Please login or register.

Login with username, password and session length
 

News:

Want to know the latest about your favorite teen celebs? Check out Candy Buzz



Author Topic: Playing Destiny with the Playboy  (Read 474 times)

insanelyimmature

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +1/-0
  • daydreamer
    • My Watty
Playing Destiny with the Playboy
« on: March 18, 2014, 02:27:36 AM »
Playing Destiny
with the Playboy

"Faster!" Sigaw ko.
"Malapit na ako!" Sigaw naman ni Robin.
It's not what you think . . .



All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.
« Last Edit: April 09, 2014, 05:37:55 PM by insanelyimmature »

insanelyimmature

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +1/-0
  • daydreamer
    • My Watty
Prologue:
« Reply #1 on: April 09, 2014, 05:45:58 PM »
Prologue:

I have this weird feeling that someone from above is enjoying playing with my love life. How did I get to that conclusion? Eh kasi para ng iasng pelikula yung kwento ko. Ever since I was a kid pinapangarap ko nang magkaroon ng love story na gaya ng mga napapanuod ko sa big screen. But those were all fairytales. Ngayon, sana simpleng love story nalang ang meron ako.
"Faster!" Sigaw ko sa TV screen.
"Malapit na ako!" Sigaw naman ni Robin.
I slapped his hand kaya nahulog yung hawak niyang controller ng PS3. "Ang daya mo!" Angal ni Robin. Andito ako ngayon sa condo unit niya, playing a few laps of Need for Speed sa PS3 niya.
Tumalon ako sa kama with a huge grin on my face. "Panalo ako!" Pag mamayabang ko.
Tumalon din siya sa kama and pinned me down tapos kiniliti ako.
Hindi ko mapigilan yung tawa ko. "Tama na! Maiihi ako dito sa kama mo bahala ka." Banta ko at doon lang tumigil si Robin pero naka patong padin siya saakin.
I was staring at his beautiful chocolate brown eyes. Nararamdaman ko yung hinga niya sa tip ng ilong ko as he exhaled. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko and kissed me. A kiss filled with love and lust at the same time.
Mali. Pero kahit na mali ito, andito padin ako. Kumakapit padin ako. Kahit na sinasabihan na nila ako na "ang tanga mo", minahal ko padin siya. Kahit sobrang sakit na, pilit padin akong ngumingiti at sinasabing "malalagpasan ko to" kasi sa kabila ng lahat, pinag tagpo ulit kami ng destiny.

That must mean something, right?

hugz_n_kissez

  • taffy
  • ***
  • Posts: 468
  • Karma: +104/-13
  • Charge Nurse / Bibliophile / Dream Catcher
Re: Playing Destiny with the Playboy
« Reply #2 on: April 10, 2014, 12:30:01 AM »
Hi sis! leigh nga pala :)

nako! ayan na si Destiny na mapaglaro. Gusto ko yung nilalaro nila :D iba talaga ang epekto kapag MAHAL mo ang isang tao (mahal agad-agad? ahaha ) kahit na anong sabi nila na mali o kung ano pa. gogora ka! looking forward sa next update mo sis :)
Certified Teentalker.

insanelyimmature

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +1/-0
  • daydreamer
    • My Watty
Game 1:
« Reply #3 on: April 11, 2014, 04:40:06 PM »
Hi sis! leigh nga pala :)

nako! ayan na si Destiny na mapaglaro. Gusto ko yung nilalaro nila :D iba talaga ang epekto kapag MAHAL mo ang isang tao (mahal agad-agad? ahaha ) kahit na anong sabi nila na mali o kung ano pa. gogora ka! looking forward sa next update mo sis :)

Waah, salamat po sa pag comment! :)


Game 1:

ISANA CARDONA

Naka higa lang ako sa kama looking up at the ceiling kahit wala naman akong nakikita. Nakapatay lahat ng ilaw sa kwarto ko and for some reason, I liked it that way.
I've always wanted to start a story with once upon a time. Kaso hindi naman fairytale ang kwento na ito, this story is about reality. Isang mundo kung saan hindi madaling maghanap ng Fairy Godmother na biglang lilitaw whenever you need help at ng isang Prince Charming who would sweep you off your feet sa unang araw palang na pag kikita niyo. Isang mundo kung saan hindi madaling madistinguish kung sino ang bad guy. Hindi na sila pangit or naka cape na black, minsan sila pa yung pogi or yung nakakapag patawa sayo or yung...
Makakapag pahulog sayo.
Pumikit ako. I was cocooned with my sheets trying to escape reality, kahit konting oras lang. Hoping na sana pag labas ko dito bago na ako. Like a caterpillar turning into a beautiful butterfly. Why is it so hard to move on ba?
"Douchebag."
Napa dilat yung mga mata ko and I sat up straight on my bed nang marinig ko ang boses ni Kuya na naka sandal sa door frame ng kwarto. I rolled my eyes at him. Panira ng magandang pag mumuni-muni ko dito sa loob ng kwarto eh. Feel na feel ko pa yung dilim, nasilaw tuloy ako when he turned the lights on.
"Maka douchebag ka naman diyan." I huffed.
"Tss. Tara na, nagluto si Mommy ng breakfast." Tumayo na ako mula sa kama at sinundan si Kuya pababa ng hagdanan and walked towards the dining area. Nakita ko doon si Mommy na naka tayo at may hawak hawak na isang plato that was filled with bacon and eggs. Dumating naman si Dad at niyakap niya si Mom from behind.
"Ang bango naman niyan." Sabi ni Dad at nilagay niya ang mukha niya sa leeg ni Mommy. Tapos bigla silang nag kiss. Right in front of me. What the fudge?
"Eew!" Sigaw ko sa kanilang dalawa tapos tumawa sila. Wow, tawanan pa daw ako. Si Kuya umiling iling nalang.
By the way, Ako si Isana Cardona pero Ice ang tawag sakin ng marami for short. I'm a freshie taking up Communication Arts sa Sinclair Citi College.
Habang kumakain kami ng usual breakfast namin every Saturday morning bigla namang nag ring yung phone ko at nagsi tinginan sila sakin. Bawal kasi mag cellphone kapag nasa dining area kami. Sinilip ko yung caller ID at nakitang si Miranda pala yung tumatawag, my college friend.
"Mabilis lang to." Sabi ko tapos sinagot ko na yung tawag.
"Girl, asan ka na? May HTML workshop tayo kay Sir ngayon."
"Ay fudge cakes, oonga pala. Thanks napa-alala mo. Mag aayos lang ako." I answered. How could I forget? Ice naman eh.
"Okay, bilisan mo."
Nilapag ko na ulit yung phone ko sa lamesa and finished my breakfast as fast as I could.
"Aalis ka?" Tanong ni Dad.
I nodded my head. "Nakalimutan ko na may HTML workshop nga pala kami ngayon."
"HTML workshop. Gigimik lang yan Dad." Sabi ni Kuya.
Tinignan ko siya ng masama. "It's eight in the morning, Baka nga gimik ang puntahan ko."
"Sige na mag ayos ka na at baka ma late ka pa." Sabi ni Mom tapos binigyan si Kuya ng stop-it-look.
Hindi lilipas ang isang araw na hindi ako na aasar ng kumag kong Kuya. But even though he loves pestering me, close kami ni Kuya and I love that douche.
   
   
"Girl!" Tawag sakin ni Miranda ng makita niya akong nag lalakad papalapit sa kanya. "Tara na. Nag sisimula na daw sila eh."
"Sorry, nakalimutan ko talaga na may workshop nga pala ngayon." I apologized habang naglalakad kami ng mabilis papunta sa computer lab that was unfortunately down the end of the hall. It was quite far.
Pagpasok namin sa loob ang dami ng tao. Sir Alvin stopped mid stences at humarap samin. "Dali at humanap na kayo ng mauupuan."
Tumingin ako sa buong lab at napa buntong hininga. "No choice," sabi ni Miranda kasi yung tanging bakanteng upuan ay malayo sa isa't isa.
Umupo na ako sa tabi ng isang lalaki, si Robin Acosta. Lagi ko siyang nakikita sa campus. Pakalat kalat lagi sa hallway. Hindi kami friends, we're not even acquaintances. Ni hindi ko pa siya nakakausap ever. Pero si Miranda, naka usap na niya si Robin. Nagka textan pa nga sila at some point before. Dahil yun sa isang kaibigan ni Miranda na walang bukang bibig kung hindi si Robin. She's Robin's girlfriend kasi.
Nag simula na si Sir Alvin sa pag turo ng HTML at ako naman nag browse lang ako ng Facebook account. Marunong na kasi ako kahit papano mag HTML because of my addiction to Tumblr back in my high school days. Mag damag akong nasa tapat ng computer designing my own theme. Napatingin bigla ako sa tabi ko dahil parang nasense ko na may naka tingin sakin. And I was right.
Naka tingin sakin si Robin. Hindi din siya gumagawa ng HTML.
"Bakit?" Tanong ko sakanya na mediyo naka taas ang kilay. First word na nasabi ko sakanya.
Umiling siya. "Wala lang." First words naman na sinabi niya sakin.
Weird. To be honest though, may itsura naman si Robin. Kaya siguro madaming nagkakagusto sakanya, ultimo mga high school students kinikilig sakanya kapag dumadaan siya sa building nila. Tall, white, and lanky. Kaso hindi siya yung tipo ko ng lalaki. Ayoko kasi ng maputi, gusto ko yung mediyo moreno. Yung parang...yung parang ex-boyfriend ko.
Here I go again. I shook my head at bumalik nalang sa pag scroll down ng news feed. Ngayon ko na nga lang ata ulit nabuksan ito eh, hindi naman kasi ako mahilig mag Facebook. Well, actually hindi ako masyado mahilig makipag communicate sa mga tao. I guess I'm just fond of being by myslef. That probably makes me a loner.
"Mr. Acosta, nakay Ms. Cardona ba ang HTML na ginagawa mo?" Saway ni Sir Alvin at nag si bulungan na yung mga students na kasama sa loob ng lab. Chismis nanaman to.
Naramdaman kong nag salubong ang kilay ko. Bakit ba kasi siya tingin ng tingin sa ginagawa ko? Wala ba siyang FB?
"Mag break nalang nga muna kayo. Mukhang distracted na si Mr. Acosta eh."
Tumayo na kaagad ako, walked out of the computer lab at lumapit kay Miranda na naka tayo sa may staircase.
"Ano namang meron kay Kuya Robin?" Tanong ni Miranda. Oh yeah, Kuya namin si Robin kasi sophomore na siya taking up Information Technology.
I shrugged. "Ewan ko dun. Ngayon lang ata yun naka kita ng FB eh."
Tumawa si Miranda. "Baka naman kasi hindi siya sa FB mo na amaze. Baka naman sayo siya na mangha." Lalong lumakas yung tawa niya. "Narealize niya siguro na mas maganda ang katabi niya kesa sa girlfriend niya."
Ako naman ang natawa. "Ang mean naman Bes."
"Ewan ko nga kung sila ba talaga ni Robin eh, kasi naman hindi ko naman sila nakikitang mag kasama. Puro lang siya kwento."
Umiling ako. "Wag na nga natin sila problemahin."
"Correct!" Miranda agreed.
Pumunta kami ni Miranda sa canteen at bumili ng water at ng makakain na din dahil nabitin ako sa kinain kong breakfast kanina. Pagkatapos ng ten minute break namin, bumalik na kami sa loob ng computer lab para sa next session ng workshop. Umupo na ako sa pwesto ko at sumunod naman si Miranda since wala pa si Sir. Hawak hawak niya yung iPad niya tapos may naka drawing. Pinakita niya ito kay Robin na naka upo na sa tabi ko. Pang asar talaga kahit kelan tong si Miranda.
♥J
Nagsalubong yung kilay ni Robin. "J?"
Ngumiti si Miranda. "Sino pa ba girlfriend mo, edi si Jana."
Biglang pumasok na si Sir kaya nag si balikan na yung mga students sa kanya kanyang upuan. Nag simula na yung second part ng workshop at ako naman tuloy padin sa pag check ng news feed ko, pero this time gumagawa na din ako nung pinapagawa ni Sir Alvin. Sabi niya kasi na ichecheck daw niya yung mga ginawa namin pagkatapos, kaya walang takas.
Napansin ko padin na naka tingin sakin si Robin kaya humarap ako sakanya at tinaasan siya ng kilay. Hindi siya nag salita, humarap nalang siya sa computer niya at gumawa na din ng HTML. What's his problem?
Inabot kami ng hapon sa workshop na yun. Paglabas namin ni Miranda sa computer lab agad na kaming nag lakad palabas ng college building.
"Uuwi ka na ba?" Tanong ko kay Miranda.
Tumingin siya sakin. "Ikaw ba uuwi ka na?"
"Ibalik daw ba sakin yung tanong."
"Eh kasi kung hindi ka pa uuwi, gusto mo sumama sakin sa Malibu." Sabi ni Miranda with ha huge grin on her face.
Inirapan ko siya ng pabiro. "Uuwi na ako."
"Ang KJ mo talaga. Dali na gimik tayo."
Umiling ako. "Alam mo namang hindi ko hilig ang pag party eh."
"Wala sa itsura mo. Your red lips says otherwise."
"Shut up. Wag mo pakielaman labi ko."
Then my phone suddenly vibrated. I took it out from my pocket at tigninan kung sino ang nag message.
   
From: Liam
    Liligawan ko na siya Isana! :)

   
It's like everything crashed for the second time. I wanted to cry, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Tapos Miranda snapped her fingers sa harapan ko. "Earth to Ice, hello?"
I blinked twice tapos tumingin sakanya. "Tara let's go to Malibu." I said without even thinking.
Pumalakpak si Miranda. "Yun oh."
There's no backing out.
Masakit. Kahit na ilang buwan na ang naka lipas, ang sakit padin.
   
END of the 1st GAME

MiniKyeopta

  • chocolate rocks
  • *
  • Posts: 14
  • Karma: +1/-0
  • TeenTalker
    • Wattpad
Re: Playing Destiny with the Playboy
« Reply #4 on: April 11, 2014, 05:14:05 PM »
Ganda ng 1st chapter :)) keep up the good work  ;)

insanelyimmature

  • sugar drops
  • *
  • Posts: 25
  • Karma: +1/-0
  • daydreamer
    • My Watty
Re: Playing Destiny with the Playboy
« Reply #5 on: April 11, 2014, 05:26:48 PM »
Ganda ng 1st chapter :)) keep up the good work  ;)

Salamat po! :)

 

ADVERTISEMENT
Get your weekly dose of Candy straight to your inbox!
Subscribe to Candy and get 15% off on your subscription!
subscribe
Get Candy on your mobile devices by subscribing to the digital version monthly!
digital version
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT

CANDY BLOG

Class Act

by: marla, 2014-10-24

Okay, okay: we know this blog has been looking more like a food blog than a lifestyle/fashion/beauty blog lately. But we can't help it—the universe just keeps showering us with delicious...

ADVERTISEMENT
About | Advertise | Register | Contact | Subscribe
Our Privacy Policy | Terms of Service
© 2013 Candymag.com, All Rights Reserved