Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Make sure to read the House Rules before posting anything!



Author Topic: My 100 shout-out with Mr. Invisible! *Letter 3: Do You Want to Build a Snowman?*  (Read 677 times)

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4961
  • Karma: +257/-31
  • Teacher/Blogger/Full time Dreamer
Letter 1:

Dear Mr. Invisible,

Yes I call you Mr. Invisible.  You may or might not know me. I'm writing this letter to cheer you up so if I haven't see that smile of yours, I'll continue to write.  ;)

 

Yours truly,

Z

 


"Uy girl, anong ginagawa mo diyan?"

"Ah eto?" Mabilis kung nilapit sa ibang page ng blank paper. "Notes lang!" ;)

"May test ba tayo?"

"Wala naman, next week pa yata."

"Okay... Tara practice raw tayo for the cheerdance competition next week sabi ni Ate Lea."

"Sige, susunod na lang ako. May kailangan lang akong gawin."
:)
"Antayin ka namin ha."

Tumayo ako agad at kumaripas ng takbo papalabas ng classroom.

 


Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan. Coast is clear, Z! Huminga ako ng malalim at hinalikan yung puting papel bago hinulog sa maliit na butas.

 

First shout-out: Mission accomplished!
« Last Edit: April 16, 2014, 11:22:29 PM by Ramona »
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

acousticophobia

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: My 100 shout-out with Mr. Invisible!
« Reply #1 on: April 04, 2014, 12:47:40 AM »
tas meron palang nakakita sa kanya  ::) hahaha
Hi! :)
uhm do you happen to be the writer of Theater Play?  :D

-C

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 468
  • Karma: +104/-13
  • Charge Nurse / Bibliophile / Dream Catcher
Re: My 100 shout-out with Mr. Invisible!
« Reply #2 on: April 04, 2014, 03:13:29 AM »
Hello Ate Pau! Sana tanda mo pa ako, nagbabalik ang makulit na si ako! Support ko ito  ;)
Certified Teentalker.

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4961
  • Karma: +257/-31
  • Teacher/Blogger/Full time Dreamer
Re: My 100 shout-out with Mr. Invisible! (Letter 2: I'm not a STALKER!)
« Reply #3 on: April 05, 2014, 09:42:43 AM »
tas meron palang nakakita sa kanya  ::) hahaha
Hi! :)
uhm do you happen to be the writer of Theater Play?  :D

-C

Hi! Pau here. Yes, I'm the writer of Theater Play. Thank you. Hope you like my next update! :) Yay for you!

Hello Ate Pau! Sana tanda mo pa ako, nagbabalik ang makulit na si ako! Support ko ito  ;)

My oh my! Yes I remember you! But OMG may memory gap na ang lola mo. Hihi... Please remind me of your name. Thank you for supporting my stories. :) Yay for you too!



"Zinnia Mai!"

Napamulat agad ako ng mata.

"Bumangon ka na diyan!"


"Nakatayo na po Nana!"

Sinuot ko na yung fluffy slippers ko bago humarap sa salamin at ngumiti.  ;)

"Good morning Z!" Pinisil-pisil ko yung pisngi ko sa pamamagitan ng daliri ko. It's my everyday habit. Pampagising ko sa sarili. ;)

I did a little bit of stretching before I went out of my room.  My little brother and Dada are already sitting on the dinning area.

"Si Nana?"

"Ayun sinasabihan na naman si Manang." Si Dada ang sumagot.

Umupo na ako sa trono ko. "Zayne may nabalitaan ako ha."

Unti-unting napatingin sa akin yung kapatid ko na kanina lang ay busy sa paglalaro ng Flappy Bird . Napalingon na rin sa akin si Dada.

"Ano na naman ang nasagap ng radar mo Atsi?"

"Niligawan mo raw si Moira."


Nanlaki ang mata ni Zayne at napaubo naman si Dada. :o  "Wala naman masama dun Atsi." :-[

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung malapit lang ako sa kanya, piningot ko yung tainga niya.

"Moira is same as my age. Isa pa, she's a playgirl!"

Imbes na ang kapatid ko ang sumagot, sumingit si Dada. "Hayaan mo na siya Zinnia."

"Da, masasaktan lang siya!" :-\

 

"Sinong masasaktan?" ???

Nagpalit ng tingin si Nana sa aming tatlo. "Wala Nana, kumain na lang po tayo ng breakfast."

Si Zayne na ang sumagot na napatingin muna ng masama sa akin. Hindi pa tayo tapos lil brother! Hindi ako papayag na saktan ka ni Moira! At lalo na sa kabaliwan mo sa mortal enemy ko!

 

 

"Parang abot IONOSPHEREna ang kilay mo, Zin."

Naglalakad na kami ni Fior, ang ever so reliable kong classmate sa school ground.

"Ha?" ???

Tinuro ni Fior ang mukha ko. "Ano bang nagpapagulo diyan sa brain cells mo?"

Napabuntung-hininga ako, "In-love si Zayne."

"Wow naman! Binata na ang kapatid mo!"

"Hindi nakakatuwa yun."

"Kasi inunahan ka niya?" Oh bakit napunta sa akin ang issue?

"Wala naman sa akin kaso kung magkaroon ng girlfriend si Zayne. Ang problema nga lang, he is courting the wrong person!"

"Sino ba kasi ang nililigawan?

"Ang EX-BESTFRIEND ko lang naman."
>:(

Muntik ng matapilok si Fior sa nakausling ugat ng puno. Buti na lang nahawakan ko ang kamay niya.

"Sa dinami-dami pa naman, si Moira talaga ang nagustuhan ni Zayne.  So ano ng gagawin mo? For sure may plano ka na."


"May plano na nga ako pero I have to think about it. You are going to help me just in case I need one right?"

Tumango siya sa akin at ngumiti. "Oo naman, back-up mo parati ako Zin." :)

Ayokong mag-away kami ni Zayne pero sa puntong ito magiging KONTRABIDANG ATE muna ang role ko. This is for his own good naman.

 

 

Letter 2:

Dear Mr. Invisible,

It's me again. I know what you are thinking. I'm not a STALKER.  I just want you to feel that there is someone out there, who wants you to be happy. I hate seeing people sad. So care to share your huge smile to the world? ;)

 

P.S. I found out about your locker number by accident.
  :-[

 

Yours truly,

Z
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 468
  • Karma: +104/-13
  • Charge Nurse / Bibliophile / Dream Catcher
Re: My 100 shout-out with Mr. Invisible! (Letter 2: I'm not a STALKER!)
« Reply #4 on: April 05, 2014, 07:45:33 PM »
Ate si leigh po ito. :)

Anong nangyare at naging mag EX-bestfriend si Z at si Moira? Kelan kaya lalabas si Mr. Invisible? ^.^ ang kulit ng name ni Z :)
Certified Teentalker.

acousticophobia

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 7
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
Re: My 100 shout-out with Mr. Invisible! (Letter 2: I'm not a STALKER!)
« Reply #5 on: April 06, 2014, 09:28:41 PM »
OMG I'm a huge fan of theater play! :) buong-buo ang highschool life ko dahil sa mga stories na yun. Pinaiyak ako nina Rafael at Luisa hihi nagfafangirl na naman ako :D Antagal kong nawala dito sa teentalk, pagbalik ko iba na :( di na katulad dati. Buti nalang nagpopost kapa din ng stories mo dito ate. keep it up!  :-*

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4961
  • Karma: +257/-31
  • Teacher/Blogger/Full time Dreamer
Ate si leigh po ito. :)

Anong nangyare at naging mag EX-bestfriend si Z at si Moira? Kelan kaya lalabas si Mr. Invisible? ^.^ ang kulit ng name ni Z :)

Abangan natin yan. ha ha... Thanks Leigh!  ;)

OMG I'm a huge fan of theater play! :) buong-buo ang highschool life ko dahil sa mga stories na yun. Pinaiyak ako nina Rafael at Luisa hihi nagfafangirl na naman ako :D Antagal kong nawala dito sa teentalk, pagbalik ko iba na :( di na katulad dati. Buti nalang nagpopost kapa din ng stories mo dito ate. keep it up!  :-*

Ha ha...  Same here. Hihi... You make me feel old. Thank you.  ;)



"Lampa! Payatot!"

Yun ang mga palayaw ko nung grade school. Tuwing P.E. time, ako ang favorite subject ng mga kaklase ko lalo na kapag nakatalikod ang teacher namin.  :(

"Nagtry-out ka raw sa Highschool Cheerleading?"  ???

"Weh! Di nga! Yan si Lampa nagtry-out?" :o

"Di ka na nahiya! Magiging talunan ang school natin dahil sa iyo!"
>:(

Ilan lang yan sa mga binatong pang-aasar sa akin na tiniis ko. Laking pasasalamat ko na rin sa kanila dahil kung hindi nila ako 'na-bully', I was not challenge to be the best. Before graduation, I practiced hard for the Highschool Cheerleading. Araw-araw nagtiyaga ako na magpraktis na sumayaw kahit kaliwa ang paa ko. Kumain ako ng marami at nag-ehersisyo talaga ako.

The day of the try-out was the last day of our final examination.

Kahit pagod at stress pa sa test, present lahat ng 'fans' ko.  Pumuwesto pa talaga sila sa gitna. :(

Kabadong-kabado ako habang nasa back stage palang at ng tinawag yung pangalan ko parang gusto ko ng magback-out.

"Ayan na si Zinnia classmates! Let's cheer her up!" :D

Nagtawanan yung mga kaklase ko habang papalabas ako ng stage.

"Go Zin!" Si Ate Lea, ang nag-iisang taong kinuhanan ko ng lakas ng loob habang naglalakad ako papunta sa gitna.

Tatlong cheerleaders mula sa sa Pink Fighting Angels ang hurado para sa mga nag-aaudition. Nakakaba yung tingin nila sa akin. Parang nanghihina tuloy ang mga tuhod ko.

"Wow! You got a lot of fans!"

"Oo nga, hinakot mo yung mga kaklase mo ha."


Napangiti ako sa dalawang cheerleaders, sina Ate Lilly, ang kilalang cheerleader dahil na rin sa pagiging honor student at Ate Vanessa, ang crush ng bayan. Ang pinakalider ng PFA na si Ate Rhia, napatango lang sa akin bago sumigaw na, "Let's get started!"

Napapikit ako bago huminga ng malalim at nag-umpisa na sa audition.

 

"Zin!!!" Mahigpit akong niyakap ni Ate Lea. "Wow! Ang galing ng stunt mo! Where did you learn that?"

Nahihiyang napangiti ako sa kanya. "Sa napanood ko pong video sa Youtube."

"We haven't done that! For sure Rhia would love to try it for our next competition!"

Pagkatapos nga lang sabihan yun ni Ate Lea ay lumapit na sa amin si Ate Rhia.

 

"We haven't make the official announcement but you are in. Congratulations!"

 

At yun ang pinakamagandang balita ang narinig ko bago ang graduation day. 8) Anong nangyari sa mga kaklase ko?

Simula ng araw na yun, no one bullied me.  Nabigla pa ako sa 'sorry speech' na ginawa nila bago kami magkahiwalay-hiwalay.

Some of them are still my classmates but most, lumipat na ng ibang school.

When I reached my first year high school, I became an INSTANT SCHOOL CELEBRITY. Pinalabas sa buong school ang naging audition ko, ang dating lampa at binu-bully nagkaroon ng followers at fan club.

I became the POPULAR CHEERLEADING DANCER.Did I became someone? Hindi, ako pa rin ang simpleng si Zinnia Mai. ;)

Si Ate Lea na ang pumalit kay Ate Rhia at maugong ang balita sa cheerleading team namin na ako na raw ang papalit sa trono ni Ate Lea pagka-graduate niya. I'm flattered but I don't want to assume lalo pa't kakaumpisa pa lang ng junior life ko. :) Isa pa, marami pa akong susuotin na sapatos bago ko maabot ang galing ni Ate Lea.

 

"Zin gusto ka raw makausap ni Coach." Katatapos lang ng praktis namin at kasalukuyang nasa locker room ako.

"Ano pong meron Ate Lea?" Kibit-balikat lang ang sagot niya.

Pinuntahan ko na si Coach Kath na nakatayo sa labas ng gym.

"May sasabihan raw po kayo Coach."

Nagulat ako ng may inabot siya sa aking RED CARD. Parang naalala ko tuloy ang pagbabalik ng Meteor Garden. Mayroon akong 'your dead!' na red card?

Magtatanong sana ako ng inunahan akong magsalita ni Coach. "May loko-lokong nag-iwan niyan sa faculty table ko. I think that's for you."

Nagpasalamat ako kay Coach at humingi na rin ng pasensiya sa abala. Kinuha ko agad yung gamit ko sa locker room at tumakbo na papauwi.



When I reached home, I immediately checked the card. May nakasulat dun, ang initial ko na 'Z'. Kaya siguro na-assume ni Coach na para sa akin.

Teka lang, isa lang ang ginagamitan ko ng initial na yun ha! Si Mr. Invisible! :o Galing kaya ito sa kanya? ???

Kinabahan ako bigla. Bakit niya nilagay ito sa table ni Coach? ??? Alam ka niya ako ang nagsusulat sa kanya? :-X

"Z!!! Ang tanga-tang mo!" Di ko napigilan na ipalo yung red card sa noo ko. :'(

Nabigla ako ng may biglang nahulog na PUTING PAPEL.

 

Z,

 


The world is sometimes not a happy place to live in. Then why  do I need to smile?

 

P.S. What's your locker number?

 

Mr. Invisible

 

 

OMG!!! Sinulatan ako ni Mr. Invisible! :o :D
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 468
  • Karma: +104/-13
  • Charge Nurse / Bibliophile / Dream Catcher
You should smile because of ME! yan ang sagot Z! ahahah ako pa ang kinilig para sayo Zinnia :>
Yan naman ang lesson para sa mga nambubully ;) Job Well Done Z!
Certified Teentalker.

Ramona

  • peanut butter cup
  • *****
  • Posts: 4961
  • Karma: +257/-31
  • Teacher/Blogger/Full time Dreamer
You should smile because of ME! yan ang sagot Z! ahahah ako pa ang kinilig para sayo Zinnia :>
Yan naman ang lesson para sa mga nambubully ;) Job Well Done Z!

Ha ha... Nice one Leigh. Thank you.  ;)



Buti na lang walang pasok kinabukasan dahil kung hindi, di ko alam kung paano sasagutin ang letter ni Mr. Invisible.

Hindi ko naman inaasahan na susulat siya. :-\

"Atsi, lutang ka na naman. Ano ng isasalang ko?"

Napalingon ako sa kapatid ko na nasa harap na ng t.v. Ang weekend bonding namin magkapatid, DVD marathon. Ang Sabado ay para sa mga type ni Zayne. Sumabog lang naman ang utak ko sa The Fast and the Furious series. Yun lang naman ang pinanood ko buong maghapon kahapon. Ngayon linggo, ako naman ang taya. Time to pay back!  ;)

Tumayo ako sa sofa at lumapit sa DVD compilation namin. Originals lahat yun, hindi fan ng pekeng cds si Dada.

"Eto na lang!" At inabot ko sa kanya ang limang movies na napili ko.

Nalukot yung mukha ni Zayne. "Atsi papatayin mo ba ako sa buryong? Bakit puro FAIRYTALES ang pinili mo?" >:(

Natawa talaga ako sa reaksyon ng kapatid ko. Kung may video camera lang ako, na-youtube ko na yung hitsura niya at baka magkaroon pa siya ng million views.  ;)

"Zayne, hindi ako nagreklamo sa movies mo kahapon at pinagtiyagaan kong panoorin lahat yun."

Humalukipkip siya bago niya sinalang yung Sleeping Beauty. Wala pa sa kalahati ng movie ay nakatulog na si Zayne. Kaya naman ng natapos ang pelikula ay ako na ang nagpalit. Cinderella ang sinunod ko. Ang all time favorite fairytale story ni Nana.  Lunch time ng ginising ko si Zayne.

"Snow White? Pang-ilan na yan Atsi?"

"Pangatlo. Kumain ka na ng tanghalian, tapos na ako."

Napatango siya bago umupo sa may dinning table at binanatan ang kaldereta ni Nana. Pagkatapos niyang kumain ay milagrong naghugas siya ng pinagkainan namin. Ayaw talagang manood ng fairytale movies! :D

Tangled ang sunod na pinanood ko. 2nd time ko pa lang mapapanood itong movie na ito. Hindi ko siya na-appreciate noong una kasi puro spoiler si Fior.

Nagulat ako ng biglang sumulpot sa tabi ko si Zayne.

"Anong movie yan Atsi?"

"Frozen."

"Ayan pala yung pinagkakagulahan ng mga kaklase kong babae. Binging-bingi na kami sa Let It Go na kinakanta nila."

Natawa na naman ako sa komento ni Zayne.  ;D Halos lahat naman yata ng tao alam na alam na yung kanta na yun.

Nasa parte na kami ng kumakanta si Anna ng Do You Want to Build a Snowman ng sumagi sa isip ko si Mr. Invisible.

"Oh Atsi saan ka pupunta?"

"May kukunin lang ako sa kwarto."  At kumaripas ako ng takbo papasok sa kwarto ko.

Ni-lock ko agad yung pintuan, kinuha ko yung notebook at nag-umpisang magsulat.

 

Letter 3:

Dear Mr. Invisible,


Do you like watching movies? I do! I'm currently watching one with my sibling. I remembered you while seeing a particular scene. What do you think of snow? If ever, do you want to build a snowman? Listen to that song. It will surely perk you up.  ;)

Let me know if you like it.

 

P.S. It is number 24.

 

Yours truly,

Z

 

 
MY STORIES: MUL2 TP3 TMW2

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

7 Unedible Things in Life that are Almost as Sweet as Cupcakes*

by: marla, 2014-10-01

1. A fluffy puppy's adorable waddle run—especially when he's welcoming you home after a long day 2. Friends who won't always take your side, but will always be BY your side 3....

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved