Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: Hey, Stranger.  (Read 116 times)

PrAAda

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 81
  • Karma: +3/-0
  • PrAAda Babe.
Hey, Stranger.
« on: June 20, 2014, 01:59:51 PM »
You can also read this in Wattpad since I usually update there. :)

Link - http://www.wattpad.com/story/18018183-hey-stranger

--

Paano nalang kaya pag gising mo wala kang maalala sa mga ngyari sa buhay mo. Hindi mo din alam kung sino ka o ang mga tao sa paligid mo.

Lahat nakalimutan mo. Blanko.

Araw araw, may nagpapa-alala kung sino ka at sino sila sa buhay mo. Kahit nakikita mong nahihirapan na sila, patuloy pa din silang pinapaalala sayo lahat.

At ang mas malala...

Paano nalang kaya ang taong mahal mo ay ngayon isang ng stranger sa tingin mo?

--

 

Prologue

Hey, stranger!

Remember me? Ako yung nakilala mo sa England. Nuong mayroon kaming college trip sa United Kingdom kasama mga classmates ko. Ako yung girl na nakita mong nakatayo mag-isa sa Tower Bridge habang pinagmamasdan ang dahan dahan ikot ng London Eye…


Simula ng pumatak ang mga luha ko sa papel na aking sinusulat. Napa-hawak nalang ako bigla sa aking bibig para hindi ako makahikbi ng malakas. Ayokong marinig niya akong umiiyak. Inalala ko na naman ng paulit-ulit ang sinabi sa amin ng doctor tungkol sa lagay niya.

"Due to the severe head injury which affects the brain that interfere with the intricacies of memory. Our patient struggles with hysterical amnesia. It is a very rare type of amnesia. Patients forget not only their past, but their very identity. A person could wake up and suddenly not have any sense at all of who they are - even if they look in the mirror they do not recognize their own reflection. From them they see it as stranger.  In most cases the memory either slowly or suddenly comes back within a few days. However, the memory of the shocking event itself may never come back completely." Explain ng doctor sa amin ng malaman namin na hindi niya maalala lahat sa kanya.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa aking mata at hinipan ang basang tulo mula sa papel. Nagsimula ako mag-sulat ulit.

… Naalala mo na ba? Pinicturan mo pa nga ako nun e! Nagulat nalang ako ng lumapit ka sa akin at ipinakita ang litratong kinuha mo galing sa polaroid mo. Naka-side view pa ako nun habang nakatingin sa London Eye.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga sandaling iyon.

Naalala mo na ba ako?


Hininto ko ang pagsusulat ko dahil hindi ko nakaya ang sakit na nararamdaman ko. Pinikit ko nalang ang mata ko at inisip lahat ng mga sandaling magkasama kaming dalawa.

 

(One Year Ago.)

 

Wow! Eto na pala ang England na lagi kong napapanood sa movies. Ibang iba ito. Lalong gumanda sa personal. Kaso one week lang kami dito dahil isa lang ito sa educational trip ng college namin. After dito sa United England sa Spain naman kami.

Buti nalang binigyan kami ng four hours free time ng Prof. namin para mag-ikot ikot o gawin ang gusto namin gawin dahil mamaya ay tutungo kami sa Shakespeare’s globe para manood ng isang theatre play.

Napahinto ako sa pagtitingin sa paligid ng tinapik ako ng kinikilig kong best friend na si Theresa Serneo. Nakakita na naman ng gwapong British guy.

“Girl, oh my god! Tignan mo! Tignan mo! He’s so hot! Gusto ko tuloy siyang hubaran at i-lick yung katawan niya.”

Bigla kong tinapik siya sa balikat niya at tumawa. Nakisabay nalang ako sa kanyang gusto.

Humiwalay ako sa kanila. Nagpi-picture taking pa naman ang iba dito sa Tower Bridge. Tapos naman na ako mag-picture picture kasama sila, kaya dito nalang muna ako sa isang sulok. Gusto ko muna pagmasdan ang view dito sa Westminster kung saan nakikita ang London Eye, Parliament Building, Big Ben at kung ano pa.

Habang tinititigan ko ang dahan dahan ikot ng London Eye, may biglang lumitaw na litrato sa harapan ko. Nabigla ako kaya naman napatalon ako ng onti.

Tumawa ang pagma-may ari ng litrato at ngumiting binigay sa akin ang litrato.

“Go on. Take it.”

I hesitatingly took the picture from this stranger’s hand and stared at the picture.

Nakunan ito gamit ang polaroid camera.

Tinignan ko ang aking sarili na naka-side view habang tinitignan ang London Eye. Nakapatong ang aking siko sa hawakan ng bridge. Ang aking buhok ay medyo nahangin ng hangin. At huli sa lahat, ang ambiance at contrast ng kabuuan ng nasa loob ng litrato.

It was created in a perfect form of art.

“It seems like you adore the photo, huh?” Rinig kong sabi ng may ari.

Hindi ko pa din nililingunan ang stranger na ito, kaya naman hindi ko pa alam kung ano ang itsura niya.

Nakangiting tinitignan ko ang litrato habang hinahawi-hawi at tumango.

“I do.” Ang tangi ko lang nasabi.

Ng nilingon ko siya. Nakangiti na ito kaagad sa akin.

“Hey, stranger.”

“Hey, stranger too.” Sagot ko.

We both chuckled.

“I’m Art Nicholas Villamoran.” Pakilala nito sa akin at pinahaba ang kanyang kamay para makipag-shake hands.

“Aira Fernandez.” Nakangiti kong pakilala at hinawakan ang kanyang kamay.

Madami kaagad kaming napagusapan ni Nicholas tungkol sa bagay bagay. Mabait ito, minsan matalas din ang mga nasasabi niyang salita. Hindi siya mahilig magpatawa ng tao dahil gusto lang daw niyang kusa nalang matawa o matuwa ang taong kinakausap niya. May tawanan na kahit ako nalang nagpapatawa at may ibang usapan naman na seryoso. Kumbaga kinikilala pa lang namin ang isa’t isa.

After all, we’re both strangers to each other.

--

You can also read this in Wattpad since I usually update there. :)

Link - http://www.wattpad.com/story/18018183-hey-stranger
« Last Edit: June 20, 2014, 02:17:08 PM by PrAAda »

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Happy Halloween, Candy Girls!

by: ayessa, 2014-10-31

We hope you're all having a blast today because it's that time of the year again when you can scare people, have so much fun, and dress up like your favorite characters or icons—Halloween!...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved