Teentalk

Poll

Anong masasabi niyo sa The Diary? (thanks to all!)

Excellent
Hmmm, pwede na rin...
Sobrang pangit, jessica! anong klaseng writer ka?

Author Topic: 'The Diary'...... TAPOS NA...  (Read 181343 times)

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
'The Diary'...... TAPOS NA...
« on: April 08, 2005, 09:51:52 pm »
,.>hello po...  gusto ko lang po ishare yung story ko. Sa katunayan marami na po ako nasulat pero di ko po pinopost kz sa notebook lang po nakasulat at binabasa ng mga classm8's ko. Sana po ganoon din po dito ang suporta. thanks.

post nyo lang po comments nyo.. kahit po violent reaction ok lang po di po ako magagalet kz opinion nyo po yun eh... ge poh..

.................................................................................................................................

Ang ganda ng sikat ng araw. Pero kahit ganun pa man eh nasasayang ko lang kasi hindi naman ako lumalabas ng bahay lalo na kapag walang pasok... hello? sinong kakausapin ko naman kapag lumabas ako... yung mga barkada ng kuya ko sa basketball? o yung mga batang babae na mahilig maglaro ng lutu-lutuan? Gosh! Mas pipiliin ko na lang sa loob ng bahay kesa naman piliin ko ang isa sa mga yun... at masasabi kong 'this is me' dahil ang buhay ko, puro aral, school at loob lang ng bahay maliban na lang kapag kinakailangan ko na talagang lumabas. Kaya nga mas masaya pa ako sa school kesa sa bahay... at least sa school, mas marami akong nakakausap na ka-age ko, pati sa level parehas.

First day of school, third year na ako. Ayoko na ngang pumasok dahil nalipat ako sa section 1. Syempre, ako lang ang nalipat at wala akong kakilala. Anong gagawin ko, may pagkamahiyain ako sa simula. Tatanga lang ako. Patingin-tingin, walang kausap habang silang lahat eh magkakaklase na lahat. Paano ba naman akong hindi mababato nito, maging katabi mo ba naman eh lalake... at hindi basta-bastang lalake... ang tahimik! Parang ang salita nya, mabibili mo pa. Lagi pang nakayuko.

"Hello po... wala pa po kasi akong kakilala dito. Wala po kasi akong naging classmate, pwede po bang makipagkilala?" naku plz! plz! para naman may kausap na ako... ang tahimik mo kasi eh!

Hanggang sa lumipas ang decade, hindi man lang ako pinansin. Tuloy pa rin siya sa pagsulat ng requirements. Sabi ko na nga ba, dapat hindi na lang ako nagsalita... hangin lang naman ako dito eh... hindi napapansin... kaya ang masasabi ko na lang eh... 'never mind'

Hindi naman ako galit sa kanya. Syempre, malay ko ba naman kung talagang ganun lang siya... misteryoso. Ayokong katabi to! Grabeh! Magwawala ako nito eh... boring... nakakabingi...

Pero pagkapos naming magsulat, nakatingin ako nun sa bintana. Syempre, wala nga akong kausap di ba! May naramdaman akong kumakalabit sa akin... isang daliri... Oh well, siya lang naman ang katabi ko... si Misterious Guy...


"Hello din po, sorry kanina ha, nakakahiya kasi." boses niya yun? ang hinahon... sabi ko na nga ba baka binibili ang salita nito kaya pati boses nya, na-preserve.

"Ano pong pangalan nyo?..." magsalita ka.. magsalita ka...

"Wag mo na akong i-po, bata pa ko e. Daryll... ikaw?"

"Ako? Lhea Janine. Lj na lang..."  Daryll... Daryll pala ang name ng seatmate ko...

Tapos nun, silence na naman. Asar! Akala ko pa naman kapag nalaman ko na yung pangalan nya at nagpakilala na siya sa akin eh hindi na ganito katahimik. Inaasahan ko pa naman may kausap na ko. Pero hindi pala... wala pa rin.

Break time na. As usual, lalabas ako para hanapin yung mga dati kong classmate para naman may makasabay akong kumain. Wala pa nga akong ka-close di ba? Kaya hahanapin ko na lang sila. Alangan namang yayain ko si Daryll, eh baka naman tatsulok na yung mundo hindi pa rin siya nagsasalita.

"Miss, may kasabay ka ba kumain? Kain tayo" tama ba yung narinig ko? may nagyayaya sa akin??? OMG...

"Wala po eh, sige po sabay tayo..."

"Ano bang name mo? Ako nga pala si Marianne..."

"Lhea Janine... LJ na lang"

Then, punta na kami sa school canteen. Kumain kami. At least ngayon, may makakasundo pala ako ng first day ng school... Akala ko wala eh...

Nagtawanan lang kaming dalawa. Ang saya nga eh... ang dami naman palang kumakain ngayon... tapos may tumayong lalaki. Biglang tumakbo...


"Di ba classmate din natin yun? Yung tumakbo. Alam mo ba ang name niya?"

"Daryll. Seatmate ko nga siya eh" tumakbo siya? nakakapagtaka

"Ano? Seatmate mo siya? Buti nakakatagal ka? Ang tahimik nun eh. First Year pa lang ako, nakikita ko na yun. Laging nag-iisa. Minsan nakayuko. Ang weird.."

"Tahimik nga, pero tingin ko ok naman siya..."

Pagbalik namin sa room, walang tao. Doon muna kami ni Mariane sa labas. Kitang-kita sa bintana si Daryll. Nakapatong yung kanang braso niya sa sandalan ng upuan, tapos yung mga daliri niya natatakpan ang kanang mata niya... Oo nga... ang tahimik na naman niya... misteryoso... pero sa tingin ko di siya weird. May problema kaya siya? O talagang ganun lang siya...

"Tingnan mo LJ, ikaw ba naman makakita ng ganyan di mo isiping weird. Sandali lang ha, tawag kasi ako nung classmate ko dati. Babalik ako"...

Tapos lumingon ako nung tumakbo si Mariane. Pagtingin ko ulit sa loob ng room, wala na si Daryll. Pumasok na ako. Pagpasok ko, nagulat ako nung nasa pinto siya. Nakaupo... nakayuko...

"A-nong ginawa mo diyan?... hay nakakagulat naman siya

"Kanina ka pa ba diyan?...

Kinausap niya ako ng hindi man lang tumitingin sa akin. Ni-hindi man lang lumingon. Ano ba yan! Ngayon lang ako nagkaroon ng classmate na lalaki na na-puzzle talaga ako... ewan ko ba... parang... iba...












Sana lang... makilala ko pa siya...
« Last Edit: October 18, 2005, 10:19:09 am by j_harry08 »

emmawatson_sucks

  • Guest
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #1 on: April 08, 2005, 10:41:11 pm »
nyc...

tuloy mo pa

gusto ko nyan...

mysterious...

haha....

baket kaya...

continuation na kaagad ha...

bilis..

*demanding*

anne_22

  • gummi bear
  • *****
  • Posts: 721
  • Karma: +64/-14
  • chuck bass is love.. =)
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #2 on: April 08, 2005, 11:20:36 pm »
nice!! 2loy mo pa!!
be with someone who knows what they have when they are with you..

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #3 on: April 09, 2005, 12:06:40 pm »
nice!! 2loy mo pa!!

,.>tenkyu poh!! cge poh.. post k na...

nyc...

tuloy mo pa

gusto ko nyan...

mysterious...

haha....

baket kaya...

continuation na kaagad ha...

bilis..

*demanding*

,.> tnx poh... mwahugzz...!

Aya^_^Mikage

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 646
  • Karma: +0/-0
  • I am TORPOR personified ^_^x
    • Diary of a Torpid (and Panda/Purple luvin') Soul v1.3
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #4 on: April 09, 2005, 08:13:49 pm »
Oooh... interesting. ;D PLEASE go on.. heheh. :-*
+ JESUS is mah homeboy. +

"Maybe your heart sent a secret message to my heart that's why we found each other. Or maybe when it comes to things like these, there aren't reasons. Hearts just KNOW..."

spONge_GaL

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 513
  • Karma: +0/-1
  • .~*bAStUsAn nA*~.
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #5 on: April 10, 2005, 03:36:57 pm »
tuloy m agad...
I LOVE the Devil's Music \m/

There is
 only one
18th Black Rose
 and that's me.[/b]

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #6 on: April 10, 2005, 08:29:59 pm »
ito na po yung continuation... tnx poh tlg...

..................................................................................

"Kanina ka pa ba diyan?...

"Ha? H-hindi. Kadarating ko lang. ano bang problema niya? bakit antahimik niya? hindi normal...

Pagkatapos nung tinanong niya ako, tumayo na siya at bumalik doon sa upuan at yumuko na naman. Inay ko po! Ano ba yan? Then.. nagdatingan na yung mga classmates namin.

Wala daw yung teacher namin sa Physics I. Yupz. 3rd year pa lang may Physics na kami. Pero Physics I... hindi pa ganun ka major unlike sa 4th year. Since kailangan mag-elect ng class officers, kailangan magpakilala isa-isa. Hindi naman na sa harapan, kahit sa upuan na lang. Haay! Much better. Nakakahiya kasi kung sa harapan pa.

Pagkatapos magpakilala ek-ek na yan, syempre election na. Hindi naman ako nageexpect na maeelect ako. Hindi naman nila ako kilala sa tingin ko kahit nagkaroon na ng pagpapakilala... Ewan ko ba! Hindi naman ako striking person na sa unang tingin mo, tititigan mo talaga.

President namin si Marvin Cortez. Then Vice si Genina... pababa. Nung nasa last na Muse... nagulat na lang ako nung tanungin ako nung isa doon sa mga classmate ko.


"Miss anong pangalan mo?" tapos ngumiti siya.

"Lhea Janine Martinez...

Tapos nagtaas siya ng kamay. Sinabi na niya yung respectfully nominate na linya kapag botohan. Shux! Nakakahiya. Sino nga ba naman ako para maging muse.

"Siya nga pala, Rico Renegado."

Ayun, na-elect akong Muse ng klase kahit di ko naman inaasahan na mananalo ako. Mas inasahan ko pa ngang manalo si Mona, Short for Mona Rae... kasi ang puti na niya at maganda talaga siya. Kapansin-pansin naman talaga siya. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nila at ako ang binoto. Tatlo lang naman ang lamang ko sa boto. 29-26. Fifty-five kami kasi sa klase.

At alam niyo ba kung ano ang ikinagulat ko? Akalain mo si Daryll ang na-elect na Escort. Ewan!. Kung nakita niyo lang siya, as in deadma effect talaga. Tahimik. Walang pakialam kung maelect man siya or what. Pero ang kaibahan lang sa akin, majority ng klase siya ang binoto.


Maya-maya pa, nag-bell na. Ibig sabihin uwian na... Nagsialisan na yung mga classmates namin pero may natira pa naman. Inayos ko na yung locker ko para hindi magulo pagkatapos umuwi na rin ako. At ang kapansin-pansin na naman, nakaupo lang si Daryll sa upuan niya. Nagsusulat ng kung ano. Hindi ko na alam kung anong oras na siya umuwi. Alangan namang tanungin ko pa siya. Maghihintay na naman ako ng 100 taon bago marinig yung sagot nya.

Pero imbis na umuwi na ako, Tumambay pa ako sa field kasama nung dati kong classmates. Niyaya kasi nila ako eh.

"Ei, asensado tayo ha, section 1 na"

"Oo nga Lj, nahiwalay ka tuloy. Kasi ang talino eh!"

"Hindi naman. Ok lang naman ako doon. At least, new friends."

"Kanina dumaan kami doon sa room niyo, nakatingin ka doon sa bintana. Wala ka yatang kausap. Walang silbi yung katabi mo. Nakakausap mo ba yun? E ayun yata yung tahimik na laging nakaupo, nag-iisa... ewan...!"

"Si Daryll? Hindi. Ok naman siya. Yun nga lang may pagkatahimik pero ganun lang siguro siya sa simula. Kapag tumagal siguro, dadaldal na rin yun"

"Kung ako sa yo Lj, ngayon pa lang lumipat ka na ng upuan. Mababato ka lang kapag katabi mo buong maghapon yung Daryll na yun. Saksakan ng tahimik."

Ewan ko rin. Kapag sinasabi nila na si Daryll eh tahimik, weird o kung ano pa man, lagi kong sinasabi na ok naman siya. Tingin ko naman talaga ok siya. Siguro nga pinanganak na siya na ganun ka misteryoso. At, napakainteresting malaman kung bakit siya ganun. Sabi nila since first year pa siya ganun. At kahit ako... napapaisip niya.

Tapos tinuro nung dati kong classmate si Daryll. Pauwi na yata. Nag-excuse ako para kausapin siya...


"Daryll!"...

Huminto lang siya sa paglakad pero hindi lumingon. Tapos naabutan ko na siya.

"Pauwi ka na? Pwede bang sumabay? Taga saan ka ba?

"Ikaw pala. Sige. Sa 4th ako nakatira. Ikaw?"

"Sa 5th. Mas malayo pala ng isang kanto yung sa inyo. Mauuna pa pala akong bumaba ng jeep sa yo..."

"Magji-jeep ka? Lalakad lang kasi ako ngayon eh.."

Ngeeekz. Pero sa totoo lang, pwede naman talagang lakarin dahil malapit naman sa school. Ako lang naman ang tamad eh may pajeep-jeep pa.

"Ha, o sige lalakad na lang din ako ngayon. Malapit lang naman eh..."

Nung naglalakad na kami... WOW! Sobra... ang dami naming napagusapan. Sa sobrang dami nga ng napagusapan namin eh HINDI ko pa nga alam kung ano ang mga bagay-bagay tungkol sa kanya. GOSH! Ang tahimik nya talaga. Hindi nagsasalita. Bilang mo lang talaga yung mga salitang sasabihin niya. At nagkamali yata ako ng desisyon na sabayan siya dahil alangan namang magsalita ako dahil sa sobrang haba nung silence, bigla na lang akong magsasalita. Nagulat na lang ako nung tanungin niya ako...

"Ah,... mm... ano bang hilig mong gawin?"

"Ako? Wala naman. Manood ng TV. Magcomputer. Hindi kasi ako pala-labas ng bahay maliban na lang kung gagala kami ng mga kaibigan ko."

OMG! May Himala! Nagsalita siya... Sige Lj, tanungin mo na siya doon sa tanong na kanina mo pa dapat itinanong...

"Daryll, may... problema ka ba? Ang tahimik mo kasi eh. O talaga lang na gusto mong napapag-isa lagi. Kasi, lagi na lang kitang nakikitang nag-iisa, madalas ka pang nakayuko... Bakit ba? Pero kung ayaw mong sagutin... ok lang... na-curious ang kasi ako eh..."


Nakuh! Sana sagutin niya... sana lang PLZ!! Pero kung ayaw niyang sabihin ok lang.... pero... sana...







Sana lang... sabihin niya...



..............................................................................

continue ko pa poh???  ??? ???
« Last Edit: April 17, 2005, 11:09:40 am by j_harry08 »

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #7 on: April 10, 2005, 08:45:50 pm »
Oooh... interesting. ;D PLEASE go on.. heheh. :-*

,.>tnx poh! mwah!


tuloy m agad...

,.>okie poh! ;) tnx rin po..

redcloud

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 596
  • Karma: +0/-0
  • a little more than worth it
    • far fr0m mainstream and traditi0n.
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #8 on: April 11, 2005, 10:38:29 am »
so ano daw? bket daw sha tahimik? hehe.. nice story.
you think i'm jealous of you?
honey, don't flatter yourself

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #9 on: April 12, 2005, 12:36:09 pm »
so ano daw? bket daw sha tahimik? hehe.. nice story.

,.>tnx poh sa comment... itutuloy ko na poh.. ;D

no_matter

  • taffy
  • ***
  • Posts: 314
  • Karma: +0/-0
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #10 on: April 12, 2005, 01:12:13 pm »
huh?! anong sobra naman c daryll! hehe... mysterious nga...
next pls!

ferrero17

  • jellybean
  • **
  • Posts: 220
  • Karma: +0/-2
  • .::bAbY iT'S yOu::.
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #11 on: April 12, 2005, 01:36:43 pm »
sis gnda,, kya lng bitin... hehe,, keep up d gud w0rk... hehe:)
.::c0Z mY hEarT sTaRtS bEatInG tRiPLe tiMeS w/ tOtZ oF LoViNg u oN mY mInD, I caN't fiGuRe oUt Juz wAt t0 d0 wEn tHe caUse aNd cURe iS U::.

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #12 on: April 12, 2005, 02:25:39 pm »
huh?! anong sobra naman c daryll! hehe... mysterious nga...
next pls!

,.>hehe..tnx sa comment..salamat poh tlg ng maraming marami


sis gnda,, kya lng bitin... hehe,, keep up d gud w0rk... hehe:)


,.>bitin? hehe. napagod lang po ako magtype. sa su2nod po habaan ko na. thank you poh tlg sa pag-appreciate..!! mwahugzz!

j_harry08

  • Junior Moderator
  • cotton candy
  • ****
  • Posts: 1431
  • Karma: +101/-18
  • <jessica>
    • Jessica Concha's Official Website
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #13 on: April 12, 2005, 09:19:40 pm »


"Bakit mo naman naitanong?"

Haay! Painosente effect pa itong mokong na ito. Bakit hindi ba niya alam sa sarili niya na napakamisteryoso niya at napakatahimik kaya maraming napapaisip kung bakit nga ba? At marami na nagsasabi na mababato ka lang kung kasama mo siya.

" Kasi, ang tahimik mo eh. Lagi ka pang nagiisa at nakayuko. Ginagawa lang naman yun ng may problema di ba?"

"W-wala. wala akong problema. Ganito lang talaga ako."

Grabeh! Na-convince ako talaga. Over 100%, mga 10% siguro. Feeling ko kasi meron talaga siya tinatagago. Pero ano? Pero Lj, malay mo naman kung talagang ganun lang siya di ba?? Masyado kang nag-iisip.

Maya-maya pa eh nasa 5th st na kami. Sa kanto namin e siya sa susunod pa. Paano na yan, kailangan na naming maghiwalay.Ang kapal ko naman kung magpapahatid pa ako sa kanya sa bahay close ba kami? New classmates pa lang kami.

"Ei Daryll, Dito na ako eh. Salamat sa pagsabay mo sa akin ha. Ingat ka sa pag-uwi." (sabay wink at ngiti naman ako)

"Ah cge."

Wow! Ang dami niyang sinabi. Ah tapos sige. Uy dalawa yun. Ineexpect ko pa naman na sasagot siya ng "Ingat ka rin" o kayamag-ooffer na ihatid ako. Pero kahit hindi na yung dalawang yun. Kahit sabihin man lang niya yung pangalan ko ok na. Nagpakilala naman ako kanina, pero hindi ko pa naririnig na nabanggit niya ang pangalan ko. Mysterious naman.

Pagkauwi ko ng bahay eh nagpahinga lang ako saglit. Tapos dumeretso na ako sa dalawa kong bestfriend, ang ever dear bedroom ko at ang aking Diary. Grabeh! Ang tagal ko na rin silang nakasama. Since bata pa ako. Nakasama ko na sila sa lungkot at saya. Kapag may sama ako ng loob, sa kanila ko nailalabas. Yun nga lang, hindi sila tao na nakakapagbigay ng advice. Lagi lang silang nakikinig sa akin. Good listeners nga sila eh. Ay syempre, subok ko na sila, si nila ako iniiwan.

Dear Diary,
First day of classes, alam mo masaya naman. Wala pa akong masyadong kakilala dahil bago lang ako. Syempre exciting dahil new friends na naman at bagong pakikisama. Seatmate ko? Si Daryll. Alam mo, siya ang taong mapapaisip ka talaga eh. Hindi siya katulad ng ibang guys sa school na happy-go-lucky, cool, makwento, pumoporma... siya yung guy na laging nakayuko, nag-iisa at tahimik. Misteryoso noh? Nakasabay ko nga siya umuwi ngayon eh, pero hindi rin ako nakumbinsi sa sinabi niya na ganun lang talaga siya at wala siyang problema. Feeling ko kasi, meron siyang tinatago. At ang pinagdadasal ko eh mabanggit man lang niya yung pangalan ko. Alam ko naman na nakapagpakilala naman ako, pero all day hindi ko man lang narinig yung pangalan ko na lumabas sa bibig niya.

Oo nga pala, may naging kaibigan din ako. Si Mariane, classmate ko. Ok naman siya. Napapatawa nga niya ako eh. Tapos na-elect pa akong muse sa klase dahil kay Rico, yung treasurer. Pero sa totoo, may itsura yung Rico. Cute naman. Sige dito na lang, magmumuni-muni muna ako.

Lj


Di ko na namalayan, nakatulog ako ng di kumain. Diet? Hindi noh. Ang aga ko nagising nung sumunod na araw. Kasi ang aga ko rin nakatulog. Sabagay, ganun naman talaga ako dati pa. Maaga pumasok. Lagi nga akong nauuna sa klase. Siguro naman bukas na yung room dahil sa guard o kaya sa janitor.

Naligo na ako. Bihis ng uniform. Kumain. Nag-toothbrush. Tingin sa salamin. Then check ulit ng gamit and off to school.

Medyo madilim-dilim pa nga nung umalis ako. Mag-6:00 pa lang kasi pasikat pa lang yung araw. Naglakad na lang ako dahil excercise na rin.

Pagkadating ko sa school, wala pang tao maliban sa mga guard at kung anik-anik pa na staff ng school. Eh mabait naman si manong guard, matanong nga.


"May dumating na po bang istudyante? Gandang umaga po."

"Ayan ka na naman, si Early bird. Pero ngayon, may nauna na sa iyo eh. Ibang section yun alam ko. Di mo yata yun classmate"

Di ko classmate. Sabagay, ibig sabihin ako ang nauna ngayon sa klase ko. Pero, paano naman nalaman ni manong guard na di ko nga classmate yun eh iba na ang mga classmate ko ngayon? Ewan.

Pagkadating ko ng room, nagulat ako. Ako pala manong guard ha ang Early Bird! Your wrong. May nauna na sa akin. Pero di ako sad. Classmate ko din. Nakita ko ang parehong figure. Nakaupo sa sulok ng room, nakayuko, tahimik, gwapo pero misteryoso.... mapapaisip ka talaga bakit ganun siya...















E di si Daryll...
« Last Edit: October 02, 2005, 09:18:56 am by j_harry08 »

emmawatson_sucks

  • Guest
Re: 'The Diary'... pakibasa po.. tenchu..
« Reply #14 on: April 13, 2005, 08:47:21 am »
wow galeng! nyc naman.... pakituloy poh huh! i'm lovin it na.. ok? plz plz plz.. tuloy mo. keep it up sis! :-*

 

Candy Blog

Who We Spotted: Leighton Meester and Mario Maurer for Penshoppe
by: sam, 2012-05-27
Considering this has been one of the most star studded 7 days in Philippine Fashion Week...

Council of Cool Blog

Double Whammy
by: Janelle, 2012-05-23
Last May 8, I was given the chance to attend not one but two amazing events for Candy....
Summit Media
WOMEN'S TITLES: Cosmopolitan | Candy | Yummy | Good Housekeeping | OK! | Preview | Town & Country | Women's Health | Yes!
MEN'S TITLES: FHM | Entrepreneur | Men's Health | Techie | Topgear
WEBSITES: Female Network | Smart Parenting | Jobstreet | Style Bible | Shopcrazy

Reproduction of material from any CandyMag.com pages without written permission is strictly prohibited.
Copyright 2012 Summit Digital. All rights reserved. CandyMag.com is a property of Summit Media.

Contact information: 6F & 7F Robinsons Cybergate Center Tower 3 Robinsons Pioneer Complex Pioneer St., Mandaluyong City 1550 Philippines.
Telephone (63-2) 451-8888 | Fax (63-2) 631-7788

Our Privacy Policy | Terms of Service | Summit Media Corporate Website