Please login or register.

Login with username, password and session length
 
News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!

Author Topic: GHOST STORIES  (Read 202560 times)

3BlackRoses

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 8
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #750 on: August 17, 2013, 09:33:07 PM »
i have here some horror stories that i have read from some books...
i just want to share them with you...
and if you know some horror stories just feel free to post it in...
pwede rin kayo magpost ng mga gawa-gawa lang basta SCARY!!!  ;D

...URBAN LEGENDS...

*First Story*
     A girl was by the sink in one of the comfort rooms in the building, washing her face. When she looked in the mirror, she saw that on her face, instead of droplets of water, were little drops of blood. And standing behind her was a man. A headless man in a soldier's uniform.
     Every year, students would encounter various but similar scary experiences in that toilet. According to research, the building, where the comfort room was, is the oldest building and was used as an execution station by the Japanese army during WW II. Rumor has it that countless heads had been chopped off in the toilet itself.

*Second Story*
     During an early morning class, a girl dressed in black entered a room where a class was going on. The class didn't mind the girl, thinking that she was only sitting in. Suddenly, in the middle of the teacher's lecture, the girl stood up, walked towards the front wall and to the shock of everyone, vanished into the blackboard.
     The incident, which was reported in the school paper, still scares students who take classes in the said room.

*Third Story*
     At 10 pm, one ROTC cadet was relieving himself in one of the comfort rooms at the third floor of his university. He was just about to finish when he made out the unmistakable figure of a woman dressed in white floating in the air. The vision made him scream in intense fright, catching the attention of his other companions. Upon their arrival, the ghostly apparition was still there.
     It was seven in the evening at another instance, when a janitor getting ready to go home noticed a mysterious lady enter one of the restrooms at the third floor. He followed the lady to warn her that the part of the building was strictly prohibited. He entered the restroom and saw no one there.
     According to stories, the building, which had existed even before the outbreak of WW II, was used as a garrison by the Japanese during the war.

nakakatakot po!  :'(

yunayciez0327_me

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • Kasi naman eh! >_<
Re: GHOST STORIES
« Reply #751 on: August 18, 2013, 08:13:47 PM »

Wow! Ang daming creepy stories dito. Enjoy basahin! :D Pero mamaya kapag matutulog na, matatakot na ako. Hahaha!   ;D

Gusto ko ding mag-share! XD

Nangyare to nung grade four ako. Nasa sala ako ng bahay namin tapos nanunuod ng tv. Tatlong metro mula sa kaliwa ko ay may bintana. Nasa second floor ako kaya kitang kita yung bubong ng mga kapitbahay namin. Mas mataas kasi yung bahay namin kaysa sa mga bahay nila. Yung bahay namin yung unang bahay bago pumasok sa eskinitang dead end. Anyway...

Nanunuod ako ng tv nun. Dahil bata pa ako, absorbed na absorbed ako sa pinapanuod ko. Kadalasan hindi ako mahiwalay sa tv, as in dun lang talaga yung 100% ng attention ko. Pero may naramdaman akong parang "OFF". Bigla akong kinabahan tapos nag-freakout. Simula pa kasi nung bata ako, matatakutin na ako. Nagfi-freakout na ako pero sa isip ko, wala yun, wala yun. Pero napapatingin ako sa may bandang labas ng bintana, dun sa mga bubong ng kapitbahay. Hindi kasi ako mapakali. Parang nagti-tingle yung balat ng kaliwa kong pisngi.

Mga ilang beses na ganun tapos nung mga pang-fifth kong lingon, nakakita ako ng pugot na ulo. (dunn dunn dunnn!) Syempre dahil bata pa ako nun, kinabahan ako ng bonggang bongga. As in! Akala ko lalabas na yung puso ko sa ribs ko! Naisip ko nun, baka nababaliw lang ako tapos kagaya nung sa horror movies, pinikit pikit ko yung mata ko... pero andun pa din sya!!! Nakatingin sya sakin, hindi naman sya galit or what pero nakakatakot pa din. Nakapatong yung ulo sa bubong ng kapitbahay. Matandang lalaki na nakabaon yung pisngi. Parang umiilaw sya pero hindi ganun kaliwanag, medyo dim lang. Medyo transparent din sya. Nakatingin lang sya sakin, wala lang.

