Please login or register.

Login with username, password and session length


Author Topic: Say You Love Me  (Read 506 times)

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 370
  • Karma: +34/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • You got me tipsy, baby!
Say You Love Me
« on: April 18, 2014, 12:10:22 AM »

The Irony: Dash has been chasing her first love of 5 years, Chase Conrad Villegas. Ginagawa niya ang lahat manakaw lang niya ang puso nito: nagpaka-stalker, nagpaka-alila, pinagluluto ng baon, pinagbe-bake ng sweets araw araw, kino-close ang kabarkada at ang mga kaklase niya sa Class 2EE-A, at iba’t iba pang paraan kahit pa mapahiya at mag mukha na siyang tanga, main-love lang sa kaniya ang first love niya. Pero kahit anong gawin ni Dash upang main-love ito sa kaniya, ay siya namang todo pag-iwas sa kaniya ni Chase. Panay ang habol ni Dash sa lalaking kaniyang minamahal, ngunit panay naman ang takbo nito palayo sa kaniya.


Nagsimula sa “Get out of my sight”,
Nasundan ng"Stalker!",
Mauwi kaya sa "I love you"?


Siya si Tiffany Aurea Dash dela Vega - ang proud FAN (at hindi daw stalker) ni Chase. Ating subaybayan ang kaniyang adventures sa kaniyang misyon na mapa-ibig ang kaniyang love of her life na si Chase Conrad Villegas.


Ang tanong ng bayan: Magpahabol kaya si Chase kay Dash?



============================================
[[ SHAMELESS PLUGGING ]]
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit | Love Charades
Say You Love Me | Wattpad Profile
*click on the link*
« Last Edit: April 18, 2014, 12:37:10 AM by dizzy gurl »
[♔] FROGPRINCESS [♔]
Ang Heartthrob at ang Pangit

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 370
  • Karma: +34/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • You got me tipsy, baby!
Re: Say You Love Me
« Reply #1 on: April 18, 2014, 12:29:35 AM »


- High school ako nang namulat ako sa larangan ng pag-ibig. -


“Dalian mo Mischa! Baka mawalan na tayo ng magandang pwesto!” Hatak hatak ko ang mga kamay ng best friend kong si Mischa habang tinatakbo namin ang hallway ng building namin.

“Eh teka lang Tiffy! Hinihingal na ako. Kanina pa tayo tumatakbo! Kalma ka lang hindi naman tayo mauubusan ng upuan eh.” Kalmado nitong sinabi sakin.

Paano niyang nagagawang maging kalmado, samantalang intense na intense na ako! Ayokong mamiss tong araw na ito dahil dahil this will be the last day na makikita ko na siya!

Yung babaeng kausap ko, siya si Mischa Ferrer, ang bestfriend ko since gradeschool. Close ang pamilya namin kaya naging close kami agad ni Mischa. Unlike me na medyo clumsy at boyish, total opposite ko si Mischa. Siya yung girly type na mahilig sa fashion and make-up. Maganda siya at matalino. Matapang din ang best friend ko! Walang inuurungan. Naalala ko dati nung grade school kami, inaway niya yung bully sa school namin dahil inagawan ako nito ng candy. After niya itong awayin, naging mabait na sa amin yung bully. O diba, parang anak ng yakuza lang! Heartthrob ang best friend kong yan… Medyo intimidating nga lang si Mischa dahil sa taglay nitong talino, kagandahan at tapang. Kaya ang nangyayari, sakin lumalapit yung mga fanboys niya para ipa-abot yung mga love letters nila kay Mischa. Hai Mischa, bakit ba kasi ang ganda mo masyado?! XD Pero wag ka, kahit na heartthrob iyang best friend ko, NBSB yan! Ang sabi kasi niya, kung sakali man na magkaboyfriend siya ay gusto niyang sigurado siya dito at ito na yung makakasama niya habang buhay. Ika nga, first and last love na daw niya iyon.

Pareho kami ni Mischa. Gusto ko yung first love ko ay yung last love ko din. Kung hindi lang din mapapasakin yung Mahal ko, mas mabuti pang maging bading na lang siya!!!

Huehue, joke lang. Hindi siya pwedeng maging bading. Paano na lang si ako kung naging bading si Mahal ko? Pano magiging kami kung bading siya? Paano siya manliligaw? Paano niya ako papakasalan? Paano niya ako aanakan?

“Mischa!! Hindi pwede! Kailangan natin magmadali. Alam mo naman kung gaano kadami ang fans nun! Ano na lang gagawin ko kung hindi tayo makakaupo sa harap?!” paiyak na sabi ko dito. Oo, ganun ako kadesperado para makakuha ng magandang pwesto!

Bumitaw si Mischa sa pagkakahawak ko sa kaniya at humarap ito sakin. Seriously, bakit ang kalmado niya?! Lalo lang tuloy akong na-tetense!

“Trust me. May maganda na tayong spot sa gym.” Kampante pa ito habang nagsasalita. Nag-peace sign pa siya sakin.

“Seryoso ka ba jan Mischa?” manginig nginig pa ang boses kong habang nagsasalita.

“Oo no! Nagpa-reserve na ako kay Keii ng seats.”

“Yehey!!!! Hulog talaga kayong dalawa ni Keii ng langit!!!!” Sa sobrang saya ko, niyakap ko ng sobrang higpit si Mischa.

Si Keii yung isa pa naming kaibigan. Kaklase din namin siya ni Mischa. Oo nga pala, member nga pala siya ng Student Committee kaya chicken lang sa kaniya na i-reserve kami ng seats.

“So kalma ka lang jan okay? Maglakad lang tayo. Hindi na natin kailangan tumakbo dahil hihingalin lang tayo sa wala. Makakapaghintay sa atin yung mga upuan natin. At tsaka wag mo ako masyadong patakbuhin friend, ayokong masira ang poise ko okay? Try mo kayang tumakbo ng naka-heels?” Hinawakan ako ni Mischa sa kamay ko at nagsimula na kaming maglakad. Holding hands pa kami habang naglalakad kami papuntang gym. Eh kasi naman kung makasuot ng heels to, akala mo rarampa sa stage.


- High school ako nang una kong maranasan ang umibig… -


Nakarating na kami ng gym, at tama nga ang hinala ko: madami ng tao! Halos mga babae pa ang nakaupo sa bandang unahan. Mabuti na lang at nai-reserve na kami ni Keii ng magandang pwesto.

“Ayun! Nandoon yung upuan natin. Nagtext sa akin si Keii. Sabi niya, sa gitna daw ang pwesto natin.”

Hinawi pa namin yung mga fans na nagsisiksikan sa may gilid ng gym para lang makapasok kami ni Mischa. Phew! Ang hirap talagang makapasok sa loob @_@

“Ang ganda ng pwesto natin Mischa! Ang galing ni Keii!” excited kong sinabi sa kaniya.

Sobrang gitna yung upuan na ni-reserve sa amin ni Keii. May nakalagay pa ngang "Reserved to Student Council”[/b] para lang wala talagang magtangkang umupo doon.

“Ewan ko ba sayo Bestie. Ang bait bait ni Keii, pero di ko alam kung bakit mo siya binasted.”Nakapamaypay pa ito habang nakatingin sa akin. Medyo mainit nga ngayon sa gym dahil sa sobrang dami ng tao.

“Eh alam mo naman kung bakit eh.”

“Dahil sa masungit na antipatiko na yun. Eh alam mo namang wala kang mapapala doon. Nasa taas siya, nasa baba ka. Sikat siya, no one ka lang.” Huminga ito ng malalim at humarap ulit siya sa akin.”[/b]At isa pa, gagraduate na siya. Tayo, nasa 3rd year high school pa lang. Next year, wala na siya sa school natin. Hindi na natin siya makikita.”[/b] matapos magsalita ay humarap na siya muli sa stage.  Mas lalo pang lumakas ang pag-papaypay nito sa sarili.

Oo nga. Last year na ngayon ng Mahal ko. Parang kelan lang nung una ko siyang nakita sa school na to. 1st year ako noon, 2nd yr naman siya nun. Love at first sight na naging puppy love….  Hanggang sa lumalim na at tuluyan na akong na-in love sa kaniya.

“Ewan ko ba Mischa. Tinamaan talaga ako sa kaniya eh.” Maikli kong sagot dito.

“Hai. Naawa tuloy ako kay Keii. Sobrang bait nun eh. Kung ako ang may choice, siya pipiliin ko.”

“O edi magpaligaw ka sa kaniya! Pwede namang mauna ang sagot, bago ang ligaw eh. Mehehehe!” sinusundot ko pa ito sa tagiliran niya habang inaasar siya. Panay naman ang hampas nito sa mga kamay ko habang kinikiliti ko siya.

“Tantanan mo nga ako Tiffy!” Mamula mula pa ang pisngi nito habang patuloy niyang hinahampas ang mga kamay ko. Hindi naman sobrang init kaya alam ko kung ano ang dahilan ng pamumula ng pisngi niya.

Malakas ang kutob ko na may crush siya kay Keii kaya sobra niya ito kung ipagtangol kapag ikino-compare ko ito sa Mahal ko.

“Pero alam mo sobrang bait ni Keii. Kasi kahit binasted mo siya, hindi pa din siya umiiwas satin. Patuloy pa din niya tayong tinutulungan..”

Ewan ko kung napapansin ito ni Mischa. Pero sa tuwing nababangit niya si Keii, napapangiti siya. Ang aliwalas ng itsura niya, at nagkikislapan ang mga maya niya. Ang ganda niyang pagmasdan.

At tulad nga ng kwento ni Mischa, dating nanligaw sa akin si Keii. Keii’s a good friend to me. Maasikaso siya at matulungin. Ideal Boyfriend ika nga. Pero wala eh, hindi talaga sa kaniya tumitibok itong puso ko eh. Nasa iisang tao lang…


- High school ako nang maramdaman ko kung paano ang umibig. -


“Boys and Girls, good afternoon!”

Ayan na, nagpakita na din sa wakas yung Emcee! Pumwesto pa ito sa gitna ng stage para mas makita namin siya.

“We will now introduce to you the list of Achievers for Batch 2014. Without further ado, may we now call on the top 30 students!”

Nagsimula ng magtawag ng pangalan yung Emcee. Sa totoo lang, wala akong pakialam sa ibang pangalan na binabangit niya. Hindi ko naman kasi sila kilala eh. At isa pa, isang pangalan lang naman ang gusto kong marinig..

“Sa tingin mo, pang-ilan kaya siya sa Top 30?” nakasalumbaba na si Mischa habang isa isa naming pinapanood na naglalakad sa harap ung mga pangalan na natatawag. I guess nabobored na siya. Kahit naman ako.

“Baka nasa Top 20 siya.” Kibit balikat kong sagot sa kaniya.

Kahit na medyo naiinip na kami ni Mischa, matyaga pa din kaming nag-abang sa kaniya. Nagbabakasakali kami na pangalan na niya ang tatawagin.

“And now we are done with the First 15 achievers! Let us now proceed with our Top 15. 15th placer, Ms. Mary Lee Ann San Jose!”

Naku, nasa Top 15 na kami. Pero hindi pa din natatawag ang pangalan ng Mahal ko. Nakapasok kaya siya sa Achievers?

“Tiffy?”

“Hmm?”

“Wala pa din?”

Nagkibit balikat lang ako.  Nabangit na ang first 20, pero hindi ko pa din nadidinig ang pangalan niya.

Top 10.

Top 5.

Pasok kaya siya?


- High school ako nang unang beses akong na-inlove. -


“Mischa, hindi pa din siya natatawag :( Hindi ata siya kasama sa Achievers…” malungkot kong sinabi sa bestfriend ko na hanggang ngayon ay busy pa din sa pagpapaypay.

Nagsisimula na akong maging negative sa mga nangyayari. Hindi pa din kasi natatawag yung pangalan niya eh. Madalas kasama siya sa Top 10. Nasa Top 5 na ang announcement, pero wala pa din yung name niya.

“Manalig ka lang friend. Matatawag din siya. Malay mo, siya pala ang Valedictorian natin.”

“Sana nga Bestie!”

Nagsimula na ulit magtawag ng pangalan ang Emcee. Nasa 5th placer na kami. Pangalan na kaya niya ang maririnig namin?

Natapos na ang 4th, 3rd, at 2nd.

“And for our first Honor, please come on stage Mr. Russel Clark Santos!”

Nagpalakpakan ang mga tao ng naglakad na sa gitna yung 1st honor-na-hindi-ko-kilala-kasi-wala-akong-pakels. Oh my, wala pa din yung name niya!

“No good ata friend. Baka siguro nagbulakbol nung last sem kaya hindi siya nakapasok.”

“O kaya baka naman tinamad na mag-aral kasi graduating na”

Tumayo yung mga Achievers sa gitna ng stage para magpapicture. Halos mabingi ako sa palakpakan ng mga tao. Wala siya.. hindi siya kasama sa Achievers….

Nanlugmok ako sa nangyari. Akala ko pa naman makikita na namin siya ng malapitan. Nagpa-reserve pa naman kami kay Keii ng upuan para lang sa kaniya. Tapos hindi din pala namin siya makikita. At ang mas nakakadurog ng puso ko pa dito, last day na nila ngayon. Huling araw ko na siyang makikita ngayon. Dahil bukas, gagraduate na yung Mahal ko….

“Thank you, Boys and Girls! And now, here is the much awaited announcement! Malalaman na natin kung sino ang Salutatorian at Valedictorian sa taon na ito!”

Tila ako nabuhayan ng dugo. Shiz! Oo nga pala… may Salutatorian at Valedictorian pa pala!!

Bigla akong tumingin kay Mischa. Nakatinign din ito sa akin. Parehong nagkikislapan ang mga mata namin. May pag-asa pa!

“And for our Salutatorian, may we call on Ms. Queenie Charlene Esguerra!”

Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga tao lalo na nung mga boys. Crush ng campus itong Salutatorian namin kaya naman ang daming nagdidiwang nang nabangit ang pangalan niya.

Pero tekawait, kung hindi nakuha ng Mahal ko yung Salutatorian…. Eh ano?

Tumayo sa gitna yung Emcee at isa-isa niyang inunfold yung envelope. Akala mo Beauty Pageant tong sinalihan namin eh. Nakaka-intense! Magkahawak na nga ang kamay namin ni Mischa dahil sa sobrang kaba! Lahat na ng dasal, idinasal ko para lang matawag ang pangalan niya. Kahit na yung ‘Bless Us Oh Lord’ at ‘Angel of God’ dinasal ko na din!!!

“And the most awaited moment has finally arrived! Sa envelope na ito nakasulat ang ating Valedictorian. Wag na natin itong patagalin pa!”

Parang nakarinig na din ako ng drum roll sa sobrang kaba ko! Mali, hindi pala iyon drum roll. Tibok pala iyon ng puso ko. Sobrang lakas.. sobrang bilis!

“And for our Valedictorian please come on stage,”

Halos tahimik ang buong gym. Walang nagsasalita, walang kumukurap, walang humihinga.

“Mr. Chase Conrad Villegas”

- High school ako nang maranasan ko ang sobrang kiligin.-

“Mr. Chase Conrad Villegas – our this year’s Valedictorian!”




- High school pa lang ako nang maintindihan ko na ang ibig sabihin ng salitang “Pag-ibig.”-



============================================
[[ SHAMELESS PLUGGING ]]
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit | Love Charades
Say You Love Me | Wattpad Profile
*click on the link*
« Last Edit: April 18, 2014, 12:33:21 AM by dizzy gurl »
[♔] FROGPRINCESS [♔]
Ang Heartthrob at ang Pangit

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 370
  • Karma: +34/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • You got me tipsy, baby!
Re: Say You Love Me
« Reply #2 on: April 18, 2014, 12:32:45 AM »



“Hello classmates! My name is Tiffany Aurea Dash dela Vega. You can just call me 'Dash'! I am from Hillcrest Academy! The reason why I chose this course is because I am chasing for my dream, and for ‘that’ dream!"

'That dream'. Alam niyo na, ang maging girlfriend ni Mahal ko. Hihihi ang landi ko. First day na first day ng klase, naglulumandi na naman ako. XD

"I hope to get to know you more, guys! Let’s be good friends! That’s all, thank you!”

Ito ang isa sa mga ayaw ko na ginagawa kada first day ng klase: Ang magpakilala sa harap ng mga taong hindi mo naman kilala! Shy type kasi ako, you know.

Ganito pala pag college ka na no? Medyo maluwag. Kung gugustuhin mong mag-cut, pwede mong gawin (pero makonsesensya ka sa magulang mo~). Pwede kang kumain sa classroom, basta wag ka lang magkakalat sa classroom (at iwasang kumain ng maamoy na pagkain!). Pwede ka ding magdala ng cellphone sa classroom (pero iwasan ang magtext o tumangap ng call habang nasa loob ng classroom). Lahat ng ito, hindi mo pwedeng gawin nung nasa highschool ka pa lang. XD

HRM pala ang kinuha kong course. Hilig ko kasi ang pagbe-bake at proud to say na masarap talaga akong mag-bake! Nakailang-sali na din ako sa mga competition. Kung hindi Gold or Champion, nasa 2nd or Silver medal naman ako. O diba, tarush ng lola niyo! :3

At dahil nga naman first day ng klase ngayon, maaga din kaming pinauwi ng professor namin. Yay! May usapan kami ni Mischa na magkikita kami sa Pav sa tapat ng classroom namin. Excited na akong makita bestfriend ko!

“Tiffy!”

Bumungad sa akin ang maganda at nakanigiti kong bestfriend na si Mischa. At kahit na naka-slacks siya (iyon kasi ang uniform nila sa Advertising Department), ang sexy pa din niyang tignan. Ang professional na nga ng dating niya eh. Nadala kasi sa uniform.

Tumakbo ako papalapit sa kaniya at agad ko siyang niyakap pagkalapit ko sa kaniya.

“Bestie! Kanina ka pa nandito?”

“Yup! Maaga kaming pinauwi ng Professor namin eh.”

Umupo ako sa tabi ni Mischa at kinain ang baon na sana eh mamaya ko pang kakainin. “Ayos! Kami din eh. Nagpakilala lang kami tapos ayun, uwian na agad.”

“Byebye Dash!”

Pagkalingon ko sa mga taong tumatawag sa akin, nakita ko ang mga kaklase ko na kumakaway sa akin. Kumaway naman din ako sa kanila. Mukha namang mababait and friendly yung mga kaklase ko this year.

“Byebye! Ingat kayo~”

“Dash?” pagtatakang tanong ni Mischa.

“Ahaha! Oo! Yun yung gusto kong itawag nila sakin ngayong college na tayo. Para unique! Madami kasing “Tiffany” or “Tiffy” eh. Para madali din nila akong makilala.”

“At para bumagay sa pangalan niya.” Seryoso nitong sinabi sa akin. Nanliliit pa ang mga mata ni Mischa habang tinitignan ako. 

“Tomooo~”

Yung tingin sakin ay kulang na lang at may lumabas na laser beam….. -_-

“My gahd Tiffy, it’s been a year already since we last saw him. Siya pa din ba?” tanong sakin ng maganda kong best friend sabay kuha nito sa baon kong sandwich.

“Yup! Siya pa din, at wala ng iba! Forever!!”

“At kaya ba kinuha mo yung course na HRM dahil katabi ng building niyo yung building nila?”patuloy pa din sa pagkain ng sandwich ko si Mischa. And this time, pati yung juice ko iniinom na din niya.

“Oo! Eh kesa naman sa mag-Engineering din ako? Yech. I hate math!!”

“Jusko naman Tiffy! As if naman pag nakita ka niya ngayon, papansinin ka nung lalaking yun? Eh ubod ng sungit nun! Naalala mo nung highschool tayo? Suplado siya sa mga fans niya.”Pagkakuha niya sa juice ko, kinuha naman niya pati yung chocolate na sinesave ko for my dessert.

“Highschool yun okay? Malay mo nagbago na siya ngayong college na tayo. 2 years na din siyang college student no,” Kukunin ko na sana yung natitirang chocolate bar ko na nakatago sa pinaka-sulok ng lunch box ko… nang mapansin kong kinakain na ito ni Mischa. “at isa pa…”

“Anyo yown?”

Halos hindi ko na maintindihan si Mischa sa sinasabi niya dahil nguya ng nguya pa din ang loko! Tama ba namang kainin niya yung nakareserve kong chocolate?!

Tinignan ko siya ng masama at inagaw ko sa kaniya ang natitirang chocolate na sana ay kinakain ko na ngayon. “Bakit kanina mo pa kinakain baon ko? Wala ka bang baon?! Kakaasar ka! Tinabi ko nga ung chocolate dahil kakainin ko yun eh! Tapos inubos mo pareho! Kakainis ka!!!!”

“Sorry na Bestie! Medyo na-i-stress kasi ako sa kwento mo kaya ako napakain ng di oras sa baon mo! Hehe~ Tsaka alam mo namang fan ako  ng mga niluluto mo. Masarap kasi!!” patuloy pa din siya sa pagkain niya ng last bar ng chocolate ko. Huhuhuhu, my chocolate bars, they’re now gone!

“Hoy, bayaran mo yung chocolate na inubos mo ha!” pagmamaktol ko sa kaniya. Sobrang di ko pa din matangap na inubos niya yung chocolate ko. Huhu! “Ibili mo ko mamaya sa Mini Stop!”

Iniligipit ko na yung baunan ko na na kanina pa naka-Hello World. Bastos na Mischa, walang pakundangan na nga niyang kinuha yung baon ko, hindi man lang niya sinara ng mabuti yung baunan ko. *pouts*

“Tiffy!!!!! Tiffy Tiffy Tiffffyyyy!!!!” bigla na lang ako tinapik ni Mischa ng sunod sunod. Infairness, masakit ha. -_-

“Ano ba yun? Isa-isa lang! naririnig kita!” Ano ba kasing meron at kung makatapik tong kaibigan ko, parang walang bukas?!

“Si— si— Si Chase!”

May tinuturo si Mischa at tumingin naman ako doon sa direksyon kung saan ito nakaturo.

Parang huminto ang oras nang makita ko ang lalaking matagal ng nagpapatibok ng puso ko. Tila nagkaroon ng slow motion ang buo kong paligid. After 1year, finally, nakita ko na ulit siya.

Yung lalaking unang nagpatibok ng puso ko.. naglalakad siya ngayon sa harap ko!

Kung su-swertehin ka nga naman oh. First day na first day ko sa college life ko, nakita ko agad si Mahal ko. Jackpot! Hindi niya ako kilala. Pero simula sa araw na ito, makikilala na niya kung sino si Tiffany Aurea Dash dela Vega. Simula sa araw na ito, papasok na ako sa mundo niya… Eeksana na ako sa kaniyang buhay! Dahil wala akong balak na habang buhay ko na lang ilihim itong pagsinta ko sa kaniya.

Dash, now entering Chase’s life!

“Tiffy! Saan ka pupunta?!”

“Pupuntahan ko ang happiness ko!”

Walang pagdadalawang isip akong tumakbo palapit sa kaniya. Sasabihin ko na yung matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya, na hindi ko nagawa nung highschool pa ako. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito. Magpopropose na ako sa kaniya!

Dali dali akong tumakbo hanggang sa nasa harap ko na sila. Nagulat ang mga kaibigan niya ng nakita nila akong nakatayo sa harap nila. Nang nakita kong nakatingin sa akin si Chase, para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Finally, nakita na niya ako! Alam na niya ang existence ko!

“Kaibigan mo?” tanong nung isa niyang kasama na lalaki. Matangkad ito at medyo tan ang kulay. Sa tindig at porma pa lang, alam mong mayaman ito. Medyo matapang ang facial features niya.

“Hindi.” Malamig na sagot ni Chase. OUCH! But true. Hindi naman niya kasi ako kilala nung High school pa kami. Pero atleast ngayon makikilala na niya ako! Hello Mahal, I exist!

“So, kakilala mo?” usisang tanong ng isa niya pang kasama. Average ang height nito, at maputi. And oh, ang bango niya! :O Ang lakas ng amoy ng pabango niya. O_O Yung mata niya, medyo maliit kaya mukha siyang parang palaging nakangiti.

“Hindi.” Ang monotone ng boses ni Chase. -_-

“Ah, must be one of your fans.” Nagsalita ulit yung isa niyang friend. Yung Tall, dark and handsome friend niya.

Fans? So ibig sabihin, habulin pa din hanggang sa college si Chase? Wah! Ang dami ko pa ding karibals!!!

Shiz, bawal magpatumpik-tumpik dito! Ngayong alam kong madaming fans si Chase, isa lang ang ibig sabihin nito: MADAMI AKO KARIBAL! At mahihirapan akong mapasaakin si Chase! Kailangan gawin ko ang lahat para makuha ko ang puso niya. Wag na natin itong idaan sa santong dasalan!

I gave him my most genuine, sweetest, and beautiful smile at nagpakilala sa kaniya.

“Hi Chase! I know you don’t know me, but I know you! Ako nga pala si Tiffany Aurea Dash dela Vega. But you can call me ‘Dash’!”

Nakangiti lang sa sakin yung dalawa niyang kaibigan. Para ba silang nanonood ng nakakatawang palabas. Pareho pa silang nakangisi! Pero I don’t mind. Ang importante, maramdaman ni Chase na sincere ang pagpapakilala ko sa kaniya.

Speaking of Chase, wala pa din siyang reaction. Nakatingin lang ito sa akin na para bang nabobored siya. Emotionless. Parang robot.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Nagulat naman yung dalawa niyang kaibigan dahil sa ginawa ko. Yung mga tao sa paligid namin, nanonood na din sa amin. At wala akong pakealam! Dahil sa oras na ito, isa lang ang importante para sa akin: ANG MAKAPAG-PROPOSE KAY CHASE!

“Please be my boyfriend!”

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng kaibigan ni Chase. Yung mga tao sa paligid namin na kanina lang ay nanonood, ngayon ay nagbubulungan na. Yung iba na-wi-wirduhan sa ginawa ko. Yun iba, natatawa. Ang kanina kong bestfriend na naiwan ko sa pav, ngayon ay nasa tabi na pala namin. Gulat na gulat siya sa mga pangyayari. Meron pa nga akong nakitang nag-vivideo sa akin eh. Shiz, hindi pa ako handang ipagkalat sa buong mundo namagiging boyfriend ko na si Chase!

Lahat sila may expression at reaction, maliban kay Chase! Oh come on, don’t tell me hindi niya naintindihan ang ginawa ko kaya di siya nagrereact? Ang linaw linaw ng sinabi ko. Gutso ko siyang maging boyfriend!

“Wow dude, kakaiba tong fan mo ah! Ibang iba sa iba mong fans!” natatawang sinabi ni Mr. Jolly friend.

“Oo nga dude. Yung iba, hanggang letters at patagong pag-tingin lang ang kayang gawin sayo. Pero itong isa, iba. Nagpropose pa sa harap ng madaming tao! Wow, ang haba ng hair mo dude. Ikaw na ngayon ang pinagpo-proposalan!” walang tigil sa pagtawa itong si Mr. Tall, Dark and Handsome. May nakakatawa ba sa ginawa ko?!

Teka, parang mas gusto ko pa ngang pagtawanan ako ni Chase eh. Atleast alam kong na-absorb niya yung mga sinabi ko. Pero hindi! Hindi pa din siya nagrereact! Wala siyang comment man lang. At hindi nag-iba ang expression ng mukha niya. Bored. Blank. Emotionless!

Nagsimula na siyang maglakad. Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya habang patuloy pa din sila sa pagtawa. Nakalagpas na siya ng konti sa akin ng bigla siyang lumingon sa kinaluluhuran ko (yes, hindi pa din ako natitinag sa pwesto ko!) at nagsalita.

“Get out of my sight.”

“Eh?” – ang lame ng reaction ko sa sinabi niya. Yun lang talaga ang nasabi ko dahil sa shock na naramdaman ko dahil doon sa sinabi niya.

For the last time, tumingin ito sa akin, at nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Sh*t, ang gwapo niya talaga.

“I hate depsperate girls like you.”





















SHOCK.




============================================
[[ SHAMELESS PLUGGING ]]
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit | Love Charades
Say You Love Me | Wattpad Profile
*click on the link*
« Last Edit: April 18, 2014, 12:38:20 AM by dizzy gurl »
[♔] FROGPRINCESS [♔]
Ang Heartthrob at ang Pangit

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 370
  • Karma: +34/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • You got me tipsy, baby!
Re: Say You Love Me
« Reply #3 on: May 11, 2014, 08:26:53 PM »


Quote
“I hate depsperate girls like you.”
“I hate depsperate girls like you.”
“I hate depsperate girls like you.”

Ilang beses ito na paulit-ulit na nagreply sa utak ko. Kakainis! Kung bakit kasi may kakayahan ang utak natin na magpaka-sirang recorder eh! Hindi tuloy mawala wala sa isip ko yung mga sinabi ni Chase!!! :<

“Okay lang yang Bestie. Dapat inexpect mo ng mangyayari yun. Alam mo namang cold as Ice yang Mahal mo.” patuloy si Mischa sa paghagod ng likod ko, habang ako naman ay patuloy pa din sa pag-iyak dahil sa kakahiyang natamo ko (oh yes, after akong iwan ni Chase at ng alipores niya sa gitna ng madaming tao, saka lang nag-sink in sakin ang kahihiyang ginawa ko).

“Pero Bestie, ang sakit kasi! Ang sakit sakit. First time na nga lang niya akong nakita, na-basted pa niya ako! Huhuhuhu!” patuloy pa din ako sa pag-iyak. Halos maubos ko na yung isang box ng Kleenex kakaiyak ko.

“Sira ulo!” sabay batok sa akin ni Mischa. Grabe,hindi lang puso ko ang nasaktan, pati batok ko nasaktan. “Baliw ka talaga Tiffany Aurea Dash! Eh sino ba naman kasing baliw ang magpopropose sa harap ng madaming tao knowing na first time ka lang nakita nung tao? At anong ineexpect mo na isasagot sayo ni Chase? Matamis na ‘OO’? Wake up friend!”

Tila naman ako nagising sa mga sinabi niya. Oo nga naman, ano ba namang klaseng kalokohang pumasok sa utak ko at nagpropose agad ako sa Mahal ko? Dapat nagpakilala, at sinigurado ko munang close na kaming dalawa bago ako nagpropose sa kaniya!!!! Stupid Tiffy!

“Anong gagawin ko Bestie? Eh nagawa ko na eh. :<“ naiiyak na naman ako. Pero this time, dahil sa katangahang ginawa ko.

Kumuha ng cookies na binake ko si Mischa habang nagiisip siya ng idea para tulungan ako. Napadami ako ng bake ngayon dahil sobrang depressed and sad ko. Ganun kasi ako. Kapag sobrang saya o kaya sobrang lungkot, nagbe-bake ako. Pero labis labis ang mga nagagawa ko. Kaya kapag sagad ang nararamdaman kong saya o lungkot, masaya din si Mischa. Alam kasi niyang makakatikim na naman siya ng pagkain na gawa ko.

“How about bigyan mo siya ng cookies mo? Malay mo, makuha mo loob niya! Ika nga nila, ‘The best way to win a man's heart is through his stomach’!” masayang sagot nito habang sinisimot niya yung chocolate chips na naiwan sa daliri niya.

“Effective kaya yun?”

“Tiffy, I swear to Gad, and to all demi-gods out there, sobrang sarap ng mga binebake mo! Oo, effective yan. Tiwala lang!” hindi pa siya nakuntento sa cookies na ginawa ko, kumuha pa siya ng isang cup cake at masayang kinain ito.

Hindi naman sa pagmamayabang, pero masarap nga talaga ako magbake. Kapag nagbabake ako at nagdadala ako sa school, masayang masaya yung mga kaklase ko. And every Halloween and Christmas, madaming bata ang pumupunta sa bahay namin dahil namimigay ako ng cookies and cupcakes for give aways. Siguro nga ito ang masasabi kong forte ko. Kaya din HRM ang kinuha kong course dahil ang pag-be-bake talaga ang hilig kong gawin.

“Yosh. I shall do that!” tila ako nabuhayan ng loob! Feeling ko, magiging effective ang gagawin ko. May tiwala ako sa skills ko, kasi alam ko sa sarili ko na masarap akong magbake.

Humanda ka Chase. Kung kanina ay malamig ka sakin, sisiguraduhin kong lalambot ang puso mo once na natikman mo na ang Pagmamahal ko! Este, cookies pala!

-:-:-:-

“Hello, Chase!!!!”

“Anong ginagawa mo dito? Diba sa kabila ang building mo?!” sobrang gulat na gulat ang expression ni Chase ng nakita niya akong nakatayo sa harap niya, sa loob ng classroom nila, na nasa Engineering building. At dahil sa University na ito ay uso ang may uniform per Course/College, alam mo kung sino ang taga-labas ng Building niyo.

And because of my stalking, este, researching skills, nalaman ko ang section, classroom at schedule ni Chasie my Labs!

Nagulat ako ng makita kong mas madami ang bilang ng mga lalaki sa building nila. Totoo pala ang sinasabi nila na endangered species ang mga babae sa Engineering Building O_O Puro lalaki din ang mga kaklase ni Chase. Wala man lang isang babae. Kaya naman nung pumasok ako sa classroom nila, parang nakawalang mga Zoo Animal yung mga kaklase ni Chase.

Sa sobrang deprived nila sa babae, kahit ako na hindi kagandahan at ka-seksihan, eh pinagkakaguluhan nila -_-

“Woah woah woah, look who’s here. Yung manliligaw mo Chase nandito.” Umupo sa tabi niya si Mr. Tall, Dark and Handsome.  Sumunod naman sa tabi niya si Mr. Jolly Friend.

Kaklase pala niya yung dalawang alipores niya.

Let me correct that, dalawang nagsisigwapuhang alipores. Kulang na lang eh kumikinang ang buong katawan nila habang naglalakad sila eh.

“Masugid na manliligaw ha? Kahit na basted na, patuloy pa din sa panunuyo! So persistent, I like that.” Wow, for the first time, nakarinig din ako ng compliment sa mga kaibigan niya. Pero kelangan talagang i-emphasize yung part na na-basted ako no? “By the way, my name is Art. Arthur Pineda. And this guy beside me is Joshua.”

“Joshua Manzano. You can just call me Josh.”  Inilahad ni Josh aka ‘Mr. Talk, Dark and Handsome’ ang kamay niya as sign of shaking hands. Nakipag-shake hands naman ako sa kaniya, at ganun din kay Art.

At dahil alipores sila ni Chase, kailangan makuha ko din ang loob nila. Kailangan maging friends ko din sila! Magpapa-good shot ako. Kung kinakailangan na ligawan ko sila, gagawin ko din alang alang sa matamis na’Oo’ ni Chase!

“Hi Art, Hi Josh! Ako nga pala si Dash. Let’s be friends!” masaya kong bati sa kanila.

Umakbay sakin si Art aka ‘Mr. Jolly Friend’ at ngumiti ito sa akin, “Sure, why not Ms. Chaser.”

Chaser?!

“Ah sorry, naguguluhan ka siguro at tinawag kitang ‘Ms. Chaser’. ‘Ms. Chaser’ kasi hinahabol mo si Chase. ‘Chaser’. Gets?” pagpapaliwanag ni ni Art.

Ah, yun pala yun. =_=

“Ahhh ok. Pwede din. Pero someday iba na din ang matatawag niyo sa akin”  reply ko kay Art.

“At ano naman yun?” tanong naman ni Art sa akin.

“Mrs. Dash Villegas!” proud ko pang sinabi, with matching salute pa sa kanila.

“Ayos to ah. Ayoos kang fangirl ni Chase. Ayos kang maging kaibigan ah.” banat ni Josh.

Natawa naman sina Art at Josh. Napailing na lang si Art dahil sa sinabi ko. Lakas talaga ng confidence ko no? Pero atleast naka-good points ako sa kanila. Pwede daw akong maging kaibigan o! Kaibigan ng BFFs ng future husband ko!

“Since deprived kami sa babae dito sa building namin, palalagpasin pa ba namin ang pagkakataon na ito?” dugtong naman ni Josh.

Ngumiti lang ako sa kanila. Sus, if I know madami naman talaga silang kaibigang babae -_- mukha namang mga popular sa babae tong mga to eh.. Lalo na si Chasie my Labs <3

“Wow, may transfer student ba tayo? Bakit may naka-ibang uniform sa loob ng section natin?”

Nagulat ako ng biglang may nagsalita na babae sa likod ko. Pero mas malaki ang gulat ko ng makita ko kung sino ang babaeng nagsalita.

“Queenie?”

“You know me? Woah. Sikat pala ako kahit sa ibang college?” wow, hindi din medyo mahangin ang babaeng to eh no. -_-

“Uhh. No. Schoolmates tayo. You and Chase are 1 year ahead of me. I know you because salutatorian ka nung batch niyo.” kahit naaasar, pilit pa din akong ngumiti sa kaniya.

Hindi ko ine-expect na nandito si Queenie. Dahil matagal ko ng mahal si Chase, kilala ko din yung mga fangirls niya. At isa na doon si Queenie! Grabe, hanggang sa college ba naman, sinusundan niya si Chasie my Labs ko?!

“Oh sorry. I don’t remember you, even your face. But anyway, what are you doing here?” umupo ito sa katabing upuan ni Chase at lumingon sa kaniya. “Hi Chase! Good morning~”

Pfshh. Pa-cute. Plastic. -_-

Tumango naman sa kaniya si Chase. Arghhh!!! Mas lalo akong nainis kay Queenie! Hindi lang niya nahabol si Chase, naging friends pa sila. At mukhang close pa! Hmp!!!

“Queenie, siya yung kinukwento namin sayo ni Art kahapon na manliligaw ni Chase.” Salamat sa pagpapaalala, Josh. :|

“Oo. Siya nga yung pursigidong manliligaw ni Chase.” nakangiti pa sa akin si Art habang sinasabi ito sa mga kaibigan niya.

Hindi ko alam kung sincere ba yung mga ngiti na yun, o ngiting nang-aasar eh. Pero ayoko munang mag-assume, kaya I believe yung latter yun. Hindi ako makapaniwala na nakikipag-barkada sa mga ganito si Chase. Ang tino tino niyang tao eh!

“Oh! Ung nabasted sa gitna ng madaming tao? Siya pala yun!” salamat sa pag-e-emphasize na nabasted ako, Queenie. Ilang beses na bang napa-alala sa akin sa araw na ito na nabasted ako? At halata naman sa mga ngiti niya na masaya siya sa sinapit ko. Damn that b*tch. X(

Kalma lang Tiffy, kalma lang! Wag mong kalimutan na may pakay ka dito. At dahil dyan, kailangan mo ding makuha ang loob ng kaibigan ni Chase.

Pero wait, pagiisipan ko yung kay Queenie. Kaya ko pang kaibiganin sina Art at Josh eh. Pero Si Queenie, pagiisipan ko ng mabuti iyan.

Kahit sobrang asar na ako, pinilit ko pa din ang ngumiti. “Kaya nga pala ako nandito para ibigay sayo ito, Chase.” 

Iniabot ko sa kaniya yung cookies na binake ko kahapon. Tinitigan lang niya ito. Nung nakita ng mga kaklase nilang lalaki ang ginawa ko, lahat sila nag-hiyawan. Puro “Woooo” at “Ayieeeee” ang naririnig ko! Pero siya? As usual, wala pa din siyang sinasabi T^T

Yung dalawa niyang damuhong kaibigan, parang first time lang na nakakita ng cookies! Agad nilang kinuha yung box at binuksan. Mga bweset!!! Uunahan pa yata nilang matikman yun! Eh para kay Chase yun eh!!!

“Wow dude, ang cute ng cookies mo! May icing pang nakalagay oh!” excited na pinakita ni Josh kay Chase yung cookies. Tinignan lang ito ni Chase, pero di pa din siya nagrereact.

“I-♥-U C-H-A-S-E” binasa ni Art yung nakasulat sa cookies. Waah nakakahiya! Mas lalo tuloy naghiyawan yung mga kaklase nila.

Shet, sikat na ako sa section na to! Mukhang kailangan ko na din ligawan ang mga kaklase niya~ >_<

“Infairness dude, masarap yung cookies.” kumagat ng isang cookie si Josh. Nakita ko kung paano nag-crumble yung “D” sa ngipin niya. Waaah~ Ang puso ko naghuhurumentado na sa inis! Naunahan nila si Chase sa cookies ko!!!

“Oo nga! Ang sarap! Try mo din Queenie!” inalok ni Art yung kalahati ng cookie niya kay Queenie.

Why do I get this feeling na type ni Art si Queenie? Wala lang, feeling ko lang. Malakas kasi ang intuitions ko pag dating sa ganun eh.

“Masarap nga! Infairness Girl, may talent ka sa pag-bake ha.” ito pa lang ata yung natatanging comment ni Queenie na ikinatuwa ko sa araw na ito eh. “Guys, tikman niyo yung cookies, masarap!”

Isa-isang nagsilapitan ang mga kaklase ni Chase at tumikim sila sa ginawa kong cookies. Nang lahat sila ay nakatikim na, isa isa na din silang nagsibalikan sa mga table nila. Pero may mga ngiti sila sa labi ng nagsiupuan na sila sa kanilang mga pwesto. I guess pumasa sa kanila ang cookies ko.

Tinignan ko ang box ng cookies na kanina lang ay pinagkakaguluhan nila. Talaga namang nanlumo ako. Wala ng laman yung box na kanina lang ay puno pa.

Waaah! Wala ng natirang cookies para kay Chase!!! Nasarapan silang lahat sa gawa kong cookies kaya mabilis agad itong naubos. Kung alam ko lang, sana gumawa na ako ng madami T^T

“Wow, simot.” ang tanging nasabi na lang ni Art.

“Ehehe  kung alam ko lang na masasarapan kayo sa cookies ko, gumawa sana ako ng madami para lahat kayo makatikim.” nakangiti kong sinabi, pero deep inside naiinis na talaga ako. Nagpipigil lang talaga ako sa kanila.

“Gawa ka ulit next time ha!”
“Balik ka ulit!”
“Ang sarap ng cookie mo!”
“Patikim ulit ng cookie mo!”

Isa isang nagsihiyawan ang mga kaklase ni Chase. Medyo nawala ang inis ko sa kanila dahil mukhang sincere naman sila sa mga sinabi nia na nasarapan sila sa cookies ko. Aww, ang sweet.

Sige na nga, hindi na ako badtrip sa kanila. :3

“Okay! Next time gagawa ako ng madami para pati si Chase makatikim ng cookies ko. *u*” pagkasabi kong nun, humarap ulit ako kay Chase at ngumiti sa kaniya. Yung ngiting genuine. Yung ngiting nakakatunaw. Sana.

Biglang tumayo si Chase at lumapit ito sakin ng konti.

Sa sobrang lapit ng mukha niya, feeling ko sobrang pula ng mukha ko. Sobrang naginit ang pisngi ko dahil sa ginawa niya! Ngayon ko lang siya natitigan ng sobrang lapit. Sobrang nakakapanlunod ang mga mata niya. Bilugan.. ang ganda.

Ngumiti siya sakin. Shet, ang ngiti niyang yun, sobrang ganda! Napakaganda ng labi niya, ang sarap halikan!

OMG. Hindi ko inaasahan na effective ang ginawa ko! Kahit hindi niya natikman ang cookies ko, nakuha ko pa din ang loob niya!!!

“Akala mo ba madadala mo ako sa padala-dala mo ng pagkain?” still, with his monotone voice, ngayon lang siyang nagsalita. Ulit.

Kinilabutan ako sa sobrang lalim ng boses niya. Sobrang lalim, parang gustong magwala ng buong sistema ko. Ang sarap pakingan.

Pero parang may mali ata sa mga sinabi niya.

“Stalker.” pagkasabi niyang yun, tinulak niya ako papalayo sa kaniya at lumabas ito ng classroom.

Sh*t, fail pa din ang panliligaw ko! Este, ang panunuyo ko!! Nasabihan na akong desperate, nasamahan pa ng stalker! Waaah, mukhang mahihirapan akong makuha ang puso ng lalaking to ah!


============================================
[[ SHAMELESS PLUGGING ]]
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit | Love Charades
Say You Love Me | Wattpad Profile
*click on the link*
[♔] FROGPRINCESS [♔]
Ang Heartthrob at ang Pangit

dizzy gurl

  • taffy
  • ***
  • Posts: 370
  • Karma: +34/-4
  • You got me tipsy, baby!
    • You got me tipsy, baby!
Re: Say You Love Me
« Reply #4 on: June 01, 2014, 11:55:12 PM »

Punong puno ng nagsikalat na harina, asukal, kubyertos at kalat kalat na pan ang naabutan ni Mischa nung dumaan siya sa bahay namin.

Oo, sagad ako sa lungkot ngayon kaya napadami na naman ako ng bake. At as usual, masaya naman ang kaibigan ko dahil isa lang ang ibig sabihin nito para sa kaniya: MORE FOOD.

“Wow, ang dami mo na namang binake! And this time, may cupcakes na! Nag-cookies ka na, nag-cupcake ka pa.” masaya nitong bati sakin. Kakarating pa lang niya ng bahay, pero yung cupcakes ko agad ang una niyang nilapitan. Define “True Friend”. “Hulaan ko, nag-fail?”

“Sadista ka din no? Masaya kang nakikita talaga akong malungkot dahil alam mong magbabake ako ng sobrang dami ngayon.” Sinabi ko sa kaniya habang hindi ako nakatingin sa kaniya. Busy kasi akong naglalagay ng last batch of cupcakes sa oven.

Isa isa kong nilinis ang mga kalat ko at nang natangal ko na yung mga kalat, umupo ako at nakasalumbabang tumingin lang sa cellphone ko. Isa isa kong tinitignan yung pictures ni Mahal sa phone ko. Yun na nga lang ang natatanging oasis sa nadi-disyerto kong love life eh. Huhubels.

“Alam mo, di na akong nagtakang nasabihan kang stalker ni Chase. Eh ang dami niyang pictures sa phone mo eh!” meron pa siyang icing sa bibig niya habang nagsasalita. Grabe talaga sa katakawan tong bestfriend ko. -_-

“Eh bakit ba? Eh sa dito ko lang siya kayang titigan eh. Alangan namang titigan ko siya pag nagkita kami sa school. Edi nag-freak out yung Mahal ko. Kung pwede ko lang sanang gawin yun, matagal ko ng ginawa!” isa-isa kong tinitignan ang mga pictures ni Chase sa phone ko habang patuloy pa din ako sa pagrarant ko. Hai, makita ko lang pictures niya, natutunaw na ako.

Naamoy ko bigla yung cupcakes na binebake ko. Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisipan ko na din ang kumain. Kumuha ako ng isang piraso ng cookie. Masarap naman yung gawa ko, pero bakit ayaw siyang kainin ni Chase? D:

“Mischaaaa~ Anong gagawin ko? Ayaw talaga akong pansinin ni Chase. Huhuhuhuhu! Ni di man lang niya tinikman yung cookies na gawa ko. Eh masarap naman! :<“ nagsisimula na naman akong magdrama sa bestfriend ko.

Habang nagdadrama, tinitignan ko yung mga stolen shots ko ni Chase. Kahit yung super wacky candid shots, meron ako. Hindi ko dinelete! Hai. Sobrang lakas talaga ng tama ko sa lalaking yun. :’(

“Ano ba yan Tiffy! Pati yung pag-kamot ng ilong niya, meron ka! Bakit hindi mo na burahin mga yan? Ang pangit naman niya jan.” nasa tabi ko na ngayon si Mischa at tinitignan na din niya yung mga collection ng pictures ni Chasie my Labs.

Pakelaman daw ba mga trip kong pictures kay Chase? Ang cute kaya niya!

“No! Ayokong idelete! Kahit yung distorted and blurred pictures niya, nasakin pa!” agad kong nilayo yung cellphone ko sa kaniya. Feeling ko kasi idedelete niya yung collection ng pictures ko ni Chase eh!

“Wah! Grabe ka! Don’t tell me, meron ka din pati nung pagkakamot niya ng pwet, paglilinis ng ilong, and other awkward shots jan. -_-”

“Tada!”

“Wah! Meron ka nga!!!!” nanlaki ang mga mata ni Mischa ng pinakita ko sa kaniya yung laman ng “Embarassing Adorkable Chasie” folder sa phone ko.

“At hindi lang yan! Meron din ako nito!” may nilabas akong CD at isinalang ko ito sa DVD player namin. Kaka-start pa lang ng video, sobrang wagas na ng tawa ni Mischa.

“BWAAAAHAHAHAHAHA!!!! Si Chase ba talaga yan?! Yung naka-wig?! Yung nagpangap na Princess? Bwahahahaha!!!!” halos mangiyak-ngiyak si Mischa sa kakatawa. Ako naman eh nag-i-sparkle ang mga mata ko dahil sa maliban na sa magaling umarte si Chasie my Labs, ang ganda din niya sa suot niyang wig, make-up at gown. Kinikilig ako.

Pinanood ko kay Mischa yung video ko ni Chase na nakunan ko nung HS pa kami. Video iyon ng Play nila ng Org  na sinalihan niya Subdivision nila. Nagperform sila para sa mga Less Fortunate Kids nung panahong iyon.

Nang nalaman ko iyon mula sa isa sa mga reliable source ko, hindi ako nagdalawang isip na nanood ng play nila! Napakaswerte ko dahil open for all ang event. I got to watch the play ng walang hassle! :3

Dahil halos lahat sila ay lalaki sa Org na iyon, napagdesisyunan nilang gawing “Prinsesa” yung Mahal ko. At kung bakit hindi siya pumalag, who knows. Basta one thing’s for sure, maganda siya pag naging babae siya! <3 Sa sobrang daming beses ko ng napanood yung video, kabisado ko na yung mga lines niya.

"You have no idea how long I've dreamed of the day when we could be together."
"I wanna keep you in my life forever."
"I want you forever, forever and always. Through good and the bad and the ugly, we'll grow together. Forever and always."


“OMG, just like, how many time have you watched this video?” pagtatakang tanong sakin ni Mischa.

“Forever.” maikli kong sagot habang nag-di-dreamy eyes ako. Napailing na lang si Mischa sa sagot ko.

Kinuha ko ang mga pictures sa loob ng “Stash of Lovely Photos of my Chasie” Envelope at isa-isa ko itong inilatag sa harap ni Mischa. Mas lalo pa siyang natawa sa kaniyang mga nakita.

“Gee, Tiffy! Anong kalokohan to? Bakit hindi ko to alam??!! Hahahahaha! This is really funny! OMG, CHASE!” halos mangilid ngilid na ang luha nito sa kakatawa. Nakahawak pa ito sa tyan niya habang tumatawa. “Grabe, ang sakit talaga ng tyan ko dahil dito! Bwahahahaha!!!!”

“Ang ganda ni Chase no? I wonder kung ganito siya kaganda kapag naging babae siya…” iniangat ko ang isa sa mga favourite photo ko ni Chase – close up na candid shot niya na naka-smile siya habang ang dalawang kamay niya ay nakahawak malapit sa dibdib niya – at tinitigan ito.

“Shiz, ano kayang magiging reaction ng mga fangirls ni Chase kapag nakita nila tong mga pictures na to? Naku, baka masira ang reputasyon ni Chase. Bwahahahaha!” walang tigil pa din si Mischa sa pagpahid ng mga luha nito.

At sa sinabi na iyon ni Mischa, biglang may light bulb na nag-appear sa utak ko. Bigla akong may naisip na sa tingin ko ay may malaking chance of success!

“Mischa! Alam ko na! May naisip na akong plano para mapansin ako ni Chase! Hindi lang iyon, mas mapapadalas kaming magkasama.. mapapalapit pa ako sa kaniya!” excited kong sinabi sa kaniya.

Humanda ka Chase. Panigurado, wala kang takas ngayon sa  akin. Bwahahahahaha!!!!

-:-:-:-

With full confidence, pumasok ako sa classroom ng class 2EE-A at agad akong nagpunta sa table ni Chase.

“Hello!” masaya kong bati sa kaniya.

“Hi Ms. Chaser! May pagkain ba ulit kami?”
“Ms. Chaser, patikim ulit ng cookie mo!”
“Hahahahaha!”
CHASE: *ignores*

Keh. As usual, hindi niya ako pinansin -_- Cold! Buti pa mga kaklase niya sobrang hospitable sakin. Welcome na welcome ako sa section nila!

“Ui Cookie Girl, nandito ka ulit! Mukhang may pagkain ka ulit na dala ah.” bati sa akin ni Art. Teka, hindi Cookie Girl nickname ko! Nung isang araw, Ms. Chaser. Ngayon naman ay “Cookie Girl” na. Binyagan daw ba ako ng pangalan >_<

“Penge! Bitin yung last time eh!” singit naman ni Josh na busy pa din sa pagtetext. Malamang babae ang katext nun. -_-

“Oh, it’s you again. Kelan ka ba magsasawang kulitin si Chase?” argh! Nawala sa isip ko, nandito din pala sa klase na ito si Queenie!

Okay Tiffany, kalma ka lang. Kaibigan pa din sila ng taong mahal mo. Kalma lang!

Kahit labag sa puso ko, ngumiti pa din ako sa kanila at iniabot ko sa kanila yung cupcakes na binake ko kahapon. Sa sobrang dami ng na-bake ko, buong klase nila ay mabibigyan ko ng cookies and cupcakes. Kesa naman sa masayang lang at mapanis, naisip kong ibigay na lang sa kanila. Well, tactic na din yun para makuha ko ang mga loob nila.

“Nandito ako para bigyan kayo ng cupcake and cookies. Napadami kasi ang bake ko kahapon kaya naman naisipan ko kayong bigyan lahat. And pa-thank you ko din ito sa inyo dahil naging mabuti kayong kaklase ni Chase. Thanks for taking good care of him!”

After kong magsalita ay nag-bow ako sa harap nila, as a sign of my sincerest gratitude sa kanila.

Part pa din ng tactic ko yan para makuha ko ang loob nila. Muhahahaha!

#Paraparaan
#OplanMakeChaseFallInloveWithMe


After kong mag-speech ay isa-isa kong binigay sa kanila yung pagkain. Nakakataba din ng puso ang makita sila na nakangiti dahil sa pagkain na bigay ko. Yung iba naman hindi na makapaghintay, kinain na nila yung bigay kong cupcake. Sa awa naman ni Lard, lahat sila ay nasarapan sa binake ko. Kahit sina Art, Josh at Queenie ay nasarapan sa gawa ko.

“Chase, ito nga pala yung cupcake mo. Masarap yan. Tikman mo!” inilapag ko sa table niya yung cupcake ko.

Hindi siya nagsalita at tinignan lang niya ako. Medyo matagal niya akong tinitigan, mga 5 seconds! At tila nag-pause ang mundo ko dahil doon! Ang lalim ng mga titig niya sakin. Kya! Kinikilig ako XD

Maya maya ay hinawakan niya na yung box ng cupcake at binuksan nito ang box. Yes! OMG, mukhang kakainin na niya yung cupcake ko. This time, matitikman na niya ang binake ko!!!



NOT.

Tumayo ito at nagpunta sa may trash can. Nakita ko kung paano niya tinapon yung cupcake sa trash can. WAAAH!!! Bakit niya ginawa yun?! Ni hindi man lang niya natikman yung cupcake bago niya itapon! For the second time, dinurog niya ang puso ko sa ginawa niya!

“Ayoko ng kahit ano galing sayo.” Malamig niyang sagot sa akin.

“Dude, masarap yung cupcake. Subukan mo kayang tikman.”  go Art! Ipagtangol mo ako sa kaibigan mong malamig pa sa yelo!

“Oo nga. Even I agree with Art. Masarap yung cookies and cupcake na ginawa ni Dash.” kahit pa naiinis ako kay Queenie, masaya ako nung sinabi niya iyon. Go Queenie!

“Kung di mo kakainin, sana binigay mo na lang sa akin.” may panghihinayang sa boses ni Josh. Aww. Ang lakas ng cupcake ko sa kanila ha, infairness.

“Okay lang, may extra pa naman akong dala *u*” kinuha ko yung spare cupcake at ipinatong ko ito sa lamesa niya.

And for the 2nd time, tumayo siya ulit at tinapon ang cupcake sa trash can. At dahil nakutuban ko na din na mangyayari ito, gumawa ako ng madaming spare cupcake! Nagpatong ulit ako sa lamesa niya. Itatapon niya. Magpapatong ulit ako. Itatapon niya. Mga naka-limang cupcake din kami na nasayang.

Pinigilan na kami ni Josh dahil napansin niyang nakakaraming tapon na ng cupcake si Chase. “Woah woah woah dude! Wag kang magsayang ng pagkain. Ang daming batang nagugutom oh. Tapos nagsasayang ka lang?”

“Pag ba kumain ako, hindi na ba magugutom yung mga bata?” mas malamig pa sa kanina ang tono ng boses ngayon ni Chase. Wah! Nakakatakot, pero nakakakilig! Ang lalim kasi ng boses niya. Huuu~

#FangirlMode

“Hai, Chase. Fine. Kung ayaw mo nung cupcake, wag mong itapon. Ibigay mo na lang sakin. Sayang eh.” sinukuan na ni Josh si Chase. Bumalik na siya sa table nito at tahimik na lang niya na kinain yung cupcake niya.

Inilabas ko ung huling natitirang cupcake sa paperbag at inilapag koi to sa table ni Chase. Huling spare cupcake ko na iyon. Wag na sana niyang itapon dahil fudge, ang mahal ng ingredients no! Grabe siya kung magsayang ng pagkain! >_< Nanghihinayang din ako sa mga tinatapon niyang cupcakes. Hindi lang nadudurog puso ko dahil sa pang-i-ignore niya sakin eh, nanghihinayang din ako sa perang ginastos ko sa cupcakes na walang puso niyang tinatapon. Huhuhu!

“Chase, last spare cupcake ko na to. Wag mo na sanang itapon to, please?” pagsusumamo ko sa kaniya. Please lang, wag niya na sanang itapon to. T^T

“Josh, sayo na to.” Pinatong niya sa table ni Josh yung cupcake.

Wenk. Hindi nga niya tinapon, pinamigay naman niya T_T well, mas okay na siguro yun kesa itapon niya yung cupcake.

Kakasimula pa lang ng school year, ilang beses na niyang dinudurog ang puso ko ha. Ang dami ko ng rejections na nakukuha mula sa kaniya. What more pa kaya sa mga susunod na buwan pa? Hmp. Dibale, sa naisip kong idea, ewan ko na lang kung makapalag pa tong lalaking to. Mapapansin niya ako, sa ayaw niya at sa gusto!

“Ahm Chase, pwede ba kitang makausap saglit? Kung okay lang sayo, sa labas tayo mag-usap.” tanong ko sa kaniya.

“Kung yung cookies at cupcake mo nga, hindi ko tinangap, sa tingin mo papayag akong sumama sayo? Hindi ka din makulit no? Makiramdam ka nga. Ayoko sayo!” ang lakas ng pagkakasabi niya, lalo na yung sa huling part. Narinig tuloy ng buong klase nila na ayaw niya sa akin :< At ni hindi man lang niya akong kayang tignan sa mga mata ko!

Pero di ako susuko! Hindi ko siya susukuan. Nandito na ako eh. Nasa harap ko na siya. 5 years kong kinimkim to, kaya hindi ko siya susukuan!

"You have no idea how long I've dreamed of the day when we could be together."

Nagsimula akong mag-recite ng mga linya niya. Napatingin siya nung una sa akin. Para bang iniisip niya kung namalik-rinig ba siya. Pero wala pang 5 seconds, inalis niya agad ang tingin niya sa akin.

"I wanna keep you in my life forever."

Nagsalita ulit ako. And this time, tinitigan na niya ako ng sobrang tagal. Kahit na kinikilig ako sa titig niyang iyon sa akin, hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pag-re-recite ng mga lines niya doon sa play nila!

"I want you forever, forever and always…”

Nakatingin pa din sa akin si Chase. Kahit yung tatlong niyang kaibigan ay nakatingin lang din sakin. Malamang sa alamang, clueless sila sa mga sinasabi ko. Pero one thing’s for sure, it caught Chase’s attention.

Yes, his attention. Finally, nakatingin na siya sa akin!

“Oi oi oi, bakit mo alam yan?!” nagkaroon ng halong kaba sa tono ng boses ni Chase, something na bago lang sa panrinig ko! Madalas kasi ay monotone ang boses niya kapag kausap niya ako.

Aha! Effective ngang talaga itong ginagawa ko!

Nagpatuloy pa ako sa pag-rerecite ng mga lines na for sure, ay pinilit na niyang ibinaon sa limot. Pero dahil desperado akong mapansin niya ako, ipinapaalala ko ulit sa kaniya yung masamang nakaraan na pinipilit na niyang kalimutan.

“Through good and the bad and the ugly…”

“Oi, itigil mo yan!” biglang nagtaas ng boses si Chase. Natoon na naman sa amin ang atensyon ng mga kaklase niya. At dahil doon, lalo siyang nagpanic. Alam kasi niyang kapag nagpatuloy pa ako sa pagsasalita, maririnig ito ng mga kaklase niya.

“We'll grow together…”

“Sinabing itigil mo na yan eh!” mas impatient na ngayon ang boses niya. Natatakot ako, pero nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Last resort ko na ito! Pag hindi pa ito gumana, hindi ko na alam ang gagawin ko!!

“Forev--”

“Halika na nga!” hindi na niya ako pinatapos sa pagrerecite ko. Hinawakan niya ako sa kamay ko at walang pagdadalawang isip na hinatak palabas ng classroom…




YES! EFFECTIVE ANG GINAWA KO!!! Finally, kasama ko na ngayon si Chase.. at kami lang dalawa ang magkasama ngayon! Makakausap ko na siya!


============================================
[[ SHAMELESS PLUGGING ]]
Frog Princess: Ang Heartthrob at ang Pangit | Love Charades
Say You Love Me | Wattpad Profile
*click on the link*
[♔] FROGPRINCESS [♔]
Ang Heartthrob at ang Pangit

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Happy (almost) Halloween!

by: kaye, 2014-10-26

Fun Fact: Halloween is my favorite not-holiday. Every year, my sisters and I veg out on the couch with a gratuitous amount of candy and junk food, and a queue of classic spooky-but-not-scary...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved