Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Chat with fellow Candy girls in the sweetest channel online—ChitChat!



Author Topic: GHOST STORIES  (Read 174783 times)

MissDReyes

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +2/-3
  • Part-time STUDENT, full-time BLOGGER:))
    • Your Daily Dose of Cuteness
Re: GHOST STORIES
« Reply #720 on: July 26, 2012, 07:07:06 am »
Lels pansin ko lang ba't puro Japanese? :))

nikkitoi14

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 5
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: ...HORROR STORIES... anyone?
« Reply #721 on: August 10, 2012, 11:51:21 am »
Oh my Gosh! same lang din sa school namin. yung sa biology lab namin.

morenababe

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 653
  • Karma: +6/-10
  • who?!
    • beauty is sophistication
Re: GHOST STORIES
« Reply #722 on: August 10, 2012, 02:08:59 pm »
nangyari to nung birthday celebration ko here in our house.
i invited some friends over..usual celebration overnight, foods, drinks...
nasa terrace kami . 5 kami nun.
noon pa may mga naririnig na kong something sa house namin especially pag madaling araw na.
sa terrace namin kasi namin kitang kita yung loob loob ng 2nd floor since may malaking window. sa 2nd floor namin nandun yung rooms ng brothers ko.
so that night naka-upo kami sa banig then i noticed my friends keeps on looking inside the house. as in maya`t maya lumilingon sya sa loob. napalingon din ako and it`s dark inside our house kasi tulog na mga tao.
the next morning yung isa kong friend tinanong ako ng friend ko kung may iba pa daw bang nakatira sa bahay maliban samin ng family ko. sabi ko minsan yung tito ko sa bahay natutulog pero wala sya last night. then she told me nung gabi daw kasi may daan ng daan sa 2nd floor. pabalik balik daw parang nagbabantay.
di ako agad naniwala kasi mahilig talaga mang-trip yung friend ko na yun. pero kinilabutan talaga ako since 3 silang nakakita and nagsasabi na may nakita nga sila.

when they left i started thinking what they told me. and naalala ko before twing madaling araw pag  gumagamit ako ng computer na nasa first baba lagi akong may madidinig na footsteps na bumababa then i would waited for it kasi baka kapatid ko lang but minutes would pass and no one is coming down pero nadidinig ko pa rin yung footsteps. minsan naman madidinig ko yung foosteps na palakad-lakad sa taas, madali lang kasi madinig kasi kahoy yung floor sa taas. iniisip ko brother ko lang baka mag-ccr since may cr naman sa taas so i will wait na bumukas yung door ng cr pero parang yung sa stairs lilipas yung time wala namang nagbubukas ng cr door palakad-lakad lang.

then i remembered a story one of our neighbors told us. kasi yung house ng neighbor namin may 3rd floor and may rooftop sila . yung likod kasi ng bahay namin may pader kasi kami yung nasa gilid ng subdivision and sa kabilang side ng pader puro talahib na. so 1 night daw habang nasa rooftop yung kapit-bahay namin napatingin sya sa likod ng bahay namin nagulat daw sya kasi pagtinigin nya dun sa kabilang side ng pader may nakita syang lalaki na nakatingin daw sa house namin.

so yun lang
Leeteuk: We're going to continue on until the day that Pearl Sapphire Blue balloons cover the entire world.

michi.ko

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #723 on: August 20, 2012, 01:26:03 am »
grabe ktakot ung stories:(( .. almost 2am n dto s jpn:(( obon(prang term nila for chinese ghost mnth) pa:(( ktakot....  newbie lng po ako:) at lakas ng trip ko mgbasa ng horror:D anyways meron dn po aq nkktakot n experience...

actually nanyri po to s pinas... bata paq nun cguro mga 5? nun lumipat kme s bhay nmin s cebu... tuwang tuwa c mommy kc anlaki nun nkuha nyang bhay in cheap price...ang ganda p ng location(if my mind reminds me well its somewhere in mactan cebu).... so aun una normal nmn ksama ko tito ko my stepdad then si mommy...AKALA LNG PALA NAMIN UNG NORMAL>.< after ilang days my mga weird n bgay n ung nanyyri s amin... tuwing 6pm(impunto tlg) my nririnig kmeng iyak ng  bata... akala nmin dun un s kapitbahay nmin kc ang lapit nya tlg... everyday tlg.... eh bata paq nun nde ko p tlg alam pero c mommy nkaramdam n pla ng kakaiba dun... pro nde nya cnasbe s akin kc bata pa man aq my taglay naqng karuwagan:))... so aun nga prang nging normal n s amin un... nde n lng namin pinansin as long as un lng nmn gnagwa nya... PERO akala nmin titigil n un ng gnun pro nde pa pla... one time ntutulog aq eh ung tito ko dancer bglang kumatok s room ko... so sbe nya tuturuan nya dw ako sumayaw... sbe ko ok... taz aun sayaw cguro mga 2hrs dn kme ngpractice(pre prang laro lng un:D) bglang sbe nya mligo kna after mo ako n mlligo... sbe ko okei,umakyat naq s kwarto ko AT NATULOG! haha... so aun habang ntutulog aq nririnig ko ung tito ko n sinasbe "KOY(nickname ko) MALULUNOD KANA JAN!!" sbe ko huh? so aun lumabas aq ng kwarto sbe ko "TITO TWAG MO KO?" ung tito ko npatalon tlg! as in wagas ung itchura nya:D haha sbe nya "BAT KA ANJAN? NLILIGO KA DBA?!" sbe ko "NO,IM SLEEPING HEHE SORRY O:)" sbe nya nkta nya dw aqng pmasok and take note NARRINIG NMIN UNG GRIPO S TOILET NKABUKAS!!! eh ung tito ko duwag dn ayw buksan  ung pinto... auko rn no!!! so ang ending c mommy ngbukas and to our shock wlang tao and nkapatay n ung gripo!!!!! grabe lng akala ko tumakas ung puso ko s shock!!>.< akala ni mommy nanttrip lng c tito...pro sbe ko nde tlg mom umaandar tlg ung gripo knina....sbe nya okei lng dw un wag ng pancnin... pro my isang bagay tlg n nkapagdecide kay mommy pra umalis n dun.... kc one night tulog n kme... ktabi ko c mommy.. my inilalagay kc xia s akn n pngontra.... habak un s bisaya... kontra multo lamn lupa ung mga gnyan... so aun tulog n nga kme... cguro 12midnight un sbe ni mommy gumicng dw aq tinanggal ko un taz pgkatanggal ko tinitigan ko lng dw c mommy.... taz humiga ulit aq... imagine ung shock ng nanay ko... pro aun bumangon prn xia then sinuot ulit un s akn.... pro mga ilang minuto lng dn dw tinanggal ko ulit... taz titig n nmn kay mommy... then c mommy bumangon dw sbe nya gcng kb nak? nde dw aq sumagot titig lng xia s akn... tulog dw tlg aq... so ang ginwa ni mommy humanap xia ng mtindi tlg n pantali.... so aun nde ko n dw ulit tinanggal... the next day tinanong nya dw aq kung naalala ko ung kgabe sbe ko NO, bakit mommy what happened?.. sbe nya nothing...pro naalarma n tlg xia... so ngtanong2 n xia about s bahay n un... aun nlaman n ung bhay n un pla... pg mamay-ari ng babae n s jpn dn ngwwrk taz my isang anak n naiwan s mama nya..so lola nun bata kumbaga,...eh msama ung lola cnasaktan ung bata gnugulpi gnyan...taz hanggang s namatay ung bata nilibing dun s ilalim ng bahay....taz ung lola nabaliw dw kc nga lgueng umiiyak ung bata.... hanggang s namatay din....kya pnarentahan n lng ung bahay.... so the next day umalis n kme dun.,,pro grabe po ang creepy ng bhay n un mix multo at mssamang elemento.... my kapre pa... ung tita ko npagtripan hinila ung paa.. pro gud thing mjo my alm kmeng pngontra..pro sna kung cno man nkatira dun now nde n minumulto>.<


kinikilabutan aq habang ngttyp!!!!!!!!!!!!!!! shux lng!! kht sbhin n nde nkakakot or oa lng aq...until now kinikilabutan prn aq... ung s iyak ng bata and shower naaalala ko prn til now...ung pangontra thingy nmn mommy ko ngkwento:)

im_a_loner

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 4
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: ...HORROR STORIES... anyone?
« Reply #724 on: September 02, 2012, 06:28:27 pm »
di koh na binasa ung third story...takot na kohh....hehe..ganun ako kaduwag.... ;)

kinabahan ako dun ahhh

chocomoko

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 1
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #725 on: September 22, 2012, 03:38:41 pm »

Kahapon ko pa to nabalitaan.. i just want to share lang  :)

May four na nagpapicture sa isang room ng school namin dalawang madre tiyaka dalawang estudyante tapos nung pagtingin nila sa picture may nahagip na kasali  :o parang white lady o something daw pero hindi siya nakaharap sa camera nakaside view siya pero kitang kita mo parin na babae siya tiyaka yun bang parang yung body e buto nalang ganun. Tapos kung e zozoom yung picture mababakas mo talaga sa itchura niya na nakakatakot talaga grabeh ang weird lang daw tignan tiyaka nakaka goose bumps nakita kase ng classmate ko yung actual picture kahapon tapos ayun natatakot na kami pumunta sa room na yun tiyaka yung nagpapicture hindi na nagpapapicture.

Tapos eto naman e experience ng teacher ko sa faculty room. Busy kase sila this days kasi may event na gagawin yung school tiyaka may mga visitors. So ayun todo gawa sila ng mga kakailanganin tapos at thee same time nagpaplano then sila. Two nalang yung naiwan sa faculty room kase umuwi na yung iba medyo gabi na kase nun. So ayun si Maam tiyaka yung isang guro ng school yung naiwan dun akmang magsasalita na sana yung kasama ni Maam ng biglang may narinig silang malakas iyak ng parang matanda na tapos yun bang parang nilalamig nagkatinginan sila maam kase silang dalawa nalang yung nandon so sino yun diba? Dali-dali daw silang lumabas ng faculty at iniwan nalang yung mga gamit nila naulit daw kase taz nakakatakot na yung narrinig nila simula nun wala ng nagpapagabi sa faculty room.


Karanasan ko naman to nung elementary pako. Wala kaming klase nung time na yun kaso di pa kami umuuwi naisipan kasi naming magkwentuhan muna about *ghost* tapos ayun halos takot na kaming lahat sa mga iba't-ibang kwento ng mga kaklase ko. Bigla nalang kaming nakaramdam ng kakaibang lamig kahit na 1:00pm hapon na tiyaka ang init nung time na yun nagkatinginan kaming lahat nang biglang *boogsshh* may bumagsak pagtingin namin dun sa pinanggalingan ng ingay wala na nahulog na yung Jar sa room namin na may tubig. Yun pala yung bumagsak tapos may dumaan na maliit na pusa sa harap namin nanigas talaga kami nung time na yun ang liit kaya ng pusa tapos ang laki ng Jar namin kaya impossible na yung pusa yung may kagagawan kung bakit nahulog yung Jar. Diba? Tiyaka nung sinundan namin ang pusa di namin naabutan kahit tanaw pa sana yun namin ewan kung anong nanyari sa pusa na yun. Walang naglakas loob na sauli ang Jar sa pwesto neto dati kase pagkatapos ng scene na yun nag-unahan na kami sa pagtakbo papalabas ng room.


Nakakatakot ba tong kwenekwento ko? marami pa kaso eto muna haha! Sana may natakot  ;D

P.S totoo lahat ng to

PseudoWriter

  • bubblegum
  • ****
  • Posts: 691
  • Karma: +15/-6
  • Haaaaaaave you met Ted?
Re: GHOST STORIES
« Reply #726 on: September 23, 2012, 09:37:37 pm »
Hindi ko na binasa yung ibang pages. 1st page palang natatakot na ako. :'(

spacemonkey

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 66
  • Karma: +3/-4
  • 'sup
    • i blog here.
Re: GHOST STORIES
« Reply #727 on: September 23, 2012, 11:31:49 pm »
anybody from Miriam College here?

if you are, ever heard of that story of the grade 7 class night where the ground sank? its TRUE. i was there.


i remember all the grade 7 classrooms were at the 4th floor, except ours. during the class night though, they moved us to the 3rd floor, so they could check up on us easily.

anyways, i remember we just heard screaming from upstairs, and someone ran to our classroom to tell us to go to outside the hallway because something was happening. when we did and looked down, the grass field had sunk to spell something like "Hello love, ok?" when we looked up to the clouds, it was all red, and it looked like it was in the form of a smiley face. i kid you not. then, it changed into what looked like a wolf. red skies. around 11-12 midnight.

the story goes that one class was playing spirit of the glass upstairs, and asked the "spirit" to prove that he was really there. the glass formed the words "hello love, ok?"

i don't remember what exactly happened that they knew something was happening outside, but i could swear i saw something that night.

the next day, the grass field with the sunken words was dried out and dead. which is funny because the teachers and chaperone moms were telling us that it was just water and somebody watered the grass that night. riiiiiight.

i started believing in the paranormal after that. i couldn't go to the bathroom or take a shower by myself for weeks after that incident.

kewlblue_element

  • Guest
Re: GHOST STORIES
« Reply #728 on: September 24, 2012, 09:36:43 am »
Most of the time wala lang sakin mga ghost stories. Ni hindi ako naapektuhan xD gwapo kasi ako eh haha.  ;)

dana_rielle915

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 21
  • Karma: +0/-0
  • I am a gamer--couch potato--nerd. :)
Re: GHOST STORIES
« Reply #729 on: October 25, 2012, 11:17:16 am »
Itong experience na to ay isa sa mga pinakanakakakilabot kong experience...

Kasalukuyan akong nakatira sa condo nila lolo't lola ko since yung university na pinapasukan ko ay malapit lang sa kanila. Of course, as a college student, normal na iyong nagpupuyat para tapusin ang requirements or magreview para sa isang exam. Ang dalawang pangyayari na ito ay nangyari habang ako'y nag-aaral.

Noon, sa dining table ako lagi nag-aaral. Nakaharap kasi ako sa tv (para di ako antukin, pero di naman ako gaanong nadidistract), at malambot yung upuan. HEHE.. Anyways, pag nakaupo ako, ang nakikita ko sa harap ko ay yung kitchen at sa left ko ay yung sala. Yung table kasi ay nakadikit sa wall ng kwarto nila lola (dividing their room from the kitchen/dining area), so ang nasa right ko ay ang pintuan nila. Madalas magising si lolo ng madaling araw para mag-cr or uminom, and minsan naaabutan pa niya akong nag-aaral. So minsan, habang nag-aaral nga, nakita ko sa peripheral vision ko na dumaan si lolo, kasabay ng pagkakaroon ng shadow sa aking binabasang libro na para talagang may dumaan sa likod ko, pero parang split second lang talaga. Tatanungin ko sana si lolo kung either mag-cr ba siya or iinom (kung bakit ko tatanungin ay hindi ko rin alam, basta parang automatic na), ngunit laking gulat ko nang lumingon ako....



WALANG TAO!

Akala ko talaga nandoon si lolo, pasalita na nga ako eh, ngunit parang sumabit sa lalamunan ko yung sasabihin ko nung narealize kong wala pala akong kausap (wala nga ba?). Di ba kasi pag may dumaraan sa likod mo, kahit di mo nakikita, nararamdaman mo, kaya minsan mapapalingon ka para tignan kung sino yung dumaan? Dun ako biglang kinilabutan mula ulo hanggang paa (as in nanlamig pa buong katawan ko). Bigla akong napalipat sa kwarto sa takot...

Akala ko last experience ko na yun, at umaasa akong yun na nga ang last, ngunit naulit muli... Dahil nga sa pangyayaring yun, doon na ako sa sala nag-aral. Muli, isang gabi, hindi pa naman madaling araw, siguro mga 10 or 11, nakayuko ako't nagbabasa. Bigla na lang may shadow ulit na parang nag-lean over sa akin mula sa right side ko. Yung parang sinisilip yung inaaral ko? Napatingin ulit ako sa taas at sa gilid dahil di ko alam kung ano yung naexperience ko. Pinagtataka ko, mayroon ulit yung parang shadow din sa binabasa ko na para talagang may humarang sa ilaw, pero sobrang bilis lang ulit... Ang weird talaga! Tuloy sa kwarto na lang ako nag-aaral ngayon...  :(

Siguro may nagsasabi lang na tama na ang pag-aaral, o kaya nama'y nanggigising sa akin, baka daw ako makatulog...

----------------------------------------------------
Itong iba naman, matagal na nangyari, but ikwento ko na rin...

Yung tintirhang bahay ng tito ko ngayon ay ang parehong bahay kung saan sila lumaki ng tita ko. Noong bata ako, madalas pa kami dun magbakasyon nila mama, dati doon din nakatira sila lola, pero lumipat din sila eventually. Anyways, sabi ng lola ko, mayroon nga daw tlgang nakikitira sa amin dun. Madalas daw kasi, noong dun pa siya nakatira, may nakikita siyang puti na dumadaan-daan at mahilig daw paglaruan yung mga gamit niya. Yung tipong hanap ka ng hanap, tpos mamaya makikita mo dun sa lugar na hinanapan mo na. Wala naman ako masyadong experience dun, except yung maririnig mong parang may gumagalaw ng mga pinggan sa kusina (baka daga lang?  ;D), pero ang tanda ko, nung minsang natulog kami doon, may bumulong-bulong sa akin! Di naman naiiintindihan ang sinasabi, parang "Pshwshewehspe" lang, random sounds. Di ko ikwinento kila mama yun kasi akala ko panaginip ko lang since half asleep ako nun, pero nung high school ako, napagkwentuhan nila lola yung mga kababalaghan sa bahay na yun, at nabanggit nga na mayroon daw bumubulong. Kinilabutan ako nang narealize kong baka pala totoo yung narinig kong yun at may bumulong nga sa aking something nung bata ako! Creepy...


Nung high school naman ako, yung isang teacher namin may third eye daw... Nung minsang umaga, habang nagtuturo siya, bigla siyang napatigil at napayuko na parang may iniwasang something na lumipad sa tuktok niya, sabay parang may sinusundan ng tingin sa taas... Siyempre buong klase naschock kasi wala naman kaming nakitang kahit ano eh kalagitnaan pa ng klase, so hindi namin ineexpect na may ganun. Sabi nung teacher namin, "Nakita nyo yun?" Eh kami naman, tumingin sa taas, at wala talaga... Sabi na lang niya, "Parang may ano... basta, anyway.." Tapos tuloy sa lesson, kaming lahat naman ay parang " :-\ ??? Anong nangyari?" Pero kasi yung school namin ay dati daw sementeryo, noon nga daw bagong tayo yung school, may mga nahukay pang bahagi ng skeleton ng tao yung isang teacher na tumulong sa pagtanim ng mga halaman. Confirmed rin ng lolo ko na sementeryo nga yun dati since sa probinsyang yun din siya lumaki...

« Last Edit: October 25, 2012, 12:22:32 pm by dana_rielle915 »

nikkaniks16

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 18
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #730 on: October 26, 2012, 09:59:19 am »



No. Yun yung nangyayari satin na patulog na tayo kaso biglang magigising. Myoclonic Jerk ang tawag dun.

IAmNowHereForYou

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 17
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #731 on: November 07, 2012, 07:34:38 pm »
WAAAHHHH!!!  :'( Sinimulan kong basahin pero di ko kinaya!  :-[ ANG DUWAG KO TALAGA! KAKATAKOT!  :-X

Jjoelovesyou

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 30
  • Karma: +2/-0
  • Shikamaru Nara
    • Twitter
Re: GHOST STORIES
« Reply #732 on: November 11, 2012, 06:48:35 pm »
I have this story, kinuwento lang ng classmates ng Kuya ko, na kinuwento naman ng Kuya ko sakin. So.. eto na.

One day daw, mga 6:00PM na nun, yung 5 classmates ng Kuya ko nag-CR sa second floor ng building nila. Yung floor daw na yon, hindi masyadong nagagamit at medyo matagal nang hindi napapalitan yung mga ilaw. Wala naman silang choice kundi yung floor na yun yung gamitan nila ng CR since napi-pee na sila. So yun nga, nauna yung tatlong boys kasi sira daw yung ilaw ng CR, so yung dalawang lalaki taga-ilaw habang yung tatlo nagpi-pee. Pagtapos nung tatlo, yung dalawa naman yung nag-pee then yung isang boy yung taga-ilaw habang yung dalawang lalaki lumabas na at dun na nag-hintay.

So habang naghihintay yung dalawa sa labas, nanalamin muna sila dun sa pintuan ng isang hindi na ginagamit na room. May transparent glass kasi yung bawat room and since madilim sa loob ng classroom, nakikita nila yung reflection nila. So ayon, habang nananalamin daw sila, may napansin daw yung isang boy. Sabi nya pa,

   "Uy, tingnan mo oh! May babae sa loob!" Sabi nung isang boy na unang nakakita.

   "Oo nga no?" Sabi pa nung isa habang inaaninag daw yung girl sa loob.

Nakita daw nilang nakatayo yung girl sa loob ng room dun sa pinakadulo, nakatalikod sa kanila. Yung kalahating katawan lang daw yung nakikita nila tapos nakasuot daw ito ng mahabang damit na kulay puti. Sobrang puti din daw nung girl tapos mahaba yung buhok. Kaya daw nila nakita yung girl sa loob dahil daw sa ilaw na nanggagaling sa corridor.

   "Tara puntahan natin?" Sabi nung nakakita.

   "Sandali.. diba second floor 'to?" Tanong daw nung isa.

   "Oo nga no?" Tapos daw nagtinginan daw silang dalawa at biglang tumakbo habang sumisigaw.

Pati nga daw yung boy sa CR na nag-iilaw dun sa dalawang nagpi-pee tumakbo din eh. Kaya ayun, iniwan nila yung dalawang lalaki sa loob ng CR.


Ayun lang po ^^ Haha  ;D
“The real me lives on the internet.”

prinsesangmanhid

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 39
  • Karma: +0/-0
  • Judging someone doesn't make you cooool. :D
Re: GHOST STORIES
« Reply #733 on: December 07, 2012, 12:19:06 am »
BALAHIBOO KOO ! XD

sugarminty_67

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 17
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: GHOST STORIES
« Reply #734 on: December 30, 2012, 09:04:56 pm »
Katakoooot!!!!!
"Yet, the Arcana is the means by which all is revealed. Beyond the beaten path lies the absolute end. It matters not who you are...Death awaits you." -Nyx Avatar, Persona 3

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

What We Had: A Wonderful Time at Wanderland

by: dyan, 2013-05-24

Sharing a few of my favorite memories from the Wanderland music festival:     We can’t wait for Wanderland 2014! Photos courtesy of...


ADVERTISEMENT

TEENTALK