After 21389798750 seconds, sumigaw ako (super late reaction, I know) tapos tumakbo ko papuntang kusina. Nandun kasi si mama naghuhugas ng plato. Hinila-hila ko sya papunta dun sa bintana pero nung pagtingin ko, wala na dun yung severed head.

 :o :o :o
[/font][/size][/size][/color]
Cause the spaces between my fingers are right where yours fits perfectly \(^0^)/

elledavid

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #752 on: August 19, 2013, 09:46:52 AM »
Thank you for these stories! I really love these! :))

yunayciez0327_me

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • Kasi naman eh! >_<
Re: GHOST STORIES
« Reply #753 on: August 19, 2013, 03:59:45 PM »

Nagbabalik! Hahaha.

May gusto pa ko ikwento. :D Hindi sya ghost story kasi hindi ghost. Ibang entities...

Experience ng mama ko nung dalaga pa sya. Sa probinsya to. Naiwan si mama at lola sa bahay kasi nag-party people yung mga kapatid nya tapos sumama si lolo as chaperone kasi gabi na. Yung bahay nina mama nun gawa lang sa kawayan... syempre, matagal na panahon na daw ang nakalilipas nun. Ayun. Naghuhugas si mama nun ng plato habang nagmumuni muni nung biglang may malakas na humampas dun sa pader kung san nakadikit yung lababo. Bale sa harapan nya. Sobrang na-shock yung mama ko nun tapos hindi sya nakagalaw. Kasi nga gawa sa kawayan tapos parang feeling nya mabubuwal yung pader tapos mahuhulugan sya. Tinatawag daw ng lola ko yung pangalan ni mama pero hindi sya nagre-react. STUNNED talaga si mama nun! So sinampal sampal sya ng lola ko- yung sobrang lakas. Nagulat na lang yung mama ko kasi nasa sahig na sya, nawalan pala sya ng malay. Dahil gawa yung pader sa kawayan (may mga maliliit na awang), may naaninag si mama na parang anino ng sobrang laking tao na bumangga daw dun sa pader tapos nahulog sa daluyan ng tubig galing hugasan na nasa labas ng bahay. Yun lang tapos wala na syang naalala. Si lola naman galit na galit daw tapos nagpunta sa front door at nagsisisigaw. Nagbanggit si lola ng napakaraming apilyedo (may mga naaalala ako pero di ko na babanggitin), tapos sumigaw si lola na "Dun ka! Dun ka sa mga amo mo! Umalis ka dito!" tapos pinaulanan nya ng mga mura. (lol.) After nun, bigla daw tumahimik.

Sabi ng lola ko kapre daw yun. Nakita nya. Si mama hindi kasi wala sya sa sarili nun. Baka daw natype-an si mama kasi sa kanilang magkakapatid, si mama yung pinaka-charming. (Kamukha niya si LT tapos maputi sya na balingkinitan. Pero dati yun. Ang taba na nya ngayon. HAHAHA!)

Ayun.

Madami akong alam na kwento sa mga ganun pero pag mga ghosts hindi masyado.

Kwento pa ko pag may naalala ako.

Mag-post din kayo! Let's keep this thread ALIVE!
[/i][/color]
Cause the spaces between my fingers are right where yours fits perfectly \(^0^)/

Zottie

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 16
  • Karma: +0/-1
  • Madaldal...
Re: GHOST STORIES
« Reply #754 on: August 21, 2013, 09:35:53 AM »
Buti nalang maaga pa dito sa amen XDDD
Hug mo'ko >(O.O)>

AiLoveLee

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +0/-0
  • AiLoveLee
    • I Love Lee
Re: GHOST STORIES
« Reply #755 on: August 22, 2013, 05:18:17 PM »
andito na naman ako,, share ko lang sa inyo ang story ko.. ewan ko kung nakakatakot ba para sa inyo but for me oo eh

------

nasa skills room namin kami nun kasi nagdedemo kami ng nursing procedures namin, eh andami naming nursing student so napagpasyahan ng faculty na kaming mga 2rd year (noon) ay gawing pang 12noon to 8pm ang shift sa paggamit ng room kasi nga maliit lang naman ang room so di kme maaccomodate lahat

so yun nga nagduty na kami, ang alam ko mga 6:25 na yun ng gabi nagdedemo kami, panahon pa yun nga brown out sa aming lugar kaya sa kasamaang palad flashlight lang ang aming ilaw, pero patuloy pa rin kme sa lectures at demo ng biglang yung curtain na pang maintain ng privacy namin gumalaw, eh di open ang bintana at ang door tapos wala namang kuryente so walang aircon.

hinayaan lang namin yun baka may dumaan lang na classmate namin. nagpatuloy pa rin kami sa aming ginagawa ng may narinig kaming sumusunod sa lahat ng binibigkas ng aming guro yun bang inuulit ulit niya ang sinasabi ni teacher, nagsimula na kaming kabahan kasi ang alam namin sa code ang ethics namin bawal yun natahimik kaming lahat suddenly may naririnig kaming iyak at hum, yung after niyang umiyak naghuhum siya den iyak ulit. paulit ulit yun. ang nakakatakot habang tumatagal lumalakas siya ng lumalakas parang papalapit sa amin. tapos biglang silence..

then BLANG! nag open ang door na iniwan naming nakalock so lahat kami nagsigawan at nagtakbuhan pababa.

balita ko nakunan raw yun ng picture noon.
that's all for today.
Lot's of LOVE!!!

AiLoveLee ∞

AiLoveLee

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 11
  • Karma: +0/-0
  • AiLoveLee
    • I Love Lee
Re: GHOST STORIES
« Reply #756 on: August 22, 2013, 05:25:46 PM »
pansin ko andami nagpost na dito so might as well dito na lang muna ako magbabasa kaya salamat sa mga nagwrite ng experences nila it's really worthh reading
that's all for today.
Lot's of LOVE!!!

AiLoveLee ∞

jamillefumah

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • jamjamjam
    • http://www.wattpad.com/user/jamillefumah
Re: GHOST STORIES
« Reply #757 on: August 24, 2013, 12:38:52 PM »
stories stories!!!
[/size]  :'(

jamillefumah

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • jamjamjam
    • http://www.wattpad.com/user/jamillefumah
Re: GHOST STORIES
« Reply #758 on: August 24, 2013, 12:44:31 PM »
"Paangkas"
horrororrr

-share ko lang po!

Galing ako sa birthday ng kumpare ko.

Ginabi ako dahil na din sa napasarap ang kwentuhan at inuman namin. Hindi bale na kasi naka motor naman ako kaya't ayos lang na maubusan na ako ng masasakyang jeep.

11:00pm

Sabi ni pareng Jude dumaan daw ako sa short cut para mas mapadali ang pagbalik ko ng Maynila. Iyon ay kung gusto ko lang naman, kasi may kadiliman at may kalibliban ang short cut na tinutukoy niya.

Pero kung natatakot daw ako ay pwede naman akong dumaan doon sa mahabang daan, matao doon at may check point kaya hindi nakakatakot iyon nga lamang ay mapapalayo ako.

Syempre dahil sa tapang-tapangan ako ay doon ako dumaan sa shortcut.

Alin man sa daraanan ko ay mapapadaan pa din naman ako sa may sementeryo.
Malamig na ang gabi ng magsimula akong bumyahe.

Madilim nga sa may shortcut !

Walang katao-tao at wala ding ibang motorista kundi ako lamang mag-isa. May iilang kabahayan doon subalit wala namang kuryente kaya't madilim din.

Sa pagpapatakbo ko ng motor ay may nailawan ako mula sa kalayuan.
Isang matandang babaeng naka mahabang saya.

Kinilabutan agad ako.

Shet? Anong ginagawa niya sa labas ng dis oras ng gabi plus pang madilim sa lugar na yon.

Gumapang ang kakaibang kilabot sa sistema ko ng makita ko siya ng malapitan. Ang creepy niya dahil na din sa suot niyang mahabang luma na atang saya. Kulubot ang mukha niya at may kaputlaan. Sinag sa liwanag ng aking motor ang itsura ni lola.

Nang makita niya atang malapit na ako sa gawi niya ay bigla siyang kumaway sa akin.

Huli na para bumalik ako dahil tuloy-tuloy na ang takbo ng motor ko patungo sa gaiw niya.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin...

Makiki-angkas siya sa akin.
Nagtalo ang isipan ko kung hihintuan ko ba siya o hindi. Pero nadala na ako ng awa ko para sa kaniya kaya't hinintuan ko ang matandang babae. Abot-abot ang dasal ko habang nakatingin sa kaniya.

"Lola bakit ho?" Nanginginig pa ang boses ko.
Ngumiti siya sa akin. Lalo naman akong kinilabutan ng makita ko ang ngiti niya.

"Maari mo ba akong isakay diyan sa motor mo hijo?" Iyong boses niya na parang galing sa ilalim ng balon.

Hanggang sa iniangkas ko na siya sa likod ko.
Binilisan ko ang pagpapatakbo.

Doon ko daw siya ihatid sa dulo ng nayon malapit sa bukana ng simenteryo.

Ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko habang nagpapatakbo ng motor. NI hindi man lamang siya humawak sa bewang. Ramdam ko talaga ang kakaibang hangin na nagpapatayo sa aking balahibo.

Lumalalim na ang gabi at tanging liwanag na lamang ng bilog na buwan ang nagsisilbing liwanag sa daan gayon din ang maliit na ilaw ng aking motor.

Saglit akong sumilip sa reviewer mirror ko para i-check kung kamusta na siya sa likod ko.

Laking gulat ko lang dahil WALA NA SIYA !
Wala na yung matanda...

Sa sobrang takot ko ay binagalan ko ang pagpapatakbo ng motor ko. Nanginginig na talaga ako sa takot. Madilim ang paligid kaya hindi ko alam kung nasaan siya.

Binagalan ko ang pagpapatakbo.

Hanggang sa naramdaman ko ang unti-unting pagbigat ng motor ko. Nakita ko ang pigura niya sa side mirror ko. NASA LIKOD KO NA NAMAN SIYA!

This time gulo-gulo na ang kaniyang buhok at nanlalalim na din ang kaniyang mga mata. Nakakakilabot ang itsura niya !

Gusto ko ng matapos ang gabing ito.

Butil-butil na ang pawis ko sa kaba. Binilisan kong muli ang pagpapatakbo sa sobrang nyerbyos ko.

Dioys ko! Diyos ko! Paulit-ulit ang pagdarasal ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ko. Naramdaman ko na wala na naman siya sa likod ko. Wala na naman akong angkas!
Hindi ko na kaya ang bangungot na ito!

Naisipan ko ng bumalik sa may kantong may daan papunta sa short cut. Di bale ng matagalan ang byahe ko sa pagbalik na yon atleast may iilang tao na akong makikita at mababawasan na ng kaunti ang kaba ko.

Lumuwag ang paghinga ko ng makita ko ang mga pulis sa kalsada. May check point nga doon. May iilang ilaw na din pero wala pa ding masyadong byahero dahil nga sa malalim na ang gabi.

"Boss!" Tawag sa akin ng isang pulis.

Huminto naman ako para sa kaniya.

"Baka pwedeng isabay mo nga itong si manang. Dadaan ka din naman ng simenteryo hindi ba? " Itinuro niya ang matandang babae sa gilid ng daan.

Nakayup-yop ito doon at may mga dugo-dugo sa kaniyang binti at mukha.

SIYA YUNG ANGKAS KO KANINANG MATANDA!

"Ayaw magpadala sa hospital eh. Importante daw ang sadya niya sa may simenteryo, paki angkas na lang." Wika ng pulis at inalalayan na ang matanda na sumakay sa likod ko.

Kitang-kita ko ang kakaibang ngiti sa mukha ng matanda habang umaangkas sa akin.

BIgla ang gapang ng kakaibang kilabot ng nagsimula na kaming bumyahe.

Kakaiba ang mga tingin niya sa akin. Kitang-kita ko ang kakaibang ngiting iyon mula sa reviwer mirror ng motor ko. Nakakahindik ang itsura niya... habang hinahangin ang kaniyang gulo-gulong buhok ay tila lalong namumutla ang kaniyang kulubot ng mukha.

Binilisan ko muli ang pagpapatakbo ko.

Natatakot na naman ako!

Naramdaman ko ang malamig niyang palad sa ibabaw ng kamay ko na nakahawak sa manubela ng motor ko.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglingon.

"B-Bakit po..lola? .." Halos wala ng boses na lumalabas sa bibig ko.

Ngumiti na naman siya. Nakakakilabot !

"Hijo dahan-dahan ang pagpapatakbo mo..." Hirap na magsalita ang matanda.

"B-Bakit po?!"

"Kasi ilang beses na akong NAHULOG ! "

XD

http://www.wattpad.com/user/jamillefumah

jamillefumah

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 3
  • Karma: +0/-0
  • jamjamjam
    • http://www.wattpad.com/user/jamillefumah
Re: GHOST STORIES
« Reply #759 on: August 24, 2013, 12:53:42 PM »
 :'( lumaki yon fonts ko sowee poh hehe

devilishFade

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 34
  • Karma: +2/-0
  • Aishiteru :)
Re: GHOST STORIES
« Reply #760 on: September 02, 2013, 07:23:12 PM »
Yo, newbie here.  :)

Katakot yung story kahit na paulit-ulit ko na siyang nabasa sa philippine ghost story. XD

Don't you ever forget to smile ~devilishFadeYu

devilishFade

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 34
  • Karma: +2/-0
  • Aishiteru :)
Re: GHOST STORIES
« Reply #761 on: September 02, 2013, 07:29:14 PM »

Waaaaaaaaah! Tumaas yung balahibo ko dito ha. XD wattpaders din si Ateee. XD waaah, parang ayoko nang sumakay ng motor eh. Nakooo.
Don't you ever forget to smile ~devilishFadeYu

yunayciez0327_me

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • Kasi naman eh! >_<
Re: GHOST STORIES
« Reply #762 on: September 22, 2013, 03:46:06 PM »
HELLO HELLO HELLO ULEEEET! :DDD

Naisipan ko na mag-post ulit dito dahil sa napag-usapan namin ng friend ko sa school. Mula sa mga horror movies, napunta yung usapan sa mga panaginip.

Lately kasi, nanaginip ako tungkol sa isang lalaki (babae ako). Here's how the dream went.

Nasa parang club daw ako. club na may inuman and everything pero hindi naman ganun ka-wild. Anyway, nasa may bar daw ako, nakaupo habang nakatingin sa kawalan. (Kahit sa panaginip hindi ko sinubukang uminom HAHAHA! Ehem, on with the story-) Biglang may lumapit sakin na lalaki, at grabe ANG HOT NYA!!! Hindi ko maalala kung ano yung suot nya pero I remember I saw his face... sobrang linaw! He looked kind of like a native american guy- GRABE ANG HOT TALAGA. So sa panaginip, grabe yung pag-flutter ng puso ko kasi I HAVE NEVER EVER SEEN ANYBODY THAT GOODLOOKING IN MY ENTIRE 19 YEARS OF EXISTENCE. Nung ngumiti sya, GRABE! Tapos nag-iba yung itsura nya, parang naging kamukha ni Taylor Lautner nung nag-smile sya (may crush ako kay Taylor Lautner). Tapos ewan ko kung ano nangyare, yung legs ko naka-wrap daw sa waist nya tapos binubulong nya yung pangalan nya sa tenga ko. As in paulit ulit! Kasama apilyedo! I made a mental note to remember his name. Afterwards, hinawakan nya ko sa kamay tapos sabi nya na ipapakilala daw nya ko sa mom nya. He lead me to the dining room. Andun yung mama nya tapos nung nakilala ako, hindi ako bet- so nagalit sya at hinila nya ko papaalis dun at sinabihan na magkita kami somewhere- Um-oo naman ako. Nung nandun na kami sa meeting place, nakita ko si Leighton Meester tapos yung batang maganda sa The Conjuring (yung maikli yung buhok na hinila yung paa- si Nancy ata) tapos napagtanto ko na parang chinorla nya lang ako kasi may dalawang pretty girls na nag-aantay sa kanya. I left at hindi na nagpakita sa kanya. Eventually, hinanap ko din sya once sa workplace nya pero nagkasalisi kami. Then the scene changed again tapos nasa parang maliwanag na area ako, (parking lot ata yun. May pader na orange na puro graffiti tapos may mga nagse-skateboard...) tapos nakaupo ako sa tuktok ng stepladder habang kausap yung pinsan kong lalaki. Sabi ko pa nga sa kanya "Hala, Nig... nakilala ko na ata yung dream man ko tapos pinakawalan ko pa...". Then biglang may lumapit na skater dude tapos sinabihan ako na may naghahanap daw sakin. Ang behold! Andun sya in all his hotness naglalakad papalapit sakin. Tapos sabi ko sa pinsan ko "Nig, sya yun! Sya yung dream man ko!" pero tumawa lang yung pinsan ko. Yung tawa na nakakaloko- yung parang nakakita sya ng lalaking may poknat, ganun- sabay sabing "Yan yung dream man mo? X'D"

Tapos nun nakalapit na sakin yung dream man ko at nagising na ko.

Bago yung, nakapanaginip ako ng similar dreams. Mga lalaking gwapo na nilalandi ako pero hindi kamukha nung pinaka-recent. Iba iba yung itsura nila pero lahat sobrang gwapo. Ayun. Kinwento ko sa friend ko yun tapos parang natakot sya.

Yung mama kasi nya manggagamot, tapos sabi nya sakin na kapag ganun daw parang ibang entities daw or what. Ayun. Hindi ako natakot kasi ewan ko. Basta hindi naman ako natakot. Wala naman kasing ginagawa sakin. Ayun. Pero mga limang panaginip na yun this month. Limang iba ibang guys na lahat gwapo. Yung isa pa nga dun, yung unang una, ang amo amo talaga ng mukha. Sa lumang bahay namin yun, dumaan daw ako sa iskinita tapos sinutsutan nya ko. Pakipot pa ko at first pero lumapit din ako tapos tinanong ko kung bat kilala nya ko. Sabi nya kasi ang cute ko daw. Nung nakalapit ako sa kanya, nakaputi lang syang t-shirt tapos nakatago sa likod ng parang countertop (di ko alam kung san galing, panaginip to so it's normal if things don't make sense and start appearing out of nowhere, diba?).

AYUN.

Hahaha. Ano sa tingin nyo? Naniniwala ba kayo sa mga ganun?! Have you experienced something similar? SHARE!
Cause the spaces between my fingers are right where yours fits perfectly \(^0^)/

FallenMaya

  • Guest
Re: GHOST STORIES
« Reply #763 on: October 23, 2013, 07:21:28 PM »

LOL.

LuchiMii

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 23
  • Karma: +0/-1
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #764 on: October 30, 2013, 10:09:08 PM »
Scarryyyy
False_Alarm

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Tita of Manila

by: dyan, 2014-11-01

  In two days, I’ll be turning 26, one step closer to becoming a full-fledged member of the #TitasofManila. Oh, who am I kidding—I am a tita of Manila! My tita habits include...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved