Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: Out Of Tune (On-Going)  (Read 447 times)

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Out Of Tune (On-Going)
« on: June 10, 2014, 09:42:29 PM »
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are the product of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.
-----------------------------

« Last Edit: June 11, 2014, 07:34:33 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #1 on: June 10, 2014, 09:47:35 PM »
Intro

Sa lahat ng masasakit na nangyari sa buhay ko, ito ang pinakamasakit. Parang niwrestling ng mga sumo wrestler ang puso ko sa sobrang sakit ng nakikita ko. Hindi ako makapaniwalang nagawa niya sakin ang ganitong bagay, at hindi ko akalaing nagbulag bulagan ako sa pagmamahal ko sa kanya.Paano ko ‘to nagawa sa sarili ko? Wala akong nararamdaman kung hindi ang awa sarili ko at galit para sa kanya.

Dapat naniwala ako sa sarili ko, dapat mas una kong inintindi ang isip ko hindi ang sinasabi ng puso kong mahal ko siya at hindi niya ito magagawa sakin. Napakasakit.Gusto ko siyang saktan at yung babaeng kasama niya sa kama. Nagpakawala ako ng isang mabigat na hininga na siyang nagpatigil sa ginagawa nilang dalawa.

Nakahawak parin ako sa pintuan ng condo ni Marcus habang nakatingin sa kanila ng seryoso. Ayokong pakawalan ang mga luha sa mata ko. I don’t want them to see these tears. I don’t want them to see that I’m weak. Gusto kong makita nila na naguumapaw ako sa galit sa kanila.

Nilapitan ako ni Marcus nang seryoso at hindi parin makatingin ng diretso. Mahal na mahal ko siya, I admit. Pero ngayon, ang tanging kagustuhan ko na lang ay makita siyang lugmok at nagmamakaawa para bumalik ako sa kanya. Naging losyang ba ako sa paningin niya? Pumangit ba ko? Bakit kung makapag cheat siya ay yung mahuhuli ko pa?

“Raffy.” Maikli niyang sagot. Ngumiti ako na siya namang kinagulat niya. Nararamdaman ko na ang naghihingalo kong puso. Pero muli ko itong bubuhayin, hindi para sa pagmamahal ko sa kanya, kung hindi sa galit.

“Mukhang pagod na pagod ka na ha? Sige aalis na ko, mukhang nakakaabala pa yata ako sa ginagawa niyong dalawa.” Tumalikod na ko ngunit niyakap niya ko galing sa aking likuran.

“S-sorry.” Pinilit kong kumalas sa yakap niya.

Bakit ko hinayaan ang sarili kong magbulag bulagan sa mga kagaguhan ng isang ‘to? Noon pa man din, alam kong may mga babae siya ngunit binabaliwala  ko ang mga pagdududa ko dahil sa sinabi niyang mahal niya ko. Masakit sobra. Napaka possessive din niya at madaling uminit ang kanyang ulo.Pakiramdam ko, everytime na kasama ko siya ay masasaktan ako.

Umiling lang ako sa sinabi niya. Humarap ako sa kanya habang pinipigil ang mga nagbabadya kong luha. Hinding hindi ako iiyak sa harapan mo, Marcus Gatchalian.

“Binigyan mo na ako ng sugat, pero hindi ka pa nakuntento, nilagyan mo pa ng asin para mas lalo pang humapdi. Salamat ha.” Nakita kong napangisi pa siya sa sinabi ko.


“May sasabihin ka pa?” Umiling lang siya kaya naman tumalikod na ko saka tumakbo.

Napakasama niya. He is Lucifer’s long lost son at ngayon ko lang iyon napagtanto. Napailing ako sapagkat narealize ko kung gaano ako katanga. Nang dahil sa katangahan at sa pagbubulag bulagan ko ay ito, nasaktan ako.

Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi habang naglalakad palabas ng building. Walang hiya siya! Ngayong araw lang ako iiyak at pinapangako kong sa mga susunod na araw, wala na akong ibang gagawin kung hindi ang panuorin siyang lugmok at nagmamakaawa. Itaga mo yan sa bato Marcus. Someday, you’ll beg for me at kapag nangyari yun, mas lalo kitang itutulak pababa nang maramdaman mo ang sakit na ipinaramdam mo sakin. Kung maari ay dodoblehin ko pa sayo.

Naglakad ako  at sumakay sa kotse ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta drive lang ako nang drive. Bahala na si batman. Blurry ang paningin ko dahil sa luhang walang tigil na dumadaloy sa mukha ko. Ang kapal talaga ng mukha niya! Siguro ngayon ay ako naman ang pinagtatawanan nilang dalawa. But I will make sure na ako naman ang gagawa nun kapag nakabangon ako. Papatunayan ko sa inyong nasa akin parin ang huling halakhak.

Hindi naman sana  Friday the 13th ngayon pero sagad sagad ang kamalasan ko. Naubusan ako ng gas at napahinto ako sa isang liblib na lugar na ang tangi mo lang makikita ay mga puno. Nakakainis dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. Napatingin ako sa cellphone ko, battery empty naman. Anak ng tae naman oh! Ang swerte ko naman!

Kinakabahan ako kaya naglakad lakad na lang muna ako sa medyo putik putik na kalsada. Sementado ang daan ngunit sa gilid nito ay ang mga lubak ng mga lupa na may mga putik. Mukhang walang masyadong nadadaan dito ah? Nakakakaba tuloy dahil baka mamaya, may mga lasing sa tabi tabi at umaaligid na pala sakin nang hindi ko alam.

May narinig akong kotse sa likod ko na umaandar kaya naman napalingon ako. Ngunit laking gulat ko nang bumusina ito dahil muntik na niya akong mahagip kaya naman tumakbo ako papunta sa side at ayun, minalas nanaman ako dahil natapilok ako at napangudngod sa putik. Ang itsura ko? Puro putik na damit at ang mukha ko ay brown na brown. Buti na lang at hindi ko nalasahan ang putik! Hinayupak na driver! Wala siyang modo!

Agad na bumaba ang isang lalaking naka T-shirt, short at nakasapatos lang na vans. Napalunok ako samala-adonis na tumatakbo papunta sakin. Napatulala ako saglit at nagising lang ako nang marinig ang irritable niyang boses.

“Miss, are you alright?” Nanginig ang laman ko sa walang kwenta niyang tanong.

“Muntik mo na akong masagasaan. Natapilok ako at nangudngod sa putik. Tapos tatanungin mo ko kung okay ako?” Hinila niya ako patayo.

“Okay, tara sa condo ko nang makapaglinis ka.” Kinuha ko ang sapatos ko at saka ito ipinalo sa ulo niya. Nakita kong nanlisik ang tingin niya sakin kaya inunahan ko na siyang magsalita.

“Fine! Kasalanan mo ‘to! At hindi ka pa nagsosorry!” Lumapit siya sakin nang kaunti. Ngayon ko lang napansin ang buong mukha niyang  perpekto. Ang mga pilik mata niya ay hindi na kailangan ng curler dahil perpekto nang nakahubog ito, ang mga mata naman niyang kulay brown ay nakakalusaw kung tumitig.  Ano ba ‘tong mga iniisip ko.

“Ako ba tatanga tanga sa daan?” Ambang sasapakin ko ulit siya gamit ang sapatos ko ngunit pinigilan na niya ito ng kamay niya.

“Tara na! Mukha ka tuloy baboy na nahulog sa putikan.” Napabuntong hininga ako ng malalim sa sobrang asar ko sa lalaking ‘to. Nang dahil sa kanya, nakalimutan kong nasaktan ako ngayon araw na ‘to at sinusumpa kong ayaw ko nang maulit ito.

Pare-parehas silang mga lalaki. Well, except my brother and my father. Mababait silang lalaki dahil hindi sila marunong manakit.

Napatingin ako sa salamin ng kotse niya. Grabe, napakarami kong putik sa mukha at halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Nakita ko sa peripheral vision ko ang pagpipigil niya ng tawa sa pagkagulat ko sa aking itsura kaya naman dinampot ko ulit ang sapatos ko at akmang sasampalin nanaman siya ngunit naagaw niya agad ito.

“Taong putik.” Gosh! Ang sarap niyang ingudngod sa manibela! Mas lalo akong naiinis sa pagme-make face niya! Wala siyang konsensya!

Nakita kong may tumawag sa kanya at malandi pa siyang tumawa tawa sa kausap niya. Babalikan ko na lang ang kotse ko doon. Mukha namang hindi ako gagahasain nitong siraulo na ‘to at mukhang iba naman ang minamanyakan niya. Malamang ay girlfriend niya ang kausap niya at eto naman ako, nagiging bitter!

Binaba niya ang phone niya at ako naman ay nakatingin lang sa bintana ng sasakyan at inaalala ang mga nangyari kanina kaya naman tumutulo nanaman ang luha ko sa pisngi kong puno ng putik. Hindi man lang niya ko binigyan ng pamunas! Bwisit talaga ‘tong lalaking ‘to.

Kailangan ko ng karamay, kailangan ko ng kaibigan, pero wala kong matakbuhan kung hindi ang sarili ko dahil nasa New York ang mga tunay kong kaibigan at hindi ko alam kung kailan sila babalik dito. How nice! Nakakainis!

Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Wala akong pakialam kung naririnig niya ang paghikbi ko. May kasabihan naman tayong ‘mind your own business’ diba?

Naramdaman ko na lang na napahinto na siya. Nauna siyang lumabas at ako naman ay lumabas na rin. Sinundan ko siya kung saan man siya patungo. Halos pagtinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin pati na rin ang mga kasama namin ngayon sa elevator. Paano ba namang hindi? Puro putik ako at may kasama akong mala demigod ang kagwapuhan.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa tapat ng condo niya at agad din naman akong pumasok. Ang linis ng condo niya at parang hindi lalaki ang tumutuloy dito. Nagbalibag siya sakin ng tuwalya at saka itinuro ang direksyon ng banyo.

“Maligo ka na! Can take care of your clothes.” Napatulala ako.
“BILISAN MO!!” Natinag ako at tumakbo na papuntang Cr.

Wala talaga siyang modo! Napaharap ako sa salamin at gosh! Ang pangit ko dahil sa putik na bumabalot sakin. Kahit na malamig ang tubig ay mainit parin ang katawan ko sa galit ko kay Marcus, sa babae niya at dito sa lalaking long lost son din ni Lucifer!

Nandidiri ako sa katas ko kaya naman agad na akong nagbanlaw at paulit ulit na nagsabon. Nang matapos ako ay napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Anong problema at pinalitan niya ko? Wala siyang puso! Hindi naman ako ganun kapangit. Naging losyang na siguro ako sa paningin niya. Type niya siguro ang mga liberated na babae! Napailing ako at pinunasan ang luhang muling tumulo sa mata ko.

Lumabas na akong nakatuwalya. Nakita ko siyang nakatalikod at hawak hawak ang cellphone niya na parang may katext.

“Psst!” Napalingon siya sakin. Una ay nakabugnot ang kanyang mukha ngunit nang tuluyan na niya kong makita ay nakita kong nabitawan niya ang hawak niyang cellphone. Problema niya?

“Asan na yung damit? Kasalanan mo ‘to kaya bigyan  mo ko ng damit!” May kinuha siyang dress sa gilid at saka inabot sakin. Hindi parin maalis ang tingin niya sakin.

“What?” Napailing siya. Nakakainis yung titig niya ah! Parang nang-iinsulto ang dating sakin kaya napataas ang kilay ko at unti-unting lumapit sa kanya. Nakita kong napaatras siya kaya mas lalo akong na-enganyong asarin itong lalaking ‘to.

“Stop it. Will you?” Papalapit parin ako sa kanya.

“Bakit?”Ang mga lalaki talaga. Laro lang ang gusto. Nang makalapit na ako sa kanya ay inilapit din niya ang mukha niya sakin which made me blush kaya naman imbis na mapaatras ay inilapit ko rin ang mukha ko sa kanya. Akala niya! Hindi ako matitinag sa mga ginagawa niya kahit na nakakatemt pa siya.

Nakita ko siyang napailing sabay sabing.

“Ibang klase ka.” Sabay iling at napaupo na sa kama niya.

Ako naman ay nagbihis na sa banyo niya at sa tuwing bumabalik ang ala ala ko kanina nung nakita ko si Marcus, para nanamang pinupukpok sa sakit ang puso ko.
« Last Edit: July 07, 2014, 06:08:12 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #2 on: June 10, 2014, 09:49:42 PM »
So that was the intro!! Will updated soon :)
« Last Edit: June 10, 2014, 09:58:48 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #3 on: July 01, 2014, 10:55:00 PM »
Track 1
The revenge

♪ Are we really over now?
Maybe I can change your mind
Soon as you walk out my door
I'm gonna call a hundred times ♪


Nakatingin kong kanta sa kanya habang nakaupo ako sa stage ng bar. May gig ako ngayon. At eto, nagpapakatanga, hoping na balikan parin ako ni Marcus na ngayon ay nakaupo sa harapan ko. Pansinin mo naman ako!

♪ Now I'm one of those crazy girls
Now I'm one of those crazy girls
Now I'm one of those crazy girls
Now I'm one of those crazy girls ♪


Pagbaba ko ay hindi man lang niya ko pinansin kaya ako na ang pumansin sa kanya. Lumapit ako sa inuupuan niya kaya naman napahinto siya sa pag-inom niya ng beer. Dito kami madalas nagpupunta nang magkasama sa Space Bar. Dito rin ang trabaho ko tuwing gabi.

“Marcus.” Mahina kong sabi. Agad niya kong hinarap.

“Kung nandito ka para magmakaawa, sorry. Kung nandito ka para landiin ako, well, sawa na ko sayo.” Agad kong kinuha ang beer para isaboy sa baboy niyang pagmumukha.

“Ang kapal ng mukha mo! Gusto ko lang namang sabihin sayo na bukas yang zipper mo!” Bukas naman talaga pero ginawa ko na lang iyong palusot. Pagtalikod ko ay tumulo ang luha ko kaya naman agad ko itong pinunasan. Hindi ako makakapayag na hindi ko magagantihan si Marcus Gatchalian.

Kinabukasan ay binanggit ko sa kaibigan ko ang tungkol sa pagmamakaawa kay Marcus. Not exactly yung story na nagmakaawa ako, but yung idea na paano kung magmakaawa ako para magkabalikan kami at maibalik ang dati.

“Magmakaawa? E halos araw araw mo yung ginagawa sa kanya! Make up your mind girl! Don’t tell me sa isang text lang niya bibigay ka na ulit?” Kinamot ko na lang ang ulo ko.

“Pagod na akong magmakaawa Mae. Pagod na pagod na ako sa kanya. Hayop siya! Isa pa hindi naman siya nagtext sakin!” Pungalumbaba ako habang nakatambay kaming dalawa sa coffee shop.

“E bakit parang concern ka parin girl? Excuse me lang ha! Sinaktan ka na niya! Nakipag ‘do’ na siya sa iba kaya isaksak mo diyan sa kokote mong hindi ikaw ang una niya! Yuck. Nakakadiri na talaga yung walang hiyang Marcus na yun! Ako ang hina-highblood dito e.” Sabay paypay pa niya.

Nakatambay kami sa bittersweet café. Ayoko munang pumasok sa trabaho dahil banas na banas pa ako sa nangyayari sa buhay ko. Kaya naman buong linggo, business na lang namin ni Mae ang inatupag ko. Buti na lang at umuwi ‘tong bruha na ‘to dahil kung wala siya, paano na ko?

Tuwing gabi ay nasa Space Bar ako upang sumideline ng gig. Kasama ko lagi si Louie na boyfriend ni Mae. Minsan nga ay naa-out of place ako sa ka-sweetan nung dalawa. Naalala ko nung si Marcus pa ang sweet sakin. Pakshet na lalaki yan! Ang sarap niyang ibitin ng patiwarik pagkatapos ay hiwa-hiwain ng paunti-unti ng blade! Alam kong morbid pero yan talaga ang gusto kong gawin sa kanya.

Dahil bored kami ni Mae, nagpunta na muna kami sa mall para dalawin ang shop namin. Royalty Accessories ang pangalan ng shop namin. Kinuha iyon sa apelyido niyang Palacio at sa apelyido ko namang Castillo. Well, familiar na ang mga tao sa apelyido ko dahil kapatid ko ang sikat na acoustic heartthrob na kinababaliwan ng lahat na si Clef Castillo.

“Ano naman ang balak mo girl? Ganyan ka na lang? Nakasimangot ka na lang?” Hindi ko namalayan ang pagtulala ko. Okay, mukha na ba kong baliw?

“Tara Mae, samahan mo ko.” Hinila ko siya at dinala sa isang malapit na salon. Nang makapasok kami dito ay agad na akong umupo sa bakanteng upuan.

Nakita ko ang gulat sa mga mukha ng stylist nang pumasok na ako at umupo na lang basta. Abot ang bulong sakin ni Mae kung ano ang ginagawa namin dito. Ang tanging sinasagot ko lang sa kanya ay matamis at nakakalokong ngiti. You will see my dearest Mae.

“Make it short please. Hanggang shoulder.” Sabay turo ko sa balikat ko.

“Sure Ma’am.” Ngumiti ako sa bading.

“Gawin mo na rin siyang blonde at gawin mong ombre ang dulo. Make it pink.”

“Golden blonde and pink Ma’am?”

“Okay.” Napatingin ako kay Mae na ngayon ay nakatulala habang tinititigan ako.

“Hoy! Mamaya pasukan ng langaw yang bibig mo! I know. Masyado akong naging losyang sa pagmamahal ko kay Marcus. Maybe it’s time for change. I need to get his attention and then break his !@#$’ heart.” Nakatingin ako sa sarili ko na ngayon ay binabawasan na ng buhok.

Makikita mo Marcus, makikita mo kung sino ang iyong pinakawalan. Umaakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko sa tuwing iniisip ko ang pangalan niya. Gusto ko siyang tadtarin ng sampal hanggang sa mapagod ang palad ko. Isa pa yung babaeng kasama niya! Tignan natin. Sila ang gumagawa ng kapalaran nila, then I will ruin their destiny. Napa-evil smile ako.

Nakatitig lang sakin si Mae habang patuloy na inaayos ang buhok ko. Matagal-tagal na rin simula nung huling nag-ayos ako. Nung naging kami kasi ni Marcus, hindi na halos ako nag-aayos. Hinayaan ko na lang ang buhok kong humaba at hindi na ako masyadong pumoporma ng damit. Ayaw kasi ni Marcus but the hell, hindi dapat ako sumunod sa kanya! Pinagsisisihan ko ang pagpapakatanga ko sa kanya!

“There you go. Well come back Rafaela Castillo!” Masiglang bati sakin ni Mae nang matapos na akong kulayan at gupitan. Kumindat ako sa kanya.

“Yeah.” Then I flipped my hair.

“Alam mo girl, namiss ko yan! Namiss ko yung dating Raffy na medyo lalaki kung umasta pero babae parin ang kilos. Simula kasi nung naging kayo ni Marcus, no offense ha? Nagbago ka.” Huminga ako ng malalim at ninamnam ang katotohanang sinabi sakin ni Mae.

“Alam ko yun Mae. Kaya nga eto, nagpapasalamat ako at sinaktan niya ko. Sa wakas! Nagising na ako sa katotohanan. Diba?” Niyakap niya ko.

Bumili kami ng mga bagong damit sa mall. Napadaan ako sa Music Store namin at sinilip kung may mga bagong dating na gitara. Wala pa pala. Magpapalit na sana ulit ako.

“So paano, punta ka ba sa gig mo mamayang gabi?” Tanong sakin ni Mae habang patuloy sa kanyang paglakad ng mabilis.

“Uhhm no. Let’s party?” Nanlaki ang kanyang mga mata at sabay naming sinabing.

“REDWOOD CLUB!” Sabay naming sigaw.

Kaya naman doon kami nagtuloy nung gabi. Nagpasabi na ako sa manager ng Space Bar na hindi muna ako makakapag-gig ngayon at sumang-ayon naman siya. I need a break. Really. Naaasar parin ako sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ni Marcus na walang pinagkaiba sa isang engkanto!

Dahil hindi na kami minor ni Mae ay pinapasok kami agad ng bouncer. Kitang kita namin agad ang mga taong sumasayaw ng wild. Napairap ako. I’m not for dancing! Pumupunta lang ako sa isang Night Club kapag banas na banas na ako sa buhay ko tulad ngayon.

Sabay na kaming umupo ni Mae at agad din namang dumating si Louie na boyfriend niya, of course. Si Mae na ang may kapartner! Ako na ang lonely. Tss.

May naglahad ng kamay sa tabi ko. Sayaw agad? Hindi pa nga ako nakaka-order ng drinks ko tapos may nag-aaya na sakin agad makipagsayaw? Well, tulad nga ng sabi ko, I’m not for dancing. Bahala siya diyan! Hindi ako sasayaw!

“Pssst girl, hindi mo ba tatanggapin?” Pagtatanong sakin ni Mae habang tumatawa pa si Louie. Napalingon ako sa lalaki. Mukha siyang model pero umirap ako saka sumagot sa kanya.

“Ayoko. Hindi ako marunong sumayaw at ayokong sumayaw. Kaya kung pwede, umalis ka na diyan sa tabi ko. Nakahara ka.” Walang emosyon kong sabi. Wala ako sa mood makipag landian. Ngayon pa?

“Then tara na lang sa labas miss?” Lumagok ako sa juice ni Mae.

“Ayoko. Maraming gagong katulad mo.” I know a guy like him. Pare-pareho sila! Mga hindi maka-iwas sa temptation. Kaya kung maaari, ako na lang ang iiwas.

“Tss. Ang labo mo naman.” Inirapan ko na lang siya at saka lumakad papuntang counter.

“Excuse me. Beer please.” Hindi naman ako gaanong mahilig sa pag-inom ng matatapang. Ayos na ko sa paganito ganito. Nang iinumin ko na ang beer ay nadulas ito sa nguso ko dahil sa bumunggo sa likod ko.

“Anak ng tinapang pinausukan naman oh!” Napalingon ako. Gosh anong ginagawa ng kumag na ‘to dito?

“Ow sorry miss.” Lumapit siya at nakita ko yung kaibigan niyang tumulak sa kanya.

Naalala ko ‘tong lalaking ‘to! Siya yung muntik nang bumunggo sakin! Dahil sa kanya ay nangudngod ako sa putik! Buti na lang at nabalikan ko ang kotse ko. Na-surpresa nga ako nang malaman kong siya pa ang nagpagawa nito.

“Sa susunod mag-ingat ka.” Sabay inom ko ng beer. Nakita ko sa gilid ng paningin kong nakatingin parin siya sakin. Ang laki naman talaga ng problema nito! Kaya naman unti-unti akong lumingon at tinignan siya nang nakataas ang isang kilay.

“What?” Tumabi siya sakin.

“You look familiar.” May pagtataka sa kanyang  boses.

“Excuse me?” Pagkukunwari ko.

“Ohh. Taong putik.” Ngumisi siya na parang demonyo.

“So?” Mataray kong sagot. “Ano naman? Natatandaan mo pa pala ko? Ako kasi hindi na. Yung mga tao kasing hindi na importante ay hindi ko na tinatandaan.” Tulad na lang ni Marcus. Wala siyang kwenta.

“Woah easy lady!” Umirap siya. “Hindi ako interesado sayo.” Kupal talaga nito!

“The feeling is mutual boy.” Nakita ko ang paglingon niya. Ako naman ay nakatingin lang sa bote ng beer ko. “Hindi ako interesado sa mga antipatiko.” Nakangisi ko ring sagot.

“Anong sabi mo---“ Hindi niya naituloy ang sinasabi niya dahil may biglang tumawag sa kanya.

“Leo!” Napalingon siya agad sa isang sexy at magandang babae na papapalapit sa kanya. May sumunod pa ditong dalawa na mestiza naman. Ayos ah. Mukhang babaero din ‘to. Napailing na lang ako at muling lumagok sa beer ko.

Tumayo na ko para umalis ngunit nagsalita muna siya bago ako tumalikod.

“We’re not yet done mud girl!” Agad ko siyang nilingon.

“Antipatiko!” May lumapit saking babae na malamang ay kasangga nitong si Mr. Antipatiko. Ano na nga ang pangalan? Leo?

“Who are you to call him antipatiko?” Nilapitan ko ng face to face yung babae. Napaatras siya sa ginawa ko. Natakot lang?

“My name is Raffy !@#$. Para saan pa ang freedom of expression kung wala ang freedom?  Boba ka ba?” Ayoko sa lahat yung sinasabayan yung init ng ulo ko.

Naramdaman ko ang pagkapit ng isang kamay sa braso ko at binubulong na itigil ko na ang ginagawa ko. Sino pa nga ba? E di si Mae. Medyo naiirita nga ako sa pagpigil niya. Gusto ko pa kasing pagbuntungan ng galit ko itong pakialamerang babaeng ‘to.

“So what kung Raffy ang pangalan mo? Hindi ko naman tinatanong!” Mas lalo ko siyang nilapitan.

Matangkad siya ngunit mas matangkad parin ako sa kanya! Napatingin ako sa paa naming dalawa. Nakaflats lang ako at siya naman ay naka heels na sobrang haba ng takong. Kaya naman pala. Pameke.

“Tanga ba? Tinanong mo nga kung sino ako diba?”

“Ano ba! Tumigil nga kayong dalawa!” Sigaw ni antipatiko.

“Sa wakas nagsalita ka rin. Hay ‘di bale, aalis na lang ako kesa sirain niyo pa lalo ang gabi ko!” Hinila ko na si Mae papunta sa table ko.

Nilapag ko ng padabog yung bote ng beer. Pagka-upong pagka-upo ko ay ininom ko ito ng straight. Nagpakuha pa ko ulit kay Louie sa counter.

Tinignan ko sa malayo si Leong antipatiko. Bagay sa kanya ang pangalan niyang Leo. Parang leon. Mabangis. Mabangis sa mga babae. Nakikita ko kung paano niya yapusin ang mga bewang ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. Yung isa ay inaakbayan niya habang yung isa naman ay binubulungan niya na parang kinikiliti ang mga tenga. Wala siyang pinagkaiba kay Marcus.

Nagulat ako nang may humaltak sa bote ko nang inumin ko ang bagong dala ni Louie. Ano bang problema nitong antipatiko na ‘to? At bakit ang bilis niyang makarating sa tabi ko?

“What the heck?”

“Kababae mong tao umiinom ka.” Cold niyang sabi.

“Ano naman sayo? !@#$ ka umalis ka nga sa harapan ko!” Sabay tulak ko sa kanya. Naramdaman ko nanaman ang mga luha kong nagbabadyang tumulo.

Sabi ko sa sarili ko ay hindi na ko iiyak. Dapat hindi na ko masaktan ng ganito pero wala e. Mahina pa ko. Kailangan ko pa ng lakas. Kailangan ko pa ng break. Kailangan kong magpalakas para sa huling pagtutuos namin ni Marcus. Dahil sa huling laban, sisiguraduhin kong ako ang panalo.

“May tattoo ka?” Hinila niya ang kamay ko at tinignan ang pulso kong may tattoo na crown.

“Ano naman sayo? Pwede ba, hindi kita kilala kaya tigilan mo ko.” Hinablot ko ang kamay ko sa kanya. Tumabi siya sakin. Nakita ko ang pagpipigil ni Mae ng tawa.

“At nagbago rin ang itsura mo nung magkita tayo kahapon.” Huminga ako ng malalim at padabog na bumaling sa kanya.

“Ano naman sayo? Wala kang pakialam Leo!” Hindi man lang siya natinag.

“Buti naman alam mo ang pangalan ko, Raffy.” Umirap ako at saka tumayo.

Nakakaubos ng pasensya yung lalaking yun kaya naman lumabas na lang ako para umuwi na. Tinext ko na lang si Mae na i-enjoy niya ang party. Sinira talaga ng Leo na yan ang gabi ko! Pero sinira ni Marcus ang buhay ko!

Ang mga lalaking katulad nila ni Leo ay dapat nagdadala sa pananakit ng babae. I hope makahanap din ng katapat yung Leo na yun!

Just wait for my revenge Marcus. I will tear your heart into pieces, make you fall in love with me again and pour some salt in your cuts.

Muli kong pinunasan ang luhang tumulo sa isang mata ko. Ito na ang huling beses na iiyak ako para sa kanya. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagda-drive.
« Last Edit: July 07, 2014, 06:11:30 PM by MusicFreak »

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #4 on: July 07, 2014, 06:13:59 PM »
Track 2
Mr. Antipatiko


After one week na pahinga ko ay bumalik na ulit ako sa trabaho ko. Naghintay lang ako ng kaunting oras pa sa Bittersweet Café at nung gabi  na ay nagtungo na rin ako sa Space Bar. Alam kong dito nakatambay ang malandi kong ex na si Marcus. Sisiguraduhin kong mawawala ang kalandian niya kapag nakita niya akong muli.

Pagpasok ko palang sa loob ay pinagtinginan na ako ng mga tao, parang hindi sila makapaniwala. May nagtanong pa nga sakin kung ako yung bagong singer. Siguro nga ay nanibago lang sila sakin.

“Omg! Ang ganda mo na girl!” Sabi nung isang suking babae na halos kasing edad ko lang.

“Aw salamat!”

“Hindi kita nakilala! As in!” Niyugyog pa niya ako ng kaunti kaya naman napangiti na lang ako. Medyo madaldal din kasi ‘tong babaeng ‘to.

Nang makita ko na si Louie ay kumaway siya sakin para ayain ako sa table. May nakahandang libreng dinner para sa amin. Lagi namang ganito. Hindi kami hinahayaang magutom ng manager nito. Bawat set yata ng kanta namin ay pinagmemerienda kami e.

Tinanggihan ko na muna ang dinner dahil medyo busog pa ako. May nagsisidatingan na ring mga tao. Mamaya dagsa nanaman ‘to. Binaba ko na muna ang gitara ko sa tabi ko. Napalinga ako sa paligid na parang may hinahanap. Wala pa siya. Maya maya nandiyan na yun.

Inalok ako ng waiter kung gusto ko ng maiinom pero siyempre tinanggihan ko na muna. Wala ako sa mood uminom ngayon.

“Wala pa siya Raffy. Wag kang atat.” Sabay tawa ni Louie.

“Louie, pwede bang hanggang first set lang ako at ikaw naman sa second set? Please?” Pagmamakaawa ko sa kanya.

“Okay sige. Yun lang pala e. Para sa plano mo!” Sabay tawa niya ng malakas. Inirapan ko na lang siya.

Nang pumatak na ang alas-otso ay nagsimula na kaming mag-assemble ng gamit ni Louie at nagsimula na rin nang matapos kami agad.

“Woooh! Namiss ka namin Raffy!” Napangiti ako.

“Ahay thank you po!”

“Gumanda ka! Sobra!” Sigaw pa nung isang businessman.

“Salamat po!” Umupo sa isang gilid si Louie habang hawak din ang gitara niya. Buti na lang at may karelyebo ako. Kung wala? Kawawa naman ako.

♪ You say love is letting you do what you want
Even if the things that you do will start to ruin how I'm feeling inside
You tear me down and I break and I break and I break
Then you tell me that you love me baby but is that what you call love? ♪


Nakita ko nang pumasok si Marcus. Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Nakita ko siyang napahinto at parang na-glue ang mga paa sa kanyang kinatatayuan. Humanda ka Marcus. Eto na ang simula ng paghihirap mo.

Doon siya sa may table na malapit sa stage. Muli akong napangiti. Love nga ba talaga ang naramdaman mo para sakin, Marcus? O sadyang pinaglaruan mo lang ako? Alam ko naman na ang sagot sa sarili ko but still, I keep on asking myself.

♪ If that's love I'm giving up
My heart can't take it anymore
If that's all it's not enough
You'll watch me walk right out that door
It's like you said before, it's nothing personal
I must be moving on
If that's love, then I'm gone ♪

Nung huminto ako ay sinalubong nila ako ng masigabong palakpakan. Naproud naman ako sa sarili ko. Kumanta pa ako ng ilan pang mga kanta at may tatlong taong nagrequest. Buti na lang at lagi kong dala ang song book ko.

Matapos yun ay nagpahinga na ko. Saka na lang ako babawi na ako lahat ang set. May kailangan pa kasi akong gawin ngayon e. Umupo muna ako sa counter at naramdaman kong may tumabi sakin kaya naman napalingon ako.

“You’re really good. Mahigit one week palang tayong break pero ang laki na agad ng ginanda mo. Parang hindi ka nasaktan. Really?” Sabay lagok niya sa beer niya.

“Yes Marcus. Nagpapaganda ako para sayo. Baka sakali kasing mahalin mo ulit ako diba?” Lumingon ako sa kanya sabay ngiti ng plastic. Humarap ako sa kanya at nagkunyapit sa kanyang mga balikat.

“Just tell me kung kailan ako babalik.” Nakita kong napalunok siya dahil gumalaw ang kanyang lalamunan. !@#$ this guy. Mas lalo ko pa siyang aasarin. Lumapit pa ako lalo at saka siya hinalikan sa kanyang pisngi. Nanlaki ang mga mata niya.

“So ano, babalik na ba ko?” Napangiti siya at hinawakan ang magkabila kong kamay at saka hinalikan ang isa. Yuck! Nandidiri ako sa tuwing iniisip kong may iba’t iba na siyang parte ng katawan ng babaeng hinalikan! Grrr.

“Pag-iisipan ko muna.” Then he smiled. Devil!

“Okay. I’ll wait.” Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin Marcus. Binitawan ko na ang kanyang kamay at saka hinaplos ang kanyang buhok. Lalayo na muna ako sa kanya para magpacute at magpapansin. I really want to get his attention.

Lumayo muna ako para maki-mingle sa iba. Gusto ko siyang pagselosin. I know him. Kapag nakakita yan ng maganda, agad siyang nagseselos dahil agad nababaling ang atensyon nito sa iba. I’ve known him for three years? Bago pa naging kami.

Nakita ko rin siyang  nakiki-mingle sa ibang mga babae. I really don’t care ika nga sa kanta. Mahal ko parin siya pero punong puno na ng galit ang puso ko para magselos pa. Walang hiya siya. Period. Kaya ganito na lang ang galit ko.

Naramdaman kong may nagvibrate sa bulsa ko. Nang ilabas ko ito ay nakita kong tumatawag si Mae. Ano naman kaya ang kailangan nitong babaeng ‘to? Sinagot ko.

“Oh bakit?”

“Girl! Ano? Naakit mo na ba ulit si Marcus?” Umupo ako sa counter.

“Hindi pa. Malapit na Mae. Sisiguraduhin kong mahihirapan at magdudusa yang Marcus na yan. Alam mo yun Mae? Mahal ko siya pero gusto ko siyang apak apakan dahil sa pananakit niya sakin? Ang lakas talaga ng loob nitong lalaki na ‘to e. Matapos magcheat, may lakas pa ng loob na magpakita sakin dito sa Bar kung saan ako nagtatrabaho?” Sinabi ko na palingon lingon kay Marcus. Baka kasi mamaya ay nasa tabi ko na pala yung kumag na yun.

“Hinay hinay lang Raffy. Baka mamaya ay magsisi ka pa diyan sa ginagawa mo. O siya kinamusta lang naman talaga kita. Oo nga pala, bantayan mo si Louie! Baka mamaya kasi ay may babae na diyan yung lokong yun.”

“Hindi Mae. Loyal sayo yun. Ako na ang nagsasabi sayo. “ Sabay tawa ko.

“Sige na girl. Enjoy your night with your evil ex. Bye!” Sabay baba niya ng phone. Baliw talaga yung babaeng yun.

Humarap na ako sa counter at saka umorder ng isang boteng beer. Kilala na ako ng waiter kaya naman binigyan na niya ko ng gusto kong beer. Lumagok ako at sumulyap kay Marcus na ngayon ay may kalandiang babae. Iba nanaman ha.

“That’s odd. You’re flirting with the guy you hate the most.” Napalingon ako sa nagsasalita. Halos mapatalon ako nang makita ko kung sino.

“Ano namang ginagawa mo dito? Nakikinig ka sa usapan namin ng kaibigan ko? Ha? Mr. Antipatiko!” Sigaw ko. Habang siya naman ay nakatingin lang sa basong iniinuman niya.

“Hindi ko sinasadya at hindi ako antipatiko.” Bumaling siya ng tingin sakin. “You hate Marcus huh?” Napangisi pa siya nang malademonyo.

Nakaka-curious talaga ‘tong lalaking ‘to. Pero nakakadistract ang kanyang kagwapuhan. Lalong lalo na ang mukhang niyang malinis at lalaking lalaki. Pati na rin ang height at built ng katawan niyang pang-model talaga.

Iniwas ko ang tingin ko. Tukso ito, at mas malala pang tukso kesa kay Marcus. Kumukulo ang dugo ko. Pareho lang sila nito. Babaero, antipatiko at pamisteryoso! Akala mo kung sinong matitino pero nasa loob naman ang kulo!

Tinignan ko na lang ang bote ko at muli itong nilagukan. Naramdaman ko ang titig niya sakin galing sa gilid. Kung maaari sana ay ayoko nang kausapin ‘tong lalaking ‘to. Hindi ko masikmura ang ugali at ang itsura niyang ubod na mala-adonis.

Hindi naman siya sobrang ma-muscle pero alam niyo yun? Sexy lang tignan kasi hindi naman sobrang laki ng katawan niya. Bakit ko ba ‘to iniisip! Samantalang si Marcus ang pakay kong akitin!

“Nababasa ko yung iniisip mo.” Tumabi pa siya saking lalo.

“Mind reader ang peg mo dito ha? Wala kang pakialam!” Natawa siya ng mahina.

“And I like the idea of having revenge Raffy.” Maka tawag naman ‘to ng Raffy! Parang close na close na kami at matagal na kaming magkakilala!

“Revenge? Anong pinagsasasabi mo?” Ngumiti lang siya.

“You are Marcus’ ex-girlfriend right? At nagbreak kayo because he cheated on you.” Umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko sa inis na nararamdaman ko kaya naman napatayo ako.

“Tigilan mo ko! Bakit hindi na lang buhay mo ang atupagin mo?” Ngumisi lang siya.

“Easy lady. I just want to help you.” Muli niyang pinaglaruan ang kanyang baso.

“Help me for what?”

“For your !@#$ plan.” Seryoso na niyang sabi.

“I don’t understand you womanizer.” Napalingon siya sakin nang nakakunot ang noo.

Alam ko kung ano sa sinasabi niya. Ang hindi ko maintindihan, bakit niya yun gustong gawin kay Marcus? Malamang may atraso sa kanya si Marcus dahil !@#$ nga e. Siguro yung ex ni Leong antipatiko ay pinatos niya.

“You want to hurt Marcus !@#$ Gatchalian right?” Tumahimik na lang ako. “Me neither.” Nanlalaking mata akong tumingin sa kanya.

“Bakit?” Humarap na siya sakin.

“I want him to feel my wrath.”

“Paano mo nalaman ang tungkol sa plano ko?” Umiwas siya ng tingin sakin at inabot  ang picture namin ni Marcus na magkasama.

“Nahulog yan sa bulsa mo nung sumakay ka sa kotse. Nang makita ko yan, naisip ko agad na siya ang dahilan ng pag-iyak mo. I know him so much. Alam ko kung anong ginawa niya sayo.” Nakita kong nilingon niya si Marcus taglay ang nakakamatay na tingin.

“And I want him to suffer. He’s a living demon, lady.”

“Raffy.” Pagko-correct ko.

“Okay Raffy. I’m Leo.”

“I know.” Inabot ko ang kamay ko at hindi naman niya ito napansin. Ang sarap mong kutusan!
 
Pero kahit na may pagkabwisit itong Leo na ‘to a.k.a Mr. Antipatiko, medyo gumaan ang loob ko. Knowing na may nakakaintindi sa narararamdaman kong galit kay Marcus.






simplyTatingG

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 21
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #5 on: July 11, 2014, 03:35:59 PM »
MusicFreak , ba't ang galing mo?  :)
Find simplyTatingG at your heart.
read more and learn more <3 <3

MusicFreak

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 40
  • Karma: +0/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Out Of Tune (On-Going)
« Reply #6 on: July 19, 2014, 11:38:28 PM »
Track 3
Talaga ba?

 
Buong araw lang ako sa shop. Bantay bantay din pag may time. Wala kasi si Mae ngayon, may kailangan daw siyang ayusin sa pamilya niya. Hindi pa niya sinasabi sakin ang tungkol dun for the mean time. Pero alam ko, sasabihin din niya yun.
 
Pinasa ko muna ang gig ngayon kay Louie tutal lagi namang game yun. Tatambay na lang muna siguro ako sa Space Bar. Ganun naman ang habit ko e, kapag tinatamad, tumatambay na lang muna.
 
Hinintay kong magbukas ang Space Bar sa malapit na Café dito. Buti na nga lang at nakakatambay ako dun bago magbukas ang bar. Pinakialaman ko na lang muna ang tablet ko at naki-wifi sa café. Kilala na nga yata ako ng mga nagtatrabaho dito. Bigla naman akong nacurious kung sino yung antipatikong Leo na yun kaya naman tinype ko ang pangalang ‘Leo’. Yun lang naman kasi alam kong info about sa kanya. Siyempre maraming lumabas! Ang dami kayang Leo!
 
“Looking for me?”

“Ay kabayong nadapa!” Agad akong lumingon at tinaas ang isa kong kilay. “In your face!” Umupo siya sa tapat ko. Nakakainis! Hindi na lang siya lumipat ng ibang table? Lagi na lang ako ang pinagtitripan niya.

“Why are you searching my name? Wala akong fb account.” Inagaw niya ang tablet ko.

“Hoy akin na nga yan!” Pinilit kong abutin ang tablet ko sa kanya.

“Rafaela Castillo.” Binanggit niya ang buong pangalan ko saka ako tinignan at bumaling ulit ng tingin sa tablet kong hawak parin niya.

“Wala akong paki kung wala kang fb. Pwede ba, lumayas ka na lang sa harapan ko.” Malamig kong sinabi sa kanya pero dedma parin siya at patuloy na nagi-iscroll sa fb ko.
 
Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa screen. Hinayaan ko na lang kung doon siya nasisiyahan. Bahala na nga siya sa buhay niya. Tutal naman ay wala siyang makikitang kabulastugan sa account ko. Feeling naman niya masikreto akong tao!
 
Nang hindi na nagtagal ay inagaw ko na ang tablet ko sa kanya at nakataas ang kilay niyang tinignan ako. Nang suriin ko na ang tablet ko ay chinat pala ako ng kaklase kong si Nik. Tinatanong niya kung pwede daw ba akong mag-judge sa isang battle of the bands. Si Nik ay kasama ko noon sa camp rock music seminars kung saan tine-train kaming maging bihasa sa genreng rock. Siyempre hindi yun yung movie. Muli akong tumingin kay Leo. Confirmed, nabasa nga ng antipatikong ‘to ang message. Hindi ko na lang  muna nireplyan.
 
“Studied at Palmarius Academy huh?” Napaangat ang tingin ko sa kanya.

“Oo.” Maiksi kong sagot.

“Hulaan ko genre mo.” Napatingin nanaman ako sa kanya. Abnormal ba ‘to? Hindi na lang ako kumibo sa pagsasalita niya.

“Sa pananamit, ayos at ugali mo palang? You’re a rockstar.” Tumawa siya ng mahina at napailing.

“At anong gusto mong palabasin?” Sumeryoso ang kanyang mukha.

“You’re weird. Rock singers like you is weird. Totally.” Napakunot ang noo ko.

“Talaga ba? Ano namang pakialam mo? Pwede ba, wag mo kong pakialaman!” Umamba akong tatayo ngunit nagsalita nanaman siya.

“Easy lady. Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko?” Napalunok ako. Tatanggapin ko ba? Mahal ko pa si Marcus pero masyadong masakit ang ginawa niya sakin.

“Yes Leo. And my answer is no.” Sabay kuha ko ng bag ko.

“Our aim here is to make Marcus suffer, lady. Hindi mo alam na araw-araw ay iba iba ang babae niya? Hindi mo alam na matagal ka na niyang niloloko? Believe me. I should know everything about him. He’s my best friend before.” Nakita ko ang poot sa mga mata ni Leo. Hindi ako nagpakita ng kahit na anong reaction sa kanya, but deep inside, gusto na talagang kumawala ng puso ko sa sobrang sakit.
“I don’t believe you. You’re a stranger.” Kinuha ko na ang bag ko at tumalikod na sa kanya. Agad bumuhos ang luha ko na parang ulan.
 
Nagtatakbo ako papalabas ng coffee shop papuntang Space Bar. Pinusan ko ang luha ko at agad umorder ng tequila. Straight kong ininom yung apat na baso. Wala akong pakialam kung sino makakita sakin ngayon. Humanda ka Marcus. Sa kalandian mo palang, paniwalang paniwala na ko kay Leo. Nakikita ko sa mga mata niyang hindi siya nagsisinungaling. Ayoko lang isipin niyang mabilis akong magtiwala sa mga tao.
 
Nahilo ako ng kaunti kaya vodka naman ang pinagdiskitahan ko. Naiinis ako  sa mundo ko. Naiinis ako kasi hindi ko na alam kung paano itatama ang mga pagkakamali ko. Wala na sa tempo ang buhay ko. Nawalan na ng tono, nawalan na ng meaning, nawalan na ng pakiramdam. Simula ngayon, gusto ko nang maging manhid.
 
Tanaw ko si Marcus na papalapit na sakin. Nakita ko ang seryoso at maamo niyang mukha na sa loob loob naman ay demonyo pala. Pinilit kong ngumiti at nakaisip ng bagong pakulo. Nagkunwari akong hindi ko siya nakita.
 
Hinila niya ako palapit sa kanya. Nakangiti siya as in. Pero kahit ganun, nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Para bang nanghihingi ito ng saklolo sakin. Wag kang magpapadala Raffy. Mapanlinlang yang kaharap mo.
 
“I want you back. I really want you back.” Sabay halik niya sa kamay ko. Naumay ako sa ginawa niya. Gusto ko siyang buhusan ng alcohol. “Ang laki ng pinagbago mo, at kahit anong gawin ko, ikaw parin ang mahal ko.” Dugtong niya.

“Is that your decision? Paano ba yan? Nagbago na ang isip ko e. If you really want me back, then win my heart again.” Binitawan ko ang kamay niya at saka tumalikod.

“I’m willing to change Raffy. Promise. I will change.” Tumango lang ako at saka na lumabas ng Bar. Nakangitian ko pa si Louie bago ako lumabas.
 
This is the start. Simula ngayon, hahabul-habulin mo na ko Marcus. Hindi mabubuo ang araw mo nang hindi ako nakakausap o nakikita. Gusto kong mabaliw siya sakin. At kapag baliw na baliw na siya sakin, yung tipong frustrated na siyang makuha ang ‘oo’ ko, saka ko siya hihiwalayan. Humanda ka.
 
Pagkalabas ko ay agad kong pinuntahan ang kotse ko na nasa tapat ng coffee shop. Sumandal muna ako at kinuha sa bulsa ko ang isang kaha ng sigarilyo. Kapag stress ako, ginagawa ko ‘to. Simula nung naging kami ni Marcus, hindi ko na ulit ‘to ginawa. Nahihiya kasi ako sa kanya dahil akala ko ay matino siya!
 
Nakasubo na ito sakin, nang sisindihan ko na ay may biglang umagaw. Napalingon ako ng mabilis. Agad akong namula sa inis nang makita ko kung sino.
 
“ANO BANG PROBLEMA MO?” Ang hilig niyang mang-agaw!

“Kababae mong tao naninigarilyo ka.” Sabay tapon niya ng sigarilyo.

“E ikaw, kalalaki mong tao pakialamero ka!” Hinagis ko ang lighter sa gilid. Humarap ako sa kanya at saka siya itinulak ng buo kong lakas.

“Ano bang problema mo! Bakla ka ba?” Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mukha naman siyang nailang kaya napaatras siya.

“I’m not. And I can prove it.” Matapang niyang sabi.

“Whatever.” Muli na lang akong sumandal sa kotse. Wala akong mapapala sa kanya.

“Kung tungkol nanaman ‘to sa kanina Leo, hindi ang sagot ko. Kayang kaya kong paikutin si Marcus sa sarili kong kamay na hindi nanghihingi ng tulong sa iba. I don’t need anyone.” Nakatingin parin ang seryoso niyang mga mata.
 
Bawat mga babaeng nagdadaan samin ay napapatingin sa kanya. Sino ba namang hindi? E parang anak siya ni Zeus kung titignan mo. Pero kahit kanino pa siyang anak, kahit anak pa siya ni kupido sa mortal, hindi parin ako tatablan ng kagwapuhan niya.
 
Ang lakas ng loob niyang paghigantihan si Marcus, e wala naman silang pinagkaiba. Parehas silang antipatiko, presko, mayabang at womanizer.
 
“Fine.” Nakita ko ang pag-irap niya at ang pagsunod ng kanyang buhok sa pagtalikod niya. Wala akong pakialam sayo! Lecheng lalaki ‘to! Wala akong pakialam sa kagwapuhan mo!

“Saglit!” Huminto lang siya at hindi lumingon sakin. Ako ang humabol. Ano ba yan. Nakonsensya ako. Masyado yata akong naging masama sa kanya?

“Pasensya ka na. Ayoko lang talaga.” Binaling niya ang sarili niya paharap sakin.

“You can’t do it by yourself, Raffy.” Umiling siya. “Dahil kapag mas lumapit pa siya sayo at naramdaman mong totoo ang pagbabago niya, hindi malabong balikan mo siya at masaktan ka nanaman. Natatakot ako para sayo. Natatakot ako dahil walang sasalo sayo.” He looked away. Nabitawan ko ang isang kaha ng sigarilyong hawak ko.

“Hinding hindi mangyayari yun Mr. Antipatiko. At kailan ka pa naging concern sakin?” Sinubukan kong hindi maging awkward ang moment. This time ay tumalikod na talaga siya at bago naglakad palayo ay nagsalita muna.

“Ayokong magaya ka sa kaibigan kong nasaktan, nabigo at nadisgrasya ang buhay. Sa tuwing pinagmamasdan kitang kasama si Marcus, nakikita ko siya sayo.” At naglakad na siya palayo nang tuluyan. Naiwan akong tulala.
 
Naramdaman ko na lang ang mga luha kong namamalak malak nanamang tumulo. Bago pa sila tuluyang dumaloy ay agad ko nang pinigilan. Hinding hindi na ko iiyak. Siguro nga tama si Leo. Kahit na para siyang kabuteng bigla nalang sumulpot sa buhay ko, alam ko at nararamdaman kong naiintindihan niya ang nararamdaman ko.
 
 



 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Of Great Loves and Timing

by: guest, 2014-07-23

Lessons from She’s Dating the Gangster By Pepper Limpoco, Council of Cool 14 Going into the cinema, I expected what anyone would have expected from a Kathryn Bernardo and...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved