Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: Wanted: Best Friend (chapter 23 posted)  (Read 3460 times)

uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 8 posted)
« Reply #15 on: June 22, 2014, 12:40:38 AM »
Chapter 9

Chloe’s POV

More than a week later… Friday 2pm…

May fundraising dito sa school ngayon and I have to say ang unique ng idea nila this time to get funds. They’re auctioning some handsome guys and kung sino man yung guy that is sold with the highest amount is the winner. Halos lahat ng mga girls nagkakagulo nang pumunta sa gym kasi mag uumpisa na yung auction in a few minutes. Ayoko na sana pumunta pero curiosity got the better of me so pumunta na rin ako sa gym. I saw the guys up for bidding sa gilid ng stage. They’re all wearing polo, jeans and sneakers. Ashton of course is included. 3 other guys from other year levels I guess kasi hindi ko kilala, my classmate that I only know by face not by name and… Lance?! Bakit siya kasali dito? I waved my hand and napansin naman niya agad. Lumapit siya sakin and pumunta kami sa labas to talk.

“Anong ginagawa mo dun? Kasali ka sa auction?”

“Oo eh. Ayoko talaga sumali kaso si Jenny pinilit ako para naman daw may representative ang night school students. Kaya ko lang toh ginagawa para sa kanya para naman hindi madisappoint.”

“Ah ok… Well good luck na lang. Balik na tayo sa loob mag uumpisa na yata.” Bumalik na kami sa loob. Pumunta na siya sa gilid ng stage and ako naman I spotted a vacant seat sa pinakaharap.

“Oh nandito ka pala.” I turned around dun sa nagsalita and si Marietta pala.

“Yeah I am. Ayoko sana pumunta kaso wala rin naman akong gagawin kung tatambay lang ako sa labas so…” Hindi na niya ko sinagot. “Ikaw bakit ka nandito?” She just shrugged.

“You’re never gonna believe kung sino kasali for auctioning ngayon. Si Lance.” She shot me a look na para bang gulat na gulat siya.

“Si Lance nandiyan? Pano nangyari yun?”

“Pinilit daw siya ni Jenny to join para naman may representative ang night school students.”

“Ah ok. So ano plano mo? Nandiyan pala siya eh. I’m guessing isa ka sa mga magbibid para sa kanya.”

“Why would I do that?”

“Just cause…” Natahimik na lahat when the MC started to talk.

“Good afternoon Rockgrove High School students. As you all know we’re going to have a fundraising for the outreach activity of the Glee club & for the various charities the school supports. And to do that we decided to have this auction. Now… There will be 5 guys up for auctioning. Guys you can come up on the stage…” As she said it the 5 guys went up sa stage. Ashton, the four other guys and Lance. Napatingin ako kay Ashton and he winked at me as if he’s saying that I should bid for him. Bahala siya sa buhay niya hindi ako magbibid sa kanya maski singkong duling.

“But there’s a catch girls… whoever gets the highest bid gets to keep the guy as a slave for the camping trip next week… The whole 3 days 2 nights.” The girls squealed in delight and the guys were shocked upon hearing it. Obviously they knew nothing about it until now.

“So girls… get your money ready. The auction will commence now! Let’s start with Mr. Ashton James Salvador. His parents are the part owner of this school. Good looking guy with a bad boy attitude. Now girls… sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa kanya? Bidding starts at 5000 pesos.”

“5,500!” Sigaw nung isang babae na di ko kilala.

“We have 5,500! Anyone else who will bid higher?”

“6,500 pesos!”

“7,000!”

“Anyone else who can bid higher than 7,000?” The bidding for Ashton continued and he looked at me with a pleading look on his face. Tinaasan ko siya ng kilay sabay irap. Bahala ka diyan. Bid dito bid doon. I didn’t pay attention anymore.

“Sold! Mr. Ashton, you are sold to that girl for 40,000 pesos. Puntahan mo na siya so you can get to know your master for the camping trip next week.” Pagbaba ni Ashton sa stage he had a defeated look on his face and I just smirked at him. Tinignan ko kung sino yung nakakuha sa kanya and it’s a girl in the same year level as me pero ibang section.

“Next guy up for bidding is…” hindi ko na ulit inintindi kasi di ko naman na sila kilala… I felt my phone vibrate so kinuha ko siya from my pocket and it’s a text from Ashton.

From: Jerkhead

Why didn’t you bid for me? Now I’m stuck with this hideous looking girl!

To: Jerkhead

Why would I bid for you eh ni dulo ng daliri mo ayokong makita.

From: Jerkhead

I’d rather be your slave than be stuck with this girl. She’s so chatty and annoying!

To: Jerkhead

Not my problem >:P


The bidding continued hanggang sa sinabi ng MC na we’re down to the last guy.

“Okay girls. The last guy up for bidding is Mr. Lance Gabriel Amador. A handsome 3rd year night school student. He’s a shy type of guy so kung sino man yung babaeng makakuha sa kanya, go easy on him. Bidding will start at 5000.” Nagkatinginan kami ni Lance and we smiled at each other. Continuous lang ang bidding until I heard someone na nagbid ng mataas sa kanya.

“15,000!” Napalingon ako at tama nga ako. Si Bea yung nagbid. I glanced at Lance and he had a worried look as if he’s saying na ayaw niya mapunta kay Bea. And I did the one thing I never thought I’d do. Nag-bid ako to get him.

“20,000!” I shouted. Napatingin sakin lahat even the MC.

“It seems we have a new participant in the bidding. Anyone else who can bid higher than 20,000?”

“25,000!” We glared at each other then I shouted my bid again.

“30,000!”

“35,000!”

“Oh my. Nagiging intense na yata ang bidding for you Lance.”

“40,000!”

“50,000!”

“60,000!” Tiningnan ko ulit si Bea and napakunot noo na siya while checking her phone. I think she even mouthed the word s—t. I’m guessing chineck niya ang balance ng bank account niya at kakapusin na siya pag nagbid pa siya ulit.

“60,000 going once, going going twice, gone. Sold! Lance you are sold to Ms. Chloe Beaufort for 60,000. And of course you are the winner for this auction kasi ikaw ang nasold for a higher amount among the other guys. Pwede mo nang lapitan ang magiging master mo next week. Let’s give the guys a round of applause.” Habang bumababa na ng stage si Lance papunta sakin nagtinginan mga tao samin. Naupo siya sa vacant chair sa tabi ko. “And that concludes this fundraising activity. Thanks to everyone who participated and a have a great day.”

“Thank you ah. Ayoko talaga mapunta kay Bea.”

“No problem.”

“Swerte mo nandito si Chloe. Kung wala malamang kay Bea ka na talaga napunta.”

“Oo nga eh. Thank you ulit. Saka sana wag mo ko pahirapan masyado sa camping. Hehe.”

“We’ll see about that. Hehe.” Nagkangitian ulit kami sabay tumayo na para lumabas ng gym. I checked the time and it’s almost 4pm na. Bigla naman kaming sinalubong ni Bea na nakabusangot ang mukha.

“You won this time, Chloe. But I swear I’ll get back at you very soon. You just wait!”

“Oh why don’t you just get over it? You lost. Hindi mo nakuha ang gusto mo kaya ka nagmamaktol. Just like when we were kids. Now get lost!” Sabay walk out ang bwisit.

“Di kaya masyado kang naging harsh? Nagdadabog na yung tao oh.”

“She deserves it. Masyado niya akong iniinis. Anyway, enough talk about Bea. Let’s all go to a mall. I have the urge to shop and pag di ako nagmall I might burst.”

“Chloe madami pa tayong homework na dapat tapusin. Saka kailangan ko magbantay sa kapatid ko.”

“Oh come on Marietta please…” sabay binulungan ko siya. “Babayaran kita sa pagsama mo sakin ngayon.” She just rolled her eyes at me and finally gave in.

“Ok fine. Tetext ko lang nanay ko.”

“Great! Ikaw Lance sama ka?”

“Hindi pwede eh may pasok ako.”

“Oh right. For a moment I forgot na night school student ka pala. So I guess kami lang muna ni Marietta.”

“May next time pa naman.”

“Sabagay. Tawagan ko lang si mang Danny saka si mommy para sabihin na mag mall tayo.”

“Dadaan ba sa bahay bago mag mall? May kukunin kasi ako.”

“Sure we can do that.” I pulled out my phone and tinawagan si mang Danny para sunduin kami. After 20 minutes dumating na siya and sumakay kaming tatlo.

“San tayo ngayon ma’am Chloe?”

“Sa bahay po muna mang Danny may kukunin daw si Lance.” Tumango lang siya sabay nagdrive na.

“Nga pala Lance, nabanggit sakin ng nanay mo na nakasali ka daw sa parang activity diyan sa school niyo. Kamusta ano nangyari?”

“Muntik na ko mapunta sa di kanais nais na tao pero may nag rescue sakin.” We glanced at each other and smiled weakly.

“Talaga? Mabuti kung ganon.” The rest of the drive was silent. Pagdating namin sa bahay nagkanya kanya na kami. Si Lance pumunta sa kwarto nila at kami naman ni Marietta pumasok sa house and sinalubong naman kami ni mommy.

“Hi sweetie… and look who we have here. It’s nice to see you again Marietta.” Nag beso beso sila and smiled at each other.

“Kamusta na po tita?”

“I’m good. And you?”

“Ok naman po.”

“We’re just gonna go upstairs to change. Para naman hindi kami naka uniform pagpunta sa mall.”

“Ok.” Umakyat na kami sa kwarto ko and I immediately went to the walk in closet para maghanap ng susuotin. I went from one rack to another until I pulled out a black skater skirt, a forever21 crop top and wedge sandals. I quickly changed clothes sabay punta sa vanity table to spray my perfume and wear accessories.

“Wow ah pupunta lang ng mall ganyan pa kaarte ang damit.”

“Bakit ba? Walang basagan ng trip. Ikaw di ka magpapalit ng damit? I can lend you my clothes. Basta ibalik mo lang sakin ng maayos.”

“Hindi na.”

“Are you sure?”

“Oo nga.”

“Ok fine sabi mo eh.” Nagpalit lang ako ng bag at inaya ko na siya lumabas. “Mom alis na po kami.”

“Ok. Have fun! And take care.” Lumabas na kami ng bahay at sumakay na ulit sa kotse.

“Saan na po tayo ma’am Chloe?”

“Mang Danny sa ATC po.” When we pulled out of the driveway sakto si Lance lumabas ng gate at nagpalit na siya into his school uniform. Binaba ko yung window sa side ko and talked to him.

“Are you sure ayaw mong sumama?”

“Nakakatempt man sumama hindi talaga pwede. Enjoy na lang kayo.” He smiled at us and waved goodbye.

“Ok sige. Ingat ka.” I closed the window and we drove off. After about 30 minutes dumating na kami sa ATC. Bumaba na kami sa sasakyan and went inside.

“Ano naman gagawin natin dito?”

“Magshashopping. Kailangan ko na bumili ng mga gamit for the camping trip. Come on mag ikot na tayo.” We went inside Bench and pumunta agad sa womens’ section. I browsed from one rack to another looking for shirts na pwede kong baunin. I pulled out a live life with flavor shirt, and 3 other shirts. Hinanap ko si Marietta and she was just standing in front of a mannequin and tiningtingnan niya yung attire na nakadisplay. I can tell she likes them.

“Ok ka lang? Wala ka bang bibilhin?”

“Wala. Saka wala rin naman akong pambili eh.”

“What do you mean? Di ba binigay ko na sayo yung bayad mo for today? Use it to buy things for yourself.”

“Hindi na. Mas kakailanganin ko pa yun sa ibang bagay.”

“Ok fine suit yourself. Bayaran ko lang toh.” Pumunta na ko sa counter to pay for the shirts. Binigay ko yung pambayad and kinausap ko yung cashier.

“Pakisama na rin pala yung nakasuot dun sa mannequin. All of it but in her size. Yung babaeng naka uniform.” I pointed to the mannequin and Marietta and she nodded.

“Sure ma’am. Paki-antay lang po.” Tamang tama si Marietta lumabas na sa store. Hindi niya makikita na binili ko yung mga damit for her. After a while bumalik na si cashier with the clothes and I paid for it. Lumabas na ko and si Marietta nakita ko nakatayo sa tabi nung escalator.

“Parang dami mo naman yatang binili. 3 days 2 nights lang tayo dun hindi ka titira dun.”

“Walang basagan ng trip. Tara punta na tayo sa ibang shops.” Lumakad na kami and pumasok sa La Senza.

“Ano naman bibilhin mo dito?”

“Uhh underwear since this is an underwear store? Lika na ikot na tayo” I looked from one shelf to another hanggang sa nakapili ako ng mga gusto ko. After paying we walked out of the store and decided to grab something to eat.

“San mo gusto kumain?”

“Kahit saan. Mas kabisado mo naman tong mall na toh kesa sakin.”

“Fine. Pero kung ano piliin ko wag kang aangal.”

“Oo na.” Pumasok kami sa Starbucks.

“Anong gusto mo?”

“Kahit ano.” Napatingin siya sa menu. “Yung chocolate cream na lang. medium size.”

“Anong food?”

“Yung donut.”

“Ok. Hanap ka na ng mauupuan. Ako na oorder.” Humanap na siya ng ma-uupuan at ako naman pumila para umorder. Nung nakuha ko na yung samin pumunta na ko sa table and inayos yung mga pagkain and drinks at umupo.

“Parang kanina ka pa tulala. Ok ka lang ba talaga?”

“Oo nga. May iniisip lang.”

“Like what?”

“Di mo na kailangan malaman.”

“Ok fine sorry for asking.” Nag umpisa na ko kainin yung waffles ko habang siya natulala na naman. Ano ba talagang problema ng babaeng toh?

“Tulala ka na naman. Ano ba talaga kasi nangyayari sayo?”

uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 8 posted)
« Reply #16 on: June 22, 2014, 12:42:32 AM »
Chapter 9 continuation

“Yung kapatid ko kasi may sakit dengue. Nung pinacheck up namin sa health center ang sabi possible daw na na-dengue na siya. Syempre ayaw namin paniwalaan so ginawa namin nagpa check up kami sa ospital. Gumawa ng kung ano anong test at sabi dengue nga talaga. Ayun nasa ospital siya ngayon. Kaya hindi sana ako sasama ngayon sayo eh. Kaso nung sinabi mong babayaran mo ko, pumayag na ko kasi kailangan ko talaga yung pera. Kakapusin pa kami sa pambayad sa ospital.” Natahimik ko sa sinabi niya. If I had known this sooner di sana hindi ko na siya pinilit sumama sakin. I feel bad.

“I’m sorry to hear that. Kung alam ko lang sana hindi na kita pinasama ngayon. I’m so inconsiderate.”

“Ok lang yun. Pwede ko pa naman siyang mabantayan mamaya eh. Ubusin na natin tong mga pagkain natin. Mukhang marami rami ka pang bibilhin eh.” We finished our food and drinks in silence. Biglang naging heavy yung atmospere between us. When we finished tumayo na kami and lumabas.

“So san na tayo ngayon?”

“Sa Fully Booked.” Lumakad na kami papuntang Fully Booked and pagdating namin dun pumunta agad ako sa isang table that displays the latest YA books.

“I can live in this place.”

“Mukha nga. Mahilig ka magbasa eh.” I browsed the display. The Book Thief, The Selection series, The Divergent series, John Green books and a lot more. Kinuha ko yung Daughter of Smoke and Bone series. Sakto naman complete na yung trilogy.

“Tara let’s go upstairs.” Umakyat kami sa 2nd floor on the fiction section. Pumunta kami sa mga murder-mystery books.

“Mukhang maganda toh.” Inabot niya sakin yung Mistress by James Patterson. The synopsis says it’s about a man who witnessed the death of his friend/unrequited love and he sets out to find who killed her only to find out that she’s not who she says she is.

“Mukhang maganda nga. You want this?”

“Hindi sinuggest ko lang sayo. Baka gusto mo.”

“Ok.” I added it on my pile pero bibilhin ko toh for her. “Tara sa 3rd floor na tayo.” Umayat na kami sa taas and pumunta sa YA section. There’s still lots of books here na hindi nakadisplay sa baba. I browsed through the shelves until I found Hate List by Jennifer Brown. It says it’s about a girl who goes back to school weeks after her boyfriend initiated a school shooting. Interesting plot. I added it to my pile. I saw another one. Go Ask Alice by an anonymous author. It’s about a girl and her spiraling journey to the world of drug addiction. Intriguing… dagdag ulit sa pile. “I think this would be enough.”

“Tulungan na kita.” Kinuha niya yung tatlong nasa ibabaw and naiwan sakin yung daughter of smoke and bone books. Bumaba na kami sabay pila sa counter to pay. After paying lumabas na kami and pumunta sa Rustan’s to buy some jeans.

“Wow shopping galore ka talaga. Hindi ka ba napapagalitan ng nanay mo sa dami ng pinagbibili mo? Saka madami ka nang damit ah bakit ka bibili ng pantalon?”

“I don’t have that much jeans kasi bihira lang ako magsuot nun so I need to buy some para sa camping. Saka bakit naman ako papagalitan ni mommy?” Namili na ko ng skinny jeans. I pulled out about 3 pairs and pumunta sa fitting room para magsukat. The first one I tried is black. Gusto ko yung fit niya. I tried on the second and third one. Hindi masyadong ok yung fit nung last so binalik ko siya sa rack after I finished fitting. I grabbed another set of jeans to fit. Lahat naman nagkasya so kinuha ko na. I checked the time and it’s almost 8pm na pala.

“Tara bayaran ko na toh.” I paid for the jeans and pumunta na kami sa Metro Department Store para bumili ng duffel bag. Pumunta kami agad sa bag section and naghanap ng duffel bag. I chose a pink one of course.

“Meron ka na bang gagamitin na bag para sa camping?”

“Wala pa. Yung nga isa ko pang problema eh.”

“Oh dali pili ka na ng bag na gusto mo.”

“Hindi na Chloe ano ka ba. Manghihiram na lang ako sa mga kakilala ko.”

“Ano ka ba Marietta wag ka nang tumanggi. Sige na pumili ka na.” She reluctantly chose a bag and handed it to me.

“Oh ayan. Babayaran ko sayo toh pag nakapag ipon ako.”

“Ay nako wag na noh. Para ka ring si Lance nung—“ Oops oops oops… muntik ka nang madulas Chloe… Quiet ka na… “Lika na bayaran na natin toh. Gabi na rin eh. Para mabantayan mo na kapatid mo.” Dali dali na kong pumunta sa counter at agad namang naka catch up sakin si Marietta.

“Anong para akong si Lance? Kailan nangyari yan?”

“Wala basta…” pagkabayad ko for the bags lumabas na kami ng department store and tinawagan si mang Danny na sunduin kami sa may entrance ng cinema. Lumabas na kami and waited for him.

“Ano nga? Kwento mo na.”

“Why would I tell the story to you?”

“Uhh to be fair? Sinabi ko sayo yung sa kapatid ko and it’s your turn to tell the story.”

“Ok fine. Bumaba kami nun from the ferris wheel sa MOA. Sa kamamadali kong makalabas napatid ako and nasalo niya ko but my drink spilled on his shirt. So para I won’t feel bad pumunta kami sa Uniqlo and I bought him a new shirt. Pinipilit niya na babayaran daw niya but I said no. Ayun lang.” She looked at me with a funny face. Parang mukha ni Spongebob on that one episode nung naadik si Squidward sa krabby patties. Ano na naman gustong palabasin nito?

“Bakit ganyan mukha mo?”

“Something tells me there’s something going on sa inyo. Come on, spill.”

“Anong something going on? We’re just friends.”

“Wow. Big word. Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan? And a real one.”

“Basta nga… Enough with the questions.” Sakto naman dumating na si mang Danny. We loaded everything in the trunk and sumakay na.

“Saang hospital nga pala naka confine yung brother mo?”

“Sa OsMun. Bakit?”

“Dun na kita ihahatid. Mang Danny sa OsMun po tayo.”

“Sige ma’am Chloe.” We drove off and in just a few minutes nasa OsMun na kami. Huminto kami sa entrance and bumaba na si Marietta.

“Hey wait for me…” Bumababa ako sa sasakyan and followed her inside.

“Anong ginagawa mo? Umuwi ka na.”

“No. I wanna see your family. Gusto ko sila makilala.”

“Sigurado ka? Hindi sosyaling ospital toh.”

“Ayos lang. Less talking and more walking.” Pumasok na kami sa elevator and stopped on the second floor. We entered a room with 2 patients inside. Nasa dulong bed yung brother ni Marietta. May someone na nag aayos ng mga gamit on the bedside table and I’m guessing she’s her nanay.

“Nay nandito na po ako.” She (Marietta) kissed her on the cheek sabay upo sa kama. “Junjun kamusta na pakiramdam mo? Kumain ka na ba?” He just shook his head.

“Nako anak wala siyang gana kumain. Sinabihan ko nga na kumain para gumaling na siya pero ayaw talaga.” Mariette looked at him with a worried face.

“Nga pala nay. Siya nga pala si Chloe. Chloe ito si nanay.”

“Good evening po.”

“Ah ikaw pala si Chloe? Kamusta ka naman iha?”

“Ok naman po. Kayo po?”

“Ito hindi ok. Nung isang araw pa kami nandito sa ospital. Tapos si Junjun pa walang gana kumain.” She replied with a weary voice. Umupo ako sa bed and kinausap si Junjun.

“Hi Junjun… si Ate Chloe toh. Kaibigan ni ate Marietta.”

“He…llo… po…” Grabe nanghihina talaga siya.

“Junjun… Makinig ka na kay nanay ha. Kain ka na para mabilis ka na gumaling.” He nodded slightly. “Sige mag deal tayo… pag nakinig ka kay nanay bibigyan kita ng lahat ng laruan na gusto mo. Pero dapat magpagaling ka. Ok ba yun?”

“Ta… Ta… laga… po?”

“Oo naman. Basta makikinig ka kay nanay at ate. Pag sinabi ka kumain ka kakain ka. Pag iinom ng gamot iinom ka.”

“Si… sige… po… sa… la… mat… po… ate… Chloe…” I patted his head and turned to Marietta.

“Oh bakit ganyan mukha mo?”

“Ikaw naman… hindi mo naman kailangan pangakuan ng ganyan yung bata.”

“Sino ba nagsabing hindi ko tototohanin? I’ll really give him toys.” Humarap ulit ako kay Junjun. “Kaya ikaw pagaling ka na ha. Pag ok ka na punta tayo Toy Kingdom. Ok?” He smiled in agreement and I smiled back. Umalis na ko sa kama and talked to Marietta’s nanay.

“Tita pag may kailangan po kayo wag po kayo mahiya magsabi sakin ha. Ready po akong tumulong.”

“Nakakahiya naman sayo iha.”

“Wala pong problema sakin. Kahit ano po na pwede ko itulong sabihin niyo lang sakin.”

“Salamat Chloe ha. Ang swerte ni Marietta may kaibigan siyang mabait.” Kung alam niyo lang po ang to too… But still I’m willing to help them. Kawawa naman yung bata. I just smiled at her in response.

“Mauna na rin po ako medyo late na rin po eh.”

“Ah… oh sige mag iingat ka ha.”

“Sige po. Bye Junjun. Pagaling ka na ha.” He just nodded at me and smiled weakly.

“Tara hatid na kita. Nay baba po muna kami.” Lumabas na kami ng kwarto and pumunta na sa parking lot. “Salamat ah.”

“For what?”

“Sa pagpapangiti sa kapatid ko kahit saglit lang.”

“Ano ka ba ok lang noh. Saka totoo naman yung deal ko sa kanya eh.”

“Pero still… Thank you…”

“You’re welcome.” Nakarating na kami sa kotse and pinabuksan ko yung trunk. Nilabas ko yung book na gusto niya and placed it on the Bench paperbag. Pati yung duffel bag niya nilabas ko and inabot ko sa kanya.

“Ito oh.” Inabot ko sa kanya lahat and gulat na gulat siya dun sa Bench na bag.

“Ano toh Chloe?”

“Buksan mo para malaman mo.” She carried the duffel bag on her right shoulder sabay bukas nung paperbag. And she was shocked/delighted nung nakita niya yung damit na gusto niya and the book.

“Chloe sobra sobra naman na toh I don’t think na matatanggap ko toh.” Inaabot niya pabalik sakin yung paperbag but I thrusted it toward her.

“Ano ka ba Marietta. It’s okay. Minsan lang ako magbigay sa ibang tao so consider yourself lucky that you’re one of them.”

“Oo na sige na. Salamat ha. Sobrang thank you.”

“You’re welcome. I have to go na. Bye. Ingat ka.”

“Sige ingat.” Sumakay na ko sa kotse and she stayed in the parking lot hanggang sa makalayo na kami. When I got home I unloaded everything from the trunk, went upstairs, took a shower and humiga sa kama. I checked the time and it’s past 10pm. Grabe bigla kong naramdaman yung pagod from walking sa mall kanina. Without even realizing it, I fell into a deep sleep.

uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 9 posted)
« Reply #17 on: June 24, 2014, 10:29:51 PM »
Chapter 10

Chloe’s POV the next day

“Mom… dad… Can I talk to you for a minute?” Pumasok ako sa room nila. My dad was in his work area looking through some files and my mom was reading something on the bed.

“Sure honey… Come in… What is it?” Umupo ako next to my mom on the bed.

“I was… I just wanted to ask if we could help Marietta?” They both looked up at me.

“Why? Is something wrong?”

“Her brother is in the hospital. May dengue. I want to help her. But I don’t want to let her know. Could we help her out? They can’t afford the hospital bills.” I fiddled with the loose thread sa comforter ng bed nila. Gusto ko tulungan si Marietta without her knowing na galing sakin yung tulong kasi for sure magrereact siya. And coming to my parents for help is the only way I know how. She’s not even my friend so honestly, I don’t know why I’m doing this. Pero naawa talaga ako sa kapatid niya.

“Oh sweetie we’re so sorry to hear that. Kailan pa nasa hospital yung brother niya?”

“I don’t know. Kagabi ko lang po nabisita. They’re at OsMun.”

“Of course we’ll be glad to help her. We can just tell the staff there not to reveal our names. Does that sound good to you?” I looked up at them and I smiled in delight.

“Of course. Thank you so much mom and dad!” I gave both of them hugs and kisses. “You’re the best parents ever.” They just smiled at me.

“Is there anything else that you need?”

“That’s all. Thanks again.” I walked out of their room happily. It’s only 8am. Makapagpahingin nga. I decided to go sa may pool and on my way there I bumped into someone/something.

“OMG I’m so sorry.” I looked up and si Lance pala yung nabangga ko.

“Ok ka lang ba?”

“Uhmm yeah… Sorry ulit.” Naupo ako sa isang chaise lounge. Si Lance naman naupo rin dun sa isang chaise lounge.

“Kamusta lakad niyo kahapon?”

“Hmm ok naman. Namili kami ng mga gagamitin para sa camping saka binisita ko yung kapatid ni Marietta sa hospital.”

“Ospital? Bakit?”

“Dengue…”

“Hala naman… kamusta naman yung kapatid niya?”

“Ayun sobrang nanghihina.” He shook his head in dismay. Napatingin na lang ako sa pool not knowing what else to say.

“Yung mga classmates ko pala… Tinadtad ako ng tanong after nung auction. Sorry alam ko hindi ka interesado malaman. Kalimutan mo nang binanggit ko.” I faced him with curiosity etched on my face.

“I’m interested. Really? Like what?”

“Kung ano daw meron satin… sabi ko wala. Hindi rin kasi nila alam na dito ko nagtatrabaho sa inyo.”

“Then tell them we’re friends. Yun naman talaga meron satin eh.” After I said it parang may something sa expression ng mukha niya… Sad? Disappointed? I don’t really know. He just nodded at me in response.

“Sorry to keep you. Baka marami ka pang gagawin.”

“Medyo. Pero pwede ko pa naman gawin yun mamaya.”

“Mmhmm ok… So… what do you want to talk about?”

“Hmm ikaw kahit ano…” And then it started. We talked about the basics like birthday, favorite this and that, likes and dislikes and etc. We continued talking until things we asked each other became a bit personal.

“So if you don’t mind me asking… may crush ka ngayon?” He stiffened after hearing my question. “Oops sorry too personal to ask. Wag mo nang sagutin.”

“Hindi ok lang… hmm ngayon meron akong crush. Actually hindi ko siya crush. I like her. I like like her. Kaso imposible eh.”

“Bakit naman?”

“Magkaiba kami ng mundo. Mayaman siya, ako mahirap. Halos lahat ng lalake nagkakandarapa sa kanya. Malabong mapansin niya ako.” Could he be talking about the girl on his fb status?

“Ano ka ba… think positive. Malay mo she likes you too but she’s just waiting for you to make the first move.” His face brightened with hope pagkasabi ko nun.

“Sa tingin mo posible talaga na magustuhan niya rin ako?”

“Alam mo walang imposible sa mundo noh. Give it a shot. Malay mo mapasayo rin siya.” I replied with a smile.

“Ikaw may crush ka rin ba?”

“Ha?”

“Ah wala.”

“May crush ba ako? Honestly, I don’t really know. I tried telling myself na baka infatuated lang ako when I saw him looking so handsome nung isang beses. But lately… Ewan ko ba. But I wanna know for sure kung ano ba tong nararamdaman ko. I haven’t felt this way before because of a guy pero siya… iba yata tama ko sa kanya… Ano sa tingin mo dapat kong gawin?”

“Hmm… Subukan mo siyang kilalanin. Malay mo ok naman pala siya. Bigyan mo ng chance.”

“Actually yun nga yung ginagawa ko ngayon. And I think I’m slowly starting to see the real him.”

“Oh yun naman pa eh. Tuloy mo lang yan.” We just smiled at each other.

“I think dapat gawin mo na yung dapat mong gawin. Balik na rin ako sa loob. Thanks for keeping me company for the 3rd time.”

“Walang problema yun. Pag gusto mo ng kausap text mo lang ako.”

“I’ll keep that in mind. Balik na ko sa loob.” We parted ways and ako naman bumalik na sa room ko. OMG ngayon ko lang narealize yung confession ko kanina. Did he have an idea na siya yung guy na tinutukoy ko? Wala naman siguro. Kasi kung meron nahalata ko na sa mukha niya kanina. But I can’t stop myself from thinking kung sino yung girl na tinutukoy niya. There are lots of rich girls in our school na magaganda rin. Maybe she’s one of them. Ay ewan ayoko na isipin.

Naupo ako sa may study table, opened my bag and took out one of my notebooks para gumawa ng homework. Pagbuklat ko nung notebook may nahulog. Yung picture namin ni Lance from the party. I suddenly had an idea. I’ll put this photo on my locker sa school. Inipit ko na ulit yung picture and started doing my homework. After what felt like hours natapos rin ako. Binalik ko na yung notebook sa bag ko and opened my laptop at nag facebook. Reject friend request… check for any schoolwork and school events… balik sa home page… nothing to see on the news feed… log out.

After that nilabas ko ulit yung School 2013 DVD and pinanood ko siya. Nasa episode 4 na yata ako. Why is Lee Jong Suk so hot?! Ok it’s official celebrity crush ko na siya. Siguro naka 4 episodes na ko nung bigla akong nakatulog ng di ko namamalayan… and I had a dream about HIM…



uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 9 posted)
« Reply #18 on: June 24, 2014, 10:30:49 PM »
Ashton’s POV

It’s 6pm and nandito ako sa bahay ni Chloe ngayon with bouquet of flowers. I rang the doorbell and isang maid nila yung nagbukas ng gate. Agad naman akong pumasok and when I stepped inside the house nagkasalubong kami ng dad niya.

“Good afternoon tito Chandler. Nice to see you.”

“Hello there Ashton. It’s nice to see you too. You here for Chloe?”

“Yes tito.”

“I think she’s in her room. I’ll go to her and tell her to come out. You can sit on the couch while waiting.” I did as I’m told. Habang nag-aantay nilapag ko muna yung flowers and I checked myself in the mirror malapit sa couch. Hair is fixed, polo not wrinkled, maayos na pantalon, clean shoes. Nakarinig na ko ng footsteps and paglingon ko si tito Chandler na pala kasama si Chloe. And judging from her looks mukhang kakagising lang niya.

“I’ll leave you two alone.” He smiled at us sabay alis papunta sa kung saan man siya pupunta. We stood there in awkward silence hanggang sa naalala ko yung bouquet.

“Hi. Ito pala oh.” Inabot ko yung bouquet sa kanya at tinitigan lang ulit niya.

“Para saan toh? Diba sabi ko ayoko ng mga ganito kung galing sayo?”

“Chloe naman. Parang ito lang eh. Sige na kunin mo na.” Pinilit kong abutin sa kanya yung bulaklak at kinuha naman niya ng walang angal. Naupo na kami sa couch at nilapag naman nya yung bulaklak sa tabi niya. Pero yung pagkakalapag niya napaka careless. Pano ko ba mapapaamo tong babaeng toh?

“What do you want? Ok na sana gising ko kaso nakita ko na naman pagmumukha mo.”

“Wala gusto kong dumalaw. Masama ba yun? Saka diba sinabi ko naman sayo na I’ll take things seriously? So here I am now nanliligaw ng maayos sayo. Sana man lang magpakita ka ng konting appreciation.”

“How many times do I have to tell you that I don’t like you? Gusto mo ba tagalugin ko pa? Hindi kita gusto. I don’t like you right now and I’ll never like you. Ever. So tigilan mo na tong mga toh.” Hindi ko na napigilan sarili ko. Bigla kong hinawakan mga kamay niya and looked her straight in the eyes.

“Ano ka ba bitawan mo nga ako!” She tried to free herself from my grip pero di niya nagawa.

“Chloe will you listen to me? I like you… no I don’t like you. I love you. I love you so so much that I’m willing to change myself for you. And I won’t stop ‘til you feel the same way for me. You get that? Kaya sa ayaw at sa gusto mo I won’t give up on you. Please just give me a chance. Hindi na kita aasarin. Hindi na kita bubulabugin. I won’t treat you harshly. So please…”

She just sighed heavily and looked down at our hands. “Ashton---“ Hindi na niya natuloy yung sasabihin niya kasi may narinig kaming boses. We both looked up and si tita Helena pala.

“Hi kids. What you doin’?” Binitawan ko si Chloe and tumayo ako to kiss tita on the cheeks.

“We were just talking. Sorry to visit without notice. I just wanted to see Chloe.”

“It’s okay welcome ka dito sa bahay anytime. We’re about to have dinner. Would you like to join us?”

“Actually tita it’s the reason why I’m here. Tatanong ko po sana kung ok lang po ba sa inyo if I take Chloe out to dinner?”

“What? No way would I have dinner with you. Mom I’m not going.” Angal agad ni Chloe.

“That would be fine Ashton. Basta don’t stay out to late. Delikado pa naman pag gabi.”

“Of course tita. Thank you po.” Lumapit naman si Chloe sa mommy niya and nag usap sila in a low voice pero naririnig ko kasi ang lapit lang nila sakin.

“Mom I said I don’t want to go. I’d rather have dinner here than be with that guy.”

“Chloe… pagbigyan mo na siya. Ngayon ka pa lang niya inayang lumabas. Give him a chance. Now go to your room and change.” Mukhang pati si tita kakampi ko sa panliligaw kay Chloe. Si Chloe naman padabog na pumunta sa taas. After mga 10 minutes bumalik na siya sa baba ng nakabihis na. She’s wearing a royal blue dress and silver sandals and may dala siyang white sling bag. She looks so beautiful. Napatulala na lang ako bigla. I came back to my senses nung may narinig akong nag snap malapit sa tenga ko.

“Laway mo baka tumulo masyado ka nang natameme sa anak ko.” I turned and saw tita Helena grinning at me. I just smiled back at her.

“Hehe sorry po tita. Maganda po kasi talaga anak niyo.” Lumapit na samin si Chloe.

“Let’s just get this over with.” May isa pang lumapit samin and kinausap si tita Helena. At ang laki ng gulat ko nung nakita ko si Lance. What the hell is he doing here???

“Ma’am ito po pala yung pinabili niyo kanina.”

“Ay thank you Lance ha. Oo nga pala ito pala si Ashton friend ni Chloe.”

“He’s not my friend…” Sabi ni Chloe then she rolled her eyes.

“Fine then. Her suitor.” Sounds better. Pagkarinig ni Chloe nung word na yun lalo siyang nairita. “Ashton this is Lance. Anak ng yaya ni Chloe and nagtatrabaho dito samin.”

“Nagkakilala na po kami tita. He sat with us one time nung pumunta siya sa school to meet his friend.”

“Ah okay. Anyway I have to go. Aayusin ko pa itong mga toh. Have fun you two.” Lumapit naman siya kay Chloe and may binulong. “And you… be nice to him okay?” Kiniss niya sa ulo si Chloe and walked out. Nagkatinginan kami ni Lance and we both had a stern look on our faces.

“How’s it going, dude?” Tumango lang siya sakin. “Tara na Chloe. Para makabalik tayo ng maaga.” Lumakad na ko papunta sa pinto. I was about halfway there and paglingon ko, Chloe remained where she stood and they stared at each other. Is there something going on between them? If that’s the case I’ll do whatever I can para hindi sila magkatuluyan. Hindi ako papayag na ang kakumpitensya ko kay Chloe isang katulad niya na trabahador lang dito sa bahay nila.

“Chloe let’s go.” Napalingon na sakin si Chloe and this time lumakad na siya papunta sakin. But she stole a glance at him before completely walking out the door. Sumakay na kami sa kotse. I fastened my seatbelt then I leaned in to Chloe’s side para ako na magkabit ng seatbelt niya but she refused.

“I got it. Just drive.” I sighed heavily, pinaandar yung kotse and drove off. Now you might be wondering bakit ako nakakapag drive mag isa eh 16 lang ako. May connections mom ko so ito nakakapagdrive ako mag isa. When I got pulled over once I mentioned yung kakilala ng mommy ko and they let me go.

“Saan mo gusto kumain?”

“I don’t care kung saan. I just want to get this over with.”

“Fine.” Sa Resorts World kami pumunta. I parked my car, lumabas kami and went inside the mall. “Do you want to eat anything in particular? Pinoy food? Japanese food? Chinese food?”

“I don’t really care kung saan. Kaya lang naman ako sumama sayo para di kami mag-away ni mommy.” I pinched the bridge of my nose in frustration. Patience Ashton. You’re doing this para magustuhan ka rin niya. If you lose your temper you’ll mess things up. I held her hand pero agad agad siyang kumawala. Hindi ko na pinilit baka masira lang gabi naming pareho. Pumasok kami sa Mr. Kurosawa and we were ushered to a table. We sat across from each other and may lumapit samin to give the menu. Maya maya lang may waiter nang lumapit samin.

“Are you ready to order sir?”

“Sure. I’ll have one katsudon and red iced tea. Ikaw Chloe?”

“I’ll have the Japanese carbonara. And blue iced tea.”

“Would you like anything for dessert?”

“That would be all for now.” Nirepeat ng waiter yung order namin then he walked away. “So… may gusto ka bang puntahan dito after dinner?”

“Wala. I want to go straight home after this.” Napahinga na naman ako ng malalim and slouched on my seat.

“Chloe… What do I have to do for you to like me? Just tell me what and I’ll do it.”

“You really wanna know? I want to you to get out of my life. Can you do that? Coz that would make me so happy.”

“Unfortunately that’s the one thing that I can’t do. Like what I said earlier, sa ayaw at sa gusto mo I won’t give up on you.” She just shook her head in frustration and kinalikot yung phone niya. Nung medyo matagal na siyang nagkakalikot I spoke to get her attention.

“Isn’t it rude to be on your phone when you’re with someone?” She looked at me and raised her eyebrow.

“Why do you care? I do whatever I want. Pero sige kung talagang naaasar ka na tatabi ko na tong phone.” Nilagay na niya sa isang tabi yung phone niya and she gave me her death glare.

“Thanks for giving me your full attention.” Dumating na yung food namin and we started eating in silence. Halfway through the dinner nakita ko si Chloe na pinaglalaruan na lang yung pagkain niya. Samantalang ako halos paubos na pagkain ko.

“Oh bakit di ka kumakain? Ubusin mo na yan.”

“Wala akong gana.”

“Oh come on Chloe. Ubusin mo na yan. Alam ko gutom ka sige na ubusin mo na yan.” She reluctantly took a few bites then she stopped eating and uminom siya ng iced tea niya.

“I’ll just go to the restroom.” She wiped her lips with a tissue sabay tumayo at pumunta sa restroom. Napatingin ako sa phone niya nasa isang corner nung table. Hindi ko napigilan yung sarili ko na kunin yung phone niya. Sinasabihan ako ng konsenya ko na ibalik yung phone but the next thing I knew I opened her phone and its showed the message app. Nagulat ako when I saw a message thread with Lance. Nagkakatext na pala sila? Without thinking I started reading from the very first message hanggang pinakadulo. The last few messages were sent kanina lang. This was the time na sinita ko siya for using the phone.

Ok ka lang diyan?-Lance

No. I wanna get out of here.-Chloe

Sana hindi ka na sumama kung talagang ayaw mo.-Lance

Ayoko naman talaga kaso ayoko ring mag-away kami ni mommy. So I had no choice. Wala nga kong gana kumain eh.-Chloe

Pag may ginawa na naman siyang hindi maganda sayo pwede mong sabihin sakin.-Lance

I’ll keep that in mind. Thanks. Sinita na ko ng bwiset na toh. TTYL.-Chloe


Seriously? Ano ba talagang meron sa kanila? I looked up and napansin kong lumabas na siya ng restroom so dali dali kong pinatay yung phone and binalik kung san ko kinuha.

“Let’s go home.” Sabi niya sakin sabay upo sa upuan niya. Nagtawag ako ng waiter and asked for the bill. Pagtapos naming magbayad bumalik na agad kami sa kotse. We fastened our seatbelts, started the car and drove off. The drive home is filled with silence. Nakatingin lang siya sa window at ako naman hindi mawala sa isip ko yung text messages nila. Since when did they get to the texting stage? Nanliligaw ba siya kay Chloe? After about 30 minutes nakarating na kami sa bahay nila.

“Thanks for the dinner. And I hope this will be the last one. Goodnight.” She unfastened her seatbelt and lalabas na sana siya when I stopped her. “Ano na naman?”

“Anong meron sa inyo ni Lance?” She looked at me with a questioning look on her face.

“Why are you asking that? Kung ano man meron samin wala ka nang pakialam don.”

“Nothing. It’s just that I saw your messages—“ S—t Ashton! Why did you say that?! Ang sama na ng tingin niya sakin ngayon.

“You checked my phone?! What the hell Ashton! Ganyan na ba talaga kakapal mukha mo?! Unbelievable! You’re invading my privacy and you don’t even have the right to do that!”

“I’m sorry! It’s just that—“

“Save it Ashton! You’ve really crossed the line. Get lost!”

“Chloe wait!” lumabas na siya sa kotse and agad naman akong sumunod. “Chloe I’m so sorry. Hindi ko sinasadyang pakialaman phone mo.”

“Pwede ba Ashton tantanan mo na ko parang awa mo na! Hindi ka ba talaga makaintindi?!” Hindi na ko nasagot and she went inside.

“Argh! You’re so stupid Ashton! Stupid stupid stupid!” I scratched my head in frustration, went to my car and drove off. Ayoko pang umuwi pero I don’t have a destination in mind. The night was almost perfect. And I messed up big time. How will I be able to fix this?


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 10 posted)
« Reply #19 on: June 27, 2014, 12:46:36 PM »
Chapter 11

Chloe’s POV

This is it. The day of the camping trip. It’s 5:15am and nandito na ko sa school nakaupo lang sa bench while waiting. Our bus leaves at 6am. Magkasama kami ni Lance na dumating and wala pang masyadong students. Bigla naman akong hinikab.

“Grabe inaantok pa ko. Why do trips like this have to be so early…” I rubbed my eyes sa sobrang antok.

“Hehe syempre ganon talaga. Pwede ka pa naman umidlip wala pa naman masyadong tao.”

“Fine. Just wake me up pag aalis na tayo.” I closed my eyes and agad naman akong nakatulog. Nagising na lang ako nung naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. I opened my eyes and found myself leaning on Lance’s shoulder. Napa-angat agad ako ng ulo and I rubbed my eyes.

“How long was I asleep? And sorry for leaning on you.”

“Ok lang yun. Mga 30 minutes ka rin sigurong tulog. Kaya kita ginising kasi nandito na si Marietta sabi niya kailangan niyo daw mag usap. Nandun siya oh.” Tumingin ako sa direction na tinuro niya and I forced myself to wake up. Nakatayo siya malapit sa stairs.

“Puntahan ko lang siya.” Tumayo ako from the bench and lumapit kay Marietta.

“Hi. Ano gusto mong pag usapan? Kamusta na pala yung kapatid mo?” She finally faced me and she seemed mad. “Bakit ganyan mukha mo?”

“Ok na siya nakalabas na siya ng ospital.”

“That’s good news then.”

“Magbabayad na sana kami nung bill kaso ang sabi samin bayad na daw lahat. Kahit hindi sinabi samin kung sino yung nag settle ng bill alam ko ikaw may gawa nun kasi ikaw lang naman yung nakakaalam nung sitwasyon namin.”

“Marietta I was just trying to help.”

“Trying to help? Lahat ginagawa ko para sa kanila. Kung magkano binabayad mo sakin pinagkakasya ko yun para samin. Hindi ako humihingi ng sobra. Oo aaminin ko kaya ako pumayag na magpanggap bilang kaibigan mo dahil sa pera. Para matulungan ko pamilya ko. Pero hindi ibig sabihin nun eh lahat ng pera mo itatapon mo na lang sakin. Parang pinapamukha mo sakin na sobrang kailangan kita.” I was so shocked with what she just said. Umagang umaga ganito pinagsasabi niya sakin.

“So are you saying na ininsulto kita? That I doubted your capability to help your family on your own? Sige nga Marietta sabihin mo sakin pano ko ginawa yun? I just tried to help your family and ito pa gagawin mo sakin? Ako na ngang nagmalasakit ako pang lumabas na masama. My gosh!”

“Hindi ko hiniling sayo na tulungan mo kami.”

“This is such a pointless conversation. Diyan ka na nga.” Nag walk out ako at bumalik na sa bench na inuupuan namin ni Lance.

“Sasakay na tayo sa bus.” Tumango lang ako kay Lance without looking at him. Kinuha ko na yung bag ko and pumila na to board the bus. Sa pinakadulo ako umupo. I placed my bag sa paanan ko, pulled out my phone and listened to music. Nung napuno na lahat ng bus umalis na kami and nag-umpisa na magsalita yung facilitator but I didn’t pay attention. He mentioned the place na pupuntahan sa Antipolo and blah blah blah… mga 10 minutes na lumipas and nabored na ko kakakinig ng music so I sent Lance a text.

To: Lance

Can we talk?

From: Lance

Ok. May problema ba?


Pagkareceive ko ng text niya tinawagan ko siya and agad naman niyang sinagot.

“Hello?”

“Chloe… Ok ka lang? May problema ba?”

“Si Marietta kasi eh.” Medyo maingay yung background niya so pinaulit niya yung sinabi ko.

“Ano ulit yun?”

“Sabi ko si Marietta…”

“Wait lang ha maingay talaga dito eh. Kabit ko lang earphone ko…. Ayan ok na. Sorry ano ulit yung sinabi mo kanina?”

“Sabi ko si Marietta. She’s mad at me for trying to help her. Can you imagine? Hindi na lang siya magpasalamat.”

“Teka teka. Nagalit sayo si Marietta kasi?”

“Hindi kasi kayang bayaran nila Marietta yung hospital bills nung naconfine yung kapatid niya so lumapit ako sa parents ko for help. They paid the hospital bills pero hindi namin pinasabi na kami yung nagbayad. Of course nalaman ni Marietta kasi ako lang naman yung nakaalam ng situation nila. And now she’s mad at me kasi daw parang ininsulto ko siya. Na hindi ko siya hinayaan na siya yung gumawa ng paraan. Lance ako pa ba yung mali eh ako na nga yung nagmalasakit?” There was silence between us. I’m guessing he’s trying to assess the situation.

“Ayokong isipin mo na may kinakampihan ako sa inyong dalawa. Pero subukan mo na ikaw ang nasa sitwasyon niya. Papayag ka ba na ibang tao sumalo sa problema mo? Syempre gugustuhin mo na ikaw ang gumawa ng paraan. Hangga’t kaya mo hindi ka aasa sa iba diba?”

“Oo nga nandun na tayo. Pero are you saying na dapat pinabayaan ko na lang siya? Eh kitang kita ko kung gano silang nahihirapan.”

“Chloe subukan mo rin isipin yung side niya. Syempre ayaw niyang ipakita sayo na hindi niya kaya. In short nandun yung pride niya. Ayaw niya lumapit sa kahit sino para humingi ng tulong.”

“So are you saying na parang tinapakan ko pride niya?” Bakit parang pati siya kampi kay Marietta? He’s saying na wala siyang kinakampihan pero side ni Marietta yung pinapaulit ulit niya.

“Chloe hindi naman sa ganon—“ I ended the call. I can’t believe all this. Ako na nga nagmalasakit ako pang naging masama. Tinago ko na sa bulsa ko yung phone ko. Hindi nagtagal nakareceive ako ng text from Lance.

From: Lance

Sorry kung may nasabi akong hindi maganda. Pwede ba tayo mag usap mamaya?


I didn’t reply. Binalik ko ulit yung phone sa bulsa ko. After about 1 hour nakarating na kami sa camping site. Bumaba na kami sa bus and pumasok sa venue. Yung mga facilitators may kinausap na mga staff nung lugar and they ushered us inside. They gave us a tour of their facilities hanggang sa naging final stop namin yung place kung saan kami magka camp out.

“Good morning everyone and welcome to the 12th annual camping trip of Rockgrove High School. This will last for 3 days and 2 nights. This event is made possible by none other than Ms. Chloe Beaufort’s parents. They paid for everything for this camping trip.” Everyone looked at me at ako naman I just crossed my arms and looked at the ground. I’m not in the mood to receive this kind of attention right now. “Anyway… our activities for today are…” I tuned out what he was saying and bigla na lang akong natulala. After ilang minutes I came back to my senses and nakita ko na lang everybody’s moving along.

“Chloe pwede ba tayo mag usap?” Paglingon ko si Lance pala.

“Not in the mood right now.” Lumakad na ko pero naramdaman ko na lang na kinuha niya bag ko.

“Ako na magdadala nyan. Slave mo ko for the whole camping trip di ba?” Hindi ko na siya sinagot and lumakad na kami to join the others.

“Ok guys you can set up your tents in this area. After setting up pwede na kayo kumain ng breakfast. Section Humility you can set up here… Section Courage you can set up there…” Tinuro niya ng tinuro yung mga spots kung san pwede mag set up yung bawat section. Kumuha na ko ng isang tent and attempted to set it up but obviously, I have no idea what I’m doing.

“Tulungan na kita.” Sabi ni Lance sabay lapit sakin. After tinkering for a few minutes naayos na namin yung tent and pinasok ko na yung bag ko sa loob. Maya maya lang may lumapit samin and si Marietta pala dala dala yung bag niya.

“Just so you know labag sa kalooban ko tong gagawin ko ngayon. Pero pwede bang makishare ng tent? Halos lahat occupied na at ikaw lang yung alam kong walang kasama.” Hindi ko siya pinapansin until Lanced nudged me. I looked at him and he just nodded to Marietta’s direction to tell me na pumayag ako.

“Fine.”

“Thank you.” Pinasok na niya yung bag niya sa loob sabay labas at pumunta sa dining area para mag breakfast.

“Thanks for helping me. punta ka na dun sa section mo. Kaya ko na dito.”

“Sure ka?” I nodded in response without looking at him. “Text ka lang pag kailangan mo ko… Master…” Seriously? Kina-career talaga niya pagiging slave? I looked up at him. He smiled at me and I managed to give a weak smile then pumunta na ko sa dining area to have breakfast. While I was on the line to get some food I saw Ashton looking at me and kasama niya yung girl na nakakuha sa kanya nung auction. Inirapan ko lang siya and kumuha na ko ng food ko. When I got everything I wanted naupo na ko isang bakanteng pwesto. I only got 2 slices of bread and pansit kasi wala talaga akong gana kumain. Maya maya lang may umupo sa harap ko.

“Pwede makishare na rin ng table? Pasensya na sa abala.” I nodded without looking at her. We ate breakfast in silence. I was contemplating whether to initiate a conversation or not but I chose the latter so I remained quiet. I felt my phone vibrate in my pocket and it’s a text from Ashton

From: Jerkhead

Chloe can we talk later?

To: Jerkhead

Why? So you can check my phone again? Wala na kong balak makipag-usap sayo. Get lost!


I hit send sabay delete sa message thread niya. I closed my phone and placed it back in my pocket. Ang nakain ko lang sa pagkain ko 1 1/2 slice of bread and half nung pansit.

“Guys the first activity will start in 10 minutes. Finish your breakfast and go to the rest house.” Tumayo na ko and threw everything in the nearest trash can sabay lumakad papunta dun sa rest house. Pagdating ko dun naupo ako sa isang chair sa unahan na may label ng section namin and I saw Lance sitting all the way on the other side. May katabi siyang guy and girl. I’m guessing the girl is Jenny. Unti unti nang napuno ng mga tao. Paglingon ko sa tabi ko umupo si Marietta but I didn’t care. If I make a big deal out of it magmumukha lang akong immature. When everybody settled themselves pumunta sa gitna yung facilitator and nag umpisa mag salita.

“Hi guys… I hope you enjoyed your breakfast. Our first activity for today is a game para naman magising kayo ng konti. Charades but with a twist. The words we have here…” May kinuha siyang container and he gently shook it. “Are a bit hard to act out. So diskarte niyo na kung pano niyo iaact out yung words in a way na masasagot ng group niyo. If you would notice we arranged you by section.”

“Since the words are difficult to act out, you can do what you want but you could never talk while acting out. You can get someone from the group kung kinakailangan. You can draw, show symbols, anything. But don’t do anything obscene please. Let’s keep this game rated G.” Nagtawanan naman ang mga tao dito. “The group with the most points will get the chance to stay in the rest house tonight for an hour and eat all the sweets that you can handle. Ice cream, candy, cake, etc. But only for tonight. And you can only act out the words in 2 minutes.” Naghiyawan naman lahat sa tuwa.

uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 10 posted)
« Reply #20 on: June 27, 2014, 12:58:27 PM »
Chapter 11 continuation

“Let’s get started. Let’s start with the night school students. Who wants to volunteer?” Agad namang may tumayo na lalake and bumunot agad dun sa container. Hindi ko na pinansin. Wala ka sa mood na mag participate sa mga ganitong activity. After like 10 minutes turn na ng section namin. May isang girl na tumayo and bumunot sa container. Napakunot noo siya. Siguro nga talagang mahirap yung mga pinaglalagay nilang words. After 2 minutes of acting out may nakahula nung word. Perseverance. Napakahirap nga naman i-act out nun. Another 10 minutes passed and namalayan ko na lang turn na naman ulit ng section namin. Wala nang nag volunteer.

“Anyone who wants to volunteer?” Walang sumagot. “Ok I’ll just have to call someone then. Ms. Beaufort? Would you like to give it a try?”

“Uhmm no thanks.”

“Come on Chloe do it!” Shouted a random guy. The whole class started chanting “Do it. Do it. Do it.” So para tumigil na sila napatayo na lang ako.

“Alright fine! Para manahimik na kayo!” Pumunta na ko sa platform and bumunot sa container. And nagtaka ako nung dalawang words ang nakalagay dun sa paper. Friendship tapos yung nasa baba nun Love. Pinakita ko yun sa facilitator.

“Sir dalawang words po yung nandito.”

“Oh my. Hindi nagupit ng maayos. It’s okay. Just act out one word.”

“No it’s ok. Hindi naman po ganon kahirap eh.” How the hell will I act out those words?

“Ok section humility. Ms. Beaufort will act out two words. Hindi nagupit ng maayos yung paper na nakuha niya so it had two words. I asked her to just act out one word but she said she’ll do both. Even if you guessed both words correctly, it will only be considered as 1 point para naman hindi unfair sa other groups. Ok lang ba sa inyo yun?” They all nodded in response. “Ok then. You can start now Ms. Beaufort.”

Here goes nothing… Pumunta ako sa whiteboard and wrote “first”. They quickly understood it as the first word that I’ll act out. How would I do this? I scanned the crowd for anything I can use but I didn’t find anything. Napatingin ako kay Marietta and I had the idea. Lumapit ako sa kanya and grabbed her by the hand and dinala sa gitna. I linked arms with her and she just stared at me with a weird face.

“Girl!” I shook my head. “Sweet! Teenager!” Anong pinagsasabi nila? Argh why did I even agree to do this in the first place? Hindi nila masagot talaga so ginawa ko inakbayan ko na si Marietta.

“Best friend!” Almost… Inikot ikot yung kamay ko prompting them to guess again until they found the right word. “Friendship!” Sigaw nung isang classmate ko. Nag thumbs up ako sa kanya and pinabalik ko na si Marietta sa pwesto niya.

“Ok time to act out the second word. Keep your eyes peeled.” I struggled to think of how I can act out Love. Pag ginawa ko naman yung heart symbol baka sabihin lang nila heart. Wala na kong maisip na paraan kundi si Lance. Tumakbo ako papunta sa kanya, yanked him with me pabalik sa gitna and acted cute in front of him.

“Admiration! Crush!” Umiling ulit ako. I intertwined my hands to his and I saw him go stiff. “Boyfriend!” No… “Lover!” Hindi nga boyfriend eh lover pa… Bumitaw ako then I formed the heart shape with my hands. “Love!” Finally may nakakuha ng tamang sagot. OMG I feel so embarrassed sa pinag gagawa ko ngayon!

“You got both words correctly. 1 point for your group. Thanks for participating Ms. Beaufort.” I glanced at him one last time bago tuluyang bumalik sa pwesto ko tapos siya parang shocked na shocked pa rin sa nangyari. Everyone stared back and forth at us and started whispering.

“Why do I feel like there’s something going on here?” Napaka usisero naman ng facilitator na toh.

“It’s nothing sir. Tuloy niyo na po yung game.” I replied. Bigla namang nanahimik lahat.

“Well then…” Turn na ng section nila Lance. I covered my face with my hands and tried to take in kung ano yung ginawa ko. Bakit si Lance yung kinuha ko when I acted out love? Pwede namang kung ano anong gestures yung ginawa ko but why did I do those with him?

“Uy ok ka lang?” Tanong ni Marietta sakin. I shook my head in response. “Sir we’ll just go to the restroom.”

“Sure.”

“Lika na.” Tumayo na kaming dalawa and pumunta sa restroom. I can feel all eyes on us as we walked past. Nung nakapasok na kami sa restroom napasandal na ko sa pader. “Ano nang nangyari sayo? Pagtapos mo mag charades nagkaganyan ka na.”

“I don’t know either.” Nilabas ko yung phone ko kasi naramdaman kong nag vibrate. I saw a missed call from jerkhead and a text from Lance.

“Oh bakit tulala ka sa phone mo?” Tinabihan niya ako sabay silip sa phone ko. “Sino sa kanila kakausapin mo?”

“Wala. Bakit ko naman sila kakusapin?” Binalik ko na yung phone sa bulsa ko and napahinga ng malalim.

“Mag-usap nga tayo. Ano ba talagang meron sa inyo ni Lance? Yung totoo?”

“We’re just friends. Okay?”

“Friends? Really?”

“I don’t know…” Napaupo na ko sa floor and looked down. “Do I… Do you think I’m starting to like him?” I looked at Marietta with a questioning face. She just sighed and sat next to me.

“Hindi ko masasagot yan ikaw lang makakaalam niyan. Bakit may iba ka na bang nararamdaman?”

“Ewan ko rin. Magulo. But what I do know is that I enjoy his company. Madali ko siyang nalalapitan pag gusto ko ng kausap. But I also can’t stop myself from thinking about him minsan. Nagkausap kami last time if we had a person that we like. Sabi niya may gusto daw siya ngayon and habang kinukwento niya sakin yun I can’t help but think kung sino kaya yung babaeng yun. It’s like I’m itching to know whoever she is kahit na alam ko namang it’s none of my business. What’s wrong with me Marietta? Give me an answer please…” I hugged my knees to my chest and napatungo ako bigla. Kayo ba may idea kung anong nangyayari sakin? Marietta rubbed my back para kumalma ako but I don’t think it’s working.

“Alam mo… Tingin ko nagkakagusto ka na sa kanya pero ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Wala namang masama kung magustuhan mo siya. Ok naman siya eh.”

“Maybe... Otherwise I wouldn’t have yanked him kanina nung charades. Ewan ko ba nung nakita ko yung love na yun siya yung naisip kong paraan.”

“Sinabihan na kita noon. Iba sinasabi ng bibig mo sa kinikilos ng katawan mo. Kaya yung ako sayo wag ka na mag deny. And sa nakikita ko sa kanya may gusto siya sayo. Sinabihan niya si Ashton na tratuhin ka ng maayos. Saka nung fundraising habang ikaw walang pakialam sa paligid mo siya nakatitig sayo na para bang bigla ka na lang mawawala.” Alam kong mahirap mag assume but my heart fluttered at the possibility of that. “Oo nga pala… sorry kung nagalit ako sayo dahil sa bayarin sa ospital. Ang punto ko lang kasi sana hinayaan mo kong gumawa ng paraan.” I looked at her and she smiled weakly.

“I know. And sorry rin kung tingin mo tinapakan ko yung pride mo. I was only trying to help coz I can clearly see na nahihirapan kayo. And dahil ayoko ring mag suffer yung kapatid mo.”

“Nagpapasalamat ako kasi nakalabas sa ospital yung kapatid ko dahil sayo.”

“Wala yun. That’s what “friends” are for, right?”

“Right… “Friends”…” May biglang pumasok sa restroom and it’s the girls from our section. They all looked at us na para bang ang weird namin tingnan.

“What are you doing sitting on the floor like that?”

“None of your business.”

“So what’s deal with you and that night school student? Is he the reason why you keep rejecting Ashton?”

“Girls… gaya nga ng sabi niya, none of your business. Kung ano man meron sa kanila labas na kayo dun. So back off.” Tumayo na kami sabay labas sa restroom.

“Mga usisera masyado.”

“Oo nga eh. Tara labas na tayo baka mag start na yung susunod na activity.” Paglabas namin I saw Lance talking to his classmates. Nung napalingon siya sakin nagkatinginan lang kami and when his classmates noticed us biglang naghiyawan. Yiee dito yiee doon. I looked away and lumakad na kami ni Marietta papunta sa tent namin. Dumating bigla yung facilitator and told us the next activity and nag prepare kami for that.

Time lapse 8pm

Natapos na kami mag dinner and nandito kami ni Marietta ngayon sa loob ng tent. Nagbihis na kami into our sleepwear. Lights out namin is 10pm. May nagsabi kay Marietta na kami daw yung nanalo sa charades so we get to stay in the rest house. Habang nag-uusap kami biglang tumunog yung phone ko and it’s a text from Lance.

From: Lance

Pwede ba kita makausap? May sasabihin akong importante.


Bigla namang sinilip ni Marietta yung text sabay ngiti na para bang may balak siya. I put the phone away.

“Oh bakit ganyan mukha mo?”

“Wala lang… masama ngumiti? Ano isasagot mo sa kanya?”

“Hindi pa ko ready harapin siya ngayon. Di ba nga dapat slave ko siya pero di ko na rin sinunod yun.”

“Alam mo hindi pwedeng taguan mo siya forever. Mag usap kayo bukas.”

“Ay nako Marietta pwede ba wag mo muna ko umpisahan kay Lance.” Bigla niyang kinuha yung phone. “Uy ano ba anong ginagawa mo? Marietta give my phone back!” ang tagal bago ko nabawi yung phone ko and nung nakuha ko na I saw na may reply sa message ni Lance. Sure. Pero ok lang ba kung bukas na?

“Marietta bakit ka nagreply? Talaga nga naman oh.” Maya maya lang nagreply si Lance.

From: Lance

Ok sige bukas na lang.


Tinabi ko na yung phone and stared at Marietta

“What?”

“Ikaw naman oh. Poproblemahin ko pa ngayon kung pano ko siya haharapin. Hiyang hiya na nga ako sa nangyari kanina eh.” She just grinned at me na para bang napaka flawless ng plan niya. I just rolled my eyes and nahiga nung may narinig kaming nag aannouce sa labas. We opened our tent to take a peek and yung facilitator lang pala.

“Ok section humility. Your 1 hour stay starts… Now!”

“Woohhh!!!” bigla namang nagtakbuhan yung mga kaklase namin and kami ni Marietta sumunod nung wala nang nagtatakbuhan. Pagpasok namin sa lounge lahat nag kanya kanyang pwesto na. Naupo kami ni Marietta sa isang sulok. Siguro nagtataka kayo bakit pwede kami mag phone eh camping trip toh. Dati they leave the phones with the facilitators. But an incident happened na yung facilitator left on the dead of night tangay yung mga cellphone. When the school tried to find out what happened napag alaman na binenta pala nung facilitator sa kung saan saan yung mga phones then he just went missing. I was in first year highschool nung nangyari yun. So simula nun hindi na pinaiwan yung phones sa facilitators but we are warned not to use them during the activities.


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 10 posted)
« Reply #21 on: June 27, 2014, 01:12:05 PM »
Chapter 11 continuation

“Ngayon lang nagkaroon ng ganito on a camping trip. Kung sa iba pa toh you have to be really one with nature.”

“Oo nga eh.” Tuloy lang kami sa kwentuhan nung biglang may lumapit samin. Si Bea lang pala at may dala pang baso ng tubig.

“Hi there cousin dear. It’s a good thing nakita kita. I have something for you.” The next thing I knew tinapon niya sa mukha ko yung tubig na dala niya and napanganga na lang ako sa gulat at asar. “That’s for taking Lance from me! He was supposed to be my slave! He was supposed to be with me! Pero kinuha mo siya sakin!” I wiped my face with my hands and glared at her. If looks could kill lang talaga baka matagal nang patay tong babaeng toh.

“I took Lance from you? Sige nga sabihin mo sakin Bea… Kailan mo pa siya naging pag-aari para mag inarte ka ng ganyan? Boyfriend mo ba siya? Naka tattoo ba sa kanya pangalan mo? You’re not even that close so don’t claim him for yourself! Napaka pathetic mo! Inaaway mo ko because of a guy who’s not even remotely interested in you.” Naririnig ko nang nagbubulungan yung mga classmates namin at nanonood na samin.

“You b—“ Sinampal niya ako bigla and hindi ko na napigilan yung sarili ko na saktan siya. Sinabunutan ko siya and I said all the meanest words I could think of. Naawat kami ni Marietta pero panandalian lang kasi sinugod na naman ako ni Bea. We kept tearing each other until an adult came in and broke us apart.

“Hey hey hey! Girls! What’s going on here?! Bakit kayo nagsasakitan?!” None of us answered.

“Chloe! Chloe!” Dali dali namang lumapit sakin si Lance at may dalang towel. Pinunasan niya mukha mo at inayos niya buhok ko.

“Could someone please tell me what happened here?” Tanong ulit nung facilitator.

“Sir si Bea yung nauna. Nagkukwentuhan lang kami nung bigla siyang lumapit samin. Nung umpisa kinausap pa niya ng maayos si Chloe tapos nagulat na lang kami nung tinapunan niya ng tubig sa mukha si Chloe.”

“Here’s a video to prove it.”

“What?! There’s a video?!” Napasigaw ako bigla. Hinding hindi pwede makarating yang video na yan sa kahit saan. May isang guy na lumapit and pinakita yung video.

“Based on this video it’s very clear that Ms. Ibarra is the one who started everything. But it doesn’t mean na lusot ka na Ms. Beaufort.” OMG what the hell is happening right now?! Laking problema talaga ng Bea na yan! “Ayusin niyo muna mga sarili niyo then see me outside.” Nag walk out na yung facilitator at kami naman naiwan sa lounge.

“Bea bakit mo toh ginawa kay Chloe? Ano ba talagang problema mo?”

“She deserves it. Lahat ng gusto ko kinukuha niya. At isa ka na dun Lance. You were supposed to be with me. Ako dapat yung makakakuha sayo nung auction kaso yang bruhang yan inagaw ka sakin!”

“Bea naririnig mo ba sarili mo ngayon? Mukha kang ewan sa pinagsasabi mo. Kung alam mo lang kung gano ko ka-ayaw na madikit sayo. Kung makakapit ka parang linta. Girlfriend ba kita para mag-inarte ka ng ganyan? Pwede ba tumigil ka na. Tara na Chloe.” He held my hand as we left the rest house. Maya maya lang si Marietta nakasunod na samin.

“Bwiset talaga yang Bea na yan. Sarap talagang hambalusin eh. Pag ako di nakapag pigil talaga… Ok ka lang ba?” She held my shoulders.

“Do I look like I’m okay? They took a video of the incident. Pag yung video na yun nakarating sa kung saan di ko na talaga alam gagawin ko.” Sumandal ako sa isang puno and covered my face with my hands. “She’s such a b—“
   
“Tara na pumunta muna tayo sa cr at ayusin mo sarili mo.”

“Pati tong shirt ko nabasa. Wala pa naman akong extra. Grrr!”

“Kung nakapagdala lang rin ako ng extrang shirt pinahiram ko na sayo kaso wala rin eh. Sorry ah.”

“That’s okay.”

“Meron pa kong shirt sa bag ko. Teka kunin ko lang yun na lang gamitin mo.”

“Wait Lance you don’t have to—“ Too late umalis na siya. Pinunasan ko yung mukha ako and yung chest ko na basang basa ng tubig. Could this night get any more worse?! Nakabalik na si Lance at may dalang plain white shirt sabay inabot sakin.

“Ito oh. Gamitin mo muna toh.”

“You didn’t have to but thanks.” Kinuha ko yung shirt sa kanya and smiled at him. “Punta na kami sa restroom. Pwede ka na bumalik sa tent mo.” Hinila ko na si Marietta papunta sa restroom and pumasok ako sa isang cubicle to change my shirt. Paglabas ko I looked at myself in the mirror. I’m a mess.

“Bilib rin ako kay Lance ah. To the rescue agad. At pinahiram ka pa ng shirt niya.”

“I know.” I replied. I tried my best to suppress a smile pero di ko rin napigilan. I felt the same feeling again nung pinahiram niya sakin yung coat ng tux niya. A feeling I can’t quite describe but I do know is that I like this feeling.

“Yun oh. Sabay ganyan yung ngiti. Aminin kinilig ka…” She tickled me on my waist and nahampas ko siya nung towel.

“Ok ok oo na. kinilig ako. You happy?” She stopped tickling me and we both grinned. Naputol yung kulitan namin when someone came in the restroom to tell us na kakausapin daw ako nung facilitator. I sighed heavily and had no choice but to face Bea again. Pagdating sa tent area ng section namin nandun yung facilitator with Bea sitting across from him.

“Ms. Beaufort there you are. Have a seat.” Naupo naman ako sa upuan sa tapat niya. “Could you explain to me what’s the reason for all this? Ayaw niya kong sagutin eh.”

“She’s mad at me just because of a guy na “inagaw” ko daw sa kanya. The funny thing is that guy isn’t even remotely interested in her. Kesyo dapat daw slave niya yung guy kaso kinuha ko. She’s not even his girlfriend so If you ask me wala siyang karapatan to act that way.”

“Is that true Ms. Ibarra?” Napayuko na lang siya sa hiya. Nakakahiya naman talaga siya. “Do you happen to have her mother’s number? I have to tell this incident pero di niya binibigay sakin.” Bea glared at me as if she’s saying na wag ko ibigay number ni tita Maribel but of course hindi ko pinansin.

“I have it.” Nilabas ko yung phone ko and dictated tita Maribel’s number. Tinawagan naman agad siya nung facilitator to tell her about what happened. Pagkababa niya ng phone she looked at Bea.

“Your mom said that she will pick you up tonight. Go to your tent, pack your things and wait for your mom to get here.”

“But sir I don’t want to leave. Kung meron mang dapat umalis dito dapat si Chloe yun. Siya lang naman sagabal sakin eh.”

“Wow ah ako pa naging sagabal sayo? How funny.”

“Ms. Ibarra judging from what happened you’re the one who needs to keep distance. Si Ms. Beaufort ang naagrabyado dito.”

“But sir…”

“No buts. Your mom said she’s picking you up tonight and that’s final.” Padabog na umalis si Bea at pumunta sa tent niya.

“Sir I’m so sorry for causing this trouble. Pero hindi naman po talaga ako yung nauna.”

“I know that Ms. Beaufort. Pero it doesn’t mean that you’re off the hook. We have to tell your parents about this.”

“Could we please not get my parents involved in all this?”

“I’m sorry Chloe but we have to. Kasi if we don’t tell this to your parents kami rin ang mapapagalitan. I hope you understand.” Wala na kong nagawa kundi tumango. I gave him my mom’s number and kinausap naman niya. After niyang kausapin in just a matter of seconds sakin na tumawag si mommy. Pinaalis na niya ko to take the call.

“Yes mom?”

“Chloe are you okay? Your facilitator told me na inaway ka daw ni Bea.”

“Yeah I’m okay don’t worry. Tita Maribel’s going to pick her up tonight. But mom… Can we keep this a secret from dad? Ayoko na kasing lumaki pa yung issue.”

“Hmm sige. If something happens call us agad ok?”

“Yes mom… pahinga na po ko. Goodnight.”

“Goodnight sweetie. I love you.”

“I love you too mom.” We ended the call at bumalik na ko sa tent namin.

“Ano nangyari?”

“Ayun si Bea susunduin ng mommy niya ngayong gabi. Mabuti na rin yun para bawas bwiset.”

“Mabuti kung ganon.” Nag announce na yung facilitator na lights out na daw so humiga na kami ni Marietta. Maya maya lang tumunog yung phone ko.

From: Lance

Ok ka lang ba?

To: Lance

I’m okay. Thanks for coming kanina. And for lending me your shirt and towel.

From: Lance

Ano ka ba wala yun noh. So… tuloy pa rin ba yung usap natin bukas?

To: Lance

Sure…

From: Lance

Ok. Goodnight.

To: Lance

Night…


“Uy tama na text matulog ka na.” Tinabi ko na yung phone ko and forced myself to sleep.


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 11 posted)
« Reply #22 on: July 01, 2014, 08:55:23 PM »
Chapter 12

Chloe’s POV

Nagising kami ni Marietta to a loud air horn sound. Pinilit naming bumangon and I rubbed sleep from my eyes. Binuksan naman niya yung tent namin and cold air rushed in.

“Come on guys get up!” Narinig namin yung facilitator and he’s going around with the air horn. Sinara na ni Marietta yung tent at ako naman napahikab sa sobrang antok.

“Anong oras na ba? Ang dilim pa kasi.” Kinapa kapa yung phone ko and when I found it I checked the time.

“It’s 4am. Ang aga naman nila manggising.” Bumalik ako sa pagkakahiga and covered myself with my blanket. Umikot ulit yung facilitator so I had no choice but to get up. I searched my duffel bag for some clothes to wear and I pulled the shirt I bought from Bench, jeans, underwear and toiletries. Pagtapos ni Marietta kumuha ng mga gamit niya lumabas na kami sa tent and I saw everyone going for the shower area. Yung mga girls halos nag uunahan sa pag ligo. When it was my turn naligo ako ng mabilisan kasi si Marietta naman yung susunod.

“Kita na lang tayo sa tent.” Tumango lang siya sakin and ako naman lumakad na pabalik sa tent. I placed my sleepwear on one side for later use and nagsuklay ako ng buhok. Pagpasok ni Marietta punta agad siya sa mga gamit niya. Siguro mga 2 hours din ang lumipas bago nakapagshower lahat. Kasi lumiwanag na when we came out. Nung naka ready na lahat bigla namang sumulpot yung facilitator.

“Good morning guys! How was your sleep?”

“Bitin…” Complained a random guy.

“Hehe sorry but on camping trips you really have to wake up early. Anyway, our activities for today are capture the flag…” I didn’t pay attention anymore. Sobrang inaantok pa ko. “Before we do all the activites you’ll have your breakfast first. After having breakfast kunin niyo yung damit na isusuot niyo for capture the flag.” Yun na lang yung narinig ko. Everyone scrambled to get in the dining area.

“Ok ka lang?”

“Oo. Antok lang. Aga kasi mang gising eh.”

“Tara kain na tayo.” Pumunta na kami sa dining area and kumuha ko ng bread, eggs and bacon. Naupo kami sa isang table and I started taking bites of my food. “Grabe sobrang antok ako wala bang kape dito? Para naman magising gising ako.”

“I don’t think so. Wait you drink coffee?”

“Oo bakit?”

“Wala lang…” We ate in silence hanggang sa may lumapit saming dalawang lalake.

“Girls pwede makishare ng table? Puno na lahat eh.” I looked up to see Lance with his friend. I smiled weakly at him and nodded.

“Sure.”

“Thank you.” Naupo siya sa tabi ko and yung friend niya nasa tabi ni Marietta. “Kamusta tulog mo?”

“Bitin… So…” As if on cue bigla akong nahikab “sleepy… How about you?”

“Ok lang. Sanay na ko gumising ng maaga.” Oh right… Maaga nga pala siya nagigising sa bahay. “Siya pala si Jasper best friend ko. Jasper si Chloe…” Nung napatingin ako dun sa Jasper iba yung titig niya kay Lance. Parang may meaning. Ewan ko I’m not really in the mood to pay to too much attention on that.

“What’s up?” He said sabay tango. I nodded back at him.

“Siya naman si Marietta. Kaibigan ni chloe.” Nag tanguan lang rin silang dalawa. Mga wala pa sa mood makipag kwentuhan. Nung natapos na kami kumain pumunta na kami sa kanya kanya naming tent area and kinuha yung damit na gagamitin namin for capture the flag. After we all changed into the required outfit sumulpot na yung facilitator with a box of guns and a plastic container with papers inside.

“This activity is called capture the flag. You will be divided into two teams. Since medyo madami kayo magbubunutan kayo. Kung anong number mabunot niyo yung ang team niyo. Section humility kayo muna ang bumunot.” Isa isa kaming kumuha nung number and I got number 1.

“What team are you in?”

“2.” Nung natapos na lahat makabunot the facilitator told us to group ourselves. Team 1 will stay on side and team 2 on the other. Nagkagulo lahat sa pag group. Nung pumunta ako sa side ng team 1 I saw Lance sa tabi ko.

“Oh team 1 ka rin?”

“Hehe oo.”

“Buti naman may kilala ako.”

“Si Jasper nasa team 2.” I nodded in response and the facilitator handed out the guns from the box.

“What’s this for?” I asked.

“That’s a paint ball gun. Yan ang gagamitin niyo to hit the members of the opposing team. Now I will give each team a flag. You’ll guard this flag at your base na sasabihin namin sa inyo. Team 1 your base will be there…” Tinuro niya samin yung base naming and we nodded in response. “And team 2 your base will be there…” Tinuro niya yung isang place na nandun sa other side. “some members will stay on the base to guard the flag and some will roam around to find the opposing team’s flag. Whoever capture’s the opposing team’s flag wins.”

We nodded in response. “Gagawin niyo tong activity to promote team building so I hope you all do your best.”

“Yes sir…”

“Good. Now go to your base and may the best team win!” Lumakad na kaming lahat papunta sa kanya kanya naming base. Nung napwesto na yung flag nag usap usap kami kung sino yung mga mag-gaguard nung flag and kung sino yung mag iikot. We decided na kami ni Lance kasama kami sa mga mag iikot so nag split up na kami in pairs. Lance and I went to some random direction. I have no idea what I’m doing. The whole walk was silent. Hindi ko na matiis yung katahimikan so I decided to speak up.

“Do you have an idea kung pano gawin tong activity na toh?”

“Sa totoo lang… di ko alam. Hindi po ka nagawa toh eh. Hehe.”

“Hehe me neither… so maglalakad pa ba tayo or can we just stay here muna? Wala naman akong nakikitang members ng team 2.”

“Sige dito muna tayo.” Pumunta kami sa isang puno and sumandal. Another silence.

“So… ano pala yung sasabihin mo sakin?”

“Ah eh… pano ba…”

“Ano nga?”

“Alam ko weird pero… nung charades…” Oh no… This is the conversation that I dreaded the most “Bakit… bakit mo ko kinuha nung pinapahulaan yung love?”

“Ah eh… kasi…” Do I have to respond? I don’t think so. I can just make something up I guess… “Kasi ikaw lang naman yung guy na malapit sakin. And having a guy made it easier to act out love. Di ba nga nahulaan agad?” Sana lang mapanindigan ko tong pinagsasabi ko ngayon.

“Ah… ok…”

“Bakit mo natanong pala?”

“Ah… wala…” Sasagot pa sana ako nung bigla siyang nag sshhh.

“Why?” I whispered. I heard the leaves rustling. Mukhang may makakakita pa samin. We had our guns at ready and waited for someone to show up. And hindi lang someone. Dalawa pa sila. Nung nakita na namin ng maayos si Marietta and Jasper pala. Nakatutok na rin yung baril nila samin.

“Sorry guys. No hard feelings.” Sabi ni Jasper then he aimed at us. Nung narinig ko nang pinaputok yung paint ball gun I closed my eyes and expected to get hit but it didn’t come. When I opened my eyes si Lance nakaharang sakin and our faces are about 6 inches apart. Yung heartbeat ko biglang bumilis. If nakaharang siya sakin then it means… siya yung tinamaan? (Author: The Heirs lang ang peg ng dalawang toh?)

“Lance? Are you okay?” He just smiled at me sabay humarap sa kanila.

“Wow ah… Ibang klase ka talaga pare.” What does he mean? Binalik ko na yung attention ko kay Lance and it made me vulnerable. Naramdaman ko na lang na tinamaan na pala ko ni Marietta.

“Sorry guys pero kailangan eh.”

“I know. You can move along. Natamaan niyo na rin naman kami.” Lumakad na sila palayo and napaupo na lang kami ni Lance sa ilalim nung puno.

“Why did you do that?”

“Ang alin?”

“You took the paint ball na dapat para sakin.”

“Tinamaan ka rin naman eh. So parehas na tayo.”

“I guess…” We smiled at each other at napasandal na dun sa puno. I had no idea how long we stayed there but the next thing we knew, may nanalo na daw. Dali dali na kaming bumalik sa tent area namin and nagpalit ng damit. The next activity started after ilang minutes and the hours passed quickly.

Time lapse 6pm

“Ok guys. Free time niyo ngayon. You can roam around, take in the scenery and whatever it is that you want to do. But be back by 7pm for dinner time. After dinner magbo-bonfire activity tayo.” We nodded in response and nagpalakad lakad na kung saan saan. I decided to take a stroll on the garden area. Habang naglalakad ako I felt someone hold my shoulders and I almost screamed sa sobrang gulat. Pagharap ko dun sa nakahawak si Ashton lang pala.

“You again? Hindi mo ba talaga ako titigilan?”

“Can we talk? Just for a minute. Just listen to what I have to say.”

“No! I don’t want to waste even a second with you so please lang layuan mo na ako.”

“Chloe listen please… I’m sorry. I’m so sorry for invading your privacy. I didn’t mean to do that. Let me make it up to you please.”

“Save it. Wala akong balak pakinggan excuses mo.”

“But Chloe…” Hahawakan na sana niya ako pero I stepped back. “Chloe wag mo naman gawin sakin toh oh.”

“Ashton ilang beses ko bang sasabihin sayo? I don’t like you. I’ll never like you. You don’t have to waste your efforts on me.” I took another step back kasi may balak na naman siyang hawakan ako.

“Chloe?” I turned to follow the voice and I saw Lance coming towards us. “Ok ka lang? Ginugulo ka na naman ba niya?” bigla akong tumakbo papunta sa kanya and linked arms with him. I can tell na gulat na gulat siya sa ginawa ko.

“Actually oo ginugulo niya ko.”

“Pare… hirap ka ba talaga umintindi? Sinabi na nung tao na layuan mo siya pero nangungulit ka pa rin.” Ashton suddenly became enraged.

“Ikaw na naman?! Ano ba talaga meron kayo ni Chloe? Nanliligaw ka ba sa kanya? Kasi kung oo binabalaan kita lahat gagawin ko para di siya mapunta sayo.”

“Kung ano man meron samin it’s none of your business. So please just go away.”

“Tandaan mo Lance… Hinding hindi ako papayag na mapunta sayo si Chloe. Nagkamali ka ng taong binangga.” He turned to walk away. Nung napatingin ako kay Lance and I saw our linked arms bigla akong bumitaw and looked away.

“Uhmm sorry for that. Ayaw kasi talaga ako tantanan nung bwisit na yun eh.”

“Ayos lang yun. Uhmm pwede ba tayo mag usap?”

“Sure.” Naglakad kami papunta sa gazebo and naupo kami sa isang upuan dun. “So… ano yung sasabihin mo?”

“Ah eh… ito na naman ako di ko na naman alam pano uumpisahan.”

“Hehe sige lang kaya mo yan.” While I waited for him to talk I felt… nervous… parang may something sa tiyan ko. Nakakakiliti na ewan.

“Naalala mo ba nung tinanong mo ko kung may nagugustuhan ako?”

“Ahuh.”

“Well kasi…” Napatakip siya ng mukha.

“Ano yun? Ok ka lang?”

“Oo. Sorry… ano kasi… diba sabi mo baka inaantay lang niya na ako yung mag first move…”

“O-kay?” What’s he going on about? Could it be…

“Mag uumpisa na ko gumawa ng first move. Right now.”

“I don’t understand…” He looked me in the eye and that’s when I knew.

“Chloe… Ikaw yung babaeng yun.” Napa blink ako several times trying to sink in kung ano yung nangyayari ngayon.

“W-what?”

“Ikaw yun. Yung babaeng imposible para sakin. Yung babaeng… like like ko…” Speechless. I’m so so speechless. “Maiintindihan ko kung iiwasan mo na ko. Kung maiilang ka na sakin. Kasi di mo naman ineexpect na ikaw yun. Pero kasi nung sinabi mo na mag first move ako narealize ko na baka nga yun yung dapat gawin.”


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 11 posted)
« Reply #23 on: July 01, 2014, 09:09:28 PM »
Chapter 12 continuation

]“Uhmm Lance… I have something to tell you…” I’m about to confess… Is this really happening? Pinch me coz I might be dreaming… I looked at him and I can tell he’s waiting.

“Yung sinabi ko sayo na naguguluhan ako kung ano ba talaga yung nararamdaman ko… It’s you…” Pati din siya napa blink several times sinabi ko. “At first akala ko infatuation lang kasi nakita kitang gwapo nung anniversary party nila mom and dad. Pero when I got to know you. I felt… weird. I realized that you’re actually a nice guy. I enjoy your company.”

“So… ibig sabihin…”

“What I’m trying to say is… I’m starting to like you. Pero gusto pa kitang kilalanin. So… don’t lose hope yet…” I smiled at him and mukhang gulat pa rin siya sa nangyayari. Kahit ako di pa rin nagsi sink in sakin lahat ng toh. “Uhmm Lance ok ka lang ba?” bumalik na siya sa sarili niya.

“So… ibig sabihin ba nito hindi ka na imposible para sakin?” Nakita kong abot langit na yung ngiti niya so I smiled at him sabay takip ng mukha. I’m trying really really hard not to show na kinikilig ako. “Kahit gaano pa katagal Chloe mag-aantay ako. Hindi ako susuko.”

“Are you sure?” I asked sabay tingin sa kanya.

“Oo naman. Nagawa ko ngang itago yung nararamdaman ko ng—“

“Wait what? Anong ibig mong sabihin?”

“Matagal na kitang gusto Chloe. Simula nung dumating ako sa inyo. Akala mo siguro dahil lang sa maganda ka o mayaman ka pero hindi. Nakikita ko kasi yung side mo na hindi nakikita ng iba. Na mabait kang tao. In short I like you for who you really are.”

“Speechless. So speechless.” I said and chuckled. “Is this really happening??? Pinch me baka hindi totoo toh.”

“Di ba sabi mo sensitive balat mo so ito lang magagawa ko para mapatunayan na hindi ka nananaginip.” He suddenly held my hands and naramdaman ko yung heartbeat ko na bumilis. Wala na kong nagawa kundi tumingin sa kanya.

“Natandaan mo pa yun?”

“Oo naman.” Biglang lumamig yung hangin so napabitaw ako and rubbed my arms “Nilalamig ka ba?”

“Yan din ang tinanong mo sakin nung party. Hehe.”

“Pati yun natandaan mo?”

“Oo naman.”

“Teka suot mo muna toh.” Tinanggal niya yung jacket niya and sinuot niya sakin. I slipped my arms on the sleeves and placed my hands on the pockets.

“Thanks. Dagdag na toh sa mga isosoli ko sayo pag uwi natin.”

“Pwede ring wag na.” I playfully smacked his arms and he chuckled.

“Ano ka ba. Isosoli ko sayo toh noh.” Napatingin ako sa oras and it’s 7pm na pala. Grabe ganon na pala kami katagal nandito. “Dinner time na pala. Balik na tayo dun.”

“Ok sige.” Tumayo na kami and lumakad pabalik sa dining area.

“Oh and one more thing… Can we keep this between us muna? Ayoko lang na maraming makaalam agad.”

“Oo naman. Saka it’s not something na pwedeng ipagsigawan kahit na gusto ko. Kasi alam mo na… amo kita at hardinero niyo lang ako. Saka pag nalaman toh ng mga parents natin panigurado hindi rin sila matutuwa.” Oo nga pala. That’s our reality. Ngumiti na lang ako sa kanya.

“May I?” He offered to hold my hand and I gladly accepted.

“Of course.” We walked back to the area with our hands intertwined. When we got there si Marietta sinalubong kami. Bigla kaming bumitaw sa isa’t isa and tried to act cool.

“Oh nandiyan pala kayo. San ba kayo nagtago at ngayon ko lang kayo nakita?”

“Nagtago ka diyan. Wala nag ikot lang kami dun sa garden.”

“Ah ok. Tara kain na tayo grabe na gutom ko.”

“Puntahan ko lang si Jasper.”

“Okay.” We glanced at each other one last time bago siya umalis. Pagtingin ko kay Marietta kung makatitig kakaiba. “Bakit ganyan ka makatingin?”

“Ano ba talagang nangyari sa inyo? Akala niyo ba hindi ko kayo napansin?”

“What are you talking about?” I tried really hard to act cool pero I don’t think I can keep this any longer.

“Nakita ko kayong holding hands kanina tapos biglang bitaw kayo. Akala niyo siguro hindi ko nakita.” What now? Nakita niya pala yun. Oh no…

“Wala yun. Madilim na kasi hindi ko na masyadong kita yung daan so hinawakan niya kamay ko para alalayan ako. Ano naman inakala mo?”

“Hmm yun lang ba talaga?”

“Oo nga. Halika na nga kumain na tayo.” Pumila na kami para kumuha ng food and umupo sa bakanteng pwesto. While eating I tried to search for Lance but unfortunately hindi ko nakita. Oh well baka sa ibang table nakaupo. And for the first time since we got here, naubos ko yung pagkain ko.

“Wow ah first time naubos mo pagkain mo. Ano ba talagang nangyari ha?”

“Kulit mo. Wala nga sabi.”

“Guys we’ll start the bonfire in 5 minutes.” The facilitator announced. Tinapon na namin yung pinagkainan namin and dumirecho sa bonfire. We all sat in a circle. Magkatabi kami ni Marietta. Si Lance nasa kabilang side katabi si Jasper.

“So guys… how did you find this camp so far?”

“Hmm it’s ok.” Some answered.

“In this camping trip pakikisama is not the only goal. It also helps you to build friendships. Or if you want pati relationships na rin sige.” Nagtawanan naman lahat pagkasabi nun. “So what do you guys want to do? Talent portion? Scary stories? Games?”

“We can do all.”

“Ok sige. Talent portion muna bago tayo mag takutan then games. Who wants to volunteer?” Nagtaas naman ng kamay si Ashton.

“Ako sir. I’ll sing. Pahiram ako ng gitara.” May nagpahiram naman ng gitara sa kanya sabay punta siya sa gitna. “I dedicate this song to my one and only Chloe.” Lahat naman naghiyawan. Argh! He’s so annoying! Pag ako di nakapagpigil baka mabato ko na ng kung ano tong bwiset na toh. He started playing the guitar and kumanta na.

~Bakit ba hindi pwedeng maging tayo 

Ang nais mo ay kaibigan lang ako 

Dinamdam ko ng lubos ang mga sinabi mo 

Wala na ba akong pag-asa sa puso mo 


Pag nakikita ka ako’y nangangamba
Lagi kang umiiwas sa tuwing lalapitan kita
Ba’t ‘di mo pagbigyan ang pag-ibig ko 

Tapat naman ang puso ko sa ‘yo 

Bigyan sana ako kahit konting pagkakataon 

Ba’t ‘di mo pagbigyan ang pag-ibig ko 

Lahat ay gagawin para sa ‘yo 

Nakikiusap sa konting pagkakataong 

Mahalin mo~


Ughh seriously? Ang sintunado pa niya. Akala niya madadaan niya ko sa ganito? Pwes nagkakamali siya. Nung natapos na song number niya nagpalakpakan silang lahat with matching cheers pa.

“So Ms. Beaufort. Anong masasabi mo sa dedication ni Mr. Salvador sayo? Isn’t it sweet?”

“I don’t care. Bahala siya sa buhay niya.” Biglang nag sigawan ng “oohh” yung mga kaklase namin. Hindi na siya nakapag salita pahiya siya eh.

“Who wants to go next? Anyone? How about from the night school students?”

“Uy Lance ikaw dali…”

“Hindi na noh.”

“Dali na kaya mo yan. Di ba nag gigitara ka? Saka narinig na namin boses mo ok naman din. Go na. Lance Lance Lance!” They starting chanting his name so wala na siyang choice kundi pagbigyan mga kaklase niya. He stood up, borrowed the guitar and pumunta sa gitna.

“Uhmm… I dedicate this song to the special girl in my life. You know who you are…” Napayuko ako and smiled to myself.

~Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you


I may not have much to show

No diamonds that glow

No limousines

To take you where you go.

But if you ever find yourself

Tired of all the games you play

When the world seems so unfair

You can count on me to stay

Just take some time

To lend an ear

To this ordinary song~


The song is not ordinary to me. Without thinking I pulled out my phone and snapped a photo of him then vinideohan ko siya. Pero I made sure na hindi halata yung ginagawa ko. Napatingin ako kay Ashton at ang sama ng tingin niya kay Lance.

~But deep inside of me is you

You give life to what I do

All those years may see you through

Still I'll be waiting here for you

If you have time

Please lend an ear

To this ordinary song


Just an ordinary song

To a special girl like you

From a simple guy

Who's so in love with you~


Pagdating dun sa so in love with you na part he stole a glance at me and I tried my best not to grin. Nung natapos na siya tinago ko na yung phone ko and nagpalakpakan naman mga night school students. Paglingon ko kay Marietta kakaiba na naman tumitig.

“So Lance… can you give us a clue kung sino yung special girl mo?”

“Say it say it say it”


“Hehe sorry pero secret talaga.” He said sabay balik sa pwesto niya.

“Napaka secretive mo naman. Tayo tayo lang naman nandito eh. Pero sige if that’s how you want it. Meron pa bang gusto mag sample diyan?” Nung wala nang sumagot nag umpisa na kami mag kwentuhan ng scary stories then played games after that. Nung mga past 9pm na pinag ready na kami for lights out. Nagbalikan kami sa mga tents namin, changed into sleepwear then lumabas ako saglit para maghilamos. Pagbalik ko sa tent Marietta has her arms crossed and still had that look that she gave me earlier.

“Kanina ka pa ganyan makatingin ano ba talaga problema mo?”

“What’s up with you and Lance?”

“Wala. Bakit ba?”

“Nakikita ko mga galaw mo kanina. Huling huli pa kitang vinivideohan siya. So spill. Ano ba talagang meron sa inyo?”

“Marietta… I’m not ready to tell yet okay? Please understand. Kasi kahit ako hindi pa nagsi-sink in lahat sakin eh. Please?” She sighed heavily. Wala naman na siyang magagawa eh.

“Ok fine. Pero dadating yung araw na ikukuwento mo.”

“Oo na.” Teka… bakit ako pumayag na ganituhin niya ko eh hindi ko naman siya kaibigan? Pero sabagay. She has the right to know kasi sa kanya ko sinabi lahat ng about kay Lance. Nahiga na ko on my side of the tent. To be honest I’m not so sure if I’ll get any sleep tonight. So now that we’ve told each other how we feel… ano nang meron samin? It’s my first time to be in a situation like this so I have no idea what’s going on. Pag open ko ng phone ko sakto nagtext si Lance.

From: Lance

Nagustuhan mo ba yung kanta ko kanina?

To: Lance

Oo naman. You’re so sweet. :)

From: Lance

Hehe especially for you yun. So… kita na lang tayo bukas… Goodnight… my special girl…


Naman oh sabay ganyan pa siya magtext.

To: Lance

See you tomorrow. Good night… my special guy… :)


Tinago ko na yung phone ako and covered myself with my blanket. The facilitator announced na lights out na. For the first time, I went to sleep with a smile on my face.


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 12 posted)
« Reply #24 on: July 04, 2014, 11:39:00 AM »
Chapter 13

Chloe’s POV

2 weeks later… Sembreak na namin. It’s 8am and nandito ako sa family room right now with mom and dad. They wanted to spend time with me and of course hindi naman ako makakatanggi. Nanonood kami ng Hotel Transylvania. Medyo kalagitnaan na kami ng movie. We laughed on some scenes. Nung nandun na sa part na nagkakagusto na yung guy dun sa anak ni Dracula biglang nag comment si dad.

“I might turn into him if some guy is pumoporma sayo. Unless it’s Ashton then that would be fine.” I looked at him with a weird face.

“Dad… I don’t like Ashton and I will never like him. So don’t get your hopes up.”

“But still… It won’t hurt to give him a chance.” So paano pala if he finds out about me and Lance… OMG no don’t think about it. After the camping we text each other lots of times. Sometimes when we get the chance we talk in person. Pero saglit lang kasi mahirap na. To be honest I still don’t know kung ano talaga meron samin. Yes we act sweet to each other. Pero I don’t think we’re in a relationship either. Bumalik na ko sa panonood ng movie when mom suddenly said something.

“Why don’t we all go out of town today? Kasama silang lahat dito sa bahay? It’s been a while since we last went out of town.” We both looked at her na para bang nagtataka kami. “What?”

“Are you serious? Parang biglaan naman po masyado mommmy.”

“Like what they say. When things are unplanned the chances are higher of it happening. So… what do you say? Honey?” Napatingin ako kay dad and he seemed to be thinking about it.

“Hmm… I don’t have much to do in the office. Oh well. I guess we’re all going out of town then.”

“That’s great! The movie’s almost done. Let’s finish this one first then we’ll prepare everything.” We’re going out of town kasama lahat ng nandito sa bahay. So that means… OMG I can get to spend time with Lance! Biglang bumilis heartbeat ko sa sobrang excitement. Nung natapos na yung movie bumalik agad ako sa room ko and nagready. Habang pumipili ako ng dadalhin ko my phone beeped.

From: My Special Guy <3 (yes, iniba ko na name niya sa phone ko)

Mag out of town daw tayo? Nagsabi kasi si mommy mo eh.

To: My Special Guy <3

Oo. Biglaan nga eh. Actually nagreready ako right now.

From: My Special Guy <3

Ah ok. Hindi kasi ako makakasama eh.


I’m not sure if he’s joking or he’s really not going. Bigla naman akong nalungkot.

To: My Special Guy <3

Why? :(

From: My Special Guy <3

Haha joke lang. Sasama ako noh. Ito na yung chance natin na magkasama papalampasin ko pa ba. Sinubukan ko lang kung ano reaction mo. Hehe sorry. Peace tayo. :-D


Sabi na eh. I knew hindi rin niya matitiis na di kami magkasama.

To: My Special Guy <3

I thought so… magreready lang ako.


Bumalik ako sa pag aayos ng gamit. After fixing my things naligo ako then nagbihis. I wore a red and black plaid polo, a white inner shirt, black shorts and sneakers. When I was done fixing myself I went downstairs. Mom and dad are waiting for me sa sala.

“You got everything you need?”

“Yes dad. Let’s go na.”

“Antayin na lang natin si Lance.” I nodded at her and nung pumasok si Lance sa sala he’s wearing the shirt I bought for him sa Uniqlo, jeans and sneakers. “Oh andyan na pala siya. Tara alis na tayo.” Kami nila mom and dad nasa BMW and sila Lance nandun sa van.

“Where are we going ba?”

“Sa Tagaytay.”

“Where in Tagaytay?”

“Sa Canyon Woods. Di ba may house tayo dun.”

“Ah ok. Oo nga pala.” I put on my earphones to listen to some music. I had the song na kinanta ni Lance nung camping and yun yung pinatugtog ko. After about and hour and 10 minutes nakarating na kami sa Canyon Woods and pumunta na sa house namin dito. We unloaded everything and nilagay sa loob ng bahay. Pagdating ko sa room ko nilapag ko yung bag ko sa isang corner and napahiga sa bed. Pagtingin ko sa room it’s past 1pm na pala at biglang kumalam tyan ko. Ngayon ko lang narealize na hindi pa pala ako nag lunch. Lumabas ako ng room and pumunta sa may dining area.

“Yaya may nadala ba tayong food diyan? Nagugutom na ko.”

“Teka hahanap lang ako dito.” While she was busy looking for food lumapit sakin si Lance at inabutan ako ng sky flakes. I mouthed thanks sabay ngiti.

“Yaya may nakita na kong sky flakes. Wag ka na po mag halungkat.”

“Ah oh sige. Aayusin ko lang yung kwarto mo. Sigurado madaming alikabok dun ngayon.”

“Medyo nga po yaya. Hehe.” Umakyat na siya papunta sa room ko and umupo ako sa upuan para kainin yung sky flakes. While eating naupo si Lance a few seats away and he handed a bottled water to me.

“Gutom na gutom ka yata talaga. Bilis mong kainin yang sky flakes eh. Ito oh para di ka mabulunan.”

“Halata ba? Sorry kakahiya.” Binuksan ko yung bottled water sabay uminom. Nung nangalahati na saka ako huminto kakainom. Ngayon ko lang rin narealize na uhaw pala ako.

“Hehe ang cute mo tingnan.”

“Cute ka diyan. Kakahiya nga eh.”

“Lalo kang nagiging cute.” He reached over to lightly touch my face. Nagulat ako kasi bigla siyang bumitaw sabay balik sa upuan niya. When I turned I saw my dad walking towards the dining area.

“Nakita ba niya?” I whispered. Umiling siya in response. Whew buti na lang.

“We’re going out for lunch. Where’s everybody?”

“They might be fixing their stuff pa dad.”

“Okay. Let’s just wait for them.” After about 10 minutes nagsibalikan na silang lahat sa may dining area. Lumabas na kami to have lunch. Pumunta kami sa Josephine. While having lunch my dad asked kung saan pa namin gusto magpunta.

“Dad I wanna go to the ferris wheel.”

“Ok sige.”

“Dapat pala sinama natin si Marietta.”

“Yeah. Why didn’t you ask her to come along?”

“Mom, dad it’s okay. For sure may ginagawa rin yun.”

“I know. But it’s been a while na hindi siya napupunta sa bahay.”

“Ok mom if it makes you feel any better I’ll ask her for a sleepover when we get home.”

“Sounds good. I’ll look forward to it then.” We finished our meal then pumunta na kami sa Sky Ranch. Naaliw naman ako sa mga rides nila. But I’m really looking forward to the ferris wheel.

“It’s seem like the teens will be the ones to enjoy this place. It’s full of rides.”

“Oh dad why? Don’t you want to ride the ferris wheel with me?” I asked sabay puppy dog face.

“As much as I want to I can’t. You know I have a problem with too much heights.” Oh right. I remember pa dati pag sumasakay kami sa plane gusto niya lagi nasa aisle seat siya kasi ayaw niya makita sa window kung gaano na kami kataas.

“Alright fine.”

“You can just ride with Lance. Kaming mga adults will just wait for you down here.”

“Ok sure.” I replied coolly. Pero deep inside nagtatalon na ko sa tuwa. Magkakatime kami na magkasama. Tinawag ni dad si Lance para samahan ako. Pumunta na kami sa ticket booth, bought tickets and sumakay na isang gondola. Nung nasa baba pa kami we sat across from each other pero nung medyo tumaas na kami we sat next to each other na.

“Finally our chance to have an alone time.”

“Oo nga eh. Siguro sinadya mo talaga na dito magpunta.”

“Maybe?” I replied sabay ngiti. “Tawagan ko kaya si Marietta. Pag sinagot na niya sabay tayong sumigaw ng hi Marietta.”

“May ganon pa? Sige na nga.” I pulled out my phone and dialed her. After 3 rings sinagot niya yung call and I put her on loudspeaker.

“Hi Marietta!!” Sabay naming sinigaw sa phone sabay tawa.

“Kailangan talaga sumisigaw? Di ba pwedeng pakibabaan lang yung boses? Oh bakit ka napatawag?”

“Wala nangungumusta lang. masama?”

“Kayong mag-boyfriend wala kayong magawa noh?” If you’re wondering, yes, alam na ni Marietta yung about samin ni Lance. Naisip ko kasi na kung hindi ko sasabihin lalo siyang mangungulit so I might as well say it habang maaga pa. Alam ni Lance na sinabi ko sa kanya. Pagtapos niyang sabihin yung term na mag-boyfriend nagkatinginan kami and we’re both wondering about the same thing: Ano ba talaga status namin? “Uy nandiyan pa kayo?”

“Oo naman. Nasa tagaytay kami ngayon kasama lahat ng nasa bahay. Biglaan nga eh. Sabi nila mom and dad bakit di daw kita sinama.”

“Ay nako kahit ayain mo ko di rin ako sasama kasi walang kasama si mama na magbantay kay Junjun.”

“Kamusta na si Junjun? Pakausap nga.”

“Fine.” Tinawag niya Junjun and siya na yung nakausap ko.

“Hello ate Chloe?”

“Hi Junjun. Kamusta ka na?”

“Ok lang po. Ikaw po? Kailan po tayo bibili nung mga laruan?” Oh shoot oo nga pala pinangakuan ko siya nung nasa hospital siya.

“Sorry ha nawala sa isip ko. Oh sige pagbalik ko diyan bili na tayo nung toys mo ha.”

“Yehey! Thank you po!” Bigla siyang nawala and si Marietta na yung nagsalita.

“Ano naman sinabi mo dun sa bata?”

“Nagtanong siya kung kailan ko daw bibilhin yung mga laruan niya. Sabi ko pagbalik ko na.”

“Chloe naman… hindi mo na kailangan gawin yun.”

“Marietta nakapangako ako dun sa bata. Ayokong madismaya siya.”

“Pero kahit na…”

“No buts…”

“Hinahanap ka na ng mommy ni Chloe. Magpakita ka na daw sa bahay.”

“May ganon?”

“Oo. Nagsabi nga si Chloe na aayain ka niya ng sleepover pagbalik eh.”

“Ay nako Chloe ayoko na ah. Huling sleepover ko sa inyo ang daming kaganapan.”

“Oh come on please…”

“Ay nako pag iisipan ko… sige na at maglalaba pa ko.”

“Ok fine. Bye.”

“Bye Marietta.” I ended the call. Binuksan ko yung camera app and posed to take a photo with Lance. “Ano ginawagawa mo?”

“Picture. Tara let’s take a photo of us. Please?”

“Mahirap na baka may makakita niyan. Saka di ako mahilig mag ganyan.”

“Wala namang nanggagalaw ng phone ko.” Well si Ashton pinakialaman na toh. "Saka if ever may makakita nga ano naman? May picture lang na magkasama may something na agad.”

“Sige na nga.”

“Yey! 1 2 3 smile!” I snapped the photo. Both of us are smiling as if wala kaming problema sa pinasok naming sitwasyon. “Wanna listen to some music?”

uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 12 posted)
« Reply #25 on: July 04, 2014, 11:52:28 AM »
Chapter 13 continuation

“Sige.” We shared my earphones and I played ordinary song. Napatingin naman siya sakin sabay ngiti. “Ito pa talaga ah.”

“Hehe syempre naman. Hindi yan ordinary song para sakin.” We continued to listen until he cleared his throat and spoke.

“Uhmm…” I waited for him to go on but he didn’t

“Ano yun?”

“Matagal ko na rin kasi iniisip eh. Ano na ba talaga status natin?”

“Honestly, hindi ko rin alam. This is the first time that I’ve been in this situation. But what I do know is that I enjoy what we have right now. And I hope it stays this way.” I looked at him hoping that he’ll say what I wanted him to say.

“Oo naman. Gaya nga ng sabi ko maghihintay ako sayo kahit gaano pa katagal. Sa totoo lang ngayon lang rin ako napasok sa ganitong sitwasyon kaya natanong rin kita. Ito yata yung sinasabi nilang MU.”

“MU? What’s that?”

“Mutual understanding. Alam natin na gusto natin isa’t isa pero hindi tayo nag declare na mag boyfriend-girlfriend tayo.”

“Ah ok… If what we have right now is called MU then so be it.”

“Sabi nila sakin marami nang nasaktan at umasa sa wala ng dahil sa MU. Pero promise ko sayo… hinding hindi kita sasaktan. At lalong hindi kita paaasahin sa wala.”

“I know that. And I won’t do those things too. It’s just that I want to wait for the right time for us to enter in a relationship. Gusto ko pag naging tayo na talaga, hindi tayo magsisi.”

“Kahit kailan hindi ko pagsisihan lahat ng desisyon na ginawa ko at gagawin ko para sayo. Maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na.”

“Thanks.” We smiled at each other. “Promise?”

“Promise.”

“Maybe saying promise to each other could be our way of saying… you know what it is… At least for now while we’re still in this MU thing. I read a book one time tapos yung mga characters they say “okay” to each other and it’s their way of saying… you know… wala lang gusto ko lang na may ganon din tayo. Even if we don’t say those words at least we both know that’s what we mean.” (author: the fault in our starts ang peg? May sariling version ng Okay? Okay.)

“Mmhmm ok. Promise?”

“Promise.” I smiled then I looked at our hands that are now only 1 inch apart. Unti unti niyang dinikit yung pinky finger niya sa pinky finger ko and we interlocked them. We stayed that way hanggang sa namalayan naming time na pala para lumabas sa gondola. We reluctantly let go of each other and lumabas na ng ride. Facing our reality again. Pagsalubong samin ng mga adults tuluyan na kaming humiwalay sa isa’t isa. For now…

Fast forward 6:30pm

Nandito ako sa room ko ngayon. I changed into a shirt and leggings then I played games on my iPad. I first played flappy bird pero hindi ko natataasan yung top score. Nung nagsawa na ko I played 2048. Nakakaadik siyang laruin. The highest number na nakuha ko is 512 then wala na. Sila mom and dad lumabas to buy dinner. About 45 minutes later si yaya Magda pumasok sa room ko and told me na dumating na sila. Lumabas ako sa kwarto and I stopped sa may sala kasi may nakita akong di kanais nais. What the hell is he doing here?!

“Hi Chloe.” Hindi ko siya pinansin and sila mom and dad yung pinuntahan ko.

“Hi mom hi dad.” I kissed them both on the cheeks sabay harap kay Ashton. “What is he doing here?” My mom lightly nudged me on my waist and I know that she wants me to act nice.

“Nasa area rin kasi sila. May pinuntahan silang party and we mentioned to them na nandito tayo so he decided to stop by. You can join us for dinner.”

“I’d be glad to tita. Thanks.” He smiled at my mom then napatingin siya sakin as if he’s saying na wala na kong kawala. Nung sinabi ni yaya Magda na ready na yung food nagpunta na kaming lahat sa dining area at naupo na. Nawalan na ko ng gana kumain.

“Magda sumabay ka na samin mag dinner. Tawagin mo si Lance.”

“Ma’am Helena hindi na po nakakahiya naman po. Mamaya na lang po kami.”

“Magda don’t be shy. Come on call Lance and have dinner with us.”

“Ok sir.” Umalis si yaya Magda then pagbalik niya kasama na niya si Lance. Naupo sila sa kabilang side. Nag umpisa na magpasa pasa ng food. Nung inalok ako ni Ashton ng chopsuey tinanggihan ko pero nung si Lance inalok ako ng fried chicken kumuha ako agad. Nung napatingin ako sa kanya (Ashton) ang sama na naman ng tingin kay Lance habang siya naman (Lance) ang seryoso ng mukha.

“So Ashton how have you been? It’s been a while since we last saw you.”

“Ok naman po tito. Just… you know… doing things teenage boys do…” He and dad shared a smiled na parang bang nakakarelate sila sa isa’t isa.

“Like what?”

“Oh you know… hanging out with friends… having some alone time… chasing girls… but in my case I’m only chasing Chloe.”

“I know that. There’s no need to rush. I’ve known you since you were a kid. I’d like you two to end up together. It would make me feel better knowing she’ll end up with a guy she really knows instead of some other guy.”

“Of course tito. I won’t let you down.” Napatingin ako kay Ashton sabay irap. I’m trying my best to finish my food pero wala na talaga akong gana. Ang kinain ko na lang konting rice saka yung fried chicken. Lance and I had a brief eye contact but we were both asking the same question: What will happen if dad finds out about us?

“Mom, dad. I’d like to be excused. Tapos na po akong kumain.”

“Pero may food pang natira. Sayang naman yan.”

“Ma’am ako na lang po uubos.”

“Are you sure? Ok sige.”

“Nawalan na po ako ng gana. I’m sorry excuse me.” Tinulak ko na yung plate ko towards Lance sabay punta sa labas and umupo sa bench. I love my dad… but when he’s pushing to me to Ashton I can’t help but get mad at him. Kahit naman sinong tao ayaw na madiktahan kung sino dapat makatuluyan niya. For sure hindi naman siya diniktahan to end up with mom. So why is he doing this to me now?

“Hey sweetie… Are you okay?”

“Yeah mom. Why?”

“Are you sure? Is there something you wanna tell me? Kilala kita. Pag ikaw nawawalan ng gana kumain I know something’s wrong.”

“It’s dad and Ashton kasi. I don’t understand why he’s pushing me to end up with him. I don’t like him even one bit. He treats me ng maayos when you’re around but when it’s only the two of us he treats me as if I’m one of the people na binubully niya. He annoys the hell out of me. He even treated me harshly one time.”

“Wait what do you mean?” Oh shoot why did I just say that… Oh well I have no choice but to tell her. Naumpisahan ko na eh.

“I was sent out of the room one time because I fell asleep. So pumunta po ako sa gym bleachers and sinundan naman ako ni Marietta. When we left the gym nakasalubong namin si Ashton and when I told him that I didn’t want to talk to him he yanked me with him and his grip was so hard namula yung kamay ko. Marietta tried to stop him pero he pushed her. We were caught by the guidance counselor at na guidance kami dahil sa kanya. Can you imagine? So sa tingin niyo po ba magugustuhan ko siya? I’ve told him lots of times na ayoko sa kanya pero ayaw niya akong tantanan. Mom I don’t know what else to do to make him understand.”

“You didn’t tell me any of this. Was that the reason why you kept hiding your hand before?” I nodded.

“I’m sorry for not telling you. Ayoko na po kasing palakihin yung issue.”

“I’ll talk to Ashton about this.”

“No need mom. It’s okay. Matagal nang nangyari yun. Nothing will change kahit kausapin mo siya.”

“But still… hindi tama na ginaganyan ka niya.”

“I can handle him.”

“Hmm ok. But when he does something to you again magsabi ka agad ha. Kami nga hindi ka namin sinasaktan tapos siya sasaktan ka ng ganon na lang.” I held her arm para kumalma naman siya.

“Pero maiba ako mom. What if I like someone else? Would you be okay with it?”

“Of course sweetie. Basta matinong tao siya and maayos intention niya sayo. Bakit mo natanong?”

“Nothing… I just wanted to know. But what if… what if he’s someone na hindi mo ineexpect? He’s not from the same social class.”

“Anak, wala sa social class yan. Basta’t lahat gagawin niya for you and mahal ka talaga niya ok na yun sakin.”

“Really?” I asked then smiled at her. At least alam ko na that she’s on my side.

“Oo naman. Why? Do you like someone na ba?” I was about to say na wala pero nung naisip ko bigla si Lance bigla na lang rin akong napangiti. “I know that smile. That’s the smile of someone who’s in love.”

“Ok I’ll admit. Not really in love but I like someone. He’s so nice to me. He makes me feel special.”

“Kung ganyan pala eh di maganda. Parang gusto ko siya makilala. Papuntahin mo sa bahay. So I can get to know him.” Oh shoot this is the hard part. Should I tell her that it’s him?

“Hmm maybe some other time.”

“Ok sige. Pero let me remind you not to rush things. Bata ka pa marami ka pang time to be with someone.”

“I know. Thanks for listening to me.”

“You’re always welcome anak. You can always tell me anything. Wanna head back inside?”

“Una ka na po. Papahangin lang po ako.”

“Ok.” She kissed my head before going back inside. It feels good to finally tell everything. Well not everything since hindi ko nireveal na si Lance yung special guy ko but still… parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib.  I stayed for about 15 minutes. Tatayo na sana ko para bumalik sa loob pero bigla namang lumabas si Ashton.

“Can we talk?”

“No. Pagod ako. Maaga ako nagising saka kung san san pa kami nagpunta kanina. Gusto ko nang magpahinga. Umuwi ka na lang.” Lumakad na ko pero he grabbed my arm to stop me.

“Chloe you can’t keep on avoiding me.”

“I’m not avoiding you. I’m asking you to stay away from me. Hindi ka nadadala sa salita kaya dinaan ko sa gawa pero wala pa rin. Mahirap ba talaga intindihin yun ha Ashton? Hanggang kailan mo ko iinisin?”

“Chloe ito na naman ba? Di ba sinabi ko na sayo hindi ako susuko. I’ll do whatever it takes para mahalin mo rin ako.”

“Well hindi kita mahal at hindi kita mamahalin. Hindi mo pa rin ba mahalata yun?”

“Why? Is there someone else?” Wow ah. Kung makatanong parang boyfriend.

“Kung sabihin kong oo ano gagawin mo?”

“Si Lance ba?” Hindi ako sumagot. “Siya ba?” Bigla niyang hinawakan mga braso ko in a not so nice way.

“Ashton ano ba nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!”

“Si Lance ba?” Hindi ko siya sinagot at pinilit kong kumawala sa kanya pero ayaw niya ko bitawan.

“Let me go!”

“Chloe! Anong nangyayari dito?” Napalingon kami pareho kay Lance. “Anong ginagawa mo sa kanya?” Agad akong kumawala kay Ashton and lumapit kay Lance. Tinago niya ko sa likod niya as his way of protecting me and napahawak ako sa shirt niya.

“Wala ka nang pakialam. Pwede ba wag ka nang maging sagabal sakin?”

“Teka ano ba talaga problema mo? Bakit lagi mo na lang sinasaktan si Chloe?”

“Eh ikaw anong problema mo? Bakit ka pumoporma sa kanya ha? Binalaan na kita hindi ka pa rin nakinig.”

“Ano ka ba ni Chloe para maging ganyan ka sa kanya? Last time I checked kinamumuhian ka niya.”

“Talagang sinusubukan mo ko ah.” Susugod na Ashton nung biglang may dumating.

“Hey hey hey what’s going on here?” Tanong ni dad sabay lapit samin. Biglang umayos si Ashton. Ako naman napabitaw kay Lance.

“Chandler? What’s happening?” Sumunod na dumating si mommy at sinundan pa siya ni yaya Magda. Oh no… we’re in trouble.

“We were just talking tito.”

“Talking? Eh sasapakin mo na nga dapat si Lance eh.”


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (new story. chapter 12 posted)
« Reply #26 on: July 04, 2014, 11:59:41 AM »
Chapter 13 continuation

“Teka teka wala kaming naiintindihan.”

“I was about to head back inside kaso bigla naman siyang sumulpot. I told him na pagod na ko ayoko nang makipag usap pero still namilit pa rin. He gripped my arms so hard to the point na nasasaktan na ko. Lance saw us and he was just trying to help me.”

“Ashton is that true?” Tanong ni mommy. Nung napatango si Ashton sobrang nagalit na siya. “Kami nga hindi namin siya sinasaktan tapos ikaw kung saktan mo siya ganun ganun na lang? That’s too much. See Chandler? That’s the reason why Chloe hates him so much.”

“Ashton we need to talk.” Lumakad si daddy papunta sa may garage and sinundan naman siya ni Ashton. Si mommy nilapitan ako and si yaya Magda kay Lance naman pumunta.

“Anak are you okay?”

“No mom I’m not okay. Simple lang naman gusto ko. Yung maintindihan ni Ashton na ayoko sa kanya. Am I asking for too much?” I replied and niyakap naman ako ni mommy.

“Lance anak ok ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?”

“Ayos lang po ako nay.”

“Lance thank you sa pagtulong mo kay Chloe. Kung di ka dumating siguro sobra na siyang nasaktan ni Ashton.”

“Wala po yun ma’am. Hindi naman na din po tama yung ginagawa sa kanya kaya ako lumapit.”

“Ma’am pasok na po kami sa loob.”

“Ok sige. Thank you ulit.” Pumasok na silang mag ina sa loob. “Why don’t you go to your room? Ako nang bahala sa kanila.” I nodded in response and umakyat na pabalik sa kwarto ko. Humiga ako sa kama and sighed heavily. Ano bang naging kasalanan ko at ginaganito ako ni Ashton? Tiningnan ko yung time. Past 9pm na pala. Naghilamos ako, nag toothbrush then bumalik sa kama para magpaantok. I picked up my phone and called Marietta. Nawala naman din sa isip ko na baka tulog na siya. When she picked up the phone parang inaantok siya.

“Sorry to call this late. Naistorbo ba kita?”

“Ok lang yun. May kailangan ka?”

“Si Ashton kasi…”

“Siya ulit? Bakit ako na naman ginawa niya? Saka hanggang diyan ba naman sinundan ka niya?”

“May pinuntahan daw silang party kanina so pumunta na rin siya dito. And as usual nang iinis na naman siya. I told him na ayoko nang makipag usap kasi pagod ako pero namilit. Pinaulit ulit na naman niyang hindi niya ako susukuan kahit na ilang beses kong sinabi na ayoko sa kanya. Nung sinabi kong may ibang akong gusto ayun sinaktan na naman ako. Ano ba naging kasalanan ko para ganituhin niya ako? Marietta lahat na ginawa ko para ipakita sa kanyang ayoko sa kanya. Hindi ko alam kung manhid ba siyang talaga o sadyang matigas talaga mukha niya.”

“Tigas rin talaga ng mukha ng lalakeng yan noh. Bakit di mo sinabing si Lance yung gusto mo?”

“Ano ka ba hindi ko pwedeng sabihin yun. Baka isumbong pa ko kay daddy. Eh isa pa si dad pinagtutulakan ako sa kanya. Marietta bakit ganon? Will Lance and I ever get the chance to like each other freely? Yung hindi namin iintindihin na may kumokontra?”

“Alam mo Chloe… kasama yan sa pinasok niyong sitwasyon. Meron at merong kokontra sa inyo kasi iisipin nila na mali yung nararamdaman niyo. Amo ka niya hardinero niyo siya. Magiging tingin ng lahat hindi pwede. Don’t get me wrong. Wala sakin yang social class niyo. Pero para sa iba na makikitid ang utak they’ll think otherwise.” Napahinga ako ng malalim and fiddled with the loose thread on my comforter.

“Nakakapagod na kasi si Ashton. Feeling ko kalahati ng energy ko nasasayang sa pagsasabi sa kanya na tigilan na ko.”

“Bakit di mo subukan magpakuha ng restraining order? Para talagang layuan ka niya?” I suddenly looked up as if it’s the greatest idea I’ver ever heard.

“Oo nga noh. Why didn’t I think of that noon pa? That’s the greatest idea ever.”

“Ang tanong papayag ba yung mga magulang mo na gawin yun? Saka syempre pag ginawa mo yun aangal rin pati mga magulang niya.”

“Sabagay. Pero I’ll still try.”

“Oh ano ok ka na? Pwede na kong matulog?”

“Ok. Sorry sa istorbo. Goodnight.” I was about to hang up pero may gusto pa pala kong sabihin. “Marietta, still there?”

“Oo bakit?”

“Thanks for listening to me.”

“Wala yun. Just doing my job as your “best friend”.” Kahit na hindi ko siya nakikita I can imagine her putting the air quotes on the words best friend.

“Right… anyway thanks.” Binaba ko na yung phone, nahiga and stared at the ceiling. To be honest, habang tumatagal lalo akong napapalapit kay Marietta. She’s always there for me kahit na sa mga simpleng bagay lang. Like when Bea torments me, when I was confused about Lance, when Ashton annoys the hell out of me, when I need someone to talk to. She’s the person na sinabihan ko nung nagka aminan kami ni Lance. Ako yung sinabihan niya nung nagkasakit yung kapatid niya. Kahit na at times we kept bickering at each other over the simplest things I know na at the end of the day sa kanya ko pwede sabihin lahat ng nangyayari sakin. I even think that she knows me more than I know her. Is it possible that I already see her as a real friend?


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (chapter 13 posted)
« Reply #27 on: July 07, 2014, 12:09:41 PM »
Chapter 14

Marietta’s POV Monday 2pm

“Junjun alas dos na maligo ka na. Amoy pawis ka na.”

“Ehh ate ayoko pa… gusto ko pa maglaro eh…”

“Ay nako Junjun ha. Wag mong gagalitin ang ate. Halika ka na dito dali.”

“Ate naman eh…” Habang busy ako sa paghihila kay Junjun papunta sa banyo biglang nagring cellphone ko. Sino na naman kaya toh? Binitawan ko saglit si Junjun at ayun tumakbo na palabas ng bahay. Kulit talaga ng batang toh. Hindi ko na tiningnan kung sino yung tumawag basta sinagot ko na lang.

“Hello?”

“Hey it’s me.” Sus naman si Chloe lang pala.

“Busy ako. May kailangan ka ba?”

“Ano napag isipan mo na ba yung sleepover?”

“Chloe naman… marami akong iniintindi ngayon hindi ko na priority yan.”

“Oh come on please… my mom’s expecting you. Saka ayain na rin kita para bumili nung mga toys ni Junjun.”

“Ulit ulit? Di ba sabi ko hindi mo na kailangan gawin yun?”

“Marietta at least let me do it for your brother. Ayoko namang sirain promise ko dun sa bata. Saka parang laruan lang eh.”

“Alam ko mapilit ka so sige bilhin na natin yung mga laruan na yan ng matahimik ka. Pero yang sleepover pag iisipan ko pa.”

“Great! I’ll pick you up at 4pm. Saan nga pala place niyo?”

“Nako wag ka na pumunta dito magulo tong lugar namin. Mahirap na baka pagdiskitahan ka pa ng mga taga dito. Magkita na lang tayo sa mall.”

“Ok fine. Kita tayo sa Southmall 4pm.”

“Ok. SIge na at tatawagin ko pa si Junjun.” Binaba ko na yung phone sabay lumabas ako para hanapin si Junjun. Pagkasabi ko sa kanya na bibili na nung mga laruan aba agad agad bumalik sa bahay at nagmamadaling maligo. Talaga nga naman oh…

fast forward 4pm sa Toy Kingdom

“Dali pili ka na ng gusto mo. Pero wag ka tumakbo dito baka may mangyari sayo.” Sabi ni Chloe kay Junjun sabay ngiti pa. So ito may tulak tulak kaming cart habang si Junjun kumuha ng kumuha ng mga laruan. Kuha dito kuha doon sabay lagay sa cart. “Ang cute tingnan ng kapatid mo.”

“May ganon. Nakakahiya nga eh. Junjun wag ka kumuha masyado nakakahiya sa ate Chloe mo.”

“Ano ka ba Marietta sabi ko naman sayo ok lang eh. Sige lang kuha ka ng gusto mo.”

“Alam ba ng jowa mo na nandito ka?” Tumingin siya sakin ng naka kunot noo.

“Jowa? What’s that?”

“Boyfriend.”

“Yes he knows kasi nakita niya akong lumabas. And no, he’s not boyfriend… yet…”

“So MU kayo?”

“That’s what he said.”

“mmhmm…” namalayan ko na lang halos puno na yung cart sa dami ng pinagkukuha niya. May transformers, lego, hot wheels, madami pa. Huminto kami sa i-zone.

“Junjun gusto mo ba nung psp o kaya yung 3ds?”

“Chloe tama na toh. Ang mahal masyado ng mga yan. Junjun wag na sobra sobra na toh.” Aba ang bata nag pout sakin. “Junjun ha. Wag mo kong aartehan ng ganyan.”

“Marietta pagbigyan mo na yung bata. Minsan lang siya mabigyan ng mga ganito. Sige na Junjun pili ka na ng gusto mo.”

“Yehey!” Tinuro niya yung 3DS na gusto niya.

“Okay sige.” Nagpakuha si Chloe nung 3DS at sinamahan pa ng games. “Tara bayaran na natin toh.” Pumunta na kami sa counter para magbayad. Sobra akong nagulat sa kamahalan ng pinagbibili namin samantalang si Chloe parang wala lang sa kanya. Pagtapos magbayad bumalik na kami sa sasakyan nila, nilagay sa likod lahat ng pinamili namin at sumakay na.

“Hatid ka na namin sa inyo. Saan ka ba nakatira?”

“Hindi na noh. Magulo sa lugar namin.”

“It’s okay. Saan nga?”

“Ok fine. Pero sinabihan na kita magulo dun. Sa CAA.”

“Mang Danny sa CAA po.” Tumango lang si mang Danny at umalis na kami sa mall. Dumilim na pala. Grabe ganon pala kami katagal sa mall. Mga 20 minutes lang yung lumipas nakarating na kami.

“Mang Danny dito na lang po. Salamat po. Chloe thank you ng sobra.”

“Ano ka ba sasamahan kita. Gusto ko makita bahay niyo. Mang Danny pasok tayo sa street nila.”

“Chloe wag na.”

“Ay nako Marietta pwede ba wag mo ko artehan ng ganyan. Tara na po.” Wala na kong choice kundi pumayag sa gusto niya. Pumasok kami sa eskinita papunta samin.

“Dito na po.” Hininto ni mang Danny yung sasakyan sa tapat ng bahay namin. Pagbaba ko ng sasakyan pati si Chloe bumaba rin.

“Wow Marietta big time ka na ah. May kotse ka na ngayon.”

“Ganda nung kasama mo ah. Pakilala mo naman kami.”

“Psst miss… ano pangalan mo? Ako nga pala si Efren.”
Nakita kong papalapit na sila samin so hinarangan ko na.

“Ay nako pwede ba tumigil na kayo.”

“Ikaw naman. Gusto lang naming makilala yung kasama mo. Miss… pwede bang manligaw? Na love at first sight na ko sayo eh.” Narinig ko pang tumawa si Chloe.

“Wala na kayong pag asa may boyfriend na toh.”

“Not yet… MU pa lang…”

“Yun oh MU pa lang daw. May pag-asa pa ko.” Lumingon ako kay Chloe at binulungan siya.

“Ikaw naman bakit sumabat ka pa? Pinagtitripan ka lang ng mga toh. At dahil nagsalita ka ng ganon iisipin nila gustong gusto mo naman yung ginagawa nila.”

“Gusto ka diyan. Asa naman noh.”

“Kaya nga manahimik ka na lang.” Hinarap ko na ulit sila Efren. “Kayo umayos nga kayo. Dun na kayo madami pa kaming bubuhatin.”

“Tulungan na namin kayo.”

“Ay nako hindi na noh. Kaya na namin toh. Kunwari pa kayo gusto niyo lang dumiskarte sa kanya. Tara na.” Kinuha na namin yung mga pinamili at pumasok sa loob. Sinalubong kami ni nanay na gulat na gulat sa dami ng dala namin.

“Anak ano tong mga ito? Ang dami naman.”

“Mga pinamili po ni Chloe para kay Junjun.”

“Chloe nakakahiya naman sayo sobrang dami naman nito.”

“Nako tita ok lang po yun noh. Para kay Junjun naman po eh.”

“Salamat ng sobra ha. Maupo ka muna. Gusto mo ba ng maiinom? Kape? Juice?”

“Ok lang po ako tita.”

“Pagpasenyahan mo na tong bahay namin maliit lang saka magulo.”

“Ok lang po yun. Actually may sasabihin po ako sa inyo. Pwede ko po bang ipagpaalam si Marietta ngayon? Sleepover po samin. Uwi din po siya bukas.”

“Chloe…” Napatingin ako kay nanay. “Nay hindi ko naman po kailangan pumunta dun eh.”

“Oo naman walang problema. Kahit sa miyerkules na siya umuwi ok lang. Masyado na rin siyang pagod sa kakabantay kay Junjun. Kailangan rin niya ng pahinga. Anak sige na pumunta ka na.”

“Pero nay…”

“Kaya ko na dito. Saka sa dami ng mga laruan na toh si Junjun hindi na lalabas ng bahay. Sige na mag-ayos ka na nung mga dadalhin mo.”

“Sige na nga po.” Pumunta ko sa kwarto at naghanap ng mga dadalhing damit. Habang nag aayos ako naririnig kong nag uusap si nanay saka si Chloe.

“Chloe sobrang salamat ha. Sa lahat ng ginawa mo para samin. Yung sa ospital tapos ngayon sa mga laruan ni Junjun. Napaka bait mo talagang bata.” Nako nay kung alam niyo lang ugali niyan minsan.

“Ok lang po yun tita. Sa totoo lang po, yang si Marietta siya lang ang nag iisang kaibigan ko.”

“Bakit naman?”

“Hindi ho kasi ako pala kaibigan na tao. Nung umpisa hindi ko rin po masyadong pinapansin si Marietta. Pero nung unti unti ko nang nakita yung totoong siya kaya napalapit na rin po ako sa kanya.” Ayokong paniwalaan yung mga sinasabi ni Chloe pero sinasabi ng konsensya ko na totoo mga pinagsasabi niya. Minsan rin naiisip ko kung trabaho pa rin ba yung pagiging kaibigan ko sa kanya o nagiging totohanan na. Nung nakita ko rin yung totoong ugali niya narealize ko na ok naman pala siya. Yun nga lang minsan ang babaw. Pero kahit ganon siya ok lang rin. Sa totoo lang yung mga pinambayad niya sakin, konti lang ang nagastos ko dun. Lahat tinago ko na. para kung sakaling dumating man yung araw na maging totohanan na nga tong friendship namin ibabalik ko sa kanya lahat yun. Nung natapos na kong mag ayos dinala ko na yung bag ko at sumilip sa pintuan.

“Alam mo iha, ang swerte niya at ikaw ang naging kaibigan niya. Nagmamalasakit ka sa kanya. Tinutulungan mo siya.”

“Nako wala po yun. Ako ang swerte kasi naging kaibigan ko siya. Dahil po sa kanya naramdaman ko kung pano magkaroon ng totoong kabigan.” Tuluyan na kong lumabas ng kwarto.

“Ready na ko.”

“Oh okay. Tita alis na po kami.”

“Oh siya sige. Mag iingat kayo ha. Saka salamat ulit.” Humalik ako kay nanay sa pisngi at lumabas na kami.

“Pag may kailangan ka nay tawag ka lang ha.”

“Oo sige. Mag enjoy kayo.” Lumabas na kami at ang mga mokong nakaabang sa labas.

“Miss… ano pangalan mo? Ganda mo talaga.”

“Efren pwede ba tumigil ka na. Lumayas ka na nga.” Sumakay na kami sa kotse at tumuloy na papunta kina Chloe.

Chloe’s POV

When we got home sinalubong kami ni mom and dad. At si mommy abot langit ang ngiti.

“Hello sweetie. Hello Marietta. Kamusta ka na?” nag beso beso sila with hug pa.

“Ok naman po ako tita. Kayo po? Hello po tito.”

“Hi Marietta. It’s been a while since you last came here.”

“I’ve been busy.”

“Dinner will be ready in a while. Go upstairs na and mag ayos na kayo.” Umakyat na kami sa room ko and nilapag niya yung bag niya on one side.

“Infairness nakakamiss rin tong kwarto mo. CR lang ako.”

“Sure…” Pumasok na siya ng CR. Paglabas ni Marietta ako naman yung pumasok. Naghugas lang ako ng kamay. Paglabas ko sakto kumatok si yaya para sabihin na ready na daw yung dinner. Bumaba na kami para kumain.

“So Marietta… buti naman at pumayag ka sa sleepover. I’ve been expecting you.”

“Pumayag rin po si nanay. Sabi nga po niya kahit sa Wednesday na ko umuwi ok lang po sa kanya.”

“That’s good. At least may makakasama si Chloe while were gone.” Bigla akong napahinto sa kain ko.

“What do you mean?”

“We have an urgent business trip. Something came up on the office in Hong Kong. We’re leaving tonight.”

“Wait tonight agad?”

“Yes sweetie. We’re so sorry. Kanina lang rin kami nasabihan eh.”

“It’s okay. When will you be back?”


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (chapter 13 posted)
« Reply #28 on: July 07, 2014, 12:25:56 PM »
Chapter 14 continuation

“We’ll be back as soon as we sort things out. Hopefully maayos agad.” I just nodded in response and we ate dinner in silence. Pagtapos naming kumain sila mom and dad lumabas na agad ng bahay.

“Sorry biglaan ang alis namin.”

“It’s okay. I hope maayos niyo agad whatever it is.”

“We will.”

“Sama na po ako sa inyo paghatid sa airport.”

“No need. Nandiyan si Marietta hindi naman pwedeng iwan mo siya dito.” Oo nga pala.

“Hmm ok. Ingat po kayo.” I kissed them both sa cheeks and they left. Nung nakalabas na sila sinara ko na yung door and umakyat na kami sa kwarto ko.

“Mag shower lang ako.” Pumasok na ko sa bathroom and nag shower. Pagtapos ko mag shower I changed into a pink tank top and black pajama pants. “Ikaw di ka mag shower?”

“Oo. Kuha lang ako ng damit.” Pagkakuha niya ng damit niya siya naman yung nag shower. Paglabas niya naupo siya sa bean bag. “So ano na gagawin natin ngayon?”

“Wanna watch a Kdrama?”

“Sure.” Tumayo ako and pumunta dun sa shelf na puro DVD. I pulled out The Heirs and nilagay ko na siya sa player sabay bukas ng TV. Isa pang hottie tong si Lee Min Ho. We watched the show in silence. Siguro nakakailang episodes na kami nung biglang may maingay. I checked the time and 12:30am na pala. “Ano yung maingay?”

“Don’t know.” Pinause namin yung show then lumabas kami and went downstairs. “Sa labas yata eh.” When I opened the door lumabas kami and I saw Ashton sa gate. Pinipigilan siya ni mang Danny na pumasok.

“Chloe! Chloe mag usap tayo!” Nakawala siya sa pagkakahawak ni mang Danny at pumunta siya sakin sabay hinawakan mga braso ko. He reeks of alcohol. Lasing siya. “Chloe ano ba talaga gusto mong gawin ko para mahalin mo ko? Tell me!” inalog alog niya ko bigla.

“Ashton you’re drunk! Bitawan mo ko!” Lumapit samin si Marietta to break us apart kaso tinulak siya ni Ashton and natumba siya sa sobrang lakas ng pagkatulak. Tumayo si Marietta and she said something na hindi ko na masyadong naintindihan. “Sinaktan mo na naman si Marietta. Lasing ka umuwi ka na!” I struggled to free myself from him pero lalong humigpit yung pagkakahawak niya. Sinandal niya ako sa pader and he leaned in close to me.

“Tell me Chloe… ano pa ba kailangan kong gawin? I stopped treating you like crap. I tried to be sweet. Nagpapakatino ako para sayo pero bakit pinagtutulakan mo pa rin ako palayo?”

“I don’t like you. May problema ka ba sa comprehension at nakakailang sabi na ko ayaw mo pa rin ako tigilan? Nasasaktan na ko bitawan mo na ko please!”

“Hindi! I won’t let you go until you tell me why you’re not giving me the chance!” Pinilit kong kumawala sa kanya until I heard some voices.

“Chloe! Chloe!” Lumingon ako and I saw Lance coming towards us. Napaghiwalay niya kaming dalawa and agad akong nagtago sa likod niya sabay humawak ako sa shirt niya dahil sa sobrang takot. “Ashton ano ba?! Gabing gabi nanggugulo ka. Lasing ka pa. Umuwi ka na!”

“Ikaw na naman?! Kayo ba ni Chloe at lagi kang nakikialam sakin?! Nagtitimpi lang ako sayo! Binabalaan na kita ngayon pa lang tigilan mo na pag diskarte mo kay Chloe. Sakin lang siya!” What the hell?!

“Ashton ang kapal naman ng mukha mo para angkinin ako! Walang sayo Ashton! At walang magiging sayo!” Lumapit siya samin at parang susuntukin na niya si Lance pero napigilan siya ni mang Danny.

“Ashton parang awa mo na. Tigilan mo na si Chloe. Ang simple lang naman ng gusto niya eh.”

“Wala kang karapatan para sabihan ako kung ano gagawin ko. Huli na talaga toh. Humanda ka talaga sakin Lance. You don’t know who you’re messing with.”

“Oh get lost Ashton! Hindi ka niya dapat katakutan kaya useless yang threat mo.”

“Oh really? Let’s just see then.” Kumawala na siya kay mang Danny sabay walk out, sumakay na sa kotse niya and drove off. Biglang humarap sakin si Lance at hinawakan niya mukha ko.

“Chloe ok ka lang? Nasaktan ka ba?” Napatingin kami sa braso ko and it had red marks on it. Just like what happened before. He gently held my arms and napahinga siya ng malalim. “Sumosobra na talaga yang Ashton na yan.”

“I know. Pero I don’t think he was kidding nung binantaan ka niya. What if may gawin talaga siya sayo?”

“Wag ka mag alala kaya kong harapin yung lalakeng yun.” Bigla na siyang bumulong sakin. “Nandito lang ako. Di ko hahayaan na manggulo pa siya satin. Promise…”

“Promise… Sabihin mo agad sakin pag may ginawa siya sayo ha.” He nodded then we hugged each other. Actually this is the first time that we hugged.

“Aahheemm! Ang sweet ah. Nilalangam na kayo.” Napalingon kami and we saw yaya Magda, mang Danny and Marietta looking at us. Bigla kaming bumitaw sa isa’t isa sabay kamot sa ulo. Oh no... Yung mukha nila mang Danny and yaya Magda sobrang gulat sa nakita nila. So ginawa ko to break the awkward atmosphere lumapit na ko kay Marietta.

“Tara na balik na tayo sa kwarto. Lance thanks for saving me.” We smiled weakly at each other then we hurriedly went back to my room.

“Pano ba yan nabuking na kayong dalawa.”

“Yun na nga eh. Eh hindi naman din namin alam na nandun pa pala kayo.”

“Pero buti na lang rin kasi hindi parents mo ang nakakita.”

“Oo nga eh.” May kumatok sa room ko and binuksan ni Marietta. Si yaya magda pala may dalang cold compress.

“Chloe ito oh. Ilagay mo muna diyan sa braso mo para hindi na mamula masyado.”

“Thank you yaya.” Kinuha ko yung cold compress and nilagay ko sa braso ko.

“Matanong pala kita Chloe. Anong meron sa inyo ni Lance?” Uh oh… Nagkatinginan kami ni Marietta and I have no idea what to do.

“Uhmm labas muna ko.” Lumabas si Marietta sa kwarto ko and yaya Magda asked the same question again.

“Chloe… anong meron sa inyo ni Lance?”

“Ah eh ano po kasi…”

“Nililigawan ka ba ng anak ko?”

“Mas maganda po siguro kung siya yung magsasabi sa inyo.” Yan tama lang yan Chloe. Wag mong pangunahan si Lance sa pagsabi ng totoo.

“Tinanong ko na siya pero ang sabi niya hindi daw kayo. Alam niyo ba talaga ang sitwasyon na pinasok niyo? Pag nalaman toh ng mga magulang mo sigurado ako hindi nila magugustuhan.”

“Alam ko po yun yaya. I like him. Pero hindi ko pa naman po siya boyfriend eh.”

“Hindi mo boyfriend pero magkayakap kayo kanina.”

“Eh yaya nadala lang kami sa moment. Sorry po.”

“Alam mo matagal ko na ring alam na may gusto nga siya sayo. Pero hindi ko na siya kinausap tungkol dun kasi baka isipin naman niya na pinipigilan ko siya. Gusto kita para sa kanya. Kasi kilala kita at alam kong sayo siya masaya. Pero sana mag iingat kayo.” Tumango na lang ako sa kanya. Nung natapos na kong mag cold compress binalik ko na kay yaya sabay lumabas naman siya at biglang pumasok si Marietta.

“So what happened?”

“Ayun syempre alam na niya. Nag warning lang siya sakin na mag ingat daw kami.”

“So she’s fine with it?”

“I guess…” Napatingin ako sa wall clock. “1am na pala.”

“Oo nga noh.” Pinatay na niya yung DVD player and TV then inayos niya yung sofa.

“You don’t have to sleep there.”

“Ha? Eh san ako matutulog?” I tapped the space beside me and she looked confused. “Diyan? Sa tabi mo? Sure ka?” I nodded. “Ok sabi mo eh.” Pinatay niya yung ilaw and tumabi na siya sakin sabay nag kumot. The only light we have right now is yung automatic night light ko.

“Uhmm…” Sabay pa kaming nagsalita.

“Sige una ka na.”

“Uhmm… I’ve been thinking…”

“Ano yun?”

“Over the past few weeks… parang napapalapit na ko sayo. Lahat sinasabi ko sayo. You’re always there for me when I need you. I think you know me more than I know you.”

“Di ba yun ang trabaho ko? Kaya mo ko binabayaran to act as your best friend so yun ang ginagawa ko.”

“That’s the thing… I’m only paying to act as my best friend but I feel like… I feel like I already see you as a real friend.” There was silence between us when I said it. I stared at the ceiling waiting for her to respond.

“Alam mo napapaisip na rin ako eh. Yung kagustuhan mo na hindi madisappoint ang parents mo sayo dahil wala kang kaibigan. Yun yung naglapit sating dalawa. Nung nakilala na kita narealize ko na ok ka naman pala. Naaappreciate ko lahat ng ginagawa mo para sakin. Hindi kaya naging totohanan na tong ginagawa natin?” Napalingon ako sa kanya.

“So are you saying…”

“Oo Chloe. I already treat you as a friend. A real friend.”

“Really?” I can’t stop myself from smiling. Napaupo ako bigla.

“Oh kinikilig ka masyado. Oo nga sabi.”

“So… Real friends? Correction: real best friends?” Umupo na rin siya and she looked me in the eye.

“Real best friends.” She opened her arms for a hug so I hugged her. Nung bumitaw na kami we both had a smile on our faces.

“Matulog na tayo late na. Goodnight… best friend…”

“Goodnight… Best friend…” Bumalik na kami sa pagkakahiga and natulog na.


uniquechic029

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 82
  • Karma: +1/-0
  • Simple but Unique
Re: Wanted: Best Friend (chapter 14 posted)
« Reply #29 on: July 09, 2014, 09:22:11 PM »
Chapter 15

Chloe’s POV the next day

Nagising ako kasi yung phone ko nonstop ang pagring. Sinagot ko yung call and si mom pala.

“Hello?” I answered with a sleepy voice.

“Hello Chloe… You just woke up?”

“Ahuh.” I rubbed sleep from my eyes. I checked the time on the wall clock. 9:10 na pala.

“We heard what happened last night. Are you okay?” Bigla akong nag adrenaline rush.

“Wait? Who told you that?”

“Magda. She sent me a text earlier. Ok ka lang ba?”

“Ok na po ako mommy.”

“Are you sure? I can come go home.”

“No need mom. You just got there. Saka ang dami niyo pa pong aayusin diyan. Ok na po ako dito.”

“Are you sure?”

“Yes mom.”

“Oh alright. But we have to talk pag uwi namin okay? I love you sweetie.”

“I love you too mom. Ingat kayo diyan.” Binaba ko na yung phone ang nag unat unat na ko. Sakto naman nagising na si Marietta at nag unat unat na rin. “Good morning best friend.”

Ngumiti siya sakin sabay upo. “Good morning best friend.”

“Tumawag si mommy. Sinabi pala sa kanya ni yaya Magda yung nangyari kagabi.”

“Dapat lang naman na malaman niya yun eh.”

“I know. Anyway enough talk about last night. Kain na tayo ng breakfast. Pero mag hilamos muna ko.” I went to the bathroom and did my business. Nung natapos na kami pareho bumaba na kami and nakita namin yung isang maid na nag-aayos ng food.

“Ma’am Chloe gising na po pala kayo. Kain na po kayo.” Naupo na kami ni Marietta and yung maid naglabas ng mga plato and baso para samin. “Ano po gusto niyong inumin?”

“Ikaw Marietta ano gusto mo?”

“Coffee.”

“Ok. Sakin water na lang.” Umalis na yung maid and she came back with a cup para sa kape ni Marietta and a glass of water for me. “Thank you.” Kumuha na kami ng food. I got waffles and 2 sunny side up eggs. Si Marietta kumuha ng bread saka bacon.

Nung natapos na kami kumain bumalik kami sa room ko para maligo. Pagtapos ko maligo nag halungkat ako ng pwede masuot. Nag kalikot ako sa pile ng shirts until I saw a yellow shirt with an inifinity sign with the word promise in front. Actually ngayon ko lang naalala tong shirt na toh. Masuot nga. I pulled it out then kumuha ako ng white denim shorts. Nung natapos na kami magbihis we decided to go out so pumunta kami sa patio and sat on the chairs.

“So… ano gusto mo gawin ngayon?”

“Let’s talk about you. I wanna get to know my best friend.”

“May ganon. Ok fine. Ano gusto mong malaman?”

“Let’s start with the basics.” And then it started. I asked her birthday, favorite color, fave food, etc. hanggang sa napunta na sa family yung usapan. “So… may I ask bakit naghiwalay parents mo?” I saw her stiffen when I asked the question. “Sorry. You don’t have to answer.”

“Ok lang yun. Hmm pano ba… naghiwalay sila kasi… may babae si tatay.”

“Oh…”

“At yung babaeng yun… si Mrs. Sta. Cruz.”

“As in the guidance counselor?!” She nodded. “For real?!”

“Oo. Sa totoo lang ayoko talaga sa kanya. Kaya lang siya pumayag na pag aralin ako sa Rockgrove kasi nakiusap tatay ko sa kanya. Actually matagal ko nang di nakikita tatay ko. At hindi ko rin alam kung magiging ready pa ko na makita siya.”

“I know what he did hurts a lot. Pero sooner or later you have to face him. Kahit anong mangyari tatay mo pa rin siya.”

“Alam mo madali mong nasasabi yan kasi hindi mo naranasan. Maganda pagsasama ng parents mo. Eh yung sakin hindi.”

“Oo nga. Pero still… you’ll have to forgive him later on.”

“Di pa ko ready para don. Anyway, ayun… Si nanay hindi makapag trabaho kasi walang magbabantay kay Junjun. Saka... 18 lang siya nung nagbuntis siya sakin. Masyado siyang nadala sa charm ng tatay ko kaya ayun nabuo agad ako. Napilitan siyang huminto sa college. Pinanagutan naman siya ng tatay ko. Nag live in sila pero apelyido ng tatay ko pinalagay niya sa pangalan ko kaya ito Sta. Cruz gamit ko ngayon. Nagsimula silang magkalabuan nung pinanganak na si Junjun. Yun yung time na nakilala niya si guidance counselor. Hindi na nga siya kilala ni Junjun eh kasi wala pa siyang isang taon nung iniwan niya kami para kay guidance counselor. Last year lang sila kinasal.” So yun pala ang story niya.

“I see… so kaya pala ayaw ni guidance counselor na mapunta ka sa guidance office kasi…”

“Yun yung condition niya para paaralin nila ko. Hindi ako pwedeng ma guidance office for any reason whatsoever. Pwera na lang kung kailangan talaga.”

“She’s such a b—h.”

“Sinabi mo pa. Pero wala na kong magagawa nangyari na eh.” We remained silent for about a minute until I asked her to take a walk. Lumakad na kami sa may garden and we saw Lance working there. Nung nakita niya kami bigla naman siyang napatayo.

“Good morning.”

“Good morning.” Sabay naming sagot. “Sorry naistorbo ka pa namin.”

“Ok lang. Uhmm pwede kita makausap?”

“Ay nako nagka moment na kayo kagabi ah awat na muna.”

“Marietta…”

“Haha joke lang noh. Sige na mag usap na kayo. Explore ko lang tong mansion niyo.” Lumakad na siya palayo at kami ni Lance naiwan.

“Ok ka na?”

“Hmm oo. Ikaw?”

“Ok naman. Sabi ni nanay tinanong ka daw niya kung ano meron satin.”

“Oo. Pero sinabi ko sa kanya na mas maganda kung sayo niya malaman. But the good news is sinabi niya na gusto niya ko for you.”

“Hindi nga? Sinabi niya yun?”

“Oo nga. Ayaw mo maniwala?”

“Hehe naniniwala. Gusto ko yang shirt mo.”

“Ha? Bakit?” Napatingin ako sa shirt ko and noticed the word. “Oo nga pala. Kaya siguro naisipan ko siyang suotin.” I replied sabay ngiti and he smiled back. I took a step towards him pero he stepped back. “Why?”

“Pawis ako.”

“Sus parang yun lang eh.” I noticed a towel on his shoulders so kinuha ko yun and pinunasan yung mukha niya. “Oh ayan wala ka nang pawis.” We took a step towards each other and he checked my arms.

“Buti hindi na namumula braso mo."

“Oo nga eh…”

“Sisiguraduhin kong hindi ka na niya guguluhin…” He held my hands and we looked into each other’s eyes. “Promise…”

“Promise…” He slowly leaned in his face so I raised my hand to stop him. “Oops… hindi pwede.” Ngumiti siya sabay nilayo niya mukha niya.

“Sorry. Di sinasadya.”

“Hehe that’s okay. Balikan ko na si Marietta. Baka kung san na nag ikot yun.”

“Ok sige.” Tuluyan na kaming humiwalay sa isa’t isa and I went back inside the house para sa hanapin si Marietta. I saw her standing by the table with picture frames dun sa may sala.

“Hey…”

“Hi… ang cute mo naman nung bata ka pa.”

“Really? Thanks.” Napatingin ako sa mga pictures and I saw a solo picture of me when I was 5 years old, a picture of me with mom and dad nung birthday ko when I was 8 years old, a picture of us with our relatives in the USA when I was 10, mga solo pictures nila mom and dad and the latest photo was 2 months ago nung anniversary party nila. The day I met Marietta.

“Ang saya naman tingnan ng family mo. Parang wala kayong problema.”

“Akala mo lang yun. Remember there’s Bea.”

“Oo nga pala. So… ano na gagawin natin?”

“Wanna watch The Heirs?”

“Okay.” Bumalik na kami sa room ko and nanood nung the heirs. Nung nandun na sa part na nakatira na si Eun Sang sa house nila Kim Tan biglang nag comment si Marietta. “Alam mo parang ganyan kayo ni Lance. Pero baliktad.”

“Maybe…”

“Now that I think about it, The Heirs nga ang peg niyo. Ikaw si Kim Tan, si Lance si Eun Sang, si Ashton si Young Do…”

“At ikaw si Chan Young.  Si Bea si Rachel Yoo. Oo nga noh.”

“Pero hindi ako mayaman gaya ni Chan Young.”

“Pero still, he’s the best friend nung bida so ikaw nga yun.”

“Oo na sige na.” We continued watching hanggang sa namalayan na lang namin 5pm na pala. May kumatok bigla sa pinto and yaya Magda went in.

“Chloe may bisita ka. Pero alam kong hindi mo magugustuhan.”

“Why? Si Ashton na naman po ba?”

Umiling siya. “Si Bea. Kasama ang tita Maribel mo.” Nagkatinginan kami ni Marietta and we’re both thinking the same thing: Trouble

“Yaya pakisabi na lang wala ako.”

“Nasabi ko na rin kasi na nandito ka. Pasensya na ha.”

“It’s okay. Pakisabi na lang po I’ll be down in a minute.” She nodded in response and left. “It’s not enough that I had to deal with Ashton last night tapos si Bea naman ngayon. Why am I so unlucky right now?”

“Kasama niya mommy niya so I’m sure hindi gagawa ng kalokohan yun. Ito na nga ba sinasabi ko eh. Pag ako talaga nag sleepover ang daming nangyayari.”

“Mukha nga.” Tumayo ako and pumunta sa vanity table to fix myself. Nung natapos na ko humarap ako kay Marietta. “Let’s do this…”

“Oras na para harapin ang Rachel Yoo ng buhay mo.”

“I know…” Bumaba na kami papunta sa sala and Bea and tita Maribel was sitting on the couch waiting for me. Bea and I gave each other our death glares then nag beso beso kami ni tita.

“Hello Chloe… kamusta ka naman?”

“Ok naman po. Kayo po?”

“Ok naman rin.”

“Tita si Marietta po pala best friend ko. Marietta si tita Maribel.” Nag shake hands sila and both said “nice to meet you.” Naupo na kaming lahat. Kami ni Marietta nasa love seat and silang mag-ina nasa couch.

“Sorry biglaan yung pagpunta naman. We just wanted to apologize for what Bea did nung nag camping kayo. I asked her a million times kung ano ba yung pinag awayan niyo pero ayaw niyang sabihin. Would you mind telling me?” I glanced at Bea sabay smirk. Now is my chance to expose her.

“Binuhusan niya ko ng tubig because of a guy na pinagpipilitan niyang inagaw ko daw sa kanya. The funny thing is ayaw sa kanya nung guy.” Tita Maribel faced Bea with a confused face.

“Bea is that true?” napayuko na lang siya. “Nang dahil sa lalake? Really? Sino ba tong lalakeng toh at masyado kang obsessed to the point na inaway mo pinsan mo?”

“Si Lance po.” She replied in a very soft voice that prompted tita to ask again.

“Who?”

“Si Lance po.” This time nilakasan na niya boses niya. Mas lalong napakunot noo mommy niya. Nagkatinginan kami ni Marietta sabay smirk dahil sa nangyayari kay Bea.


 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Sunday Funday

by: marla, 2014-10-19

It's Sunday and you're probably already on sem break: if that's not a reason to celebrate, we don't know what is! In light of your newfound (and temporary—LOL sorry) freedom from...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved