, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko sa kanya.

4
Creative Corner / [3.5]
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:33:16 PM »
*
"Girl! Tara dito." tawag sa akin ni Aris. Nandito na kasi kami ngayon sa SM. Iniintay namin yung pinsan niya. Pinatong ko ang bag ko sa lamesa na nasa tapat namin. "Malapit na daw ba siya?" tinignan ko siya at tumango naman siyang nakangiti. Lumalabas tuloy yung dalawang malalalim na dimples niya sa pisngi. Tumango din naman ako at humarap sa lamesa na pinaglalagyan ko ng bag ko. Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro muna ako dito. Nakatalikod ako kay Aris kaya hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya. "Nandito na siya. Jam!"

Kinuha ko naman yung salamin sa bag ko upang tignan ang ayos ko. Ayaw ko naman humarap sa ibang tao na may mali sa itsura ko. “Jam! Namiss kita!” narinig kong sigaw ni Aris. Hindi pa rin ako humaharap. Pasimple kong tinignan ang itsura ko sa salamin at nagulat ako sa naaninag ko. “Namiss rin kita Aris.” Narinig kong sabi ng tinatawag na Jam. Hindi pa rin ako makaharap sa kanila hanggang ngayon. Tila ba nakadikit na yung paa ko sa sahig. “Ay Jam, papakilala ko pala sayo yung new friend ko.” Naramdaman kong kinalabit ako ni Aris. Hindi parin ako humaharap kaya siya na ang nagikot sa akin paharap. Napayuko kaagad ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ngayon.

“Jam, eto nga pala si Anne. Anne siya naman si Jam. Siya yung parati kong nakwekwento ko sayo.” Nakita ko namang nakalahad yung kamay niya sa akin. “Hi Anne. I’m Jam. Youldin Jarom Lim. Nice to meet you.” Sabi niya. Shet. Siya nga. Siya nga yun. Hindi ko alam kung kukunin ko yung kamay pero siniko ako ni Aris kaya kinuha ko na. “Anne. Meanne Gonzales. N-nice.. Nice to meet you too.” Babawiin ko na sana yung kamay ko sa kanya pero ayaw niya tong bitawan. Shete Youldin, bat ba ayaw mo parin akong pakawalan?

“Ehem.” Tumikhim si Aris kaya tinanggal na niya yung pagkakahawak sa kamay ko. Pagkatapos nun naramdaman kong nakangiti siya sa akin pero hindi pa rin ako nakatingin sa kanya. Halos lahat ng mura sinabi ko na sa isipan ko. Huhuhu. Bakit ngayon pa kami nagkita?! Bakit siya pa yung pinsan ni Aris?! Pero talaga buti nalang hindi niya alam na si You yung tinutukoy ko. Pero sino kaya yung tinutukoy na babae ni Aris? “Tara guys! Stroll tayo!” ngiting ngiti na sabi ni Aris. Nagtataka lang ako kung bakit sobrang saya niya. Matagal ba talaga silang hindi nagkita ni You? Siguro nga.

Habang naglalakad kami, napapansin ko si Aris na pinagtatabi kami ni You. At hindi lang yun, medyo binabangga bangga pa niya ako para mapadikit kay You. Agad naman akong umiiwas. Para kasi akong nakukuryente. Pero anak ng tinapa naman eh, sabi ko magmomove on na ako pero ano to?! Napailing nalang ako at napabuntong hininga. “Anne! Waley daw yung prof natin sa next class natin!” sabi ni Aris. “Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong ko. “Tinext sa akin nung gwapong block mate natin. Hihi.” Friendly talaga tong si Aris. First day palang may close na agad siya. At first day palang wala na agad yung prof namin. Ibig sabihin lang nun, mas matagal pa kaming magkakasama. Badtrip.

“San niyo gusto pumunta?” tanong sa amin ni You. Hindi ako nagsalita. Gusto ko ng umuwi! Hindi ko na kaya magstay pa dito. Huhuhu. “Tanong mo si Meanne.” Narinig kong sambit ni Aris. Nanlaki naman mata ko. Ugh Aris! Patyu ka! Patyu! Huhuhu. “Ah.. Eh.. Kahit saan.” Sambit ko nalang. Dapat kasi talaga wala ako dito eh. Tsk. Pero di ko alam kung bakit ayaw ko pang umalis. Ugh! Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko. “May alam akong magandang puntahan. Tara.” Nagulat ako ng bigla akong hatakin ni You sa kamay. Pilit kong tinatanggal pero hiighigpitan niya hawak niya. Ano bang problema nito?! Inaasar ba niya ako kasi nalaman niyang may gusto ako sa kanya?! Pact. “Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to prove. And it's you and me and all of the people and I don't know why I can't keep my eyes off of you.” Pagsabay ni Aris sa kanta na tinutugtog ngayon dito sa mall. Buong lakas kong kinuha ang kamay ko kay You. Badtrip naman yung kanta oh. You and Me pa talaga.

Nandito kami ngayon sa labas ng SM. Dun sa part na may mga café and may garden. Nakita ko naman na nagkatinginan ang magpinsan at nginitian ni You si Aris. Tumango naman si Aris at bumaling sa akin ang tingin. Kinakabahan ako. May binabalak ba sila? “Ah.. Me! Ay este Anne. Cr muna ako ha? Diyan muna kayo.” Sabi na may alam si Aris dito eh! “Sama ako—“ pero pinigilan naman ako ni Aris. “Dito ka nalang. Cr na cr na kasi ako. Sige.” Sabi niya at tuluyan ng tumakbo papunta sa cr. Nakatayo lang ako dito at nakatingin sa dinaanan ni Aris. Ayaw kong humarap sa kanya. Nahihiya ako.

 “Me..” biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig kong tawagin niya ang pangalan ko. “B-bakit?” nakatalikod pa rin na tanong ko sa kanya. At halos manigas ako ng hawakan niya ang braso ko pababa sa kamay ko. !@#$, may epekto pa rin talaga siya sa akin. Bakit ba kasi nagpakita ka pa ulit sa akin Youldin? “Meanne.. Magusap tayo.” Seryosong seryoso ang boses niya. Ang lalim. Napapikit nalang ako. Dun ko lang napagtanto na miss na miss ko na pala siya. Miss na miss ko na ang lahat sa kanya. Ang boses niya, ang mukha niya, ang mga galaw niya, ang mga ngiti at tawa niya. Lahat, lahat lahat. “Ano naman paguusapan natin..” nanginginig na sabi ko sa kanya. “Tungkol satin.” Nagulat naman ako dun. Wala namang kami. Magkaibigan lang naman kami diba? !@#$. “Kung yun ay tungkol dun sa letter..” huminto ako sandali. “Kalimutan mo na yun..” halos bulong ko na sabi.

Nagulat ako ng yakapin niya ako mula sa likod. “Hindi ko magawang makalimutan Me..” at mas kinabigla ko ng may naramdaman ako basa sa braso ko. “Mahal kita Me.. Mahal na mahal kita.” Natigilan ako. Totoo ba to? Hindi ba ako nabibingi? “Ano..?” hindi ako makapagsalita. “Mahal kita, matagal na. Kung ayaw mong maniwala..” humiwalay siya sa yakap at may kinuha sa bag niya. Humarap naman na ako sa kanya. Nasa mukha parin niya ang mga bakas ng luha niya. “Eto.. Basahin mo.” Nagulat ako ng may inabot siya sa aking sulat. “Ibibigay ko sana yan nung swimming kaso lang hindi ka pumunta.” Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. Binuksan ko na ang papel at nakita ko na sulat niya ito sa akin. “Ayan ang response ko sa sulat mo sa akin. Nandyan lahat. Lahat lahat.” Sinimulan ko naman itong basahin.

Halo halong feeling ang nararamdaman ko. Hindi ko aakalain na ganun pala ang nararamdaman niya. “Meanne, sorry.” Niyakap niya ulit ako. “Sorry kung nagpakatorpe ako. Sorry kung nasaktan kita. Sorry, sorry. Hindi ko alam.. Hindi ko alam.” Sabi niya at umiyak nanaman siya habang yakap yakap ako. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at niyakap siya pabalik. “Ako dapat ang magsorry, You. Sorry kung naging mahina ako.” Sabi ko at umiyak na rin ako Hindi ko aakalain na matagal na pala niya akong tinitignan sa malayo. Hindi ko aakalain na matagal na pala niya akong mahal.  Ang tagal ko tong inintay. Ang tagal kong pinangarap na sana may magmahal sa akin ng ganito. Ang sarap pala sa pakiramdam. Humiwalay ulit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “Meanne, sumusuko ka na ba sa akin? Kinalimutan mo na ba ako? Hindi mo na ba ako mahal?” tinignan niyo ako sa mata at tinignan ko rin siya. Nagmamakaawa yung mga mata niya. Nasasaktan, nalulngkot, at may halong pagmamahal.

Napaiwas ako ng tingin. “Muntik na..” nagulat siya sa sinabi ko. “Muntik na kitang sukuan. Gustong gusto na kitang sukuan. Pero alam mo kung ano yung naguudyok sa akin pari hindi kita sukuan?” tumingin ako sa kanya at ngumiti. “Yun ay ang puso ko. Ilang beses ko ng tinanong ang sarili ko kung bakit hindi kita magawang makalimutan. Kung bakit mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Yun pala ay dahil alam ng puso ko, na hindi dapat ako sumuko sayo. Kasi may pagasa pa. Masyado kasi akong negative. Ni hindi ko man lang hiningi ang side mo. Parati akong naiinis sa sarili ko kasi nasasaktan ako. Nakalimutan ko pala na walang kwenta ang pag-ibig kung hindi ka nasasaktan. Naduwag kasi ako magtake ng risk eh.” Pinunasan ko ang mga luha niya. “Pero ngayon handa na ako. Kasi alam ko na. Hindi ko ng kailangan umasa pa. Handa na ako sa lahat ng bagay kasi alam kong kasama kita.” Ngumiti ako sa kanya. Hindi na niya kailangan patunayan pa ang sarili niya sa akin. Dahil alam ko naman na hindi siya gagawa ng mga bagay na makakasama sa akin. “Tayo na?” kinakabahang tanong niya. Tumango naman ako. Ilang segundo siyang hindi nagreact. Napakunot naman noo ko. “You? Huy Youldin!” sabi ko habang niyuyugyog ang balikat niya.

Tumingin siya sa akin. “Totoo ba ang lahat ng to? Hindi to panaginip diba?” natawa naman ako sa reaksyon niya. Haynako, Youldin wil always be Youldin. “Engot ka talaga. Hindi to panaginip siraulo.” Natatawang sabi ko. Bigla naman siyang nagtatalon at nagtatatakbo. “Hindi nga ako nananaginip! Kami na ni Meanne! Kami na! Whoooo!” mukhang baliw niyang sabi. Napatakip nalang ako ng mukha at palihim na napangiti. Hay, may baliw akong boyfriend.”Meanne, thank you. I love you. I love you. I love you. I love---“ hindi ko na siya pinatapos magsalita dahil hinalikan ko siya. Nagulat naman ako ng may biglang may nagpasabog na confetti mula sa taas. Narinig ko ang sigawan at palakpakan ng mga taong nakapaligid sa amin ngayon. Napatingin naman ako sa taas at nakita ko dun si Aris na nakangiting kumakaway sa amin. I mouthed her ‘thank you’ at nag thumbs up naman siya sa akin.

“Planado to lahat noh?” natatawang sabi ko at tumango naman siya. Umalis na kami ngayon sa garden ng mall dahil masyado na kaming nakakakuha ng atensyon. “Paano pala kung di kita sinagot noh? Edi epic fail lahat ng toh.” Tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko. “Alam kong sasagutin mo ako dahil base sa mga kwento ni Aris, mahal mo pa ako. Tsaka, sa gwapo ko ba namang ito sinong hindi sasagot sa akin?” pagyayabang niya. Over confidence talaga tong mokong na to! “Humangin bigla.” Pangaasar na sabi ko sa kanya. Bigla naman niya akong hinawakan ng mahigpit. Napatingin ako sa kanya na may halong pagtataka sa mukha. “Baka liparin ka.” Nahampas ko naman siya ng bag ko. Kahit kelan talaga loko loko tong si Youldin. Pasalamat siya mahal ko siya. Maya maya ay hinapit naman niya ako sa bewang at hinarap sa kanya. “I love you.” Nakangiting sabi niya sa akin na naging dahilan ng pagbblush ko. “I love you too.”

 “I love you more.” Unti unti niyang nilalapit ang mukha niya sa akin. “I love you most.” Nakangiting tugon ko naman sa kanya. “I love you infinity.” Nilapit niya ulit yung mukha niya sa akin. “I love you infinite cube.” Natawa kaming pareho sa sinabi ko. Nakakabaliw talaga kasi yung saya na nararamdaman ko. “I love you forever.” At dun na niya ako hinalikan sa labi. Bigla naman kaming napahinto sa paghahalikan ng may narinig kaming pumalakpak sa gilid namin. “Magaling magaling magaling. Magaling magPDA. UWI!” natawa naman kami kay Aris na nakasimangot ngayon. “Inggit ka lang brad.” Sabay naming sabi ni You at bumelat sa kanya. Inirapan naman niya kami. “Pag ako talaga nagkalovelife who you kayo sa akin!” tumalikod naman siya at nagwalk out.

 
“Hoy saan ka pupunta?” pahabol na sigaw ni You bago pa makalayo si Aris. “Maghahanap ng ka PDA!” sigaw naman pabalik ni Aris. Natawa nalang kami pareho. “Tara na.” sabi ni Youldin sa akin. “San tayo pupunta?” tanong ko naman sa kanya. “Sa pamilya mo. Magpapakilala ako sa kanila.” Nanlaki naman ang mata ko at agad na napangiti. Tumango naman ako at umalis na kami.

 Hanggang ngayon hindi ko pa rin aakalain na boyfriend ko na ang lalake na dati hanggang pangarap ko lang. Totoo nga siguro na hindi lahat ng bagay, pag akala mo wala ka ng mapapala, susuko ka nalang agad. Hindi paraan ang pagsuko dahil ang pagsuko ay isang katibayan na ikaw ay mahina. Hindi dapat tayo mawawalan ng pagasa dahil hindi natin alam, may magandang kapalit pala ang mga masasamang bagay na nangyari sa atin. Ngayon, masaya na ako. Hindi ko na kailangan pang magalinlangan sa mga desisyon ko dahil alam ko na kahit anong mangyari at kahit anong pagsubok pa ang dumating, nandyan lang siya parati sa tabi ko at hindi ako bibitawan. :)
5
Creative Corner / [3] We Meet Again
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:32:01 PM »
[3] We Meet Again

 Meanne Gonzales

 “Anne! Sasama ka ba sa swimming?” tanong sa akin ni Mei na kausap ko sa cellphone. Binaliktad ko na ang niluluto kong isda at sumandal sa counter.

 “Baka hindi na muna.” Sabi ko at nagbuntong hininga. “Marami pa akong aasikasuhin eh.”  Totoo din naman na marami akong aasikasuhin. Malapit na din kasi ang pasukan at kailangan ko pang asikasuhin ang mga kulang kong requirements sa papasukan kong school. Nandito ako sa tinitirahan kong dorm ngayon. Kakalipat ko lang dito last week. Maaga na talaga akong lumipat para hindi ako mahirapan na magpabalik balik sa school na papasukan ko.

 “Anne. Alam kong may iba pang dahilan.” Malungkot na saad ni Mei. Napatigil naman ako sa ginagawa ko. Hindi agad ako nakasagot kay Mei. Bigla kasi akong nanghina. Napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim. Oo, siya. Siya ang isa sa dahilan kung bakit ayaw kong sumama. Dalawang buwan na ang nakalipas pero wala pa ring nangyayari. Sabi ko kakalimutan ko na siya pero halos sa lahat ng ginagawa ko parati ko siyang naiisip. Tuwing magisa ako parati kong naaalala yung mga nangyari. Nandito pa rin yung sakit. Ginawa ko na ang lahat pero mahal ko parin siya.

 “Sorry.” Mahina kong sambit. Alam kong maraming magtatampo dahil hindi ako sasama. Eto kasi yung first batch bonding namin after ng graduation. Pero siguro naman maiintindihan nila ako. Narinig kong napabuntong hininga din si Mei sa kabilang linya. “Don’t worry, I understand bes. I’ll tell them nalang.” Sabi naman niya. Nilagay ko na ang isda sa plato at pinatay ang kalan at gas. “Thanks bes.” Nakangiti kong sambit.

 “Sure thing bes. Basta, always remember na nandito lang ako for you ha? Oh, I need to hang up na. Bye bes! I love you.” Sabi niya. “Okay, thank you ulit bes. I love you too.” At pagkatapos nun eh binaba ko na ang cellphone. Nilagay ko ang ulam sa mesa at naglagay ng dalawang plato, kutsara’t tinidor at baso. May kasama ako ngayon dito. Si Aris, incoming freshmen din siya at pareho kami ng school na papasukan pati course na kukunin.

“Aris! Kakain na.” pasigaw kong tawag sa kanya. Nakita ko naman siyang pababa ng hagdan at may tuwalyang nakabalot sa ulo niya na halatang bagong ligo. Ngumiti siya sa akin at ngumiti din ako sa kanya. Close na din naman agad kami. Sabay din halos kami na lumipat dito. Mabait naman si Aris at may pagkaisip bata din kaya nakasundo ko agad siya.

Umupo na siya sa harap ko at nagsimula na kaming magdasal. Pagkatapos magdasal ay kumain na kami. “Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa yang mukha mo?” nagtatakang tanong niya sa akin. Napapitlag naman ako at agad na umiling. “Wala.” Alam din ni Aris ang tungkol sa problema ko. Kinulit kasi niya ako nung isang beses na nakita niya akong tulala sa  kwarto namin.

“Tsk. Sabi na nga ba ayan sasabihin mo.” Tumingin naman siya sa akin at kumuha ng isang pirasong isda. “Ano nanaman nangyare?” napangiti ako ng mapait. Kahit isang linggo palang kaming magkakilala, kilala na niya agad ako. Alam na niya tuwing nagsisinungaling ako. At alam agad niya na kapag nagmumukmok ako, siya agad ang dahilan. “May swimming ang batch namin.” Huminto ako sandali. Nakatingin lang siya sa akin na nagaabang ng susunod kong sasabihin habang may subo subo na kutsara. Natawa lang ako sa itsura niya.

“Hindi ako sasama.” Sabi ko at sumubo ng isang kutsarang kanin na may kasamang ulam. Nakatingin pa rin siya sa akin ngayon at nakakunot ang noo. “Kasi sa tingin mo sasama siya?” sabi niya kaya tumango ako.

“Hindi ka pa handa?” tanong niya. “Siguro. Ewan. Oo.” Sabi ko at nagkibit balikat. Naguguluhan na kasi talaga ako. Bakit hindi ko siya magawang kalimutan kahit konti? Bakit parang wala namang nangyayari? “Alam mo medyo pareho kayo ng sitwasyon ng pinsan ko.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. “Bakit?”

Uminom muna siya ng juice bago magsalita. “Well, pareho kayong di makamove-on. Sabi ko magmove-on na siya ayaw naman daw niya. Ang gulo din nun eh. Nasasaktan na ayaw pa sumuko.” Sabi niya at tinusok ang isang piraso ng pork chop. Matagal na niyang binabanggit ang tungkol sa pinsan niya. Tuwing inoopen ko ang topic tungkol kay You, naiisingit niya parati yan. Hindi naman niya nababanggit ang pangalan. Hindi nga rin niya alam yung pangalan ng lalaking tinutukoy ko eh. Sabi niya baka hindi rin naman daw niya kakilala kaya wag na lang.

 “Siguro mahal na mahal talaga niya siya. Baka dahil din hindi pa siya sumusuko dahil alam niyang may pag-asa pa.” sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. “Eh bakit ikaw?” tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. “Anong bakit ako?”

“Bakit ikaw sumuko ka agad? Hindi ka pa naman nakakasigurado diba?” hindi pa nga ako nakakasigurado pero alam kong wala na akong pag-asa. Mahirap na kasi. Ang hirap ipaglaban ng taong hindi naman talaga dapat sayo. “Kasi wala naman na akong pag-asa. Siya na nga mismo nagsabi na wala siyang interes sa mga ganun. Kaya bakit ko pa ipagpapatuloy to?”

"Bakit? Narinig mo na ba yung side niya? Nagconclude ka kasi kaagad eh." sabi niya na nakapagpatahimik sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at napailing. "Ano nga pala pangalan ng pinsan mo?" pagiiba ko ng usapan.

 "Si.. ay may tumatawag teka lang." sabi niya at hinugasan muna ang kamay bago sagutin ang telepono niya. Hindi nanaman natuloy ang pagsabi niya ng pangalan ng pinsan niya. Nakakacurious kasi eh. "Hello?.... Yes?... Ah, opo... Sige po.... Opo... Papunta na po kami... Sige po... Tetext ka nalang po namin... Sige po.... Salamat..... Bye." sabi niya at nagmamadaling binaba ang cellphone. "Sino yun?"

"Yung admin sa papasukan nating school. Pwede na daw natin kunin yung schedule natin mamaya. Dalian mo na, hanggang alas dos lang daw pwedeng kunin. Maligo ka na. Ako na magliligpit dito." tinignan ko ang oras at nakita ko na ala una na kaya umakyat na ako sa taas at naligo.

"Tara na." sabi ko at umalis na kaming papuntang school upang kunin ang schedule namin.
*

"Girl! Tara na dito dali! Bago pa tayo maunahan ng iba!" sabi ni Aris sa akin habang hila hila ako papunta sa pila. "Teka lang naman Aris, may inaayos pa ako oh!" pero patuloy pa rin siya sa paghila sa akin. Nang makapila na kami, doon ko na chineck yung bag ko. Nawawala kasi yung registration form ko eh. Pinatong ko ang bag ko sa mesa malapit sa akin at kinalalkal ang buong bag ko pero wala pa din! "Girl, aney hinahanap mo?" tanong sa akin ni Aris. Malapit na ang turn namin pero hindi ko parin nakikita. "Yung form ko! Hindi ko makita." nagtaka naman ako ng tumawa siya. "Ulyanin ka talaga noh? Pinahawak mo kaya sa akin kanina. Duh. Hahahaha."

Napahilamos naman ako ng mukha. Nakuu! Ang tanga tanga ko talaga! “Sorry. Tara na.” sabi ko sakanya at hinila siya papunta sa admin at kinuha na naming ang schedule namin.

Pagkatapos kunin ang schedule ay kumain muna kami sa isang fast food chain na malapit sa school namin. Pagkatapos umorder, humanap na kami ng bakanteng upuan at umupo na dun. "Grabe. Stress talaga pag magcocollege na noh? Muntik ko pang di makuha schedule ko." natatawang sabi ko habang hinihila ang spaghetti na inorder ko. Nagpunas naman ng bibig si Aris. "Ganyan talaga. Buti nga hindi tayo irreg eh. Kundi naku! Dagdag stress." tumigil siya sandali. "Ano ba iniisip mo kanina at nakalimutan mo na pinahawak mo sa akin form mo?" tanong niya. "Hindi ko alam."

Wala naman talaga akong iniisip kanina. Spaced out lang talaga ako kaya hassle na hassle ako. "Pero tignan mo ah, yung form mo nakalimutan mo na nasa akin pero yung boylet mo di mo pa nakakalimutan." napatingin ako sa kanya. "No offense." napangiti nalang ako ng mapait. "Sana nga kasing dali nalang ng paglimot natin sa mga gamit natin ang paglimot natin sa taong mahal natin noh?" sabi ko habang nakatingin sa malayo. Narinig ko na tumawa siya ng mahina. "Hay nako, nagdradrama ka nanaman eh. Kumain na nga lang tayo!" tumawa nalang din ako at kumain. Sana makapagmove-on na ako sa kanya.

*
"Girl! Alam mo ba na sa school din natin papasok yung kwinekwento kong pinsan?" napatingin naman ako sa kanya. "Oh?" di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Pasukan na kasi namin ngayon kaya nandito kami ngayon sa school. 7:30 pa lang at 7:50 pa ang pasok namin. "Yup! Makikilala mo na rin siya sa wakas!" masayang sabi niya. Oo nga, makikilala ko na ang pinsan niya. Ano kayang itsura niya? "Ano ba pangalan ng pinsan mo?" tanong ko ulit sa kanya. At nagbabakasakali ako na this time masasagot na niya ang tanong ko at wala ng istorbo. "Jam." sabi niya. Napatango nalang ako. Bakit parang pangbabae?

"Ipapakilala kita ah. Baka mamaya kayo pala magkatuluyan. Hihi." kinikilig na sabi niya. Tinignan ko naman siya. "Baliw ka talaga." pero binelatan lang niya ako. Para talagang bata to si Aris. Naalala ko tuloy yung bunso kong kapatid sa kanya. Namiss ko tuloy bigla yung pamilya ko. Kamusta na kaya sila? "Gosh, Meanne mamaya nalang siguro kita ipapakilala. Kailangan na kasi nating umattend ng first class natin eh." tumango naman ako at ngumiti. Shete, kinakabahan ako. Wooh. Goodluck nalang sa amin.
*
"Ahhhhh! Salamat break na rin." sabi ko pagkalabas namin ng room. "Ang astig talaga pag college! Pwede 2 hours break!" masayang sabi ni Aris. Natatawa talaga ako dito. Manghang mangha kasi talaga siya kahit maliliit na bagay lang. Pero ayos din kasi. May 2 hours break pa kami. "San tayo?" tanong ko sa kanya. "Jobee tayo. Nagcrave ako bigla sa mga pagkain nila eh." Tumango naman ako at naglakad na kami papunta sa Jobee. Jobee nga pala means Jollibee para sa mga hindi nakakaalam. Mahilig talaga kami magshortcut ng mga pangalan ng mga fast food restau and others. "Punta din tayo saglit sa SM. Dun daw ako imemeet ng magaling kong pinsan." sabi niya habang nakatingin pa sa cellphone niya. "Bakit hindi nalang sa Jobee?" medyo nagrereklamong tanong ko. Hindi ko nalang pinahalata sa kanya. Kasi naman, hassle kaya. "Di pa tapos class niya eh. 1 hour pa tayong magiintay. Sa SM nalang daw tayo magstay para hindi tayo mabored. Last class naman na daw niya yun." sabi niya at napa "Ah" naman ako.

Pumunta naman na kami ng Jobee para kumain ng lunch. "Aris, magkwento ka nga tungkol sa pinsan mo." nakakacurious kasi sa hindi malamang dahilan. Gusto ko rin kasing maging kaibigan yung pinsan niya. Base kasi sa mga kwento niya, mukha namang makakasundo ko to. "Bakit ka interested? Type mo?" sabi niya habang nakangiti ng malapad. "Baliw!" binato ko siya ng tissue. "Para naman mamaya alam ko na kung paano ko siya pakikisamahan." sabi ko. "Hmm.. Gwapo." pinanliitian ko naman siya ng mata. Talagang ayun talaga ang una? "Haha. Eto na seryoso na. Maloko. Palabiro. Pasaway. Mapangasar. Pero mabait at maaalahanin." sabi niya kaya napatigil ako. "Parang siya..."

"Parang ano?" tanong ni Aris. Natigilan naman ako. "Ah.. Eh.. Ano.. Parang ang tabang ng coke float. Naparami ata yung yelo." pagpapalusot ko. Tumango naman siya. "Paano kanina mo pa hindi iniinom yan." hindi nalang ako nagsalita. Buti nalang kumagat siya sa palusot ko. Napabuntong hininga nalang ako. Ang hirap talaga makalimutan ng tao  na sobrang naattach na sayo. Na sa halos lahat ng bagay siya parati ang naiisip mo. Kasi nagkaroon siya ng malaking parte sa buhay mo. Hay Youldin, how can I unlove you? Ay ano ba yan. Napapagaya na tuloy ako kay Ginny ng Starting Over Again.
6
Creative Corner / [2] From You, To Me; His Response
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:22:30 PM »
[2] From You, To Me; His Response

 

Dear Me,


                Hi Meanne. Sabi mo hindi pa natin masyadong kilala ang isa’t isa. Sabi mo din, parang hindi pa na tin matatawag na ‘magkaibigan’ ang isa’t isa. Pero may mali ka. Kung ako hindi mo pa ako masyadong kilala, ikaw, kilalang kilala ko na. Masaya ako dahil sa simpleng asaran natin, barahan at biruan ay nagiging masaya ka na. Atleast may nagawa ako para mapasaya ka. Para makita ang magaganda mong ngiti. Dahil ang bawat ngiti at tawa mo, ay ang dahilan kung bakit ako masaya. Ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya.

 

                I love you. Matagal na. Wag ka sanang magugulat.  Alam mo ba kada sinasabi mo na wala kang crush nabubuhayan ako ng loob at the same time, nalulungkot ako. Nabubuhayan ako ng loob dahil sa tingin ko may pag asa pa na magustuhan mo ako. Pero nakakalungkot din kasi mukhang imposible na magkagusto ka sa akin. Kaya sobrang nagulat ako ng mabasa ko ang sulat mo. Nagulat ako ng sabihin mo na may gusto ka sa akin. Ang saya ko. Sobrang saya ko ng malaman ko yun. At least successful yung pagpapansin ko sayo. Pero nasaktan ako sa huli mong sinabi. Bakit nagsisisi ka?

 

                Tama ka, walang rason ang pagibig. Pero madaming rason kung bakit ka dapat magustuhan. Mabait ka, malambing, maganda, matalino, simple lang, wala kang arte. Pero katulad mo, hindi rin ayun ang dahilan kung bakit kita nagustuhan. At katulad rin ng rason mo, nagustuhan kita dahil totoo ka. Kung ayaw mo, ayaw mo. Hindi mo kinailangan magpanggap na gusto mo. Nagustuhan ko rin ang pagiging matapang mo. Natandaan ko yung inaway mo isa mong maangas na classmate.  Natawa ako nun and at the same time humanga ako sayo. Ikaw lang kasi ang nakilala ko na ganung katapang. Kayang makipagbasag ulo kahit kanino maipagtanggol lang ang mga taong mahahalaga sa kanya. Pero humingi ka pa rin ng tawad sa kanya at ikaw na mismo ang nagpakumbaba. Pinahanga mo ako ng sobra. Kaya mas minahal kita.

 

                Nasaktan ako kasi sabi mo nasaktan ka ng dahil sa akin. Nagkakamali ka Me, mahal kita. Hindi ko lang masabi sayo dahil naduduwag ako. Natatakot ako na baka mareject mo ako. Kung alam ko lang sana na may gusto ka na sa akin. Sana, inamin ko na sayo. Maaari nga na hindi ko lang sayo pinapakita ang ugali ko pero ikaw lang ang mahal ko. Sayo lang ako sumasaya. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang buhay. Hindi mo naman na kailangan pang umasa. Patawarin mo ako kung nasaktan man kita. Pero eto ang tatandaan mo, ikaw lang ang mahal ko at mamahalin ko at wala ng iba.

 

                Natatandaan ko pa yung araw na tinanong mo sa akin yun. Yung araw na tinanong mo kung may nagugustuhan na ba ako. Ang sabi ko nun wala akong interes sa mga ganun. Hindi ko aakalain na masasaktan ka. Iba naman kasi ang ibig kong sabihin doon. Wala akong interes sa iba dahil ikaw na ang laman ng puso ko. Wala akong taong nagugustuhan dahil may minamahal na ako—at ikaw yun. Nasaktan ako ng malaman kong umiyak ka. Sorry, Me. Ayokong malaman na nasasaktan ka. Doble kasi yung sakit na nararamdaman ko.

 

                Alam mo nung nagkasakit ka, sobrang nagalala ako sayo. Sobrang putla mo kasi nung mga panahong yun. Ako nga lang ata nakahalata eh. Siguro ganun talaga noh? Pag mahal mo talaga ang isang tao, alam mo kung kalian siya mahina o malakas, masaya o malungkot. Sabi mo lahat posibleng magkagusto sa akin. Pero wala naman akong pakielam dun eh. Kasi simula palang ikaw na ang gusto ko. Alam mo, habang akay akay kita papuntang clinic, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Siguro hindi mo yun naramdaman noh? Nanghihina ka kasi nun eh. Pero gusto ko na ako ang maging lakas mo. Kung may powers nga lang ako bibigyan kita ng lakas eh. Kaso lang wala naman akong kapangyarihan. Nung dinala kita sa clinic at hiniga sa isa sa mga kama dun, bigla mo akong pinabalik sa classroom. Sabi ko ayoko, pero mapilit ka kaya pinagbigyan kita kahit na sobrang ayaw ko na umalis sa tabi mo. Nakayuko akong naglakad palabas nun. Pero hindi agad ako umakyat sa classroom. Nandun lang ako sa labas ng clinic kaya narinig ko ang mga hikbi mo. Kada dinig ko ng mga iyak mo, ganun din karami ang pagtusok sa puso ko. Pupuntahan na ulit kita dapat pero nakita ako ng principal natin at pinabalik ako sa classroom. Nung mga panahong yun sobrang nanghina ako. Wala nanaman akong nagawa para sayo.

 

                Pagdating sa parte ng sulat mo na sinabi mo na gusto mo na akong kalimutan, na gusto mo ng makapagmove-on sa akin, hindi ko na napigilan. Umiyak na ako. Pero buti nalang walang nakakakita sa akin. Kasi diba, sabi mo, basahin ko to pag nakauwi na ako? Sinunod ko ang sinabi mo. Pero sana pala nakaamin ka sa akin. Para nakaamin din ako sayo. Pero may mali din ako, ako ang lalaki. Dapat ako ang umamin sayo. Pero katulad mo, naduwag din ako. Ewan, nakakahiya. Ako ang lalake pero ako pa ang naduwag. Kaya Me, sorry ha? Sorry kung nagpakaduwag ako. Sorry kung naging mahina ako. Sorry kung wala akong nagawa para sayo. Hindi ko sinubukan na magsakripisyo. Hindi ko hinanda ang sarili ko para dito. Meanne, sorry. Sorry talaga. Pero sana Me, hindi ka pa rin sumusuko ngayon. Wag mo akong sukuan, please.

 

                Isang araw, bigla mo nalang akong iniwasan. Nagtaka ako kung bakit. Pero pilit parin kitang kinukulit, tinatabihan, inaasar at kinakausap. Pati nga sa mga groupings tinatakot ko pa yung iba nating classmate para lang magkagrupo tayo. Pero hindi mo parin ako pinapansin. Para nga akong hangin lang sa paningin mo eh. Hindi na rin kita tinanong kasi mukha namang ayaw mong sabihin. Sinubukan ko ng umiwas sayo. Pero hindi naman ibig sabihin nun wala na akong pakielam sayo. Na susukuan na kita. Parati kitang tinitignan sa malayo. Parati ka lang tulala at bilasa. Pag tumatawa ka at ngumingiti walang kabuhay buhay. Hindi katulad ng dati mong mga ngiti at tawa na puno ng buhay. Parang hindi ikaw si Meanne. Pero naging manhid din ako eh. Hindi ko alam na kaya mo pala ako iniiwasan dahil gusto mo ng mawala ang nararamdaman mo para sa akin. Nagsisisi ako. Kung sana pala umamin na ako sayo, edi sana, hindi ka na nahirapan pa.

 

                Ngayon nga lang tayo naging magkaklase. Sa loob ng tatlong taon, eto lang ang pinalangin ko. Pinalangin ko na sana mapalapit ako sayo, sana mas makilala pa kita lalo at sana magkaroon ako ng pag asa sayo. Kaya nga laking tuwa ko ng malaman ko na magkaklase tayo. May pagasa na akong masulyapan ka, makausap ka, matitigan ka, mahawakan ka. Kasi malapit ka na sa akin. Konting upuan lang ang pagitan natin. Nasa loob lang tayo ng apat na sulok ng classroom. Pero feeling ko, ang layo layo mo sa akin. Syete, alam kong ilang beses mo ng narinig yang linya na yan. Pero totoo pala yun noh? Yung ganoong feeling. Kahit pala anong panalangin ko, kahit gaanong lapit ko sayo, mukhang imposible pala na maabot kita. Natutuwa ako dahil iniistalk mo rin pala ako. Nagpapasalamat ako dahil hindi mo prinivate ang account mo sa twitter at facebook. Nang dahil dun, nagkakaroon ako ng ideya kung ano ang nangyayari sa buhay mo. Pero ang sakit pala talaga. Kasi kung ikaw nagsisisi na nakilala mo ako, ako hindi. Dahil ikaw ang pinakamagandang biyaya sa akin ng diyos.

 

                Graduate na tayo. At katulad mo, dito ko nalang din nilagay ang mga gusto kong sabihin sayo. Hindi ko kasi alam kung kalian pa ulit tayong magkikita. Bigla mo lang din naman kasi prinivate ang facebook at twitter mo. Ayaw mo naman iaccept ang mga requests ko sayo. Ganun mo na ba talaga ako gusto makalimutan? Wala din ako ng bagong number mo. Sabi kasi ng mga classmate natin, nagbago ka na daw ng number. At kahit sila, hindi nila alam ang bagong number mo. Hindi naman ako galit sayo. Naiintindihan kita kasi mahal kita. Paulit ulit nalang halos ang mga sinasabi ko dito. Pero hindi ako titigil sa kakasabi na mahal kita. Hindi ako mapapagod magintay. Basta wag mo lang ako susukuan.

 

                Wag kang humingi ng tawad sa akin. Wala kang kasalanan. Hindi mo rin kasalanan na mahalin ako. Mahal din naman kita. Wag mo naman pagsisihan na minahal mo ako. Sa loob din ng sampung buwan na yun, naging masaya ako. Dahil sa wakas, pagkatapos ng tatlong taon na pagiintay at pangangarap sayo, naging kaklase na kita. Hindi mo alam kung paano mo ako pinasaya Meanne. Hindi mo alam kung paano bumilis ang tibok ng puso ko tuwing malapit ka sa akin. Hindi mo alam kung paano tumitigil ang mundo ko kapag ngumingiti ka sa akin. Kung paano nagiging musika sa pandinig ko ang mga tawa at halakhak mo tuwing nagaasaran tayo. Kaya please, sana hindi pa huli ang lahat. Sana wag mo akong kalimutan. Sana hindi ito ang huling beses na sasabihin mo sa akin na mahal mo ako.

 

                Meanne, hindi mo na kailangan pang mahirapan pa. Wag ka lang susuko, pangako hindi ka na masasaktan pa. Hindi mo naman na kailangan umasa pa eh.  At sa school? Meanne, papasok ako sa papasukan mo. Tatalikuran ko ang pinapangarap kong school para sayo. Mas importante ka kasi sa akin eh. Mas pinapangarap kita. Mageentrance exam ako sa papasukan mong school para lang makausap kita. Para mabigay ko sayo to ng personal. Para masabi ko na mahal kita ng harap harapan. Ikaw ang buhay ko. At magiging masaya lang ako pag kasama kita.

 

                Wag kang magpaalam. Kasi magkikita pa tayo. Kasi magkakausap pa tayo. Hindi mo na kailangan pang gumawa ng sulat dahil magkalapit na tayo. At sisiguraduhin ko na sa susunod nating pagkikita, masaya tayo pareho. Hawak natin ang mga kamay natin at masaya tayo sa piling ng isa’t isa. Hindi mo na ako kailangan pang kalimutan pa. Meanne, konting intay nalang. Intayin mo lang ako. Magiging masaya ka na. At sa sinabi mo na hindi tayo ang nakatakda para sa isa’t isa? Nagkakamali ka dun. Sayo ko lang naramdaman ang ganito Meanne. At sa tingin ko, tayo talaga para sa isa’t isa.  Hindi rin ito ang huling beses na sasabihin mo na mahal mo ako dahil sasabihin mo yan hanggang sa tumanda tayong magkasama.

 

Mahal na mahal kita Meanne Gonzales. Hinding hindi kita sasaktan at papaiyakin intayin mo lang ako. Wag na wag kang susuko dahil hahabulin kita. Magkikita pa tayong muli. I love you.

                                                                                                                                                             Love,
                                                                                                                                                              You


7
Creative Corner / Dear You, Goodbye (A short-story)
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:14:42 PM »
"Dear You, Goodbye."

Short Story | Romance; Teen Fiction | Copyright © 2014 by abittersweetxx. All Rights Reserved

 

[1] Dear You, Goodbye.


~

Dear You,

                First of all, I want to say hi. Uhm. Paano ko ba to sisimulan? Alam kong hindi pa tayo masyadong magkakilala. Close nga tayo pero hindi natin alam pareho ang mga personal na buhay natin. Kumbaga, hindi pa talaga tayo matatawag na ‘magkaibigan’. Pero masaya ako dahil nakakapagusap naman tayo. Nakakapagasaran, magkasamang gumagawa ng kalokohan, minsan nga may sarili pa tayong mundo eh. At kahit sa maliliit na bagay katulad ng mga yun, naging masaya ako. Hindi ako masayahing tao. May mga problema din ako tulad ng iba. Pero ng dahil sayo, naging masaya ako. Pinasaya mo ako.

 

I like you. Nakakagulat diba? I kept on denying na wala akong crush pero hindi ko talaga mapigilan. Sino naman kasi magkakaakala na magkakagusto ako sayo? Pero wala eh. Nangyari na. Nahulog na ako sayo. Hindi ko nga alam kung paano at bakit. Basta nagising nalang ako isang araw, may gusto na ako sayo. Mabilis ba? Siguro hindi naman masyado. Ilang buwan ko din tong pinagisipan. Ilang buwan ko din tong tinago. Ilang buwan ko din tong tinanong sa sarili ko. Bakit ikaw pa? Bakit sayo pa?

 

Siguro nga walang rason ang pagibig. Kapag nabored si kupido at walang mapagtripan, basta basta nalang siyang mamana ng kahit na sino. At ang madaya dun, isa lang ang papanain niya. Pero bakit nga ba ako nagkagusto sayo? Kasi gwapo ka? Sweet? Mabait? Matalino? Mayaman? Masayang kasama? Perfect guy? Tinanong ko din sa sarili ko yan. At ang sagot ay hindi. Hindi kita nagustuhan dahil gwapo ka, mayaman, mabait, sweet matalino o kahit ano pa yan. Nagustuhan kita kasi totoo ka.

 

Pero ang hirap din pala na magustuhan ka. Akala ko kasi ganun nalang kadali yun. Masakit din pala. Kasi hindi lang naman ako ang nagiisang babae sa buhay mo. May iba pa. Hindi lang sa akin mo pinapakita kung ano ka. Katulad nga ng sabi ko kanina, hindi pa kita kilala ng lubusan. Pero nagustuhan na agad kita. Akala ko puro saya nalang ang mararamdaman ko kapag kasama kita. Hindi pala. Maling akala nanaman ako. Akala ko kasi may gusto ka na sa akin. Akala ko lang pala yun.

 

Isang araw kasi, tinanong kita kung may nagugustuhan ka na ba. Natatandaan mo pa ba yun? Ang sabi mo wala. Sa sandaling yun, nabuhayan ako ng loob. Nagkaroon ako ng pagasa. Pero umasa lang pala ako. Kasi hinabol mo ang mga salitang “Wala akong interes sa mga ganyan.”. Dun ako nanlumo. Parang may pumiga sa puso ko sa sobrang sakit. Buti nalang hindi tayo magkaharap ngayon. Kasi ayoko na makita mo akong umiiyak. Ayoko na nakikita mo akong mahina.

 

 Siguro halos lahat may posibilidad na magkagusto sayo. Nasayo na kasi ang lahat eh. Natandaan ko pa, noong nagkasakit ako. Ikaw ang nagdala sa akin sa clinic. Kasi sabi mo nagaalala ka sa akin. Aaminin ko, kinilig ako dun. Pero panandalian lang. Kasi bumalik sa akin yung sinabi mo sa akin. Kaya bago pa lumala ang sitwasyon, pinabalik na kita sa classroom. Ayaw mo pa nung una, pero pumayag ka din naman. Saktong pagkalabas mo ng pinto, tumulo ang mga luha ko. Ang sakit na kasi masyado.

 

Humingi ako ng tulong sa iba kong mga kaibigan. Ang sabi nila, aminin ko na daw sayo. Kasi para matapos na, para madali na kitang makalimutan. Hindi ko naman daw pwede na sisihin kita agad. Kasi wala ka namang alam. Wala kang alam tungkol sa nararamdaman ko sayo. Medyo nagdalawang isip din ako, kasi syempre mahirap naman kung aamin ako sayo bigla. Babae kasi ako. Hindi ako sanay. Kaso lang, tuwing aamin na dapat ako sayo, parati akong nauunahan ng kaba. Paano pag umamin ako sayo, mawala ang closeness natin? Ayun nalang ang meron tayo. Ang closeness natin. Pero paano naman ako makakamove on sayo kung hindi ako aamin? Magulo. Pero pinili ko nalang manahimik. Pinili ko nalang na itago ang nararamdaman ko para sayo. Nagpakatanga nanaman ako para sayo.

 

Napagdesisyunan ko nalang na, hindi na ako masyadong lalapit sayo. Itutuon ko nalang sa iba ang paningin ko. Pero ikaw naman tong lapit ng lapit. Pati tadhana pinaglalaruan ako. Parati tayong pinagsasama. Pero iniiwasan pa rin kita. Nagpapasalamat din ako sayo kasi hindi mo naman tinatanong kung bakit umiiwas ako sayo. Medyo lumalayo ka na nga rin sa akin eh. Tinanong ko nga isang beses sa sarili ko, nakakahalata ka na ba? Sana oo. Para hindi na ako masyadong mahirapan. Sa sandaling yun naipikit ko ng mariin ang mga mata ko. Masakit pa rin pala. Mahirap din pala ang ganito. Namimiss din kasi kita eh.

 

Hindi ko nga rin alam. Ngayon lang naman kasi kita naging kaklase. Pero ang dami ko ng naririnig tungkol sayo dati. Bukambibig ka nga ng mga classmate ko dati. Sikat ka sa batch natin eh. Pero mas mabuti nga dati. Wala akong interes sayo. Hindi kita kilala. Wala akong pakielam sayo. Dinadaan daanan lang nga ata kita dati eh. Ibang iba na ngayon. Ngayon, halos sa lahat ng ginagawa ko, parati kitang naiisip. Parati kong tinitignan ang facebook pati nga twitter mo kahit hindi naman kita magawang ifollow. Sana bumalik na lang ang dati. Sana hindi nalang ako napalapit sayo.

 

Pero ngayong gragraduate na tayo, hindi na kita makikita. Siguro mawawala na din tong nararamdaman ko para sayo. Kaya nga sinasabi ko na lahat ng to sayo. Kasi gragraduate naman na tayo. Sorry kung wala akong lakas na loob na sabihin sayo to ng harap harapan. Kaya dito ko nalang nilagay. Binigyan ko din lahat ng classmates natin para naman hindi ka masyadong makahalata. Wag kang magagalit ha? Nagpakaduwag lang din kasi ako. Ikaw nga ata kahinaan ko. Ang hina ko lang kasi talaga. Nahulog kasi agad ako sayo, kaso lang hindi mo naman ako nasambot.

 

Gusto kong magpasalamat sayo. Salamat kasi binigyan mo ako ng pagkakataon na makasama ka. Kasi pinasaya mo ako kahit sandali lang. Salamat kasi sa loob ng sampung buwan, nagpakatotoo ka sakin. Hindi man kita kilala ng lubusan, salamat pa rin. Gusto ko lang din humingi ng tawad. Patawad dahil naging marupok ako. Pasensya din kung iniwasan kita ha? Gusto ko lang kasi talaga na makalimutan ka. Pero ang hirap pala. Ang hirap mo palang makalimutan. Sorry din kasi minahal kita agad. Pero pangako, eto na ang huli na sasabihin ko sayo to.

 

Hindi naman kita tuluyang kakalimutan. May pinagsamahan din naman kasi tayo kahit papaano. Pero ayoko na kasing mahirapan pa. Gusto ko ng mawala tong nararamdaman ko para sayo. Kasi wala din namang papatunguhan eh. Ayoko naman ng umasa. Masakit na kasi. Sobra. Iba rin naman ang papasukan nating school ngayong college kaya sa tingin ko naman hindi ako mahihirapan na kalimutan ka. Itutuon ko nalang ang pansin ko sa pagaaral. Magaaral na akong mabuti. Lahat gagawin ko para mawala tong nararamdaman ko para sayo. Pero isa lang ang pinapanalangin ko, sana maging masaya ka.

 

Paalam. Ayan ang huli na gusto kong sabihin sayo. Gusto kong magpaalam sa lahat na sakit na binigay mo sa akin. Sa ganun, magiging mas mabuti  akong tao. Siguro ito na ang huli na sulat ko sayo. Siguro eto na din ang huli nating pagkikita. Ewan ko lang. Pero sana sa susunod nating pagkikita, pareho na tayong masaya. Sana din sa panahon na yun, nakalimutan na kita. Alam ko naman na may nakatakda sa atin. At siguro, hindi tayong dalawa yun. Hindi lang talaga tayo para sa isa’t isa. Ewan. Hindi naman naging tayo eh. Pero ganito ako makapagreact. Pero pangako, eto na talaga ang huling araw na aasa ako sayo. Eto na rin ang huling beses na sasabihin ko sayo na mahal kita.

 

Masaya ako na dumating ka sa buhay ko. Masaya ako na nagkaroon din ako ng parte sa buhay mo. Kaya Youldin Jarom Lim, sana wag mo kalimutan na may Meanne Gonzales na nagexist sa buhay mo. Goodbye.

                                                                                                                                                            Love,

                                                                                                                                                                Me.
8
Food and Gimmicks / Re: The best stress food
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:05:54 PM »
Chocolate talaga hahaha kasi nagiging hyper na ako pag nakakain na ako nun hehe
9
Food and Gimmicks / Re: Survey: I don't eat _____________.
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 04:04:16 PM »
raisins -_- ayaw ko lang talaga sa kanya hahahaha
10
Friendship / Re: saang group of friends ka kabilang?
« Last post by abittersweetxx on September 20, 2014, 03:59:15 PM »
halo halo din pero puro baliw hahaha
Pages: [1] 2 3 ... 10
ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Lovin' leggings and trainers

by: jed, 2014-09-19

Isn't there something really cute about a dress + leggings + trainers combo? I'd like to see your interpretation of this trend! Instagram your look and tag me @jedgcandy. Jed...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved